Umuwi ang Nanay at Ama ko last March to attend my graduation. Apat na taon silang nawala dito sa Pilipinas kaya apat na taon din kaming naulila sa magulang. Madaming nagbago at nagsi-tanda na kami. Ang Joshua na iniwan nila noon, Yow na kung tawagin ngayon. Dahil sa tagal ng panahon, nakasanayan na namin na wala kaming Nanay At Ama kaya isang major adjustment ang kanilang pag-uwi.
Bumait ang tatay ko ng sobra, hanggang dun na muna yun. Si Nanay muna ang maikwento.
Pumayat ang Nanay ko, which is good for her health. Pumuti din siya at kuminis, bumata ng mga kalahating taon. Dun ko napatunayan na may hiwaga sa tubig ng America. Aside sa physical changes, madami pang nagbago sa Nanay ko.
Naaalala ko noon yung training days ko sa pagiging domestic helper under her supervision. Mano-mano niya kasi dating pinapalampaso sa akin ang sahig namin kapag walang pasok hanggang kumintab to at makita niya ang kanyang mukha sa tiles. Ayaw niya ng madumi kaya naman noon ay weekly ang general cleaning namin. Mahihiya ang alikabok pumasok sa loob ng bahay namin dahil maa-out-of-place siya for sure. Ngayon, metikulosa pa din siya pero gusto niya siya na lang ang gagawa para daw mapaglingkuran niya kami. Naks.. Ang sweet. Dahil sa adhikain niyang yun, mga 50% ng stay niya dito ginugol niya sa paglalaba, 30% sa paglalampaso, paglilinis etc. Kamusta naman yung ayaw lumubay? Di na nakapagbonding.
Istrikta ang Nanay ko. Pag bumanat ka ng “Nay, makikitulog sana ko..” kahit di ka pa tapos babarahin ka agad ng “Lumubay!”. May kadugtong pa yun na “..para saan at nagkabahay ka pa kung makikitulog ka din naman sa iba”. Kaya takot akong magpaalam sa kanya. Kaya nung may plano kami ng mga kaibigan ko na magliwaliw sa Subic, nanghingi pa ako ng tulong sa Sanse ko para makapagpaalam na dun na ako sa kaibigan ko mag-sleepover the night before the outing. Malay ko naman na she’s really a changed person na pala, kebs lang magpaalam, pumapayag agad? Naks.. Ang bait.
Hindi na din siya ang Nanay na kapag nasa mall kami at nagsimulang magtuturo ang daliri namin ng mga pabili, bigla kaming dinidikitan at kinukurot sa bewang. Madiin, nakakamaga at full force na kurot ang sagot niya sa hiling namin noon. Ayaw niya kasi ng magastos, ayaw niya ng nagpapabili. Pero ngayon, siya pa ang bumubulong sa amin na ubusin ang pera ni Ama para hindi na daw maipang-painom. Naks.. Kunwari ang yaman.
Maarti na din ang Nanay ko ngayon, ganun pala talaga pag California gurl. Hindi makaihi sa banyo na walang bathroom tissue, samantalang noon eh nagpapahinto pa siya ng bus para lang mailabas ang hindi na niya matiis na tawag ng nature sa pilapil. Media kasi kaya siya maihiin. Me-diabetes! Lagi na din siya naghahanap ng menu kahit na sa Goldilocks lang naman siya kakain. Kaya kapag pasok sa mga fast food, hindi siya pumupunta sa cashier, akala niya may magte-take ng orders. Well, tamang arte lang.
Hindi na kumakain ng rice almost every meal ang Nanay ko. Once a day lang ito at bawal na niya ulitin. Usually, ang kapalit pa ng rice ay puro gulay. Nangangabog sa diet di ba? Para sa health niya kasi yun at para na rin daw lumiit ang parang may laman na globularly enlarged abdomen/puson niya. Tinanong ko siya minsan, “Nay, tapatin mo kami, may pang-pito pa ba kaming kasunod? Ayaw sumuko? Dapat productive?”. Pero dineny niya ang issue, walang laman ang malaking tiyan at dysfunctional na din ang matres niya. Kaya nga daw siya on-diet para lumiit ito. Conscious lang sa figure niya. Ang nanay ko talaga, gusto pa ata ng bombshell Katya Santos na pigura.
Kahit na nagbago si Nanay, may ilan pa ring ugali niya ang nanatili. She’s still so religious. Lahat ng simbahan at kapilya na nakita namin, dinasalan niya. Itinatatwa niya si Satanas, at itinatatwa din niya ang isaw, dugo, adidas at mga ihaw-ihaw. Matulungin pa din si Nanay at mapagbigay. Kaya naman dinagsa kami ng taumbayan na akala mo may pinalagak na gamit sa amin parang baggage counter at kinukuha na nila. She still have her jokes of the 1990’s na pangit ang delivery. Meron pa din siyang pasabog na utot na kahit anung lakas ay walang amoy. Ang pangit pa din ng kuko niya na pinamana pa niya sa amin. Ang sarap pa din niyang tumawa, ang sarap pa din ng adobo niya. Madami pa din siyang pangaral na para sa amin. Hayy.. Ang sarap ng may Nanay ulit.
Gelpren ko. |
Maikli ang panahon na naranasan ko ulit ang magkaroon ng ina pero sapat na yun para maramdaman ko ang pagmamahal na apat na taon ko din pinangungulilaan. Mothers are the most underpaid employees the world has. No day offs, no holidays, no raise, no promotions. Mother’s love is the best example of giving rather than receiving. This day, let us recognize their undying love, sacrifices and care for all of us. Sa aking metikulosa, istrikta, mapagbigay, mapagmahal, matulungin, malakas umutot, mapangit ang kuko, relihiyosa at napakagandang NANAY, HAPPY MOTHER’S Day po. Yow loves you so much. Thanks for everything. Ikaw naa! Dabest ka. Thank you Lord for blessing me a Nanay like you. Mwah. :*
HAPPY MOTHER'S DAY!
The best 'to. "Tinanong ko siya minsan, “Nay, tapatin mo kami, may pang-pito pa ba kaming kasunod? Ayaw sumuko? Dapat productive?”. Pero dineny niya ang issue..." Hayy. nakakamiss naman sila Mother. :)
ReplyDelete-zette
ayun oh numa-nanay post si Yow! hehe. At dahil love mo nanay mo, love na rin kita pare, lol. Welcome back mom ni Yow, The best tlaga ang may Nanay. I can't imagine life without them. Syempre naman sila nag-iri sa atin. Happy mama's day to your mom! Mom ko din pangit ang kuko, pero di ko namana! Hahaha :D
ReplyDeleteNice read papa Yow. Twas funny but touching. At ikaw ba yung nasa picture? oh my, gusto ko na maging biyenan ang nanay mo. Biro lang pre. :)
ReplyDeleteHappy Mother's Day!! naranasan ko din ang mawalay sa kanila! =(
ReplyDeletedi ko alam kung ang reaction ko ay hahaha o awwww. belated happy mother's day sa nanay mo.
ReplyDeletenyahah. una, belated happy mothers day sa mom mo Yow.
ReplyDeleteNext. ayos ang transformation ng mom mo. Ayaw nio nun, kapag nag-aya kayong magmall, pede na kayo bumili ng gusto nio
at dahil hindi naman natatapos ang mother's day sa isang araw lang, happy mother's day pa rin sa iyong gelpren :)
ReplyDeletepwede bang humabol ng happy mother's day sa iyong nanay? hehe
ReplyDeletee wala nasabi ko na bawal nang tumanggi..lol
at nagcomment ulit ako ang ganda kasi ng wv: pilyo hahahahahaha
ReplyDeleteHappy MOther's Day ulit sa iyong nanay :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletePare late na pero babatiin ko ang napakaganda mong gerfren ng Happy Mother's Day!
ReplyDeleteNatatawa ako na may halong kurot! Awww! #lels
kainis ka yow. ang cute mo lang.
ReplyDeleteay...religious pala si tita...tita??close?hahaha...siguro pag nakita niya ako isusumpa niya ang pagmumukha ko..hahahaha
ReplyDeletehappy mothers day tita...oo na.ako na ang felingero.ahahaha
hahaha hayop ka Jushwa napatawa mo me! which is rare kasi alam mo naman i'm a serious person!
ReplyDelete"She still have her jokes of the 1990’s na pangit ang delivery." LOLOLOLOLzzz hehehe
Happy mother's Day sa iyong mahal na Ina!!!
Belated Happy Mother's Day Yow!
ReplyDeletenamiss ko tuloy ang nanay ko dahil sa post mo yow..isang taon ko na din silang hindi nakikita...
ReplyDeletehappy mother's day sa mama mo... ^__^
at salamat sa bday greeting..parehas pla kami ng utol mo..
Happy mother's day... nalungkot naman ako bigla di ko kasi nakasama sa celebration ang mom ko...
ReplyDeletehala parang ako lang ata walang mothers day episode sa blog ko ah.. pero anyways... happy mothers day sa mudrax mo.. hehhee
ReplyDeleteyun naman eh, namiss ko tuloy bigla nanay ko :(
ReplyDeletenapadaan din po, happy mother's day kay nanay mo kahit late na :)
Sobrang belated Happy Mom's day to your MOM!
ReplyDeleteLahat tayo ay dapat mahalin ang mga nanay natin :)
nice to know na halos pareho pala tayo ng experience.
5 yrs kong nde nakasama ang mama ko and umuwe siya nung graduation ko nung college :)
hindi kayo hawig ni nanay..ampon ampon! i knew ett...hahah
ReplyDelete-mula sa isang malandi at mapanglait na kaibigan.
Nice post Yow hihi :)
ReplyDeleteKatuwa naman si Nanay mo. Parehas sila ng Mama ko na metikulosa sa lahat ng bagay.
Belated Happy Mothers Day!:)
You have a lovely mom...belated happy mother's day to her...
ReplyDeleteI'm laughing while having a good read...:)
hanep si Girlfren ang sweet.
ReplyDeleteindependence day na. hehe. (--,)
ReplyDeletestrict pala si madir hehehe tsaka kahit ganon kastrict, o d ba nakakamiss... iba pala talaga tubig sa cali ? hehehhe happy mother's day sa mom mo! ansarap nga makapiling mo sila ulet ;)
ReplyDeletePS mawawalan ng negosyo si belo pala pag pumunta lahat sa america
bow
hahahahaha.. Ganda ng post na to!
ReplyDeleteAstig ni Nanay, hehe.
ReplyDelete.
.
Astig din ang mga Nanay's Boy
(ang tanong Nanay's Boy nga ba ang Yow?)
.
.
At xempre pa, another astig post from Yow! Bow!
in fairview, ang ganda ng gelpren! hehehe
ReplyDeleteNa miss ko tuloy mama ko:( great post..how I wish I can manage to write something for my mom in my blog ...grh!
ReplyDelete