Saturday, February 18, 2012

It's a Bouncing Baby Boy!

Sa mga hindi nakakaalam, isa akong sisiwa --- hindi ko alam ang etymology pero iyan ang Filipino word for a nurse. Hindi ko kailan man naisip na ito ang magiging propesyon ko pero hindi ko rin naman pinagsisisihan na ito ang tinapos ko. Nursing is a noble profession. Bilang mga nars, saksi tayo sa dalawa sa pinakamalaking kaganapan sa buhay ng lahat ng tao --- ang simula at wakas ng buhay. Kaya sa likod ng unang pag-iyak ng mga sanggol na matagumpay na nailuwal at sa mapayapang paglisan ng ilan nating minamahal, kadalasan ay may sisiwang nakaalalay.


Hindi ko kinaya ang lalim at pormal na pagtatagalog ko sa intro.


Ang totoo niyan ay may iku-kwento lang naman akong kwento na naikwento sa akin. Tungkol kasi sa isang nurse ang kwentong ito na iku-kwento ko na naikwento lang sa akin. Itago na lang natin siya sa pangalang Joann --- Nurse Joann.


Si Joann ay galing sa isang mahirap na pamilya. Ang tatay niya ay isang sorbetero, minsan ay suma-sideline bilang karpintero at ang nanay niya ay nasa bahay lamang para asikasuhin silang apat na magkakapatid. Pinilit itaguyod ng mag-asawa si Joann sa kursong nursing dahil alam nilang magiging malaking tulong ito sa kanilang pamilya. Forchir College na si Joann ng sa hindi inaasahang pangyayari, makalipas ang siyam na taon, muling nag-dalang-tao ang kanyang ina for the 5th time. Mas na-fressure tuloy makatapos ng pag-aaral si Joann dahil siya ang panganay. Sa kanya nakapasan ang mabigat na responsibilidad na unang makatapos ng pag-aaral para suportahan ang kanyang pamilya. Buti na lang at kaunting tumbling na lang ay degree-holder na siya. 


Isa siya sa unang batch ng nursing sa isang baguhang kolehiyo mula sa malayong probinsya. Dahil nga forchir na siya, sa special areas na sila ng hospital pinagdu-duty para makakumpleto ng cases na gagamitin nila sa board exam. Sa buong buwan ng February, sa Labor Room/Delivery Room ng isang regional public hospital siya naka-assign.


Gabi ng Linggo, ika-17 ng Pebrero 1991, nakaduty si Joann ng biglang may ipasok sa kanyang area na hindi niya inaasahan. Isinugod ang kanyang ina na uma-active labor. Kitang kita ang sakit sa mukha nito dahil sa palapit na paglabas ng ika-lima niyang anak. Kinabahan si Joann sa mga pangyayari. Pagkatapos bihisan, dinala na sa loob ng LR ang Nanay niya para maobserbahan at hintayin mag-crowning. Isa na ito sa pinakamahirap na naranasan ni Joann bilang isang estudyante, lahat ng sakit na nararamdaman ng Nanay niya ay parang nararamdaman din niya. Oo, nakiki-feel siya sa contraction kaya nakikipagsabayan din daw siya sa pag-iyak ng Nanay niya. Iba daw sa kanilang magkakapatid ang ika-limang sanggol na iyon na papalabas pa lamang. Sinaksakan na ng gamot pampa-induce ng labor, pampa-soften ng cervix at pam-pacontract ng uterus, ayaw patinag ni baby. Parang nag-eenjoy pa daw at umiikot-ikot pa sa tiyan ang baby (na visible ang pag-galaw sa abdomen --- creepy, right?) kaya naman "aray! aray! naku... oohh" ang sabi ng Nanay ni Joann. Isang malikot na bata, may future yan!


Hating-gabi na ng sa wakas ay napagod mag-lilikot ang bata at nag-decide na siyang lumabas. Si Joann ang piniling mag-assist sa doctor para mag-panganak ng kanyang clinical instructor sa sarili niyang nanay. #ThatAwkwardMoment when you're about to see your Mom's pwerta. Nananadya si Ma'am! Sino ngayon ang sisisihin pag may maling nagawa? Walang iba kundi ang tense na tense at mukhang nagle-labor din na si Joann. Isang mahusay na estudyante si Joann pero sa pagkakataong ito, bukod sa mag-mukhang nagle-labor, pangangatog lang ng tuhod ang alam niya. Matapos ang isang mahabang pag-ire, nakalabas din ang baby.


Baby's out @ 1:35 AM, February 18, 1991. It's a bouncing baby boy!


Laking ginhawa ng nakita ni Joann ang kanyang bagong silang na kapatid. Mas lalo siyang naging masaya dahil sa nakikita niyang tuwa sa mata ng kanyang ina. Isa na nga sa pinakamasaya at hindi makakalimutan na ala-ala para kay Joann ang karanasan na iyon noong siya's nag-aaral pa. Nasa tabi siya ng kanyang ina habang ito'y naghihirap sa sakit, tumulong siya sa proseso ng pagpapanganak sa kanyang kapatid, siya ang unang nakakita ng kagwapuhan ng noo'y bunso nila at higit sa lahat, nakita niya kung saan din siya nanggaling. Yan ang experience!


Dahil siya na lang din naman ang nandoon at hindi na kayang sumagot ng kanyang ina, sinamantala na ni Joann ang pagkakataon sa pagpapangalan ng bagong-silang niyang kapatid.


Daniel Joshua --- yan ang ibinigay na pangalan ni Joann. Nanggaling at isinunod sa dalawang libro sa bible. Panigurado kay bait na bata nito paglaki.


- The End -


Ang kwentong ito ay naganap sa tunay na buhay... ko!


Yow: Dear Ate Joann, look at me now! I've grown-up as a good person. Kay linis ng budhi, tama ang iyong sinabi. Thank you sa pag-alalay kay Mother dear noong ako'y kanyang iniire, mukhang wala ka naman ginawang mali dahil hindi naman nasira ang ayos ng aking mukha. Good job! At hindi ako makapaniwala, ikaw pa pala ang unang nakakita ng buo kong pagkatao. I felt violated! LOL. Buti na lang hindi naka-describe sa kwento. Thank you and I love you. :)