Tuesday, January 18, 2011

Pagbigyan mo na 'ko.

Malapit na ko. Malapit naa… ang birthday ko. Yes yes yow, angYOW will be celebrating his 18th birthday on February 18. Fine! Bente na ako nun, di ko matanggap na pangalawang dekada ko na sa MothaEarth at number 2 na ang simula ng edad ko. Ako na in denial! Bilangin natin pabalik ha? Dahil February ako pinanganak, sa malamang mga mid o late May 1990 ako pinagpaguran ni Mudra at Pudra. Summer na summer kung anung pagpapainit pa ginawa nila kaya hindi ako nagtataka kung bakit ang hot ko. [Diretso kong sinabi yun, walang joke]

Pang-lima na akong produkto ng labing-labing nila Mudra at Pudra at akala nila ako na ang huli. Nah-ah! Lumalaban pa si Ama, pak na pak pa rin at humabol ng isa pang menopausal bebe. Unfortunately, hindi tuloy ako ang todo pampered na bunso. Bunso din naman pala ako.. bunsong lalaki. At hindi napamper, lampin!

Sabi nila, kulang kulang daw ang pinanganak ng February. Base ito sa sobrang taas na kaalaman na kulang ng dalawang araw ang 28 days nito para maging isang buwan. Ang taas! Saan bang gawi ang kulang? Last check ko naman nung naliligo ako, buong buo ako, sobra pa nga. Gusto mo tignan mo pa. :]
At heto na nga, isang buwan na lang mula ngayon ay birthday ko na.

Mahalaga ang buwan ng Pebrero sa akin dahil napakadaming kaganapan dito. Bukod sa Araw ng Cabanatuan, the city of tricycles and carbon monoxide pollution, at bukod din sa Anibersaryo ng Edsa 1 revolution, nasabi ko na bang birthday ko din ng February? Parang nasabi ko na ata. Pero bukod na din talaga sa birthday ko, may isa pang magbibirthday… si Sophie. :] May halong landi?!

Last na, bukod sa birthday ko at birthday ni Sophie :) ay birthday din ng Its YOW time. Mga Madlang Pipol, mag-iisang taon na ang bahay ko na ‘to sa February 21. Isang taon na tayong naglolokohan at nagpaplastikan sa comment box at chat box ko b*tches! At salamas dahil kasama ko kayo sa loob ng isang taon na yun. [teary-eyed-nessmently]

Oh? Napakahabang intro na niyan. Let’s go direct to the point. Pahingi naman ng PICTURE GREETING, birthday gift mo na lang sa akin at anniversary gift mo sa bahay ko. Isa lang para sa dalawang okasyon. :] Hindi ako magmamakaawa at sasabihing ngayon lang naman ako hihingi ng pabor, mahirap bang pagbigyan yun? Ayoko ring sabihin pa at bulyawan kayo na minuto lang naman ang kailangan sa pagkuha ng picture niyo tapos titipahan ng pagbati, tapos send niyo sa email ko tapos tapos na. Ayoko talagang mangunsensya pa! Ayoko. Gusto ko bukal sa puso ang pagsesend niyo mga mahal na mahal, nag-gagandahan/nag-gagwapuhan at mga talentadong mga TRUE online friends ko. :]

Send niyo na lang sa itsyowtime@gmail.com ang picture greeting ha? Hanggang February 16 ang deadline. Ayoko sana manghingi dahil baka wala o iisa ang magsend, pero di bale na. Kapag nag-iisa ang nagsend, gagawan ko pa din ng video ang picture niya at mapupuno ng mukha niya ang 10-minute Taebo video sa birthday ko. Maraming Salamas Madlang Pips! Pak!

Lumuluha ng dugo at nakaluhod na nagsasabing “I’m begging” na,

Wednesday, January 12, 2011

Hi!

Hello!

Happy New Year everyone! Sinong magsasabing late ng dalawang lingo ang bati ko? Haha. At least nag-abiso ako na after two weeks na ang balik ko. At least bumabati pa din. At least… I’m baaaack! And stuff eet, don’t say it. Alam kong hindi mo ko namiss. :-)

Nagulat ako, as in HAA?!, pag-gising ko 2011 na. Nag-paalam na pala si 2010, hindi man lang nagsasabi. Ang dami pa naman namin pinagdaanan. Sa intro pa lang, tunog pagbabalik-tanaw na sa nakaraan ang tinutumbok ko. Kaya tumbukin na natin, samahan niyo ang mag-time machine para sa aking 2010. Hayaan niyo na, kunwari madaming na-achieve, kunwari sikat. Yes!

January 2010.
·         Walang gaanong nangyari, kaya wala akong masabi kundi..

February 2010.
·         Yow turned 16. Sweet 16 pa lang ako at sadyang bata, mura at sariwa pa. Biglang tumunog ang alarm, nagising ako.  Kumuha ng calculator at nagminus ng 1991 sa 2010. Ayshet, 19 pala. Sabi na nga ba eh di ako sure sa panaginip ko.  Sorry naman. :)
·         Naisipan ng Yow na magbalik-loob sa blogging at poof! Sumingaw ang Its YOW time na naglalayong magprovide ng mababasa para kay Ungaz at Greta lamang. Anu ba namang malay ko na may iba pa palang pwedeng makabasa?  At dun nagsimula ang alamat ng pak!

March 2010.
·         Natapos ang aking ikatlong taon sa Nursing, nagblog ng medyo madalas-dalas tapos..

April 2010.
·         Start ng Manila affiliation. Tumambay muna ang Yow saglit sa Mental hospital na sobrang at-home ako at sa Philippine Orthopedics Center na lahat ng tao eh nakasabit with their fractured kasu-kasuan.

May 2010.
·         Busy ako. Kaya wala man lang ako kahit isang nai-blog. Kasi busy ako.
·         Umuwi ang Ate ko from esteyts at nag-world tour kami. World of Filipinos --- the Philippines. Di ako nagkwento kahit isa dahil tinatamad ako at dahil happiness lang yung mga moment na yun.  Sinimulan namin ang paglalayag ng may Anemic white skin pa me at natapos na naging Kalabawish black. Wala akong inupload na picture nun. :-|
·         Umuwi ang Ate ko para magmove-on sa not-so-perfect married life niya. Naghiwalay sila ng asawa niyang slight masama ang ugali kaya umuwi para maglibang at lumimot. Hanggang sa last day niya dito ay epektib ang pagpapasaya namin sa kanya at nakamove on na daw siya. Kaya naman pagbalik niya sa America, matapos ang isang linggo, nagkita sila ng asawa niya ulit. Taas-noo ay… nakipagbalikan ito at ngayon nga’y buntis sa ikatlo nilang anak. Yung totoo Ate?! Yung totoo lang naman. Pambihira ka mag-move on.

June 2010.
·         Back to school para sa huling taon ng aking kolehiyo. I’m shooo exshayted. Gagraduate na me. :)
·         Nagkaroon ng bagong pelpong matapos ipadukot yung isa. Brand new 1100 with malfunctioning flashlight. Minsan, magblututan tayo!

July 2010.
·         Mayabong ang buhay pag-ibig ko. Ikalawang taon na ng kagaguhan. Ako na in love!
·         Nasimulang mapansin ang aking blog ng hindi ko alam kung paano. Ni hindi ako madalas mag-iwan ng bakas noon sa binabasa kong blog pero naligaw si Glentot dito sa Its YOW time. Nakaka-overwhelm madalaw ng isang idol. Nakanaman.

August 2010.
·         Ewan ko kung anung nangyari pero natatawa ako sa mga nabasa kong comments. Nadagdagan ang bumabasa ng blog ko, from 2 naging 3. Nakakapressure ang fame!
·         Nakisampa na din sa bahay ko si Jepoy The Famous. Nahiya ako dahil tagabasa niya lang talaga me. Overwhelming ulit. Napatumbling din ako kay Ate Salbe na nagpapansin talaga ako para mapansin. Epektib naman! Napansin ang Yow.

September 2010.
·         Nanggugulat ang Jepoy at isinama ako sa listahan niya ng Blogger of the Month. Nakakagulat dahil parang hindi naman bukal sa puso ang pagbibigay. Haha. Joke lang. Pero nakakatuwa pala mapasama sa listahan niya dahil nag-level-up ang dumadalaw sa bahay ng Yow. Nagkaroon na din ako ng followers. Mula sa 3 readers, naging 8 na. Yes! Salamas Sir Jepoy. Mahirap mang aminin pero naambunan nga ako ng kasikatan mo. Matapos ma-feature ng Yow sa blog ni Jeps, bumagsak ang career niya dahil nawalan ng credibility.

October 2010.
·         Gamit ang mabokang salita at sagad sa butong pang-uuto, nagoyo ako kasama si Ungaz at Greta ni Jepoy at Glentot na makipagmeet sa kanila. Birthday daw ni Jepoy at imbayted kami na di naman namin pinaniwalaan agad. Sa huli, nakipagmeet pa din kami kay Glentot at Jepoy na mga nauna naming idol sa blogging. Salamas sa experience. In fairness, hindi namin nagamit ang pinahasa naming ice-pick para kung sakaling pumapatay pala yung dalawa eh may pangdepensa man lang. Kasama pala si Kikilabotz din nun. Ang masayahin at lively na si Marvin.
·         Matapos ang dalawang taon at mahigit, nawalan na ng bebe ang Yow. Pero nabuksan ang isang bagong landian. Hindi siya ang dahilan ng hiwalayan.

November 2010.
·         Sa aking pagninilay-nilay tungkol sa aking buhay, nagawaran ko ng award ang aking sarili. Trip trip na lang din pero well-deserve ko naman lalo na ang Best in Hiatus award. More hiatus coming…

December 2010.
·         Masaya kahit natigil na ang landian. Pansamantala lang pala. Amp. Akala ko pag-ibig na ulit eh.
·         Masaya ang Pasko at pagsalubong sa bagong taon.
·         Masaya dahil natapos ang taon ko ng blessed na blessed.

Ganun ganun lang natapos ang 2010 and here comes 2011. Salamat sa lahat ng naging parte ng isang makabuluhang taon ko. Salamat sa hanggang ngayon eh nakikipaglokohan pa sa akin at napapabasa pa din ng blog ko. Thank you sa mga follow at comments na sobra kong naa-appreciate. Masipag ako magbasa at magpunta sa mga blog, tamad lang talaga minsan magblog kaya lahat kayo na nadadaan ay sisikapin ko ding puntahan. Samahan niyo ulit ang YOW sa panibagong taon nato. Kung ayaw niyo sumama, maiwan ka! May moo-moo diyan. Hige ka!

Taon ko tong 2011 kaya sa susunod na magbalik-tanaw ako, mas madami ako maikukwento. O pano ba yan? Kita-kita na lang sa susunod na taon. Total Hiatus mode turn ON. Pak!

Charrr..