Wednesday, March 30, 2011

Second Life

Mula sa school para makauwi sa aming bahay, kailangan kong sumakay ng isang jeep at isang tricycle. Ito ang pinakamabilis na paraan para maiuwi ko na agad ang kadalasang hapong hapo, gamit na gamit at lantang-gulay kong katawang lupa.

Isang nakakapagod na maghapon ang lumipas at ako’y pauwi na. Sumakay ako ng jeep at nagsimula ang byahe ko pauwi.  Sa inaraw-araw ng pagbyahe ko, bilang ang araw na hindi ako nakakatulog sa jeep. Hindi ko alam kung anung meron sa pag-andar ng jeep kung bakit ang sarap nitong tulugan. Kebs na sa pag-head bang kay Ate at Koyang katabi ko o sa pag-nganga ko ng walang bukas at sa pagtitinginan ng mga ka-joyride ko, basta masarap matulog sa jeep. Pagkagising, sakto! Nasa kanto na ako. Sakay naman ng trike.

One time, around 6:30 PM, sakay ako ng trike pauwi sa amin. Isang madilim na palayan ang dadaanan mo papunta sa amin. Yeah, sooo provincial. Yung tipong rape scene sa pelikula ni Anabelle noon at mga tapunan ng chop-chop lady o anything that you prefer na pang Imbestigador ang datingan. May history ng holdapan, patayan, barilan at aksidente din ang daan na yun. In short, friendly road! Siya naa.. ang tunay na stairway to heaven.

Habang mabilis ang takbo ng Bajaj (brand ng motor) ni Manong driver, may sapal na earphone ang tenga ko at nageenjoy sa pakikinig sa I. Papin jukebox playlist ko. Biglang nag-traffic sa isang part ng kalsada papasok sa aming barangay.

“Koya, bakit? Anung nangyari? Bakit traffic?” pang-uusisa ng Yow. “Eh may prusisyon, lumalakad yung poon papunta sa kapilya niyo.”

Sosyal ang poon sa amin at may pagkachoosy. Kapag bored na siya eh lumilipat ng lugar at yun nga ang nangyayari nun. Iikot daw ang poon sa lahat ng barangay, barangay tour ito mala-bruno mars. Nakisilip ako at dumungaw ng konti, nakahinto nga ang lahat ng sasakyan. Napabaling ako sa tricycle din na nasa harap namin. Open ang likod ng sidecar nito kaya kinausap ako nung sakay na babae.

“Ikaw ba yung pumapara kanina sa sabana?” banat ni Ate na itago na lang natin sa tawag na ATE. Naguguluhan naman ako sa tanong niya pero sige pa rin ako ng tango kahit hindi ko nagets. Ang alam ko kasi, sa kanto ako sumakay hindi sa sabana. At sa pagkakaalam ko din, galing ako ng school at hindi ako nagharvest ng palay. Kaya bakit ako mapupunta ng sabana? Tinanong din ni Ate ang Koya na driver ng sinasakyan ko kung may nakita daw ba siya na pumapara sa mahabang palayan pauwi sa amin. Wala din nakita ang Koya.

Pinalipat ako ni Koyang driver sa sinasakyan ni Ate at magkapitbahay lang naman kami. Yung isa na lang daw ang maghahatid sa akin para makabalik pa siya sa kanto at makakuha ng sakay.  Lipat naman daw ako at lalo akong nausisa ni Ate.

“Wala ba kayong nakita?” tanong niya sa akin at sa driver namin. “Akala ko ikaw na yung pumapara na yun at naka-asul na damit at nakamaong din eh.” Naka-blue polo ako at naka-pants that time. Shet, ako nga ata yun? Pero hindi.. I’m not from the sabana!

“Wala po akong nakita eh, tsaka sa kanto po ako sumakay” pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Eh hindi ba ikaw yun? May lalaki kasi sa palayan kanina, nakaluhod sa gilid ng daan tapos nakataas yung kamay parang pumapara, parang may inaabot, parang kinukuha kami” kwento ni Ate sabay demonstrate.
Dun na ako na-creepy-han sa sinasabi ni Ate. Hindi na nga ako talaga yun at hinding hindi me luluhod sa kalsada. Sa lahat naman ng lugar, alam ko pa rin ang tamang lugar para magdasal.. sa library! Ayaw lumubay ni Ate at salita pa rin ng salita. Meron daw talagang tao dun, sayang daw hindi niya natulungan. Mabait si Ate kung tutuusin pero gusto ko ng supalpalan ng basahan ang mouth niya to make her tigil kasi I’m getting paranoid na.

Napatingala ako at nagsalita sa isip: “Lord, eto na ba yun? Senyales na ba ito na kukuhain mo na me? I’m not yet ready, nakaporma po ako ngayon, wag ngayon. Nagsisisi na me and I promise to change na Lord.” Napa-repent ako bigla at nag-confess ng ilang kasalanan. Ganun ako naapektuhan ni Ate. Kumpleto rekado na, may poon sa harap ko at may nakakita ng kaluluwa kong nanghihingi ng tulong. Ganyan agad ang naiconclude ko. Shetness. Sinong hindi mapraning diyan? At isang kaepalan ang nag-save sa akin.

“May taong sumemplang sa mga palay dun sa sabana. Tumurit yung motor, nireport ko na sa barangay hall nila dun. Natakot akong lapitan, siguro lasing” pagkakalat ng chismis ng driver sa nasa likod ng kararating lang na motor. Bigla akong nakahinga ng maluwag, akala ko kaluluwa ko na yun at nagpapakita ng kahihinatnan ko sa isang aksidente. Pambihira na yun! Nakauwi ako ng maluwag at si Ate, pagbaba, pinagkakalat pa din ang chismis. It’s HER already.

This is my second life. I will be good this time.

Kanina, magpaplantsa ako ng uniform na isusuot ko bukas. Hinahanap ko ang plantsa namin.

“Zetlog, nasan yung plantsa?” that’s me asking. “Ayy. Eh nasira ni Auntie nung pinagplantsa tayo. Nasira daw yung cord pero nasa labas ata, ingatan mo na lang yung cord” ang babala ng aking kapatid.

Kinuha ko ang plantsa at hinanap ang sira. Mukhang nadaganan yung cord at nalapnos ito. Lumabas ang mga wires. Pero kebs pa din sa akin at tumira pa din ako ng plantsa. Nakatapos ako ng isang pares ng uniform ng biglang… Boogsh! Happy New Year!!! Nag-ala fountain ang hayop na cord, nag-spark ng many times at nag-apoy ng major. Ang twist sa nangyayari? Habang hawak ko at angat-angat ko ang plantsa. Ganun sana, simple pero rock! Simple pero astig! Simpleng buwis-buhay!

Pagkalapag ko sa Pakabayo y Vice Ganda namin, tumigil ang walang hiya! Kinapa ko ang sarili ko at buhay pa din naman ako. Hindi nasayang ang maganda ko sanang contribution sa human population. Hayy buhay.

This is my second life. I will be very good this time.

Bilang pagsulit sa nasalba kong buhay, tutuparin ko na ulit ang hindi ko pa nagagawang pangarap. Ang pangarap kong maging batugan. Makapag-hiatus nga ng bongga like there’s no tomorrow! Try ko lang minsan. Parang cool eh. Pak!

27 comments:

  1. second life ngang maituturing :)

    ReplyDelete
  2. Sabi nga nila, kapag may nakakita daw sa isang doppelganger mo eh malapit ka nang matigok... Kaya congrats sa iyo kasi ayaw ka pa talaga tanggapin sa kabilang buhay. At weird naman ang dadanasin ng mga maiiwan mo tuwing tatanungin sila kung anong ikinamatay mo... Napatay ng plantsa????

    ReplyDelete
  3. nung una di ko magets yung pinagsasasabi ni Ate. Doppleganger pala based from sir glentot. :D

    atlist ligtas ka sa nagfifireworks na plantsa

    ReplyDelete
  4. At least may astig na paguusapan kung sakali.... "ah, siya ba yung natigok sa plantsa?!" - cool! bago yun! jowk! hehehhehehhe

    ReplyDelete
  5. katakot naman yun.. buti na lang eh buhay kapal.. its means u need to value your life more!

    ReplyDelete
  6. ibig sabihin nyan. may kakambal ka at ayon ang nakita. lol. juk lang.

    be thankful nalang siguro sa araw araw na buhay pa tayo.

    ReplyDelete
  7. katawa naman ng kwento mo kahit parang medjo seryoso ka naman magkwento.. lol.. pero araw-araw ay bagong opportunity ng buhay..pero ang creepy pa din..

    ReplyDelete
  8. wow naman buti hindi ka nakuryente anu..wala tuloy libreng biswkit at kape hehehee pero joke lang . be thankful evryday na buhay ka at humihinga at least u have a lot of chance to prove urslf and to enjoy life..

    wag k mghiatus bawal un hehehe

    ReplyDelete
  9. Babala na sa iyo iyan, Yow. Tumigil ka na daw sa panlalandi, at mag-share ka naman ng blessings mo. JUKKK!! Peace tayo ... (n_n)V

    ReplyDelete
  10. ahahha sayang pagkakataon mo na sana yung madyaryo chong.. hehehe... sa tabloid kasama ng mamang nalunod sa sabaw at ateng nakalimutang huminga.. hehhee

    ReplyDelete
  11. in fairness, sa tanda ko na to hindi ko na alam kung pano kiligin...susubukan ko ngang gamitin din ang sirang plantsa namin, atleast kahit papano kikiligin ako sa kuryente..ahaha...desperate?lols.

    pero natakot ako sa doppelganger na yan.....pero hindi naman siguro na malapit nang mamatay,...kasi yung isang ka officemate ko na nagkadoppelganger din dati, hanggang ngayon buhay pa ang potangena nia.

    ReplyDelete
  12. Gak ng teteng!Gang aksidente pareho kayo ni Greta..Kaw plantsa, ung isa naputukan sa sirang extension cord...bwhahahahaha!!!!

    hahiatus ka nanaman?!kababalik mo lang.para kang regla ko...ssssooooo irregular!LOL

    UNGAZ

    ReplyDelete
  13. "Hindi nasayang ang maganda ko sanang contribution sa human population."
    .
    .
    the best 'to!! ikaw na talaga Yow! ikaw na!!

    ReplyDelete
  14. doppelganger mo? hala ka! lolz! katakot pla jan sa place nyo rape-prone area hahaha...

    bakit di mo kc inayos muna buti hndi nagtrip ang plangka nyo? hehehe...

    ReplyDelete
  15. ang dami mong second life!second pa ba tawag dun?haha

    ako nga nasabugan ng extension cord sa kamay..kebs lng prang sugat lng naman!well..safe nga naman ang daan papunta sa inyo..nasaksihan ko ang safeness!!

    ReplyDelete
  16. ang dami mong second life!second pa ba tawag dun?haha

    ako nga nasabugan ng extension cord sa kamay..kebs lng prang sugat lng naman!well..safe nga naman ang daan papunta sa inyo..nasaksihan ko ang safeness!!

    ReplyDelete
  17. ikaw na ang parang super mario na pwedeng maraming lives
    xD
    tama ka kailangan ng magbago, sige bukas na lang!
    mag-iingat parati lalo na sa may mga palayan.
    xD

    ReplyDelete
  18. hi kuya yow! :P

    hahaha napaconclude din akong baka ikaw un hahahaha then again, pang awakening daw syo :P hahahhaa

    warning sign sa plantsa dude! haha ingat lage a ... andaming chances o haha

    tawa nang tawa kainis haha

    ReplyDelete
  19. siguro oras na para pumara ka ng nakaluhod sabay dasal sa may kalye. GO! hahaha

    oh baka me kambal ka at pareho kayo ng taste sa outfit? ahw, at nagkataong naka-asul din siya! kambal mo yun!!! magpaturo ka sa kanya magplantsa! hehe ^^ ay..next time, wag masyadong kumpyansa sa mga ganong plantsa.

    ReplyDelete
  20. ""Sosyal ang poon sa amin at may pagkachoosy. Kapag bored na siya eh lumilipat ng lugar at yun nga ang nangyayari nun. Iikot daw ang poon sa lahat ng barangay, barangay tour ito mala-bruno mars.""---poon yung religious symbol diba? kulet lang ng pagkaka-describe mo---parang dinescribe mo lang yung tindero ng fishball sa kanto.hahaha

    ReplyDelete
  21. Hala hala..

    anyway ako din eh nabangga ako ng trak... nagkasugat ako ng slight pero buti huminto sya at pinagmumura ako...

    bumangon ako.. minura ko rin sya.. kala nya ah LOL

    ReplyDelete
  22. baka nga 'yun ang afterlife na ikaw. lagot na! lol!

    at napaka-heksayting at aga naman ng pagsalubong mo sa bagong taon neksyer. may mga sparks sparks pa! XD

    ReplyDelete
  23. True, at least you're safe. :)

    Check out my blog! FOLLOW if you like!
    http://meesterdapper.blogspot.com/

    ReplyDelete
  24. update naman dyan!!! hehehehe.

    bino

    www.damuhan.com
    www.thebumupstairs.com

    ReplyDelete
  25. para ka palang pusa.. may second life ... sana till 9 chance anow.

    ReplyDelete
  26. summer na summer may pag ka creepiness ang story telling mo! akala ko kaya tumigil sa manong driver kasi re-rapin ka!hahah anyway nice blog! :D

    ReplyDelete
  27. Wow- that must be scary, but one thing na learn ko talaga, pag ikaw mismo ang nasa sitwasyon di ka aware sa takot o kung anu ao man..

    Di mo pa time now..

    ReplyDelete