Thursday, February 24, 2011

20th

Parang kalian lang, ang bata-bata ko pa at tumatakbo ng hubo sa aming bakuran. Ngayon, hindi ako makapaniwala na ang tanda ko na at tumatakbo ng hubo sa bakuran ng iba. Joke lang.

Nakalipas na ang birthday ko pero I’m still not over it. Ngayon ko lang kasi sagad in-enjoy ang araw ko dahil madalas, may shitty na nangyayari kapag birthday ko o kaya may ka-emohan na nagaganap. But this time, pure positivity ang pagdiriwang. Pak na pak baga!

I started my day right. I woke up early to get ready for my Friday review class. Full-packed ang bahay ng sangkatauhan dahil may catering ang Sissy ko nun. Kaya bukod sa alarm, kalabit at tapik ng kapatid ko, nagising ako sa pompyangan ng mga kaserola, kaldero, sandok at talyasi sa ganap na alas-sais ng umaga. Gumayak ako at suma-sideline pa ng harutan sa pamangkin kong 5-month old na body-builder. Daig pa ang laki ng biceps at triceps ko.

Napasarap ang pag-chill at nalimutan ko ng pumasok. Kaya pagdating ko sa school, late na naman ako. :) Hindi kasi excuse ang birthday para pumasok ako ng maaga, dapat may consistency sa tardiness. Paglapit ko sa aking upuan, sabay-sabay nagsigawaan ang Bests (endearment namin ng buong barkada ko) ng “HAPPY BIRTHDAY!” with sagad hanggang tengang smile. Buti na lang at malakas ang mic ng speaker namin, medyo hindi naging eksena ang pangyayari. Pero natats me, mga 8 fingers siguro.

Bago mag-lunch time, tumakas kami ng maaga ni Greta para makaorder na sa isang Seafood restaurant na ang specialty ay Crispy Pata. Lustay Pera mode ON! Nagpakasasa kami sa ma-cholesterol na tanghalian pagkatapos ay bumalik sa klase at tumunganga ulit. Ganyan kasaya ang birthday ko, maghapon kami nakasaldak sa upuan para mag-aral.

Right after magsabi ng “class dismissed” si Ateng Speaker na daig ang call center, takbo na agad kami papuntang mall. Namili kami ng pagkain para may malamon habang nakatambay sa apartment ng isang Best. Noon ko napansin na parang naging awkward ang moment naming magkakasama. Medyo naging malayo ang loob nila sa akin at iniiwan nila akong mag-isa. Mga walanghiya! May nalalaman pa lang suprisa. At hirap na hirap silang bilhin ang isang cake dahil kasama nila ako. Kapampam ko pala kasi? Ako na may kasalanan. Patay malisya na lang ako at nagfocus sa pagpapainit ng pandesal sa tindahan. Pero natats ulit ako, 8 ½ fingers na. Awww…

All set. Party na kung saan mapag-abutan. And this time, sa kwarto na nga. Happy Birthday YOW!

Around 8 PM, ang main event ng birthday ko ay nagsimula na. At hindi ako ang BIDA! Photographer ang Yow dahil coronation night ng pageant sa school namin at nangahas ang isa naming kaibigan na sumali. Anu pa bang magagawa kung hindi sumuporta na lang? Buti na lang ang gondo ng kapartner niya. Yie… Natapos ang pageant ng halos 12 MN na at nagbunga ang suporta namin dahil nanalo ang Best namin ng 2nd runner up at ang partner niya ang nakakuha ng title sa babae. Pak na yun para sa org namin! Yey!

Tapos na ang pageant at natapos na din ang birthday ko pero tuloy ang party. Matira matibay at ilang piraso na lang kaming natira. Tumuloy kami ng party at kung saan saan pa napunta hanggang magpasyang matulog na. Saan kami natulog? Sa Motel! Pang family room ang binayaran ko para magkasya kaming anim at matiwasay na natulog pagkauwi ng 3 AM. Ang saya ng araw ko at sa sobrang saya, nakangiti ako hanggang pagtulog. Amp!

Nung may araw na.. Shet! May araw na! May pasok nga pala kami. Nagmamadali kaming gumayak para pumasok dahil may exam kami that day. Kami na ang may eskwelahang walang consideration kahit pinuyat nila kami sa activity eh may pasok at may exam pa din kinabukasan. Dahil sa pagmamadali, DAKILA na lang. Anu yun?! Ewan.. :)

Wala ako sa mood magkwento kaya ayoko ng banggitin na kinabukasan, lumuwas pa ako ng Manela dahil nakarating na dun ang partey ko. At ayoko na din siguro i-share na Feb 17 pa lang, nagcelebrate na ako dahil nag-get together kami ng high school friends ko.

I had a 3-day celebration for my birthday. At lahat na yun, ang saya-saya ko. Thank you Bro sa dagdag taon na to. And thank you Bro for gracing me with so much blessings. Da best Ka talaga!

At makakalimutan ko ba namang pasalamatan kayong Madlang Pipol? Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin sa facebook at twitter. At sobrang salamat sa lahat ng nagsend ng picture greeting! SALAMAS! Akala ko walang magsesend, at least may nakaalala naman. At natats me hanggang internal organs.

At sa lahat ng nag-aabang sa walang kwentang video presentation na ginawa ko, the long wait is over. Pasensya na hindi ako magaling sa pag-gawa ng video. May I remind you guys? Nursing student po ako. Enjoy the video at batiin niyo ulit ako. Nakapag-update din. Pak!!


30 comments:

  1. at dahil dyan ay isa muling pagbati sa yo ng happy birthday at iadd mo ko sa facebook! hahahahaha. post mo ung mga picture greeting :D yung video di ko ma mapanood blocked sa office

    ReplyDelete
  2. HOSHET! Hong-gondoh ng bidyo! Paano mo ginawa 'yan? Ako kasi Movie Maker lang gamit ko. :(( HABERDEY ulit.

    ReplyDelete
  3. ang ganda ng vid pramis! at gabing gabi napapaindak ako sa ginamit mong music haha laveeet!

    hapi bday uli parekoy!

    ReplyDelete
  4. sure ka bang nursing ka eh feel ko sa AFTER EFFECTS mo ginawa yung ibang editing portion nito eh..w ahehhe.. hala ka may tinatago palang kasipagan ang santo ng katamaran..w ahehe oo ikaw na ikaw na magaling... LUHOD NA ANG BATMAN.... wahehhe..


    happy belated ulit chong...


    WV: MISMO

    ReplyDelete
  5. Happy birthday YOW. Ang ganda ng video.

    ReplyDelete
  6. gusto kong magwala at mag hurumentado!! ilang araw kong hinintay ito tapos di ko mapanood kasi may contain daw ng UMG at di pwede sa bansa na kinaroroonan ko??? ano yan?? dali na gawan ng paraan yan..ahahahaha

    hapi bertdey ulit Yow..di kita makakalimutan kasi magkasunod tayo,hehehe

    ReplyDelete
  7. havey ang vid presentation. ang ganda-ganda. :D habertdei :D

    ReplyDelete
  8. Ang saya saya.. Happy birthday Yow... Buti at nakibahagi me kahit papaano..dame nung greetings ah..hahahahahahah tagal pa lumabas nung sa kin! Nyahahaha HEYPI BIRTHDAY!!!! WELCOME sa buhay bente

    ReplyDelete
  9. gustong gusto ko ang first line..nakakarelate kasi ako..wahahahhaa...


    happy bday yow...pakiss..walang malisaya...lalaki sa lalaki lang..wahhahaa

    ReplyDelete
  10. happy birthday! naku di na ako pwede gumawa ng video greet kasi nauna ka na... lol... At ang kantang yan dadalhin ko hanggang sa aking bakasyon... lol

    ReplyDelete
  11. oki naman pala yung video eh ang ganda-ganda nga eh.. astig yung pgkagawa...
    muli happie bday ulit sayo :D

    ReplyDelete
  12. awesome!!
    .
    .
    yun lang ang masasabi ko.
    .
    .
    happy birthday Yow!

    ReplyDelete
  13. belated happy birhtday. nice nung editing ng video ah...

    ReplyDelete
  14. yown oh. ayuf sa video. galeng.

    happy bday ulet yow.

    ReplyDelete
  15. naks galing ng pagkakagawa tol... Hapi Bertdei! Kelan ang inuman? hehehe

    ReplyDelete
  16. awwww. ang saya ng video kahit walang audio yung pc ko. looks good.

    naaalala ko ang college birthday party ko nung unang panahon. kaya lang, all out yun lagi, kasi parati walang pasok kinabukasan. hehehe

    ReplyDelete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. owedi ikaw na ang nursing na magaling sa video editing.... ikaw na rin ang maraming online friends at mas lalong ikaw na ang may birthday kaya babatiin(greet) kita ng walang malisya!

    Happy birthday Jushua AKA Yow!

    yung picgreet ko joke joke lang yun.. di talaga me umiihi.. (nagpaliwanag?) LOL

    ReplyDelete
  19. ang galing galing naman...talagang lumipat pa ko ng pc para lang mapanuod...ikaw naaaaaaaaaaaa

    ReplyDelete
  20. Okay kahit ang busy busy ko dumaan ako dito para mag comment!! Happy birthday Yow at talagang ni quote mo pa me. Alabet! sayo ako mag papagawa ng video next time! Go!

    ReplyDelete
  21. "Pasensya na hindi ako magaling sa pag-gawa ng video. May I remind you guys? Nursing student po ako."

    Ang thick ng fezlakels mo, dapat ikaw na lang ang nag-videographer-achuchuchu noong bday ko! Mas magaling ka pa nga e! Ikaw na! The best ka e!

    Saka, bakit hindi ko nakita iyong pic greet ko? Buti pa si greta, naka-dalawa, ako, nasaan iyong akin? LOL. Nagtampo? Juk lang! Hapi bday! Sa totoo lang, hindi ko matandaan iyong binigay ko sa iyong pic greet kaya hindi ko nakita.. :D

    ReplyDelete
  22. hudas ka!pahumble!kaw na magaling gumwa vidYOW!!!!ituro na yan...dali.hahahaha!

    ayoz ang mga pic greet.makalaglag postiso sa pagtawa(not that i'm wearing one.LOL)

    Happy birthday Yow...my adopted brother and.never mind.hahahaha!labya.mwah!

    ReplyDelete
  23. astig ng videyow. hahaha, parang celebrity lang ang nagbday. :) anyways, classmate mo pala si sophia veron. small world talaga. :)

    ReplyDelete
  24. parang celebrity lang sa dami ng bumati ah. mula pa sa ibat ibang bansa. pwede ka nang UN ambassador,hahaha. buti nalang umabot yung ginawa namin ni Ro Anne. sulat nya yun.hahaha. Happy Birthday Yow!!! be happy!!!!

    ReplyDelete
  25. ang daming greetings.. ang saya saya... yes yes yow.. happy birthday...

    ReplyDelete
  26. 3 days ang celebration ng beerday mo pero bakit walang pumatak na beer? 'yun pa naman inaabangan ko sa kwento mo. lol!

    pibeerday pre! bente na! bulas na bulas na! pwedeng pwede nang lumandi. hihihi!

    ReplyDelete
  27. mabuti naman at nanjan ang sinend ko at naging masigla ang video mo! ako talaga ang main attraction jan eh.

    ReplyDelete
  28. oi maligayang kaaarawan, gusto ko yang tumatakbo ng hubad sa bakuran ng iba

    ReplyDelete
  29. hala yow! ngayon lang ako mag gegreet? Hahaha...reserve ko na lang to for next year

    HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!! hala
    next year nako mag pipicture greet sayo ha! at ayos ang video mo tol ...hihi

    ReplyDelete