Thursday, February 24, 2011

20th

Parang kalian lang, ang bata-bata ko pa at tumatakbo ng hubo sa aming bakuran. Ngayon, hindi ako makapaniwala na ang tanda ko na at tumatakbo ng hubo sa bakuran ng iba. Joke lang.

Nakalipas na ang birthday ko pero I’m still not over it. Ngayon ko lang kasi sagad in-enjoy ang araw ko dahil madalas, may shitty na nangyayari kapag birthday ko o kaya may ka-emohan na nagaganap. But this time, pure positivity ang pagdiriwang. Pak na pak baga!

I started my day right. I woke up early to get ready for my Friday review class. Full-packed ang bahay ng sangkatauhan dahil may catering ang Sissy ko nun. Kaya bukod sa alarm, kalabit at tapik ng kapatid ko, nagising ako sa pompyangan ng mga kaserola, kaldero, sandok at talyasi sa ganap na alas-sais ng umaga. Gumayak ako at suma-sideline pa ng harutan sa pamangkin kong 5-month old na body-builder. Daig pa ang laki ng biceps at triceps ko.

Napasarap ang pag-chill at nalimutan ko ng pumasok. Kaya pagdating ko sa school, late na naman ako. :) Hindi kasi excuse ang birthday para pumasok ako ng maaga, dapat may consistency sa tardiness. Paglapit ko sa aking upuan, sabay-sabay nagsigawaan ang Bests (endearment namin ng buong barkada ko) ng “HAPPY BIRTHDAY!” with sagad hanggang tengang smile. Buti na lang at malakas ang mic ng speaker namin, medyo hindi naging eksena ang pangyayari. Pero natats me, mga 8 fingers siguro.

Bago mag-lunch time, tumakas kami ng maaga ni Greta para makaorder na sa isang Seafood restaurant na ang specialty ay Crispy Pata. Lustay Pera mode ON! Nagpakasasa kami sa ma-cholesterol na tanghalian pagkatapos ay bumalik sa klase at tumunganga ulit. Ganyan kasaya ang birthday ko, maghapon kami nakasaldak sa upuan para mag-aral.

Right after magsabi ng “class dismissed” si Ateng Speaker na daig ang call center, takbo na agad kami papuntang mall. Namili kami ng pagkain para may malamon habang nakatambay sa apartment ng isang Best. Noon ko napansin na parang naging awkward ang moment naming magkakasama. Medyo naging malayo ang loob nila sa akin at iniiwan nila akong mag-isa. Mga walanghiya! May nalalaman pa lang suprisa. At hirap na hirap silang bilhin ang isang cake dahil kasama nila ako. Kapampam ko pala kasi? Ako na may kasalanan. Patay malisya na lang ako at nagfocus sa pagpapainit ng pandesal sa tindahan. Pero natats ulit ako, 8 ½ fingers na. Awww…

All set. Party na kung saan mapag-abutan. And this time, sa kwarto na nga. Happy Birthday YOW!

Around 8 PM, ang main event ng birthday ko ay nagsimula na. At hindi ako ang BIDA! Photographer ang Yow dahil coronation night ng pageant sa school namin at nangahas ang isa naming kaibigan na sumali. Anu pa bang magagawa kung hindi sumuporta na lang? Buti na lang ang gondo ng kapartner niya. Yie… Natapos ang pageant ng halos 12 MN na at nagbunga ang suporta namin dahil nanalo ang Best namin ng 2nd runner up at ang partner niya ang nakakuha ng title sa babae. Pak na yun para sa org namin! Yey!

Tapos na ang pageant at natapos na din ang birthday ko pero tuloy ang party. Matira matibay at ilang piraso na lang kaming natira. Tumuloy kami ng party at kung saan saan pa napunta hanggang magpasyang matulog na. Saan kami natulog? Sa Motel! Pang family room ang binayaran ko para magkasya kaming anim at matiwasay na natulog pagkauwi ng 3 AM. Ang saya ng araw ko at sa sobrang saya, nakangiti ako hanggang pagtulog. Amp!

Nung may araw na.. Shet! May araw na! May pasok nga pala kami. Nagmamadali kaming gumayak para pumasok dahil may exam kami that day. Kami na ang may eskwelahang walang consideration kahit pinuyat nila kami sa activity eh may pasok at may exam pa din kinabukasan. Dahil sa pagmamadali, DAKILA na lang. Anu yun?! Ewan.. :)

Wala ako sa mood magkwento kaya ayoko ng banggitin na kinabukasan, lumuwas pa ako ng Manela dahil nakarating na dun ang partey ko. At ayoko na din siguro i-share na Feb 17 pa lang, nagcelebrate na ako dahil nag-get together kami ng high school friends ko.

I had a 3-day celebration for my birthday. At lahat na yun, ang saya-saya ko. Thank you Bro sa dagdag taon na to. And thank you Bro for gracing me with so much blessings. Da best Ka talaga!

At makakalimutan ko ba namang pasalamatan kayong Madlang Pipol? Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin sa facebook at twitter. At sobrang salamat sa lahat ng nagsend ng picture greeting! SALAMAS! Akala ko walang magsesend, at least may nakaalala naman. At natats me hanggang internal organs.

At sa lahat ng nag-aabang sa walang kwentang video presentation na ginawa ko, the long wait is over. Pasensya na hindi ako magaling sa pag-gawa ng video. May I remind you guys? Nursing student po ako. Enjoy the video at batiin niyo ulit ako. Nakapag-update din. Pak!!


Monday, February 7, 2011

"Papipigil ba ako?"

Ang daming nahuhumaling sa koreanovela sa GMA 7 ngayon na Temptation of Wife. Pang-ilang beses ko na naririnig at ine-endorse sa akin ang palabas na yan sa di ko malaman na dahilan. Last Saturday nga lang habang angYOW ay nanunuod ng kaseksihan ni Jessica Soho, featured ang Temptation of Wife na tungkol pala sa kabet. Napanood ko yung commercial ng GMA na nangungunang daytime shit daw ang koreanovela at kinabog daw nito ang ratings ng pang-primetime ayon naman kay Wikipedia. Ako na nag-research at siya na ang number 1.

In na in ngayon ang mga kabit. Bukod sa ipinapalabas na ito sa TV, napakadaming teleserye ng totoong buhay-kabit na ang narinig ko. Parang after ng mga hip-hop with their baggy pants then mga emo na kalaslasan ang blade, namamayagpag naman ang career ngayon ng mga kabit with their sizzling alindogs.

Commercial muna. Sa kagustuhan kong malaman ang iba pang tagalong word sa mistress, ginamit ko ang powers ng Google Pagsasalin mula wikang Ingles to Filipino. Ang resulta?


I therefore conclude na ang mga mistress pala ay mga dalubhasang babae (hindi ko alam kung saan) at  babaing espesyalista (kaya naman pala nilalapitan para hingan ng tulong ng mga kalalakihan). Hindi ko lang masagot kung bakit naging guro, principal, bata at ama ang mistress. Kayo na sumagot.

I have nothing against sa mga taong kabit o kebs lang ang usaping kabit. Sa totoo lang pangarap ko maging kabit para may thrill. Joke lang. Wala lang din sa akin kung kabit ang isang tao at hindi ako judgmental. May kaibigan pa nga angYOW sa tunay na buhay na nakikilove-triangle na umi-square pa nga sa tunay na buhay. Itago na lang natin siya sa pangalang Bog, isang simpleng makireng babae.

Si Bog ay isang dalagang ina. Virgin na virgin kumbaga. Status: In a not-so-secret relationship with Sisidman. Si Sisidman ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Seamanshipnessment (kung meron mang ganun), Major in Chick-sology. Si Koyang Sisidman ay may girlfriend na tunay at wagas na si Bb. Manela Girl for 2 or 3 years long na ata. Magkalayo sila ngayon dahil parang nag-aaral sa Manela si Ate. Kaya nangati at natigang si Koyang, nakikamot sa isang makire.

Ang dami ng characters, kashitty ko naman magkwento. O basta, ayun na! Si Bog ay nakikipag-holding hands sa kaliwang-kamay ni Sisidman at sa kanan naman nakahawak si Bb. Manela Girl. Anu ang pinagkaiba? Sa kanan, pa-sway-sway pa! At si left hand, laging left behind.

Eto ang maganda dine. Alam ni Bog na kabit lang siya, nahurt kunwari nung una pero ngayon kebs lang sa kanya yun. At recently lang, nakaamoy na din ang Bb. Manela Girl na may kasaling ibang monay sa love story nila. Syet! Ang pogi ni Koyang Sisidman. Walang binitawan na character at hindi lumubay dahil parang nagdadagdag pa ata ng ilan pa. Group Orgy ang gusto ni Koyang.
“Too bad for you, “CHALLENGE” is my middle name.”
“Bakit ko kakatakutan ang bagay na nagbibigay sa akin ng kaligayahan?”
“Eto ang gusto ko eh, papipigil ba ako?”
Yan ang ilan sa status ni Bog na nangangabog. Hindi ko sure kung gustong gusto niya ang buhay-kabit at siya pa ang napakatapang. Masaya si Bog ngayon at okay lang naman sa aming plastikang friendship ang kasiyahan niya. Sinubukan naman namin siyang pagsabihan o pagbawalan pero palaban si Ate at tatalunin ang bangis ni Anabelle Rama para sa bawal nilang pagmamahalan. Ang mali na lang sa ginagawa niya, pinagpapalit niya masyado lahat para sa lalaki na yun na sa huli bibitawan din naman siya. Anung laban niya na buwan pa lang kinakasama kapag bumalik ang taon ng elabs? Kawawang nilalang.  Sabagay, may pag-asa pa naman, gelpren pa lang. Basta gagalingan lang niya, baka siya ang mag-wagi gamit lang ang alindog card niya.

Mahirap pumasok sa isang relasyon lalo na kung meron na talagang “relasyon” bukod sa’yo. Love is much lovelier when it is right. Kaya mga Madlang Pipol, kalma lang. Dumadami pa naman ang tao sa mundo at hindi pa nagkakaubusan, bakit mo pipiliing makisalo sa iba kung madami pa namang darating na mas maganda?

Kung kinarir ko lang ang nakaraang landian ko, malamang kabit na rin ako ng dalawang taong nagmamahalan. Kaya lang dahil mabait ako, hinayaan ko na lang. Ayokong masira ang relasyon nila dahil sa akin, gagawa na lang ako ng ibang ikasisira nila para mapasa-akin siya. Haha. Joke lang. Uulitin ko, mahirap ang maging KABIT. Mas madali ang magsend ng picture greeting kay Yow para sa kanyang birthday at blog-anniversary. Kaya kesa tumira ng iba, magpicture na lang, lagyan ng pagbati at i-send ito sa itsyowtime@gmail.com hanggang Feb. 16. Maraming Salamass to you. :]

This is another senseless post. : |Pasensya naman na. Tsaka na yung tungkol kuno sa akin.

Wednesday, February 2, 2011

Update

Ang updates na ito ay naka-bullet, CHARAAN


  • Tapos na ang January, tapos na din ang pokpok shift ko sa mundo ng mga kipay. The kipays are gone, but I’ll be back. Kulang pa ako ng mga napaanak na kipay pero at least na lang hindi na ako araw-araw may pasok. I’ve got my Sundays back. J
  • February na kaya konting tumbling na lang talaga goodbye teenage years na. Ang tanda niyo na! Gusto kong magpasalamat sa mga nag-send na ng kanilang maka-boom ng turismo picture greetings para sa birthday ko at ng It’s YOW time. Ngayon ko lang gagawin to at nakakatuwa na madami ako nauto-slash-napagmakaawaan-slash-napilit na magbigay ng picture nila. Sa sobrang dami, 2 na sila. Pinaghahandaan ko na ang video presentation para sa dalawang nag-send. Music video niyo ito at picture niyo lang ang lalabas sa saliw ng tugtuging Konting Sundot by Aegis. Pwede pa namang humabol, read this para naman maging tatlo!
  • Malapit na umuwi ang magulangs ko. And I’m excited! Malaki na ang mga baboy na pinabili nila para daw ihanda sa graduation namin ni Zetlog. Tumubo na rin ang sweet corn sa likod bahay na hihimayin ko para ilagay sa maha blanca. Papabunga na din ang puno ng mangga at caimito sa gilid ng bahay na gagawing fruit salad. All set! Dadating na sila at malapit na ako mag-martsa. Yey!
  • Balak ko kasama ang aking mga mabubuting kaibigan simulan ang OPLAN IYUGYOG MO PARA MAWALA ANG FATS MO this week. We’ll start working out for a better tomorrow. Sa ngayon, mukhang isa pa lang siyang matinding ‘pagbabalak’. Wala pala kami pera pang-register sa gym. Baka hindi kami mabunot sa raffle.
  • Kung sisipagin ako (na kung mangyari ay kasing seldom ng seldom), I’ll be posting some stuffs about me. O di ba? Paartista porket magbibirthday. Wala lang, kunwari lang may care kayo at kunwari gusto niyo machismis ang buhay ko. Tutal anonymous blogger naman ako, okay lang na mag-share ng ilang bagay tungkol sa akin. Ako na narcissistic!
  • Yes, naupdate ko din ang blog ko. Pak na to!