Kakatapos ko lang mabusog sa umagahan kaya dahil jan may nag-text:
Congrats! Blogger of the month ka ni Jepoy. Imba ka. I'm proud of you. Sikat ka na. Tama lang yan, ang gwapo mo kaya. Nagmamahal, UNGAZ.
Nagulat naman ako sa mensahe ng ungas at biglang nagbrighten up ang mukha ko. Instant happy face ang dulot ng text na ito at sa sobrang tuwa ang naisagot ko lang ay ang mahilab-hilab at puno ng emosyon na Oh? Weh? Matapos yun, dali-dali ako nagbukas ng laptop at nagpray over na maganda ang connection. Under construction pa kasi ang hayop na Wi-max dahil moody ang buset, pinipili kung kailan magkakaroon ng connection. Answered prayer mga kaibigan at talagang pinagbibigyan akong makita ang post ni Sir Jepoy. Blogger of the Month: September Edition.
Nag-scan muna ako bago magbasa. Scroll down at biglang napaisip. Teka nga. Facebook ko ata ang napuntahan ko, puro mukha ko nakikita ko. Ako nga. Nagtatry ako mag-logout pero hindi epektib. Pindot ako ng pindot ayaw lumipat ng page, picture pala ni Jeps sa about me yung andun. Nakangtooch. Hindi nga ito facebook. At hindi nga ito chismis o September fools day. Wagi nga pala ang Yow sa kapita-pitagang blogger of the month segment sa Pluma ni Jempong. Napangiti na lang ako nung binabasa ko sabay sabing Haylabbets.
Ganun talaga madlang pipol, dapat ishare ang experience at wala din naman ako maikwento. Nung maisipan ko bumalik sa pagbablog, ang layunin ko lang naman talaga eh makapagsulat at magbasa. Yun lang. As in. Bonus na nga sa akin na may nagbabasa at paminsan-minsan ay may kumocomment sa sulat ko. Nung dumami ang nakapansin sa munti kong tahanan (dumami as in more than one na ho), nagustuhan naman ng Yow at nagpapansin na talaga sa ibang blog. Yan ang pure-blooded pampam. Sa mga blog na binabasa ko, si Master Badoodles, Paps at Jepoy ang may blogger of the month segment. Dun ko pa nga nakikita sa list nila ang mga nice-to-read na mga blog kaya nakakatuwa ang pakulo nila na yun. Sadya akong ambisyoso that time kaya naman pinangarap ko na ako'y marecognize din kahit na ang entry ko pa lang nun eh tatlo.
This is my first recognition as a blogger kaya naman umabot na sa gawing batok ang ngiti ko at naging constant na ito. Mababaw lang ako at talaga namang napasaya ako nito. Naging pangatlo na din pala ako sa hall of fame ng blogsngpinoy. Nagbunga kasi ang inaraw-araw kong pagpindot ng 5 star sa ratings ko dun. Nagpipipindot ako bawat araw para manalo pero nung lumabas ang resulta para sa buong buwan,,,, pak! I got 7 points. At 3rd place pa ko ng lagay na yun. Konti na lang maabot ko na yung first place eh, 200 lang naman kasi siya. Ang dami niya friends ah? At good friends sila.
Biglang nadagdagan ang bumisita sa It's YOW time buong araw dahil na rin sa parangal ni Sir Jepoy. Malaking tulong talaga kapag napromote ka ng sikat. Naks. Anu ba namang malay ng iba na may Yow pala? Napabilib din ako sa pagkakakuha niya ng impormasyon tungkol sa akin. Nakita niya kaya talaga sa account ko o may may tulong din si Idol Glentot na tanging link namin sa isa't isa? (O di ba nangbintang pa ko). Nagulantang talaga ako ng makita ko ang pistyur ko na kay gagwapo (blog ko to). Kung todo pakyut pa naman ako sa mga picture na nandun kaya nanliit ako sa hiya. 5'1'' na lang ako ngayon. Nalantad masyado ang pagkatao ko na hindi ko pa naman sana masyado inilalagak sa publiko. Nahiya naman daw ako sa buong pangalan na nakalagay doon sinamahan pa ng
Hindi ko na kinaya ng mabasa ko ang linyang Si Yow ang itinadhana ng Universe na blogger na tatalo sa hits ni Perez Hilton. Anu daw? Anu sabi? Si Yow daw ang tatalo saan? Eto talaga yun eh: sino ba si Perez Hilton? Oo na, tanga na pero gaya ng di nyo pagkaalam sa school ko, hindi ko din alam kung sino si Perez Hilton. Tinext ko agad si ever-reliable Ungaz at ang sabi niya eh di ko daw katulad yun, panghollywood na mapanirang-puri na chismosa lang daw yun. Naconfuse tuloy ang Yow. Mapanirang puri nga ata ako? Amp.
Anyway anne hathaway, maraming salamat bossing Jeps sa isang walang katulad na experience na maging iyong blogger of the month. Hindi sapat ang comment para sa pasasalamat ko at dapat may sariling blog entry. Mabuhay ka! Kung malapit lang ako sa'yo, ititreat kita ng bonggang kainan. Ayos! I mean Sayang! Malayo eh. Well, pakiramdam ko una't huli na ito pero at leastkahit minsan naman
Puta ka!
ReplyDeleteGantihan??! Kelangan sabihin ang pangalan ko? Degree at trabaho? Hmp!
walang anuman it's Yow Time, you deserve it. Puto lang at Spag happy na ko *wink*
Blog on...
grats! wow. naglalabasan mga full names ng bloggers :p
ReplyDeletepa-spag ka naman.
doon sa blog na yun ko ito natagpuan.
ReplyDeletecongrats!!!
yehey! congrats yow! bumibigtime ka na! :))
ReplyDeletehayup ah.. umaangas na.. haha! grats!
ReplyDeletedito na ko magsasabi ng "im so proud of you yow..with teary eyes pa!" ...tanga eh, dun bumati sa blog ni jepoy kase..hahah..sikat na talaga ang pangalang YOW..magpasalamat ka sa kabod na lang bumansag sayo na ex ko kuno!
ReplyDeleteipagpatuloy ang pagpapakitang gilas!
edited ang text ko?znb kong gwapo ka?!hahaha!o well congratz...lika n mgpkain ka na...yn b uso sa blogz?lalgn ng pgktao!alabet!whahahaha...
ReplyDeletenaks naman yow..bigtime ka na..hanep!! congratulationsssss
ReplyDeletenakanaman, puto't spag para kay jepoy! congrats sayo yow.
ReplyDeletehahahaha! talagang nilalaglag yung totoong identity ni sir jepoy haha pak!
ReplyDeletekongburatchulasyon YOW! talagang paninindigan ko nang di ko papalitan layout ko atleast mapagkakamalang yung site ko e sayo, para naman maambunan din ako ng kasikatan mo! (hopeless?)
Ikaw na yow!
Wow... congrats, Yow!! Ang galing naman.. Bigtym na talaga. Congratulations ulit, Yow! This is exactly why I have you on my "Blogs I Enjoy Reading" list. =)
ReplyDeleteNaks naman! aYOWn o! aYOWs na aYOWs. todOW na itOW...Congrats pOW! Keep writing! hehehe...
ReplyDeleteat nilaalag mo si pareng Jeffrey Besinio, ECE wahahaha...
Wow, congrats Josh Villanca! Hahaha! Ibang level ka na! Ibang level rin ang mga pics! Mala-That's entertainment! Haha!
ReplyDeletecongrats talaga! im so proud of you apo. lolz
ReplyDeletenagawi lang galing sa pahina ni kuya jepoy..hihihi ^_^ congrats on your award..
ReplyDeleteHAHAHAHA biktima ni Jepoy! :P Nakabawi ka naman ayos!
ReplyDeleteCongrats dude! :D
@Jepoy: Salamat ng marami sa iyong ginawang mabuti. At least ako walang sniff sniff sa Fb. Add agad tapos kuha ng deatils at ilagay dito sa blog. Haha. Haylabbets. Sige. Isang bilao poryu. Thank you. :)
ReplyDelete@Khantotantra: Thank. Kinulang din kagaya ng grats mo. Haha. Seriously, salamat. Kaya nga. Wala ng patago tago pa. Haha.
@Gillboard: Salamat po sa pagdalaw at pagkakaligaw here. :) Salamat salamat.
@SuperJude: Naman. Blessed nga eh. It's BIGTIME na. Haha.
ReplyDelete@Benh: Pambihira. Nahayop pa ko. Haha. Salamat. Di naman. Biro lang to, di po ako mayabang. Slight lang. Nyahahaha.
@Greta: Kaya nga. Lumalaganap ang aking pangalan. Haha. Maraming salamat aking kaibigan. Pero hindi ako ang may-ari ng Pluma ni Jempong. Matuto ka ha? Haha.
@Ungaz: Iniba ko talaga ng bahagya para naman magviolent reaction ka. Haha. Kapal eh no? Hayamuna. Haha. Salamat ever-reliable Donna Marie. Walang lantaran dito. haha.
ReplyDelete@Kikilabotz: Hamak bigtime ka naman Kiki. Ang laki mong Kiki. Haha. Thank you sir.
@SuperBalentong: Salamat master husay. Haha. Nakakagulat na mula sayo ako naman. Eh imba ka susulat. Salamat.
@Poldo: Hindi naman ako sikat. Haha. Si Jepoy yung sikat. Naambunan lang ako at naligaw dito yung readers nya. Haha. Di na babalik yung mga yun. Thank you. Wag mo na nga palitan. Tatlo na tayong ganto. Haha.
ReplyDelete@Leah: Thank you Ate Leah. Naappreciate ko nga yun eh. Yun palang date parang naawardan na ako. Haha. Thanks.. :)
@Jag: Ganown talaga yown sir. Laglagan na itow. Haha. Ang hirap. Salamat sir rich boy. Haha.
@-=K=-: Ang haba ng name ah? Haha. Nice one. Talagang bukuhan pa rin ng pangalan? Haha. Salamat Ma'am sa bati at pagbisita. That's Entertainment? Nakangtooch. Haha. Mukha ako luma? joke lang.
ReplyDelete@Tong: Salamat lola. Haha.
@♥superjaid♥: Eport sa pagpuso puso. Haha. Salamat Ma'am. Hindi sana ito ang huling pagdalaw. Thanks..
@Traveliztera: Prank lang ba ni Sir Jeps yun? Nabiktima lang ako? Shaks. Kahiya. Haha. Thanks Dad. Ewan ko kung bakit naisip ko yan? Haha. Salamat sa pagdalaw. :)
ReplyDeletepwede mo siguro ko ilibre noh? malapit lang eh. hehe joke
ReplyDeleteAng itanong mo kung sino ang nagsuggest kung sino ang Blogger of the Month para sa September! bWAHAHAHA at alam mo na kung saan nagmula ang pictures, what a bright child!
ReplyDeletecongrats... salamat sa pagbubulakbol sa bahay ko.
ReplyDeletePanalo din naman ang mga tagabasa mo. May "aliw factor" kasi. =) Congrats!!! :D
ReplyDeleteCongrats sir!
ReplyDelete@Karen Anne: Sure sure. Kahit hindi ikaw si Jepoy. Haha. Para may get together din naman tayo na blogger. Akalain mo kasi kalapit ka lang pala namin. Haha.
ReplyDelete@Glentot: I knew it. Sabi na nga ba eh may kinalaman ka. Haha. Weh? Ikaw nagsuggest? Talaga? Edi salamat. Haha. Glenn Taba. I mean, Glenn Tabarejos.
@Bulakbero.sg: Salamat din. You're on my list now. :)
@Pong: Salamat. :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteselos naman ako bigla. matagal na akong nagpapa-stalk kay jepoy pero di nya ko pinapatulan. bwahaha. sana makasama ka sa eb namin nila Jepoy minsan.fun fun fun
ReplyDeletecongrats :)
ReplyDeletepalong palo..
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete@Dhang: Ang ganda pa naman ng sinabi mo, naskip ko na magcomment back. Haha. Ang nice naman. Natuwa ako sa sinabi mo. Salamt ng sobra. :)
ReplyDelete@Pusang-kalye: Paulit ulit binura. Minura kaya ako? Haha. Joke lang. Lakihan nyo po ang suhol, nadadaan sa suhol para maging blogger of the month ka. Haha. Oo nga, nakakatuwa nga yung ganun. Naiingit me. Pero nakakahiya din pala.
@Definella: Salamat salamat. :)
hahaha! akalain mo yun!
ReplyDeletemay pictorial pa, hahhaha! May KUHA-KO-SARILI-KO pose pa!ikaw na!
Ingat palgi bro
Super duper late na ba ang aking congratulations? Huli man daw basta magaling ay nakakaraos din. Congrats Yow! =)
ReplyDelete