Heksayted ako nung sinabi sa akin na pupunta kami. Alam mo yung happy? I like the show kaya nga ang blogsite ko ay inspired sa pangalan nila. Hindi man masyado halata pero pinilit ko yan magmukhang Showtime. Sinubukan ko pa gumawa ng header na mukhang Showtime, kaya lang mukhang pang-Bandila ang nagawa ko kaya nilubayan ko na lang. You make tingin-tingin more sa paligid ng blog ko, halos related sa show ang makikita mo. Yun na nga, nasabi ko na bang I like the show? I like the Show.
Heksayted ako nung sinabi sa akin na pupunta kami. Alam mo yung happy? Kaya naman nagset ako agad ng goal bago pumunta sa ABS-CBN, ang makapagpapicture kay Bebe Anne ko. :)
Heksayted ako nung sinabi sa akin na pupunta kami. Alam mo yung happy? Kaya kinabukasan, ang aga naming gumayak at ang aga naming dumating. Akala mo mauubusan ng seat kahit na reserved nga kami at kasama kami sa bilang. 9 AM ang cutoff sa audience entrance at 7:50 AM nandoon na kami. Nagpaubos muna kami ng oras sa cafeteria nila at bumalik ng quarter to 9 para pumila. Dahil summer special, priority ang madlang kids at galit sila sa lalaki. Matapos ang konting orientation at pag-aayos, lumakad na papasok at huli nga kaming mga lalaki. At eto ang dahilan kung bakit wala man lang akong exposure. Dinala kami sa pinakalikod at ang ganda ng pwesto ko, natatakpan ng mga cables at yung bakal bakal ng camera. Ako naa!
The show was great as how I expected it to be. Kahit na umuwi akong badtrip, masasabi ko pa ding maganda ang show. The following are some of the good points about the show:
- Ang liit ng studio nila. Kinaganda ba yun? Hindi. :) Pero ang galing nilang pagmukhaing malaki ito sa TV. Sobrang liit talaga ng studio nila compared to Eat Bulaga, pero ang galing kung paano namaximized yung available spaces.
- Madaming silang pamatay oras. Meron silang baril, kutsilyo, lubid, lason at nail cutter para patayin ang oras at hindi mainip ang audience. Para i-welcome ang audience, they have a short video clip sa simula ng show starring the hosts and staffs of Showtime na wala namang storya, puro kautuan lang tapos bigla na lang sisigaw sabay-sabay na "Welcome to SHOWTIME!" After that, may magpa-flash na slideshow ng mga pictures ng audience na kinuhaan sa labas ni Dumbo. At yun lang ang exposure ko, hindi pa pinakita sa TV.
- Ang laking bagay sa show ni Mhel Feliciano at ni Master Jay. They will orient the audience sa show proper at kung anung dapat isigaw at dapat ikilos. Comic duo sila kuyang kaya hindi nakakainip ang orientation.
- 15 minutes before the show starts, may practice ng sayaw at kanta ang audience. Very interactive. Magtuturo ng ilang steps at sasayawin mo ito sa simula ng show. Sa buong show, eto na siguro ang pinakamasaya. Walang KJ sa audience dahil lahat kumikilos at todo bigay, kaya nakienergy na din ako kahit di naman ako nakikita sa likod. Ultimo yung matatanda sumasayaw, kahit hingal nakikisigaw pa din ng "Party, Party!"
- Ang galing ng hosts ng show. Nakakatawa si Vhong kahit naiinis ako sa panglalandi niya kay Bebe Anne ko. He's naturally funny, effortless siya kung magpatawa. Si Billy, pumayat! Yun ang mahalaga ata dun at hindi nagpapahuli sa pagpapatawa. Si Bebe Anne, napakaganda pero late. Akala ko wala talaga siya kaya nasad na ako nung simula pa lang, buti nakahabol at nag-brighten up ang mukha ko sa saya. Landiii. Si Karylle na nagpapasok sa amin dun, at wala akong utang na loob, natatameme siya. Anu be! Jugs and Teddy are two cool rock stars! At si Kuya Kim ang nakakagulat na isa palang perfectionist kaya tuloy naging masungit.
- Vice Ganda is also there at malaking bagay talaga siya sa show.
He..She.. It is really talented and funny. Nakakatawa ang palitang hirit niya with its co-hosts on and off cam kahit na pahid lang siya ng pahid ng tissue sa kili-kili niyang paiws at bulgaran ang pagpapacute niya kay Xian Lim, one of the Hurados kasama si Christine Reyes isa pang ooohh.. napakaganda! Lagyan mo ng ballpen yung dimples niya, makakatayo! - Pwede ang camera at phone sa loob ng studio. Bawal lang ang video camera at ang talamak na pag-gamit ng phone. Kahit pwedeng ipasok, kinukumpiska pa rin kapag nakitang nakikipag-SOP ka lang sa loob.
Patapos na yung show, last break na at isa-isang nagpapasalamat ang mga hosts sa pagpunta ng audience. Hindi sila umaalis sa stage o sa paligid nun kapag break kaya makikita mo silang nagkukulitan pati tawanan nila naka-mic. Natapos ang show at nagkagulo ang mga babae at bata sa baba para magpapicture sa mga hosts. Dahil ang layo-layo ko, tumalon talon ako at nag-effort ng tunay at wagas para lang makarating ng mabilis sa stage para maisakatuparan ang aking goal. Pag dating sa stage, hinarang ako ng walang hiyang guard at pinigil akong malapitan si Anne Curtis. Alam mo yung na-hurt? Lahat ng babae at bata, nakalapit, nakapagpapicture at nakahug pa, nung mga lalaki na hinaharang? Kahit gusto ko, hindi ko naman mamanyakin ang Bebe Anne ko dun. Sa private moments na lang namin. Haha. Nasobrahan na ako sa pagkafeeling. At eto ang dahilan kung bakit umuwi ako ng badtrip!!! Wala kaming picture ni Anne Curtis.
Dahil diyan, babalik ako dun and next time I'll be better. Kapag ang DP ko sa facebook ay naging si Anne Curtis na may kasamang Yow, ibig sabihin nagtagumpay ako. Heksayted ako nung sinabi ko yun. Alam mo yung happy? Pak!
sayang naman wala kayong pic ng bebe Anne mo :)) better luck again next time :D
ReplyDeleteahihihihihi malas mo naman... ako may tv exposures na na wala sa plano... swerte din ako at walang kung anu anong sh*t akong naexperience nung minsan akong naging audience sa isang palabas... hehehehehehe
ReplyDeleteNaaamoy ko na ang future mo....ARTEsta!!!Yan na stepping ekek mo kaya umepal na ang madiskober.LOL
ReplyDeleteUNGAZ
kaw na!!! kaw na ang nasa showtime! hehehehee
ReplyDeletesayangs, wala kang pic kay anne.
ReplyDeletebalak namin pumunta din dyan pero mukang kapag back to regular audience sila. Parang may discrimination kasi kung puro bata at girls lang ang nasa malapit.
Wow! Ayos at nakapunta ka dun...jelly ako buti k p nkita mo n ang ST stars! hehehe...natawa nmn ako
ReplyDeleteat naging IT na lang si Vice dahil di mo na matukoy kung ano xa hahah adik!
Dapat nagpapansin ka dun para madeiscover ka hehehe...
sayang pare wala kang picture kahit yung show man lang..o kahit kayo...sarap nga cguro manood dyan...
ReplyDeleteINGGIT AKO!!!
ReplyDeleteGusto ko rin manood ng showtime. makichant with madlang people and all. hay.
sayang wala kayong picture.
hindi halata na heksayted ka na pumunta kayo dun. :P
Ah, ikinaliligalig ko ang iyong kasiyahan sa pagpunta sa Showtime. Hindi kasi ako nanonood nun e. LOL. Ui, na-break mo na yata hiatus mo, o panandalian lang ito?? LOLOLOLOL. :D
ReplyDelete@hartlesschiq: SAYANG nga talaga! Solid na sayang. Nakakadepress.
ReplyDelete@Xprosaic: Nung nanood ako sa Eat Bulaga, muntik ako matawag nung number number din nila? Yun lang, muntik. Haha. Next time, swerte na ako.
@Ungaz: Kamusta naman ang di makapaglog-in at anonymous talaga? Hahaha. Next time, makapagsample. Kapal ng mukha? Haha. Di ko kaya Ati.
@Bino: Ako na nga. Haha.
ReplyDelete@Khanto: That's a good idea. Ampangit nga ng gantong may special. Idadala tayong lalaki sa sulok. Magkakahiwalay din ang magkakasama.
@Jag: Haha. Pangarap ko din sila makita, kaya magset na din kayo at pumunta. Haha. It naman talaga eh. Haha.
@Moks: Meron kaming picture, kaya lang nasa sanse ko yung camera ngayon. Di ko tuloy nailagay. Kahit logo man lang eh napicturan. HAHA.
ReplyDelete@Gibo: Yun ang isa sa pinakacool din. Haha. Nakakatawa pa magchant si Anne. And I love her.. it pala. HAHA
@Michael: Oo na, alam ko namang ingles lang pinapanood mo. Ikaw naa! Haha. Hindi ah? Ngayon lang to, makapaghiatus na ulit ng mga 3 months. Nyahahaha.
Balik ka para masaya! Hehe.
ReplyDelete.
.
Nanood lang ba kayo? Di kayo nag-tour sa buong ABS?
.
.
Kung ako sa 'yo susunod daan ka sa Star Magic, 5th Floor Main Bldg, at mukhang may fyutur ka sa pag-aartista [oo, binobola kita dito Yow. Haha. Biro lng]
hahaha crush ko din yang si anne (lalaki na ata ako ewww) anyway..masayang manuod ng show time sa tv lalo na siguro kapag live inggit much!
ReplyDeleteNaks. Pangarap ko rin makanood sa Showtime. fan ako ni Vice e. hehehe
ReplyDeleteI smell politics.
ReplyDeleteParty, party!!! Yeah! Masaya talaga sa Showtime, azuper! If I get the chance to visit Showtime again, ill let you know, for sure makakapasok tayo sa backstage para makapagpapiktyur ka na kay Vice Ganda este kay Bebe Anne ko (oo akin talaga siya! Mang-aagaw! LOL)
ReplyDelete:D
ang dami ko nalaman about showtime sa post mong ito. very informative. hehe maliit lang pala ang studio. mukha nga syang malaki sa tv. at ako ay nanghihinayang din dahil wala kayong pic ni anne. di bale may next time pa naman. :)
ReplyDeleteBad trip nga. kung yon ang pinunta mo doon tapos di ka man lang pinalapit and sama sama naman ng mga security walang awa.Next time sana maisakatuparan ang pangarap mong ito.
ReplyDeleteok payn! agawin mo nang lahat wag lang ang aking minamahal na si anne! pero dahil wala naman akong magagawa sige iyong iYOW na!! hmf!
ReplyDeleteNext time ipost kagad sa FB ng mai-like agad! hehe
ikaw na ang bad trip umuwi dahil walang pic kay anne hehehe.
ReplyDeletesabi mo babawi ka asahan ko yan ah hehehe :D
hi Yow yes im a nurse! Naglipana talaga ang mga nurse sa blogosphere ngayon hihi :)
ReplyDeletenag board exam ka na? xlink tayo.
Wow! Nakapunta sa Showtime!! Inggit ako... Sayang ano, hindi ka man lang nakapag picture with Anne. Alam mo ba, nakakainis ang babaeng yan.. sobrang ganda kasi. Hehe.. DYOSA! hehe.. sorry, bitter lang ako. toinks!
ReplyDeleteBetter luck next time ang drama mo, Yow.. :)
Inggit me! Gusto ko rin maging audience! Pero ayoko sa Showtime. Gusto ko sa Face To Face!
ReplyDeletekayo na nga!!!naku-reserved seats pa.kelan kayo babalik? sama ako!!!lol
ReplyDeleteyes naman! muka naman talagang masungit si kuya kim. sana nga pagbalik mo, magkadaupang-palad na kayo ng bebe ane mo! ikaw na nga!!
ReplyDeletesaya naman nung mga cables na nakaharang sayo! hehe! next time sana makalapit kana kay bebe anne mo!
ReplyDeletehehehe..
ReplyDeletepadaan lang..
natawa aq sa post mu..
dapat lumusot ka ke manong gard pra me pic na kayo ni bebe ANne mo..
super pretty p naman nun..^_^
hahahahah.. ikaw na ang heksyated! lol....
ReplyDeletePaano po ba makapanood ng live sa Showtime? Help po :)
ReplyDeletehey brotha.. can I ask for your facebook link? or FB account.. may plan din kaming manuod sa showtime this coming october ang ggwen lang nmn is pumila kasi di kami naka reserve..its okay lang ba to fall in line doon as early as 7AM?? thanks hoping for your response
ReplyDeletehey brotha.. can I ask for your facebook link? or FB account.. may plan din kaming manuod sa showtime this coming october ang ggwen lang nmn is pumila kasi di kami naka reserve..its okay lang ba to fall in line doon as early as 7AM?? thanks hoping for your response
ReplyDeleteSa October pa naman pala yung plan niyo manood, might as well buy tickets na lang. I heard P150 each lang naman yung plus studio tour pa ng ABS-CBN and may chance kayo na makaupo sa harap or gitna. Twice na ako nakapanood sa Showtime at yung second time, by chance lang ginawa namin. Pumila kami ng 6 AM tapos na-cut kami sa line ng pwedeng pumasok. Then, bumalik kami kinabukasan without any assurance na makakapasok kami pero nakapasok kami. Ang ginawa ko, one of the contestant dun sa dance contest is in need of a barangay. Nag-presinta kami at 30 people ang need nila. So nakapasok kami, nakapwesto ng maganda sa gitna at nagkaexposure sa TV nung pinakilala namin yung representative ng brgy. "daw" namin. Haha. But I recommend na bumili na lang kayo ng ticket para hindi masayang ang effort niyo sa pagpunta. :)
DeleteAsk lang. how or where we can avail ticket for the reservation..?
ReplyDelete:)
pupunta pa nman kmi dun ;] same as the opportunity why MR.YOW went on showtime. but ibang person nman ngbgay;]
ReplyDeleteganun din kmi .. bibigyan kmi ni sir ______ para mkapunta kmi, sana hindi ganun mangyari samin ,.. wag sa likod
ReplyDeletepupunta pa nman kmi dun ;] same as the opportunity why MR.YOW went on showtime. but ibang person nman ngbgay;]
ReplyDelete