Wednesday, March 30, 2011

Second Life

Mula sa school para makauwi sa aming bahay, kailangan kong sumakay ng isang jeep at isang tricycle. Ito ang pinakamabilis na paraan para maiuwi ko na agad ang kadalasang hapong hapo, gamit na gamit at lantang-gulay kong katawang lupa.

Isang nakakapagod na maghapon ang lumipas at ako’y pauwi na. Sumakay ako ng jeep at nagsimula ang byahe ko pauwi.  Sa inaraw-araw ng pagbyahe ko, bilang ang araw na hindi ako nakakatulog sa jeep. Hindi ko alam kung anung meron sa pag-andar ng jeep kung bakit ang sarap nitong tulugan. Kebs na sa pag-head bang kay Ate at Koyang katabi ko o sa pag-nganga ko ng walang bukas at sa pagtitinginan ng mga ka-joyride ko, basta masarap matulog sa jeep. Pagkagising, sakto! Nasa kanto na ako. Sakay naman ng trike.

One time, around 6:30 PM, sakay ako ng trike pauwi sa amin. Isang madilim na palayan ang dadaanan mo papunta sa amin. Yeah, sooo provincial. Yung tipong rape scene sa pelikula ni Anabelle noon at mga tapunan ng chop-chop lady o anything that you prefer na pang Imbestigador ang datingan. May history ng holdapan, patayan, barilan at aksidente din ang daan na yun. In short, friendly road! Siya naa.. ang tunay na stairway to heaven.

Habang mabilis ang takbo ng Bajaj (brand ng motor) ni Manong driver, may sapal na earphone ang tenga ko at nageenjoy sa pakikinig sa I. Papin jukebox playlist ko. Biglang nag-traffic sa isang part ng kalsada papasok sa aming barangay.

“Koya, bakit? Anung nangyari? Bakit traffic?” pang-uusisa ng Yow. “Eh may prusisyon, lumalakad yung poon papunta sa kapilya niyo.”

Sosyal ang poon sa amin at may pagkachoosy. Kapag bored na siya eh lumilipat ng lugar at yun nga ang nangyayari nun. Iikot daw ang poon sa lahat ng barangay, barangay tour ito mala-bruno mars. Nakisilip ako at dumungaw ng konti, nakahinto nga ang lahat ng sasakyan. Napabaling ako sa tricycle din na nasa harap namin. Open ang likod ng sidecar nito kaya kinausap ako nung sakay na babae.

“Ikaw ba yung pumapara kanina sa sabana?” banat ni Ate na itago na lang natin sa tawag na ATE. Naguguluhan naman ako sa tanong niya pero sige pa rin ako ng tango kahit hindi ko nagets. Ang alam ko kasi, sa kanto ako sumakay hindi sa sabana. At sa pagkakaalam ko din, galing ako ng school at hindi ako nagharvest ng palay. Kaya bakit ako mapupunta ng sabana? Tinanong din ni Ate ang Koya na driver ng sinasakyan ko kung may nakita daw ba siya na pumapara sa mahabang palayan pauwi sa amin. Wala din nakita ang Koya.

Pinalipat ako ni Koyang driver sa sinasakyan ni Ate at magkapitbahay lang naman kami. Yung isa na lang daw ang maghahatid sa akin para makabalik pa siya sa kanto at makakuha ng sakay.  Lipat naman daw ako at lalo akong nausisa ni Ate.

“Wala ba kayong nakita?” tanong niya sa akin at sa driver namin. “Akala ko ikaw na yung pumapara na yun at naka-asul na damit at nakamaong din eh.” Naka-blue polo ako at naka-pants that time. Shet, ako nga ata yun? Pero hindi.. I’m not from the sabana!

“Wala po akong nakita eh, tsaka sa kanto po ako sumakay” pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Eh hindi ba ikaw yun? May lalaki kasi sa palayan kanina, nakaluhod sa gilid ng daan tapos nakataas yung kamay parang pumapara, parang may inaabot, parang kinukuha kami” kwento ni Ate sabay demonstrate.
Dun na ako na-creepy-han sa sinasabi ni Ate. Hindi na nga ako talaga yun at hinding hindi me luluhod sa kalsada. Sa lahat naman ng lugar, alam ko pa rin ang tamang lugar para magdasal.. sa library! Ayaw lumubay ni Ate at salita pa rin ng salita. Meron daw talagang tao dun, sayang daw hindi niya natulungan. Mabait si Ate kung tutuusin pero gusto ko ng supalpalan ng basahan ang mouth niya to make her tigil kasi I’m getting paranoid na.

Napatingala ako at nagsalita sa isip: “Lord, eto na ba yun? Senyales na ba ito na kukuhain mo na me? I’m not yet ready, nakaporma po ako ngayon, wag ngayon. Nagsisisi na me and I promise to change na Lord.” Napa-repent ako bigla at nag-confess ng ilang kasalanan. Ganun ako naapektuhan ni Ate. Kumpleto rekado na, may poon sa harap ko at may nakakita ng kaluluwa kong nanghihingi ng tulong. Ganyan agad ang naiconclude ko. Shetness. Sinong hindi mapraning diyan? At isang kaepalan ang nag-save sa akin.

“May taong sumemplang sa mga palay dun sa sabana. Tumurit yung motor, nireport ko na sa barangay hall nila dun. Natakot akong lapitan, siguro lasing” pagkakalat ng chismis ng driver sa nasa likod ng kararating lang na motor. Bigla akong nakahinga ng maluwag, akala ko kaluluwa ko na yun at nagpapakita ng kahihinatnan ko sa isang aksidente. Pambihira na yun! Nakauwi ako ng maluwag at si Ate, pagbaba, pinagkakalat pa din ang chismis. It’s HER already.

This is my second life. I will be good this time.

Kanina, magpaplantsa ako ng uniform na isusuot ko bukas. Hinahanap ko ang plantsa namin.

“Zetlog, nasan yung plantsa?” that’s me asking. “Ayy. Eh nasira ni Auntie nung pinagplantsa tayo. Nasira daw yung cord pero nasa labas ata, ingatan mo na lang yung cord” ang babala ng aking kapatid.

Kinuha ko ang plantsa at hinanap ang sira. Mukhang nadaganan yung cord at nalapnos ito. Lumabas ang mga wires. Pero kebs pa din sa akin at tumira pa din ako ng plantsa. Nakatapos ako ng isang pares ng uniform ng biglang… Boogsh! Happy New Year!!! Nag-ala fountain ang hayop na cord, nag-spark ng many times at nag-apoy ng major. Ang twist sa nangyayari? Habang hawak ko at angat-angat ko ang plantsa. Ganun sana, simple pero rock! Simple pero astig! Simpleng buwis-buhay!

Pagkalapag ko sa Pakabayo y Vice Ganda namin, tumigil ang walang hiya! Kinapa ko ang sarili ko at buhay pa din naman ako. Hindi nasayang ang maganda ko sanang contribution sa human population. Hayy buhay.

This is my second life. I will be very good this time.

Bilang pagsulit sa nasalba kong buhay, tutuparin ko na ulit ang hindi ko pa nagagawang pangarap. Ang pangarap kong maging batugan. Makapag-hiatus nga ng bongga like there’s no tomorrow! Try ko lang minsan. Parang cool eh. Pak!