Bukod sa pagpapanggap na marunong ako magsulat ng kung anu-ano, may isa pa akong nasapo na talento (ata) mula kay Bro. Hindi ako biniyayaan ng kagandahang boses, este hindi pala talaga magandang boses, sa pagkanta kaya naman siguro ipinagsiksikan at ipinilit ko na din na matutong sumayaw. Naka naman. Dumadancer si Yow. Marunong akong sumayaw pero hindi kasing husay ng mga walang-hiyang iba jan. May poot talaga dapat dahil nakakaintimidate mag-sayaw yung ibang tao da ba? Tingin ko naman, nasa lahi na namin ang makikislot na tao kaya naging passion na ng ilan ang pagsasayaw. Magagaling magsayaw ang mga pinsan ko, alam mo yung magaling? May humi-hip-hop, juma-jazz, kumo-contortionist, lumi-lyrical hip-hop at
Simula nung sinayaw namin nung bata pa kami ang Get down, get down and move it all around ng Backstreet Boys, nagsimula na ang career ko bilang taga-bigay aliw sa pamamagitan ng pagkibot at pagkislot. Naaalala ko tuloy na minsan isang magpapasko, nagawa naming sumayaw magpipinsan sa party party ng isang kapit-bahay. Nakapangasawa ng hapon kaya biglang yaman ang buset na kapit-bahay. Sumayaw kami dahil nabalitaan naming nagbibigay ng pera ang hapon. Nakamit namin nun ang gusto namin at may uwi-uwi kaming P100 bawat isa pang-jollibee. Pero ngayon ko na-realized na performer sa Japan pala ang datingan namin noong panahon na yun, bigla akong nandiri, bigla akong nanlumo. Shetness. Para sa pera nga naman oh!
Nung tumuntong ng high school, lalo nadalas ang sayawan na aking naranasan. Bawat pacontest, sasali kami kesehodang sing and dance competition na buong klase ang involved eh game pa din. May sinalihan kaming pakulo noon na hip-hop/modern dance competition na dinaos pa sa isang mall. Kahihiyan pero nanalo ang grupo namin. Dahil nagustuhan ng isang konsehal ng aming bayan, inimbitahan tuloy kami na sumayaw sa isang Fund-raising concert para sa nakalimutan ko ng purpose. At bongga yun nung panahon na yun dahil kami muna ang sasayaw bago lumabas at magpakitang-gilas si Keempee De Leon. Hindi na two-sided ang buhok niya nun, hawig na lang nung hairstyle niya ngayon. Big star di ba? Sikat na sikat ang main act. Ang baba tuloy ng raised na fund.
Nitong mga nakalipas na araw, medyo nag-iisip isip ako kung itutuloy ko pa ang career ko sa pag-gamit ng katawan bilang source ng aliw. Ang tanda ko na kasi para sa pagsasayaw at mahina na ang tuhod ko para gawin pa ang mga indayog sa sahig na moves ko. At lalo't higit sa lahat, nabwisit ako sa napanood kong video kay Pareng Youtyug. Parang pag-nakitabi ka at nakisali sa kanila ay maicoconsider na as an attempt to suicide. Ang panonood ng video nila ang nagpa-realized sa akin na hindi nga ako marunong sumayaw at sila lang ang may karapatang kumilos sa saliw ng tugtugin. Mga walang-hiya. Mga hampas-lupa. Mga patay-gutom kayo. May galit? Oo. Eto, panoorin niyo kase.
O siya! Kayo na Diyos. Kaya talagang wala akong future sa pagsasayaw. Isa na lang malaking frustration ang maging magaling na mangingislot. Hindi na yan ang talent ko. Makapagblog na nga lang. Malay mo, kakablog ko, gumaling ako sumayaw. Ayaw pala sumuko eh. Naman naman eh. Yun ang Pak!
Hahaha! Feeling ko naman pag sumama ka sa kanila, automatic makaka-adjust katawan mo tapos ganyan ka na rin! Haha! Kasi innate na sa'yo ! Hahaha! Okay, I wasn't paid by Yow to say these things. Hahaha!!!
ReplyDeleteBut I do wanna see you dance. :) YOU-TUBE! YOU-TUBE! haha!
panalo na sana, kaso olats talaga ako sa pagsayaw. di ko at ayaw kong iappreciate yan! hindi ako marunong e, matigas ang tuhod ko! ahahahaha.
ReplyDeletegusto ko black and gold na music sa video. Nag kunkunwari ka pang hindi marunung sumayaw balita ko isa kang hiphop dancer sa school nyo. Sus!
ReplyDeleteTotoong may nakakaintimidate nga na dancer, katulad ni Maja Salvador. Ang galing nya, nakakainggit, punyeta.
ReplyDeletemakuntento ka na sa pang macho dancer moves mo..pak na pak naman eh!hahaha
ReplyDeleteAsus! Pa-humble epekpek ka pa jan! If I know magaling ka din sumayaw! Woooo...Next time vidYOW mo na ang ipakita na sumasayaw ha? hehehe...
ReplyDeleteSus! I'm sure ikaw yung isa sa mga tinitiliaang dancer sa school nyo! ikaw na yow!
ReplyDeleteFrustration ko rin yan.. kaya naman halos lahat ng dance movie e pinapanood ko.. nagbabaka sakaling makopya yung mga dance moves nila kaso fail! ang gagaling ng mga kufal! ingget!
Oh may! nagustuhan ko your Blog
ReplyDeleteilalagay kita sa blog ko! wahahaha!
keep blogging!!
mahilig din ako kumislot. pero di ako magaling. trip trip lang. \m/
ReplyDeleteay putek buti pa kayo maraming talent
ReplyDeletepractice lang ng practice boss yow sa pagbablog gagaling ka din sa pagsayaw eheheheh
ReplyDeletebe blessed sir!
talent mong kumibot prang uod...wlang humpay na pagkislot.kahit walng tugtog yuyugyog!hahaha...mgkktunog.pakshet
ReplyDeletepotaness!imba...nauna kasing kumoment bgo nood.hahaha!kumpra sa knla ngmukang involntary muscle muvmnts lng ung sau.hahaha!nanlait?joke lng
ReplyDeletePucha naexcite pa naman ak.. Kala ko video mo na na naglalapdance yung nilagay mo! Video pala ng iba! Sows! Sample! Sample! Sample!
ReplyDeletesana nekstaym videYOW mo na yung ipakita mo... ahahaha..
ReplyDeleteng mapintahan maige ang pagkislot ni YOW!
hehehehe
yon yon eh... dancer ka lang talaga yow.. di mo lang msyadong isinisiwalat. lol
ReplyDeletebuti nga kahit papaano marunong kang sumayaw, ako wala talaga!nakakdepress lang talaga!hehhee
ReplyDeletehayaan mo ng hindi ka magaling kumanta.....mabait ka naman!(naks!parang tunay)
Ingat
wow. dancer pala si sir yow.
ReplyDeleteget down, get down, and move it all around....--- backstreet boys pala... akala ko nsyc. nyeheh.
kung ebidensya ng walang katalent-talent, AKO YUN! pwamis..lols
ReplyDeleteDahil mas naniniwala ako na kagaya ng pagpapanganak sa bawat tao na iba iba, pinanganak den tayong may kanya kanya at iba ibang talento. Pero hindi ako naniniwalang may kinalaman dito ang Diyos. :p
ReplyDeleteHanep, dancer. Frustration ko yan. Haha. Dati gusto kong sumali sa mga dance troupe, kaso hindi kinakaya ng mahiyain kong face. :(
Nakalimutan kong i introduce ang sarili ko. Vajarl po. Nakikikapitbahay lang. May dala pang pasalubong na putobumbong para hanggang pasko na. :D
ReplyDeleteHellow Yow! :)
aha! dancer ka ba ng CIC? astig mo Yow.. paautograph na talaga :)
ReplyDelete@Traveliztera: Aww. Thank you. Haha. Pero sana nga ganyan ako sumayaw. Gusto ko subukan kaya lang baka mapahiya me. Haha. Sige. Sasayawan kita. Yung macho dancer dance. Haha. Baka masuya ka? Joke lang.
ReplyDelete@Super Balentong: Kahit ako din naman di marunong. Haha. Gusto ko lang matuto. Parang ang cool eh.
@Jepoy: Like ko din yun. Nakakaindak na part. Nakangtooch. San mo naman Sir nadinig yan? Haha. Di pa nga ako nakakasayaw dun kahit minsan.
@Salbehe: May nakakatawa sa comment mo ate. Haha. May poot kasi. Ta-ma! Nakakaakit si Majah kumilos. E di siya na!
ReplyDelete@Greta: Ikaw lang naman kumukunsinti. Haha. Di ko pa nga namamaster ng mabuti. Haha.
@Jag: Nakangtooch. Haha. Di nga ako magaling. Kung mahusay sana ako, video ko ilalagay ko. Haha.
@Poldo: Hindi kaya! Haha. Di nga alam sa school na kumikislot ako. Manggagaya ka talaga. Ako din eh. Dinadaan na lang sa panonood ang frustration na maging mananayaw. Amp.
ReplyDelete@Harvey Assen: Thank you. I'll visit you back. Salamt salamat. Balik po. :)
@Bulakbero: Same here. Hanggang trip lang. Masarap gamitin yung trip na yan sa party party. Haha.
@Kikilabotz: Wala nga eh. San ba nakakabili ng talento? Amp.
ReplyDelete@Pong: Dun din ako umaasa. Sana sa kakablog humusay ako ng tunay at wagas. Haha.
@Ungaz: Akala ko eh naspeechless ka lang sa video. Di pa pala pinapanood. Haha. Walanghiya! Kapag ikaw napakitaan ko ng macho dancer moves ko. Ikaw ang mumuscle contraction. Haha.
@K: Whatda? Lap dance? Haha. Pambihira naman. Sa susunod Ate K, stiptease naman. Haha. Ako na yun.
ReplyDelete@Yanah: Natakot naman daw ako sa pagpinta mo. Haha. kapag lumakas ang loob, titira ako ng video. Nyahaha.
@Tong-tong: Nakakahiya din kasing isiwalat. Haha. Kaya hidden talent na lang.
@Drake: Pasalamat pa pala ako. Haha. Thank you. Sorry na. Mabait ho talaga ako. Di totoo ang chismis na walang hiya ako.
ReplyDelete@Khantotantra: Ayy. Mali ba? Hindi ba backstreet yun? Haha. Nakompyus naman daw ako. Baka napahiya pa ko.
@Kosa: Di naman siguro. May natatago yan. Malay mo ikaw na pala ang hihiranging Ama ng Balagtasan. Haha. Anung talent mo? Balagtasan po.
@Vajarl: Ako naman nakasali sa dance troupe minsan tapos biglang umalis yung adviser kaya nabuwag. Haha. Salamat sa pagbisita. Ako naman po si Yow. Wala bang bibingka? Merry Christmas. :)
ReplyDelete@Karen Anne: Pambihira! Wala ako kinalaman sa dancer ng cic. Haha. Di pa ko nakakasayaw dun kahit minsan. Haha.