Sunday, September 26, 2010

FB: Yung totoo?! Sino ka?

Katamaran is my new bessy recently kaya di ako makapagblog. Ang tagal ko ding hindi nagagawi sa blogger.com, puro Facebook at Twitter ang nabibisita ko at nabubulatlat. Kahit nakakasawa na din ang Facebook, hindi rin naman ako tumitigil sa pagcheck ng aking account. Magbabasa ng status, magla-like ng status ng ibang peop, magcocomment kapag natripan, babati kung may birthday, makikipagchat minsan at mas madalas na nagla-log out agad. Pero hindi natin maitatanggi na nung mauso ang Facebook, ang daming natuwa dahil may bago na namang uso. Lahat na sinubukan, lahat nilaro, lahat na sa buhay inupdate. Si Friendster lang naman ang nalungkot nung sinilang sa mundo ang tatalo at lalampaso sa kasikatan niya.

Ang cool ng Facebook pero mas madaming pa-cool ang naglipana sa social networking site na ito. Nakaencounter ka na ba ng katulad nilang endangered species? Para mahanap ka ng mga friends mo sa Facebook o ng kung sino mang naakit sa angkin mong alindog, ang isang paraan lang ay gamitin ang iyong pangalan. I-type mo lang tapos ang dami na lalabas, pipiliin mo lang kung sino talaga hinahanap mo. Pero nung isang araw lang, sa Facebook aking natagpuan si...


Anu kaya ang maidudulot na kagandahan ng kanyang pangalan? Just call me Yellikeashootingstar! Maganda pa naman yung bata pero hindi ko makita kung san sila nagkahawig ng shooting star. At isa pa, Hoy Yellikeashootingstar, mag-iingat ka, nakakabilaok ang rocket ships. Ang dami pa ng gusto mo, kumakain ka ng bakal pate? PM mo ko, may ipapakain ako sayo na masasarapan ka... ICE CREAM. :) Oo, dugyot!

Nakakita ka na ba ng kasurname mo sa Facebook at inisip na kamag-anak mo sila? Akala ko kami na lang ang natitirang tao sa mundo na Villangca ang apelyido, kami na lang ang natitirang lahi nito sa Pinas, kaya nagulat ako nung malaman kong ang may-ari ng 8 waves Waterpark sa Bulacan eh Villangca din. Sila lang mayaman, hindi kami. Sa kanila napunta yung yaman, sa amin napunta yung good-looks. Hays. Nung nagsimula nga ang Facebook, ang dami nag-add sa amin na posibleng mga kadugo dahil parehas kami ng apelyido. Chinachat pa kami at pilit nagte-trace kung kami ba talaga eh magkakadugo. Mga in denial. Apo kasi sila ng may-ari ng 8 Waves at anu ba naman malay nila baka nakiapelyido lang kami mula pagkabata para makahuthot sa pera nila. Sa huli, ang sissyng ex-buntis ang nakipagusap sa kanila at nagkapuntuhan ng ninuno. Kamag-anak nga namin sila. At yan ang storya ng aming family reunion sa FB.

Bukod sa aming pamilya, may iba pang pamilya ang nabuklod ng dahil sa paggamit ng Facebook. Ang ganda din ng benepisyo di ba? At may kilala akong isang pamilya, magkakapatid ata silang lahat, na nagkita kita sa Facebook. Madlang Pipol, meet the vampire siblings.

Pangarap kasi ata nila maging bampira o sa mas malamang pangarap nila mapangasawa si Eduardo. At pati si Jacob Cullen sa baba, type din niya ang kaputian ng loko. Ayieee.. Kasama kaya ito sa pakyut stage ng buhay ng teenager? Bago naging Cullen si Anelle (sa taas), Bieber Cullen ang apelyido niya sa FB. Dugong artista si Ate. Nanay Bieber na unano, Tatay bampirang may leukemia. Ang CUTIE nyo! Pak!Ü

Nung isang araw lang din, may nabasa ako sa news feed ko. May friend ako na babaeng nagpalit ng relationship status from being 'single' to 'in a relationship' with Enchong Dee. Hindi naman Erich ang pangalan niya at di rin siya artista, pero magkarelasyon sila ng hayop na pakyut na Enchong. Maya-maya, pagkarefresh ko ng page, may nagcomment agad saying: "Uy, yan ba yung ginawa mong account ni Enchong? Galing ah." Sabog si Ate! Kinabukasan, back to single ang bata. Pinahiya kasi nung nagcomment. Pambihira kasi. Sagad kung makapagpasikat.

Ang mga larawan na inyong nakita ay hindi ko pinagpaalam. Syempre naman, pero sila ay aking kakilala. Di na uso ang blurred images for confidentiality. Pak na yan, kung gusto niyo ifriend ang mga weirdo, isearch niyo na lang. O kung gusto mo makiuso, magpalit ka na din ng apelyido at gawin mo ng Revillame para tunog local o kaya  Lautner naman para tunog aso. Pero yung mga normal pa diyan, maging masaya na tayo sa pangalan natin. Yow V. Tunog blogger. NakangPak!

25 comments:

  1. Alam kong mapapahamak ako sa sasabihin ko but...

    Naglipana ang mga jologs sa Friendster papuntang Facebook. Hehe..

    ReplyDelete
  2. nakngtuch na bata yan..masyado pinapangalandakang kumakain sya ng anek anek!tsk

    aq din magpapalit ng pangalan sa fb..mula sa pagiging GREgorio TAlabis magiging greta schwarzkopf na lang!

    ReplyDelete
  3. Mana ka sakin.hnd n ngpapaalam sa pagkuha ng pix.hahaha! Akalain mong kmag-anak mo may ari 8 waves.yamanin!hahaha

    for the rest of you...kung gusto nyo makakita ng GWAPO,pls. add Joshua Villangca sa FB...whahahahaha!Bastusan na!!!!!

    ReplyDelete
  4. agree ako sa kanila na ang yaman. satin naman ang goodlooks. hehehe.

    friend ko lahat yan ah? Pwera lang sa mga Cullen. Nakakabanas na. Katagal naming magkaklase ni Anelle. Hindi pa amining "Pagtalunan" ang surname nya. Tae. >:D

    ReplyDelete
  5. gusto kong gayahin ang banner mo sa taas yung gumagalaw sir hihihi

    buti nalang hindi ako mahilig sa FB
    add mo ako sir hihihi ng mafeature ako sa blog mo.

    kaya mas gusto ko na ngayon ang FS

    be blessed sir

    ReplyDelete
  6. gusto kong gayahin ang banner mo sa taas yung gumagalaw sir hihihi

    buti nalang hindi ako mahilig sa FB
    add mo ako sir hihihi ng mafeature ako sa blog mo.

    kaya mas gusto ko na ngayon ang FS

    be blessed sir

    ReplyDelete
  7. hala bat nandyan ang picture ng kapatid ko YOW!!!!!!!!!

    Hahaha! Joke lang!

    Lagot ka pre pag nakita nila yung mag pictures nila dyan at nilait lait mo!hahhaha!

    Ingat pre

    ReplyDelete
  8. sakit sa ulo ang kakaibang name. Kamusta naman sa agaw eksenang pangalan.

    Nakakatawa ung in a relationship status, may ka-office ako gumawa din ng ganun, kay maria ozawa. :p

    ReplyDelete
  9. magcocomment sana ako, kaya lang wag na kilala mo pala sila. lolz

    ReplyDelete
  10. Amp haha kaya ang sarap magbrowse browse sa FB eh maraming naeencounter na mga nilalang na hindi mo alam kung saan umaabot ang wavelength ng isipan nila... marahil ay dala ng pagsinghot ng kung ano anong substances... I love them.

    ReplyDelete
  11. @Kaitee: Ta-ma! Haha. Nagmigrate na din sila. nakikiuso.

    @Greta: Bongga! Sa sobrang bongga, ikaw na lang bumasa. Payn! Haha.

    @Ungaz: Walang hiya ka talaga Donna Marie Pineda (google it, phil.'s most wanted criminal). Ayan, may comment back na Ate! Haha.

    ReplyDelete
  12. @Lyzette: Sissy. Tao ka na. Marunong ka ng magcomment. Haha. Ang ganda kasi ng apelido. Pagtalunan. Naman!

    @Pong: Bakit? Kakaiba din ba ang pangalan mo Sir? Haha. Salamat sa pagbalik. Gayahin mo para super kambal kambal na tayong tatlo. haha. Identical triplets.

    @Drake: Akala ko totoo/ Kinabahan ako ah? Haha. Pambihira naman oo.

    ReplyDelete
  13. @Khantotantra: Haha. Mukhang tanga di ba? Ewan ko ba naman sa mga taong ganyan. Makapagclaim oo.

    @Gillboard: Ok lang naman. Di ko sasabihin. Haha.

    @Glentot: Ta-ma! Haha. Ewan ko ba naman sa mga yan. In born pampam. Sige, sila na. Haha. Sila na artista.

    ReplyDelete
  14. Magrreact lang ako sa "Cullen" thing.

    OMG, gusto nilang magpakasal sa isang bampira na kumikislap? Tsk..

    ReplyDelete
  15. dun sa bata since rocketship ang kinakain niya sa tingin ko naman hindi siya mabibilaukan pag jumbo hotdog pinakain ko sa kanya..

    oha oha..hehehe

    ReplyDelete
  16. @Kaitee: Yun lang pala ate eh. haha. Ewan ko ba sa trip ng mga yan. Nagpapantasya sa bampirang kumikinang, payatot pa. Tsss.

    @Rico: Pakiramdam ko nga ginamit lang niya yung rocketship para pasimpleng sabi na kaya nya kahit anu. Haha. Joke lang. Salamat sa pagdalaw.

    ReplyDelete
  17. Ang Facebook ay source ko ng chismis. Bow!

    ReplyDelete
  18. Thanks Diks. Ngunit. Bakit wala ang aking picture? HAHA!

    O hanep na Anelle na yan. Sana naman di niya ko mabuking na ibinuyo ko siya na iblog mo dahil sa kakirehan niyang paCullen Cullen pa. Malalaman mu nga. Anelle Pagtalunan pala ang real name. Ohh! Talent. OKAY. Sana gigil ako.

    ReplyDelete
  19. idagdag mo pa ang mga napakawagas na mga pangalang may kakaiba pang character!~

    putang ines anong trip yun?? magmukhang kakaiba lang sus... ay ako rin pala ganun.. hihi

    kaya tama na sa akin ang patwit twit nalang hihhi..

    ReplyDelete
  20. badtrip kanina lang may nakita kong frend ng frend ko na may cullen ang last name. wtf!!!

    ReplyDelete
  21. dumarami na ang skwater sa fb. natutuwa ako sa mga nababasa ko sa FB. nakakasagap ako ng kung ano ano. mag ingat ka, baka abangan ka nila.

    ReplyDelete
  22. @Salbehe: Lahat naman tayo. Haha. Pag may gusto sitsitin, fb ang titirahin.

    @Zetlog: Paulit ulit at talagang nagrereply sa comment/ Eh nawili. haha.

    @Poldo: Madami ka naman kalahi Poldo. Ayus lang yun. Bakit kasi nahiligan maglalagay ng pampaganda sa bungad ng pangalan. haha.

    ReplyDelete
  23. @Tong-tong: Nasa post ko yung mga kalahi o kamag-anak niya. Haha.

    @Super Balentong: Long time no comment. Haha. Di naman siguro. Nafeature na nga sila eh.

    ReplyDelete
  24. ah basta ako mhirap isearch pangalan ko sa FB hahahaha...sana walang mangtrip sa FB ko at laitin pangalan ko tulad ng ginawa mo sa knila hahahaha...Joke lang parekoy!Peace!

    ReplyDelete
  25. Okaaaaaaaaaay tawa ako nang tawa hahaha! wawa naman mga nabiktima mong kunan ng screencaps hahaha! si shootingstar at ang mga magkakapatid na bampira! hahaha!
    pero niiice a! nakakita kayo ng inyong mga kamag-anak!

    ReplyDelete