May bago akong kwento. Recently, about 3 weeks ago (di ba kamakailan lang?), may inattendan kaming debut party ng isang kakilala sa Manila kaya naman ang probinsya boy Yow ay naghubad muna ng bota at umahon mula sa putik ng bukirin, nag-sign out sa facebook at naglakbay. Kay tatayog pala ng gusali sa Kamaynilaan hano? Nakakalula ayy.
Sa Vivant shit, Alabang ginanap ang party. At sa registration nakatoka ang Yow at Zetlog (a.k.a. bunsong sissy). Syempre ang sissyng buntis ang organizer kaya dapat magagamit ang mga kapatid niya. Kailangan din kasi kaaya-aya ang sumasalubong sa mga guests bago pumasok sa loob ng hall. And I think, nagampanan naman namin ng maayos ang role na yun. Bawal kontra! At diyan natatapos ang kwento ng party party.
Actually, hindi naman yan ang kwento. Ang pagluwas namin ni Zetlog ng Maynila ang istorya. Day before yung party, paluwas na kaming magkapatid at maaga kami pinapapunta ng sissyng buntis. Akala ko tuloy eh kami ang magluluto at magaayos ng hall kaya maaga kami pinapapunta. May catering naman pala at may magseset-up. Pinapaluwas lang kami ng maaga para makasabay sa family friend na pabalik na din ng Manila. Wais talaga ang sissy. Nagtitipid muchness. Bago pa man ang byahe may mensahe ng binigay sa amin ang sissy. BABALA: Mainit sa Van, magdala ng rescue pamaypay. Kaya naman nung sasakay na kami, bilang masunuring mga bata, di kami nagdala ng pamaypay. Maaga kami umalis kaya pagsakay sa van ay malamig pa. Sa pagdaloy ng oras at paglayo ng aming nilalakbay, teka nga Kuya Eddie, parang kumatas na lang ang Yow at naging isang nabuhay na pawis. Mainit nga talaga Ate Charo at naging exhaust fan ang aircon. Palabas ang hangin at hinihigop papasok ang init sa labas. Gusto kong buksan ang bintana ngunit mahina ako Ate Amy, gusto ko i-Face-to-Face ang driver pero gusto talaga nila mag-asawa na nakasara ito at kulubin ang pampabasa ng kili-kiling init sa loob ng sasakyan.
Around 2 PM nasa Mega mall na kami. Sabi ni Manong Driver, “Punta kami Mandaluyong, sa Boni na lang namin kayo ibababa. Magbus na lang kayo.” Di na ako tumanggi at pagkakataon na yun para takasan ang pambihirang umaandar na oven. Gabi pa daw ang uwi nila sa center namin sa Sucat kaya mauna na daw kami. Sa kanilang kabaitan, pinaiwan na lang nila ang mga gamit namin sa van para di kami mahirapan sa pag-commute. Sino ba namang tatanggi sa hassle-free na idea di ba? E di payt! Bumaba na kami dala-dala lamang ang tig-isa naming personal bags at nag-abang ng bus. Dumaan ang Nova Bus ni Idol Glentot pero di kami sumakay. Mukhang mapanganib ang itsura ng bus pati na din ang driver na nakabalot ng sarong ang ulo. Habang naghihintay kami, tinanong ko ang Zetlog:
Yow: Zetlog, may barya ka ba? Magkano pera mo diyan?
Zetlog: (Halungkat) Ayy. Naiwan ko sa paper bag sa van yung wallet ko. P40 lang nasa bulsa ko.
Yow: Pambihira ka! Ako na nga lang muna, wala pa naman ako barya. (Halungkat at kapa-kapa)
At yun na nga. Ang wallet ko ay naiwan din sa isa ko pang bag sa van. Anu tawag dun? Tanga. Laking ginhawa pa naman kako ng walang bitbit, eh di naman pala kami makakauwi sa di namin pagbitbit. We started panicking at nagsisihan sa tapat ng gasolinahan. Anung magagawa ng kwarenta pesos? Habang nagiisip eh naglakad kami ng naglakad hanggang makarating sa station ng MRT sa Guadalupe. Pinagod namin ang sarili naming umakyat sa mataas na hagdan ng MRT para makatawid at umaasa na may mauupuan sa Guadalupe Shopping Center daw na mas maganda pa ang Baclaran. Wala akong pangtext that time at si Zetlog naman ay lowbat. Nagpalit kami ng sim para magamit ang ever-reliable TM Astigtxt niya, nagte-te-te-te-te-text kami kay Sissyng buntis at nagmamakaawa na sunduin na ang kanyang mga abang mahihirap na kapatid. After 15 minutes, no response. Nanganganak na kaya ang war-freak na buntis? Pambihira! Di man lang magreply. Kaya nagpaload na kami gamit ang P40 na natitirang kaban ng cash. Tinawagan ko ang sissy.
Yow: Se, Yow to. Naiwan namin yung wallet sa van eh binaba kami dito sa Guadalupe. Di kami makauwi. Rescue us please? [insert sad face]
Sissyng Buntis: Kakabasa ko lang ng text mo. Humaharvest pa ako eh. Teka, tapusin ko lang, gagayak na ako.
Yow: Wow. Abala ka ha? Dalian mo na se. Husay!
Joke lang. Di siya nagfafarmville nun pero nagfefacebook daw siya kaya di niya napansin. Nung nagtext siya na nasa byahe na siya, humanap na kami ng magandang pwesto at mauupuan. Yung hindi kami papaalisin ng guard dahil nakaupo kami sa hagdan, yung hindi kami makikinood ng flat screen TV sa solar sales center na palabas yung hayup na si Criss Angel. At natagpuan namin ang upuan na kay ginhawa kay Aling Upeng: Jollibee. Pakapalan ng mukha sa manager ng Jollibee na si Aling Upeng, kahit di kami umoorder, ang tagal namin nakiupo don at kunwari namimili ng kakainin na may kasamang pagturo-turo effect pa. Ang sarap umupo sa Jollibee kahit masama na ang tingin ng guard kaya lang magugutom ka sa amoy ng mga langhap sarap nilang pagkain. Kainis. Nung dumating ang buntis, shakiness na us sa sobrang hungry. Dali dali na kaming umorder, hulaan mo kung saan? Syempre, bilang utang na loob sa pagpapaupo, kumain kami sa KFC sa tabi ng Jollibee. At nakauwi ng matiwasay pagkatapos kumain.
Tatapusin ko ang post na ito sa mga natutunan kong moral lesson na nawa'y makatulong sa lahat:
Wag ibubulsa ang katangahan sa paglabas ng tahanan. Iwanan na lang ito para iwas ang panginginig ng kalamnan. Pak!
Hayop ang buhay, Fernando! - Jacklyn Jose, Mula sa Puso.
Ang utak parang tiyan, masakit kapag walang laman. Ta-ma!
nakakaloka!
ReplyDeletehahahahaha
makarelate much ako sa post mo kase isa rin ako sa taong masugid na nagbabaon ng katangahan.. premises.. feeling ko ba eh tila ayaw humilaw saken ng katangahan.. sa mga ganyang byahe, ako ang madalas sa madalas na napakaswerte sa malas...
pero at least ha.. nangyari yun sayo ng may kasama ka.. pano na alng sa tulad ko na tuwing nagpapamalas ng angking talento sa katangahan eh mag-isa.. wahahahaha
dandang umaga yow!
@Yanah: Parang ang bilis mo ate. Nakakagulat. Gising ka pa. Haha. Ta-ma! Nakadikit na nga din sa akin yung malas, we're close. Pero buwis buhay tong sa amin, kung walang 40 di na kami nakauwi. Haha. Good Morning. Good Night. :)
ReplyDeletewahahaha bilis kidlat ba?
ReplyDeleteeh pano, timing tong post mo.. ako'y baba ng kamaynilaan mamayang alas 3 ey em hahaha kaya dito na ko sa blog humimlay.. hahahaha
sa susunod wag tanga-tangahan laging first check ay wallet, kalimutan na ang brip at condom basta ang wallet check sa banga!
ReplyDeleteambilis ni yanah. ehehehe.
ReplyDeleteanlupit lang ng adventures mo. Buti nareceive agad text mo. Minsan masaklap pag nagtext ka tapos di narecieve kasi tulog or uber busy ang tinext.
Hayup pati ang Jacklyn Joseng nananahimik dinamay mo sa kalokohan nyo. Sana tinext mo si Jepoy para dumating sya maraming pera yun noh nagpapamigay nga yun ng pera kapag tapos na nyang gamiting pamaypay.
ReplyDeletehahahaha!!!yehey!hnd lng pla ko nagiisang shunga sa mundo.alabet!wt an advnture.pinost mo sna ung pic mo n nza FB....burol!hahaha
ReplyDeletehahaha pagbababa ng bundok, kalimutan na ang lahat wag lang ang salapi... nag-enjoy naman ako sa adventure niyo, sana maulit :))
ReplyDeleteLahat naman tayo dumadating sa buhay na minsan nakakalimutan ang wallet, salamin, lip gloss at common sense. =)
ReplyDeletehahaha. gnda ng tatlong huling kowts sa dulo..^_^
ReplyDeletehayop hayop hayop..(tonong jackeeleen jowsey din!)
ReplyDeleteyan na nga ba sinasabi ko...ang katangahan wag masyadong dinadamdam,ito din ay nakamamatay!
swerte naman ang nakakakuha ng pera sa van tyak limpak limpak na salapi ang meron dun!Sayang sana ako na lang ang nakadukot!hahaha
ReplyDeleteingat brod
Ang utak parang tiyan, masakit kapag walang laman. - Diksy, ang ganda neto. Nakakarelate ako. Ewan ko lang ha.
ReplyDeleteUnang una. Nalilito ko sa &^%$#*@ na ads mo nung una. Yun ang nababasa ko palage. :> Buti pwede palang iscroll down. :) Thanks God.
At Diksy. Di ko pa rin alam kung pano magsign in dine. Para may picture ako. :D Haha.
Natatawa ko nung naiisip ko yan. Kase tahimik lang ako niyan. Panu nga napakainit ng ulo mo. Napakabayolente. Tas ang natatandaan ko na lamang ay ang katabi natin sa Jollibee na OA pumorma. Na parang nakiupo lang din. Try kong magcomment. Sana mahaba ah. Check mo nga kung email?
Osige mag-iingat ka dyan. Namimiss ka namin ng pamilya mo. :D
-setlog. :)
Hahahaha makabagbag libag ang mga huling kataga mo parekoy hahaha...
ReplyDeleteApir! Karamay mo ako sa pagiging shunga hahaha joke lng parekoy!
Aktwali lahat naman tayo granted sa pagiging tanga diba?? meron lang ibang inaabuso kagaya mo! wahahaha joke lang yow!
ReplyDeleteAno kayang nangyari nung nagkita kita ang VAN, ANG YOW at ang WALLET??
@Jepoy: Oo nga. Yan naman na ang gawain ngayon. Tsaka aanhin ba ang condom? Pfft.. Weak. Haha.
ReplyDelete@Khantotantra: Yun nga. Kundi nasa bente kwatro oras na kami at nananawagan sa kamg-anak. haha.
@Glentot: Wala ako number ni Ser Jipoy. Haha. Mayaman nga. Akin na lang. Mainit sa bahay. Maipangpaypay.
@Ungaz: Kung makalait ka eh. Kagwapo ko kaya dun. Walang kokontra!
ReplyDelete@hartlesschiq: Ang hirap gayahin ng name mo. Haha. Wag naman na sana maulit. Nadala na ako. Haha.
@Salbehe: Ang lalim mo talaga ate. Nakakabilib magsalita. Grabe. :)
@Kikilabotz: Opkors! Hayop ang buhay Fernando. Haha. Salamat.
ReplyDelete@Greta: Buhay pa naman ako. Di ko dinamdam. In fairness.
@Drake: Di ko naman naiwala. Naibalik din at sa sasakyan ng kakilala lang naiwan. Haha.
@Setlog: Ang tanga mo talaga sissy. Loser magcomment. haha.
ReplyDelete@Jag: Hugasan mo na yung libag na nabagbag. Game. Haha. Ta-ma! Di lang tayo. Madami na ang salin-lahi.
@Poldo: Eh di happiness. I've got my money back. Haha. Yung van? Mainit pa din siya.