Tuesday, October 26, 2010

Bloggers Meet-up.

BEFORE:
Borthday Boy. Happy 27th birthday Jips!
September 25, 2010. Nakatanggap ang Yow pati na rin si Greta at Ungaz ng group message sa Facebook mula sa isang di kalakihang nilalang ---- si Idol Glentot. May borthday partey daw na magaganap at siya ay nangiinvite. Messenger lang pala siya at tagakalat ng balita dahil ang celebrant pala ay si Manong Jipoy. Nagulantang ang mundo namin sa electronic invitation na aming natanggap. Kaming tatlo ay nagtalo-talo kung Tuloy o Tigil ba para sa birthday partey at instant eyeball. Nagustuhan ng Yow ang idea na makikita ko na ang ilan sa mga idol kong blogger pero nagdalawang-isip ako ng matindi dahil baka madaming blogger ang andun at umatake ang shyness syndrome ko. Lumipas ang mga araw at palapit na ang araw ng partey. Wala pa ding desisyon. Walang preparation. October 20, 2010, 3 days left at gamit ang impulsive decision-making sabay-sabay kaming tatlo sumigaw ng TULOY! GO!


DURING:
October 23, 2010. Ang aga namin gumising para makagayak at makabyahe na. Nakitulog na ko sa crib nila Greta at Ungaz para magkakasama na kami at para cute. All set. Sumakay na kami sa tricycle at nagpahatid sa Cakeland. Dadayo na lang din kami, nagbitbit na kami ng regalo para naman matuwa ang Jepoyly. Dala-dala namin ang best-seller ng Cakeland at ang mga produkto ng Nueva Ecija tulad ng palay, upo, mais, bibe, dagang bukid at isang kalabaw. All set ulit. Sumakay na kami ng trike upang habulin ang flight namin sa Five Star Airlines. Matapos ang ilang oras na byahe, nakatungtong na nga ng kamaynilaan ang mga Novo Ecijano. Labis ang tuwa namin sa kay tatayog na mga gusali pati na rin sa glubo na naroroon sa harap ng MUWA. Ang aga namin nakarating na isang matinding katunayan na kami ay heksayted. Nasa meeting place na kami pero hindi namin maitext ang mga taong imimeet dahil kinakain kami ng hiya. TRIVIA: First time namin makikipagmeet sa mga taong hindi namin kilala at mukhang kukuha ng buhay namin na bigay ni Bro kaya hindi namin alam kung paano ang gagawin. Hindi ko na babanggitin na late ang mga kumag ng 2 Hours kasi nakakahiya naman di ba? Kaya di ko na babanggitin na LATE sila. 


1:00 PM. Kasabay ng gutom na aming tinatamasa, natanaw na namin ang parating na Papa Bear at Baby Bear mula sa aming kinakapwestuhan. Natense ang Yow at pinagpawisan ng malamig. Naghanda na ang Greta at Ungaz ng kanilang best smile samantalang isinoot ko na ang aking killer smile bilang paghahanda. Tumitingkayad pa si Glentot at tinatanaw kami samantalang si Jepoy ay effortless kaming nakita.


FIRST IMPRESSION: Masayahin dahil sa sagad hanggang batok na ngiti ng dalawa. Pag nakita niyo sila, parang nabuhay na profile picture nila sa Facebook. Ganun na ganun lang din. Haha. 6 footer si Glentot sa personal, si Jepoy sobrang slim. Pwedeng model ng Slenda at pumalit kay Valerie. *nabasag ang monitor ng laptop, nabunggo ng humabang ilong*


Kumain kami ng mga 30 minutes at nagkwentuhan ng 3 oras sa loob ng restaurant. Masuka-sukang busog ang naranasan ko sa sobrang sarap ng pagkakaluto ng mga dala naming produkto galing probinsya. Dumating din si Kikilabotz sa kalagitnaan ng kwentuhan at kainan. Isang pagsubok na tawagin sa tunay na pangalang Marvin si Kikilabotz. Magpapalit ka na ng pangalan at nasanay na kaming Kikilabotz ang tawag sayo. Right after, nagstroll kami sa mall for 30 minutes at hindi ko kinaya ang sumusunod na eksena. Nag-aaya si Jepoy magdessert mula sa isang matinding kainan 30 minutes ago lamang. Talaga naman! Inaalagaan ang slim and slender figure. Shetness. Pero nasarapan din naman kami sa inorder ng bawat isa.
Party Pipol. TAAS: [The Probinsyanos] Greta, Yow and Ungaz.. BABA: [Manela Boys] Kiki, Jips, Glentot.
Makatanggal litid na halakhakan. Walang humpay na kwentuhan. Parang walang bukas na bonding. At unforgettable na pagkikita at pagkikilala. First time namin nagkita-kita pero parang close close na. Ang cool kasama ni Jepoy, Glentot at Kikilabotz. I never thought blogging would give me new friends, not just online but in real life too. 
Parang nagdebut lang. May picture bawat bisita.

AFTER:
Bukod sa dighay all the way hanggang makauwi, di kami maka-get-over sa bonding na aming naranasan. Sa sobrang saya at galak na nanunuot sa aming mga puso, tulog na tulog kaming nakahilata sa likod ng Five Star Airlines pauwi. Pagmulat ng aming mga mata, nasa lupain na ulit kami ng mga tricycle at parang nanaginip lang habang nakasakay sa bus. Maraming salamat Jepong, Glentong at Kikilabong sa bonding. It was nice meeting you all. From the bottom of our hypothalamus, TINKYUBIREMATS!!! Sana may part 2. Pak na pak kayo!


*Di na me naglagay ng madaming picture dahil... nakakatamad ayusin. :) Check it out sa FB ko kung friend kita. Kung hindi, wala tayo magagawa diyan. 

27 comments:

  1. Gawwwwd! Baket ako may pektyurs dito???!!!

    Masisira ang pagiging anonymous me! Nag enjoy akong makita kayo sa personal at makiskisang siko lalopa't naging blogger of the month kita. Ikaw na!!!!

    Hayaan mo't sa susunod kame naman ang dadayo kayo naman ang host basta wag nyo kameng ipain sa mga aswang sa inyo ha..hihihi

    It was nice meeting you too people. Thanks sa gift. Trivia kayo lang ang nag bigay ng gift sa akin... *Parining kay Glentot at ate powkie*

    ReplyDelete
  2. ang jepoy over over sa quota na!!! hahaha

    ang saya naman niyang meet-up na yan. :D

    ReplyDelete
  3. Awww mukhang ang saya saya! ey musta naman ang cake pag dating ng menela??? mukhang kawawa na yun...ahahaha


    Jepoy! *lungkot mode* nakalimutan mo na na binigyan kita ng 1 stick ng marlboro gold???? hm pa..sige sa sunod eh gagawin ko ng dalawa para di mo makalimutan!!! huhuhu

    ReplyDelete
  4. anung name ng cake? sana may pic :D

    hehehe. ansaya ng meet-up. :D

    ReplyDelete
  5. Sana nakita din namin kayo heheh XD

    ReplyDelete
  6. Ahahhahahaha at talagang papa bear at baby bear ang dalawa... parang fairy tale lang...lol... Nagdebut naman talaga si jepoy... may balloons, cake at picture sa bawat isa... hahahahahahhaha... saya nga naman! hehehehhe

    ReplyDelete
  7. at talagang lumuwas pa kayo mula Cabanatuan? effort ha/lol. kala ko taga Manila ka lang. me napansin ako---para lang kayong magkapatid ni khilabotz...bwahaha

    ReplyDelete
  8. hahahaha!Patay ka..Nilait mo sila.chek mo FB at blogroll nla kung andon ka pa.hahaha!i lurv the "papa bear" and "baby bear"..lait tlga!ahaha

    ReplyDelete
  9. alam mo ako madalas sa Cabanatuan, taga-dyan kasi supervisor namin na ka-apelyido pa nina Greta. baka mamaya kamag-anakan pa nila. :D

    ang saya ng EB. :)

    ReplyDelete
  10. panalong panalo... description palang nung dalawang bigating blogger pangwasakan na! wahahahaha

    Hang saya nyo! talagang binaybay nyo pa ang sakahan at taniman para makatungtong sa kamaynelaan.. LOL...

    ReplyDelete
  11. Sagad sa butong EyeBall na naman... sana sa susunod makasama ako jan.. wahehehe

    ReplyDelete
  12. hahaha. buti nga hindi tayo naubusan ng tawa eh. muli sa inyong pagbabalik kitakits

    happy bday jepoy

    salaat yow sa panlilibre. bwahahaha

    ReplyDelete
  13. yowwwwnnn ohh...

    pwede bang i-Like to? hehehe

    ReplyDelete
  14. Ah ganun? Matapos lahat ng pinagsasabi mo sa akin dito, eto lang ang masasabi ko?

    Nasaan ang respeto? At makapagbura nga ng friend sa FB at blogroll!

    Bwahahahahahahaha! We had joy we had fun. lavet.

    Sa birthday ko luwas rin kayo pero KKV.

    ReplyDelete
  15. Bakit puro blogger meetups na lang nababasa ko sa mga blog na nipa-follow ko.. Makasama nga sa mga ganyan.. LOL

    ReplyDelete
  16. nakuha mo pa manglait.nakita mo ng matampuhin ata si idol glentot!lagoooot!

    happy birthday jepoy!Blog mo ito?

    tara kumembang dun ulit!fun eh!

    ReplyDelete
  17. Happy Birthday dun sa nag-birthday. Parang ang saya-saya nyo naman magpe-friends. Napadaan lang ako, naghahanap ng matatambayan, pwede ba dito? Sife dito na lang. Add kita sa blogroll ko ah. Sige thanks! :]

    ReplyDelete
  18. @Jepoy: Haha. O di ba? Parang hindi naman ako pangblogger of the month. :) Salamat din sa bonding pero hindi porket probinsyano eh madaming aswang. So sosyal kaya here like so dami building too. Haha.

    @Gillboard: Tama! Haha. Nakakatuwa nga at inimbayt kami pangquota niya.

    @Ate Powkie: Malamig pa nung binili namin eh, pagdating namin mala... malabsa na. haha.

    ReplyDelete
  19. @Khanto: Di naman siya cake. Sylvannas lang at Leche flan ang gift namin. Haha. May picture, nasa fb ko. Wish ko lang makita niyo.

    @Kumag: Sayang nga. Next time po. Pag bday nyo, ilibre nyo us. Haha.

    @Xprosaic: Alam mo bang pinagtatalunan namin nung time na yun kung pano ipronounce ang pambihirang pangalan nyo? Xprosaic. haha.

    ReplyDelete
  20. @Pusang-kalye: Akala ko din po taga manila ako. Haha. Joke lang. Ayy. Nakakahiya naman kay kiki. Mas gwapo kasi ako sa kanya. Nyahahaha.

    @Ungaz: Well. Sa ngayon nasa blogroll pa ko. Bigyan ko sila ng ilang araw para alisin ako. haha.

    @Dhang: Oh? kontakin mo kami para mameet ka namin. Mamaya nagkatagpo na pala tayo di pa namin alam. San ka nagpupunta dito. haha

    ReplyDelete
  21. @Poldo: Well. Ganun talaga. Imbayted eh. pagkakataon na kasi ni greta para pasiklaban si Kikilabotz. eh di wala na kami nagawa kundi samahan. haha

    @kikomaxxx: Katakot ka naman kaEB. Isasagad mo hanggang buto, baka hindi ka na makauwi. Haha.

    @Kikilabotz: Salamat din sa bonding kahit muntik ka ng tumahimik. Haha. Magkamukha daw tayo, kagwapo ko kaya.

    ReplyDelete
  22. @Kosa: Well. Di ako marunong maglagay ng like button eh. Haha

    @Glentot: Sorry na IDol. Di ko napigil eh. At least consistent ang pagiidol. Salamat sa bonding. :) Di kami pupunta pag hindi libre. haha

    @Michael: Tama. Sumama ka minsan kasi uber fun pala. Perstaym kaya namin at nasulit talaga. Haha.

    ReplyDelete
  23. @Greta: E di sorry na nga. Haha. May maiblog lang kasi. Haha. Thank you daw sabi ni Jepoy, yung mayari nito. Haha. Tama! Masayang bumalik lalo na kung libre ang dadatnan mo. Haha.

    @Iprovoked: Salamat po sa pagdaan. :) Haha. Sige, free ka naman tumambay dito. Isa ka na ngayong madalang pipol. Wilkam.

    @Balentong: Pambihira! Di ko alam kung overwhelming yan. Haha. Sige na nga, better version nga lang. :)

    ReplyDelete
  24. natawa ako sa five star airlines
    namimiss ko na ang mga bus na yan, sa pag-uwi ko aabangan kita sa may dau bus terminal hihihi

    madami akong kaibigan diyan sa clsu ipapahunting kita hahahaha

    nakakatuwa naman ang pagkakaibigan niyo ng mga ibang bloggers hindi lang sa virtual pati na rin sa teleserye ng totoong buhay...

    be blessed parekoi!
    apiderdei kay sir jepoi!

    ReplyDelete
  25. Natakot naman daw ako sa banta mo sir Pong. Haha. At talagang alam ang CLSU. Hala ka. Sikat pa naman ako sa Nueva Ecija. Nyahahaha. Joke lang. :) God Bless po.

    ReplyDelete
  26. saya naman! nameet ko na rin sina jepoy, glenn at marvs dati.. :) sana maimbita nyo ako next time :P

    ReplyDelete