Saturday, February 18, 2012

It's a Bouncing Baby Boy!

Sa mga hindi nakakaalam, isa akong sisiwa --- hindi ko alam ang etymology pero iyan ang Filipino word for a nurse. Hindi ko kailan man naisip na ito ang magiging propesyon ko pero hindi ko rin naman pinagsisisihan na ito ang tinapos ko. Nursing is a noble profession. Bilang mga nars, saksi tayo sa dalawa sa pinakamalaking kaganapan sa buhay ng lahat ng tao --- ang simula at wakas ng buhay. Kaya sa likod ng unang pag-iyak ng mga sanggol na matagumpay na nailuwal at sa mapayapang paglisan ng ilan nating minamahal, kadalasan ay may sisiwang nakaalalay.


Hindi ko kinaya ang lalim at pormal na pagtatagalog ko sa intro.


Ang totoo niyan ay may iku-kwento lang naman akong kwento na naikwento sa akin. Tungkol kasi sa isang nurse ang kwentong ito na iku-kwento ko na naikwento lang sa akin. Itago na lang natin siya sa pangalang Joann --- Nurse Joann.


Si Joann ay galing sa isang mahirap na pamilya. Ang tatay niya ay isang sorbetero, minsan ay suma-sideline bilang karpintero at ang nanay niya ay nasa bahay lamang para asikasuhin silang apat na magkakapatid. Pinilit itaguyod ng mag-asawa si Joann sa kursong nursing dahil alam nilang magiging malaking tulong ito sa kanilang pamilya. Forchir College na si Joann ng sa hindi inaasahang pangyayari, makalipas ang siyam na taon, muling nag-dalang-tao ang kanyang ina for the 5th time. Mas na-fressure tuloy makatapos ng pag-aaral si Joann dahil siya ang panganay. Sa kanya nakapasan ang mabigat na responsibilidad na unang makatapos ng pag-aaral para suportahan ang kanyang pamilya. Buti na lang at kaunting tumbling na lang ay degree-holder na siya. 


Isa siya sa unang batch ng nursing sa isang baguhang kolehiyo mula sa malayong probinsya. Dahil nga forchir na siya, sa special areas na sila ng hospital pinagdu-duty para makakumpleto ng cases na gagamitin nila sa board exam. Sa buong buwan ng February, sa Labor Room/Delivery Room ng isang regional public hospital siya naka-assign.


Gabi ng Linggo, ika-17 ng Pebrero 1991, nakaduty si Joann ng biglang may ipasok sa kanyang area na hindi niya inaasahan. Isinugod ang kanyang ina na uma-active labor. Kitang kita ang sakit sa mukha nito dahil sa palapit na paglabas ng ika-lima niyang anak. Kinabahan si Joann sa mga pangyayari. Pagkatapos bihisan, dinala na sa loob ng LR ang Nanay niya para maobserbahan at hintayin mag-crowning. Isa na ito sa pinakamahirap na naranasan ni Joann bilang isang estudyante, lahat ng sakit na nararamdaman ng Nanay niya ay parang nararamdaman din niya. Oo, nakiki-feel siya sa contraction kaya nakikipagsabayan din daw siya sa pag-iyak ng Nanay niya. Iba daw sa kanilang magkakapatid ang ika-limang sanggol na iyon na papalabas pa lamang. Sinaksakan na ng gamot pampa-induce ng labor, pampa-soften ng cervix at pam-pacontract ng uterus, ayaw patinag ni baby. Parang nag-eenjoy pa daw at umiikot-ikot pa sa tiyan ang baby (na visible ang pag-galaw sa abdomen --- creepy, right?) kaya naman "aray! aray! naku... oohh" ang sabi ng Nanay ni Joann. Isang malikot na bata, may future yan!


Hating-gabi na ng sa wakas ay napagod mag-lilikot ang bata at nag-decide na siyang lumabas. Si Joann ang piniling mag-assist sa doctor para mag-panganak ng kanyang clinical instructor sa sarili niyang nanay. #ThatAwkwardMoment when you're about to see your Mom's pwerta. Nananadya si Ma'am! Sino ngayon ang sisisihin pag may maling nagawa? Walang iba kundi ang tense na tense at mukhang nagle-labor din na si Joann. Isang mahusay na estudyante si Joann pero sa pagkakataong ito, bukod sa mag-mukhang nagle-labor, pangangatog lang ng tuhod ang alam niya. Matapos ang isang mahabang pag-ire, nakalabas din ang baby.


Baby's out @ 1:35 AM, February 18, 1991. It's a bouncing baby boy!


Laking ginhawa ng nakita ni Joann ang kanyang bagong silang na kapatid. Mas lalo siyang naging masaya dahil sa nakikita niyang tuwa sa mata ng kanyang ina. Isa na nga sa pinakamasaya at hindi makakalimutan na ala-ala para kay Joann ang karanasan na iyon noong siya's nag-aaral pa. Nasa tabi siya ng kanyang ina habang ito'y naghihirap sa sakit, tumulong siya sa proseso ng pagpapanganak sa kanyang kapatid, siya ang unang nakakita ng kagwapuhan ng noo'y bunso nila at higit sa lahat, nakita niya kung saan din siya nanggaling. Yan ang experience!


Dahil siya na lang din naman ang nandoon at hindi na kayang sumagot ng kanyang ina, sinamantala na ni Joann ang pagkakataon sa pagpapangalan ng bagong-silang niyang kapatid.


Daniel Joshua --- yan ang ibinigay na pangalan ni Joann. Nanggaling at isinunod sa dalawang libro sa bible. Panigurado kay bait na bata nito paglaki.


- The End -


Ang kwentong ito ay naganap sa tunay na buhay... ko!


Yow: Dear Ate Joann, look at me now! I've grown-up as a good person. Kay linis ng budhi, tama ang iyong sinabi. Thank you sa pag-alalay kay Mother dear noong ako'y kanyang iniire, mukhang wala ka naman ginawang mali dahil hindi naman nasira ang ayos ng aking mukha. Good job! At hindi ako makapaniwala, ikaw pa pala ang unang nakakita ng buo kong pagkatao. I felt violated! LOL. Buti na lang hindi naka-describe sa kwento. Thank you and I love you. :)

Thursday, January 5, 2012

Holiday Celebrations 2011

Tapos na ang Christmas vacation, balik-trabaho na halos lahat ng empleyado at balik-eskwela na ang mga estudyante. Tanda ko pa nung Grade 4 ako, first day of class ng January ay formal theme book agad ang pinagawa sa amin. Kahit hirap na hirap pa ako nun sa subject-verb agreement na na-meynteyn ko til' now, kailangan ko gawin ang activity ni Ma'am Osang para di ako ma-zero sa bagong taon. Kaya sulat naman ako ng mga two-sentences-per-paragraph-para-madali-mapuno-ang-theme-book na sumasagot sa tanong na: How did you spend your Christmas vacation?

This year, ibang-iba ang naging holiday celebrations ko. Pinoy-American style --- cross-breed kumbaga. Ayon sa karamihan ng Pinoy sa ibang bansa, kadalasang malungkot ang Pasko at Bagong Taon nila. Iba daw talaga ang celebration natin sa Pinas. Dahil in-denial ako, hindi ko tinanggap ang sabi-sabi at naniwala ako na nasa tao lang yan kung magiging masaya ang Pasko o hindi.

Typical na araw ang Christmas eve, medyo hindi normal kasi ang aga ko nagising pero other than that it's an ordinary day. Nag-simula kaming maghanda at ako ang nag-ready ng table. Yung lamesa lang talaga! Before 7 PM pa lang, nakaready na lahat ng pagkain at nakaready na rin kami. Ganto pala kasi ang celebration ng Christmas sa America, we had our Christmas Eve dinner at 8 PM tapos naglaro na hanggang sumapit ang alas dose para mag-bukas ng regalo. Yun na yun --- Merry Christmas!

Gift delivery from the Greaves Family.
Naks, nireregaluhan ng Kano. LOL.
Tama nga ang mga kapwa nating Pilipino na nagsabing iba talaga ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas pero mali ang iniisip ng ilan na malungkot. Ang saya saya ko kaya! Sabi ko nga, nasa tao lang yan. Simpleng celebration lang ang birthday ni Bro dito hindi katulad sa Pilipinas na magarbo. Alam mo yung sa sobrang simple aakalain mong walang nagse-celebrate? Pero magarbo ang mga tao dito sa bigayan ng regalo --- yung bungga. Ganun. Plus free delivery ang mga gifts. Ganyan ang kalakaran dito dahil magkakalayo ang mga bahay ng magkakaibigan, ikaw ang nagregalo kaya please pakidala sa bahay ang eksena. Walang nagbibigay ng pera bilang aguinaldo para sa mga bata, puro laruan o damit ang kadalasang nakukuha nila. Kinabukasan, busy ang mga Amerikano sa shopping kasi bagsak presyo ang bilihin lalo na yung mga Christmas items. That's it! Yan ang White Christmas na walang white.


Halos magkapareho lang ang celebration ng Christmas sa aming New Year. Naiba lang kasi ang New Year's eve ay wedding anniversary ng aking mga magulang kaya double celebration. Pero ganun pa din, kainan ng maaga tapos nag-palaro hanggang mag-2012 na. Mas masaya lang ang mga laro kasi very interactive at gamitan ng utak c/o my nephew na todo nag-effort sa pag-iisip ng laro. Tapos, new year na --- Happy New Year! Nung sumapit ang 12 AM, uwian na! Naghintay lang talaga kaming lahat mag-bagong taon para bumati sa isa't-isa. Pagkatapos nun ay hinatid na namin ang pamilya ng isa kong kapatid na uuwi pa sa LA. Lumabas kami ng bahay at unang beses sa buhay ko nakaranas ng parang library sa tahimik na Bagong Taon. Walang paputok, nagpapaputok at naputukan. Wait, di ko lang din pala sure kung walang naputukan.


Sinubukan kong sumigaw: HAPPPPY NEEEEEW YEEAAAAR!!!
*insert kuliglig sound here*


At inulit ko pang bumati ulit sa mga kapitbahay: HAPPPPY NEEEEEW YEEAAAAR!!! Biglang may sumagot na tunog galing sa malayo na parang ganto: New Year... Year... Year... Yea ---- sagot ng echo ko. Kahit na madaming sabog ang kamay at buhay ang kinukuha ng paputok sa Pilipinas, nakakamiss pa din ang ginagawa nitong ingay. Dito kasi ang fireworks at firecrackers, pag walang permit, ay parang droga... illegal!


January 2, nagpunta kami sa Pasadena para mapanood ng live ang Rose Parade na ayon kay Kuya Wiki ito ang "America's New Year celebration". Parang American version ng Panagbenga Festival ng Baguio na mas madami nga lang ang tao at iba't ibang bansa ang kasali. Hindi ko masabi kung alin ang mas maganda kasi hindi ko pa nararanasan ang Panagbenga. Basta ang alam ko lang, puro WOW ang sinasabi ko habang nanonood. Para maganda, i-google niyo na lang then judge. Ang panget ng mga kuha ko eh!
Last na to, isa talaga ang time differences sa spoiler ng mga okasyon. Nakapagcelebrate na sa Pilipinas ng Pasko at Bagong Taon, kami laging nasa Bisperas pa lang. Babati pa lang ako sa mga kapamilya at kaibigan ko sa Pinas, patapos na sa kanila yung araw. Pambihira!


Generally, masaya ang holidays ko. Maliban sa pangungulila sa mga kamag-anak sa Pilipinas at sa mga tradisyon na nakasanayan, masayang masaya pa din ako dahil may pamilya akong nakasama sa isang special na pagsasalo-salo. Sobrang blessed ko at yun pa lang dapat ko ng ipagpasalamat. Sumaya man tayo o hindi, ang mahalaga pa rin ay pinagdiwang natin ang kapanganakan ni Bro at nagpasalamat sa pagbibigay sa atin ng isa na namang bagong taon. Kaya huli man daw at magaling, babati pa rin. Merry Christmas and Happy New Year, everyone! May we all have a wonderful, prosperous and blessed 2012. God bless. :)
And that's how I spent my holidays, Ma'am Osang! How 'bout chu? How was yours?