Matapos ang pagpapawis namin sa araw at pagindak sa tugtog na mosiko, biglang may naiibang aura ang isa kong kaibigan. Alam mo yung nag-glow? At lahat kami ay napansin yun. Mukhang gumana ang buntis effect ng Karakol at nag-Immaculate Conception ang aking kaibigan. Siya ay si Best Meg. Ang birhen ay narito na. Nandito na ang Mama Meg.
Si Best Meg (synonymous to Greta, Margaret Pineda, o Pogi for short) ay aking best friend, classmate for 7 years , kapatid at maituturing na rin na isang kapamilya. Mayroon siyang malaking hita na maaari mong isiping troso o paddle sa laki. Ang huling tinamaan ng binti niya, ngayon ay nasa ICU at comatose. Kilala siya sa kanyang blog bilang Greta na ako din ang may pakana, pero nauna ko siyang nakilalang Meg kesa sa tunay niyang pangalan. Magkaklase kami mula first year high school at di talaga kami nakapagusap kahit isang beses ng mga panahon na yun. Napapansin ko lang din siya dahil si Greta nun ay babaeng may kalakihan. Di ko siya kaibigan dahil isang girl group ang kinabibilangan niya at top 1 siya nun sa pagiging absinera. Nalipat tuloy ng ibang section pagtungtong ng 2nd year. Napala mo Ate. Nye nye.
Wala kaming interaction nung 2nd year high school. Nagkaroon na lang nung tumuntong ng junior high. Dahil nag-e'excel siya kumpara sa mga kaklase niya nung panahon na yun at pumapasok na siya everyday, nagbunga ang tiyaga at nalipat sa section namin. Nagkaroon ng seating arrangement at nataon naman na nakaupo si Meg right in front of me. At dun lang kami nagkausap. Natatakot pa ako noon kausapin si Meg dahil di ako friendly at mukha siyang bitch kahit malaki. Anu ba namang malay ko makipagkapwa tao eh nung mga panahon na yun eh sobra takot ko sa tao. Nung mga panahong nauuso ang song hits, kanta dito kanta doon ang nangyayari sa room. At dahil sa likas na kaepalan, humirit ang Yow kay Meg:
Yow: Meg, alam mo ba yung kanta na "How could this happen to me? I made my mistakes. I got nowhere to run. etc?"
Meg: Ayy. Untitled by Simple Plan. [Tsaka kumanta ng mas magandang version sa akin]
Ang pakay ko that time eh magmayabang ng kanta dahil kakaTV premiere lang ng Untitled that time sa Myx at MTV. Eh ang walang hiya, upadated pala ng bongga. Pahiya ang Yow. E di ikaw na ang marunong sa musika! Pero sa pagkakaalala ko, doon nagsimula ang pagkakaibigan at pagbuo namin ng isang grupo. Kaya kahit napahiya, nakatira pa pala kami ng pagkakaibigan. From then on, nagtuloy tuloy na at hanggang ngayon nga, di pa kami naghihiwalay. Reminisce dapat? Bago magcollege at nagdedesisyon pa lang kung saan magaaral at ang kursong kukuhain, inaya ako ni Greta na mag-aral sa katolikong paaralan na kinabibilangan namin ngayon. Dahil takot ako mag-isa sa first day of college life ko at takot ako na wala agad kaibigan, nakatango na agad ako para lang may makasama. Ang lalim ng dahilan ko, shet!
And the rest was history...
Bakit nga ba kami nagkasundo ni Greta? Noong una, ang arti arti ni Ati at talaga namang di ko maisip na makakasundo ko. Pero nakakagulat na more than 7 years na kami magkakilala at 6 years na kaming magkaibigan. First, sa likod pala kasi ng kaartehan niya, may lalaki kang makikilala. Kaya magaling din siya makisalamuha sa lalaki. At ngayon, talent na niya yan! May innate masculinity ang Greta sa bandang hita kaya naman makakasundo mo kahit babae siya na nagkulang sa dibdib. Pangalawa, lahat ng kalokohan ko at pangbubully ay kaya niyang tapatan o higitan. E di payn! Kailangan ko ng tag team sa pambubwisit para mas epektib. At pangatlo, parehas kami ng pananaw sa buhay-buhay. Sino pa ba maggagaguhan, e di yung mga gago na din.
Masarap kasama si Greta. Masarap kakwentuhan si Meg. At nakakatawa si Margaret Pineda. At masarap daw siya! Medyo too late ang post ko na to pero pwede pa namang humabol. Hayamuna. Dapat gawan kita at si Teddy pag bday nyo ng tribute para gagawan niyo din ako. Maraming salamat sa pagkakaibigan Best Meg. You're the best, Best! Magbalik loob ka na sa Panginoon para pagpalain ka. Umiwas kay Maria Magdalena, wag ka muna magmultiply at gumawa ng product Mama Meg. Kapag malapit na lang ang graduation, para eksenang malaki tiyan mong magmamartsa. Peace Tita Vangie. Joke lang po.
HAPPY BIRTHDAY GRETALICIOUS!
Ang picture greeting ay gawa ng kapatid kong si Zetlog. Ninakaw ko lang dahil tinatamad na ako maghanap ng picture ni Greta.
Nag-iisang,
happy birthday kay meg!!!
ReplyDeleteHappy birthday kay ms. Meg. :D
ReplyDeletehapi bertdey kay Meg!
ReplyDeleteYow sowee naman at ngayon lang ako napadpad dito...babawi ako,hihihi
happy birthday kay ms. Meg
ReplyDeletenaisip ko ang tanda ko na pala
college na yata ako or nagwowork na nung sumikat yung sa simple plan na song na yun huhhu
tama ka din 2 lang ang pinagkakaguluhan nung high school nun ang walang kamatayang pagpapaslam book ng mga girls at ang mga songhits na puno ng boyband, tsk,,,
hehehehe
HAPPY BIRTHDAY GRETALICIOUS! More cakes to slice, more candles to blow,and more blogs to write.. =)
ReplyDeletehappy birthday Greta maraming salamat sa pict grit na sinend mo tinigasan ako....ng kuko! Chos!
ReplyDeletePasensya na at hindi ako nakasend ng pict grit gawan narin kaya kita ng birthday tribute?! wait lang kay yow pala tong blog hihihi hi Yow lapit na birthday ko wala pa ung pict grit mo na ikaw talaga ang nasa pict. bwahihihi
aaawww....sweet!nangyurak din.hahaha!Patay ka niladlad mo pangalan.gagaling na siya pag nbasa to.hehehe!tnx yow
ReplyDeletebakit pag tribute kelangan makayurak puri?hindi mawawala ang pangaalipusta!
ReplyDeletesalamat best..natouch naman ako!hindi ko na naaalala kung pano tayo naging friends kasi pilit kong kinalimutan ang bagay na yun..hahahah
hahahaha!!! ang daming bagong tuklas!
ReplyDeleteSi MEG si GRETA At si POGI ay iisa! hahaha
laglagan na ba talaga ang uso ngayon?? hihihi.. di ko pa nabasa yung buong entry inuna ko muna yung pagdidiscover!..
basa mode muna!
kaya pala nagagalit ka pag sumisilip ako sa pagboblog m. nanakaw ka pala ng pict grit. ko na hindi naman ako. :) natawa ko sa pag reminisce mo diks. kadiri.
ReplyDeletehappy bday uli Ate Meg! :) Kaybuti talaga ng Diksy ko. :>
happy birthday kay greta!!!!
ReplyDeleteHappy birthday kay Greta! Ang ganda ng tribute mo Yow. :)
ReplyDeletenaks.. happy bday greta..
ReplyDeletedeadly weapon pala logs este legs ni greta :) hi greta nandito ka ba?
kakatakot naman mag bigay ng tribute si yow
haha
Ahem ahem ahem nasesense ko na nagnanasa ka nang todo kay Greta as in erect na erect ka lalo na sa larawan nyang yan! Wag mo nang ikaila jan nagsisimula yan!!! Malay mo ikaw pala ang magiging sperm donor nya someday!!!!!!!!!! Love story na ito exciting...
ReplyDeleteAng sweet naman... babati lang ng birthday ganun na agad kasweet?! lol...
ReplyDeleteHappy birthday kay Greta! heheheheh
Ang sweet naman... babati lang ng birthday ganun na agad kasweet?! lol...
ReplyDeleteHappy birthday kay Greta! heheheheh
margaret pineda pala ang tunay nyang pangalan. Gretalicious talaga. baka kayo rin magkatuluyan nyan yow!
ReplyDeletepibertdey greta!
naligaw. belated hapibertdey!
ReplyDeleteTO ALL:
ReplyDeleteSalamas daw sabi ni Meg. Maraming Salamas. Di ako makacomment back. Its not my birthday. Haha.
TO MALISYOSO/A:
ReplyDeleteFriends lang kami ni Meg. At shit kayo sa malaswa niyong utak. Euwness.