Thursday, September 23, 2010

Update.

Busy-busyhan ako nung mga nakaraang linggo kaya di ako makapagblog at nakakalimutan ko na din yung gusto ko i-share kaya this post will just be an update ng mga nangyayari sa buhay ko. Isang mahaba-habang tweet ng ka-epalan. Babawi na lang ako next time. :)


Ang buntis na sissy ay nagluwal na ng isang bouncing (and when I say 'bouncing', I really mean it) baby girl last Monday, September 20, 2010 at exactly 10:55 AM. Happiness tuloy ang Yow Family dahil may dagdag na naman sa aming angkan. At syempre, isang tantos na naman sa bilang ng aking pamangkin ---- pang pito na si Jemimah Ross. Kung may pang-pito, nag-aabang naman kami sa pang-walo. May sissyng buntis na naman me at sa katauhan ito ng aming panganay na kapatid. Yung totoo? Dapat sunod-sunod? Dapat madami? Automatic, inaanak ko na naman ang mga pamangkin ko na yan. Payn!


Officially, nagstart na ang intramurals namin kanina na magtatagal hanggang friday. Sobrang exciting ng Intrams at ang dami ko masasabi tungkol dito. NEXT!


Nakakapressure mag-isip ng picture greetings for Ser Jipoy, Kikilabotz at Greta. Pambihira! Uso dapat? Gusto ko na gumawa, wala naman ako maisip na konsepto. Kapag ako nainis, may word art naman sa microsoft word, makapagtype at maisend sa inyo. For sure, kung may premyo ang pinakamaganda e di ako na ang nanalo. Pak! Kailangan ko magset ng date ng pagsesend sa inyo, siguro sa first week of November naisend ko na. Sakto. Wait nyo lang.


Sa ospital kami naghahapunan araw-araw para sweet at magkakasama pa din kami magkakapatid sa hapunan. May malapit na seafood restaurant sa ospital na nakaconfine ang sissyng di na buntis kaya dun na lang kami nagtetake out ng hayup fernando sa sarap na pagkain. Crispy Pata, Bicol Express, Sinigang na Baboy, Sisig, at Gising-gising ang ilan sa best dishes nila na natikman namin. Sang gawi ang seafood sa mga yan? Kabod na lang nag-claim na sila ay seafood restaurant samantalang mas madami pa sa Menu nila ang baboy at manok. Kasama ko ang Zetlog sa pagpunta sa tindahan ng ulam para mag-take out at pag balik sa ospital, naitanong ko na din sa wakas kung bakit ang dami niya school mate na naglipana sa buong ospital na kanina pa andun pagdating ko galing sa uber-fun na intams. At bigla na nagkwento ang bunsong sissy.


At 4 AM, 09-22-10, sumabog ang TV sa isang boarding house na malapit sa kanilang school at doon nakatira ang school mate ni Zetlog na lalaki. He's living there with his Lola dahil napakalayo ng kanilang bahay sa eskwelahan. The TV had a short-circuit shit and caused explosion that produced fire burning the whole boarding house. English-dapat. Nagkagulo ang lahat pero yung batang lalaki ay naisip ilabas ang kanyang Lola at pinsan at ilang bagay. Anu tawag dun? Bayani. At nung siya naman na daw ang lalabas, nagcollapse na yung structure nung bahay at naiwan siya sa loob. Destined to die ba talaga ang mga bayani? Ang dami tuloy tao sa buong ospital at mostly estudyante from Science High School. Lahat sila batch mate ni Zetlog. Naghihintay sila ng balita na nakasambakol ang mga mukha. At yun na nga, bye friend ang naging drama.


Pag-uwi dito sa bahay, pinakita sa akin ni Zetlog ang kanyang news feed sa FB na punong-puno ng pagdadalamhati sa nangyari. Kaklase pa niya ang present girl friend nung bata at nagchat pa sila. Nung binabasa ko yung mga status, though yung iba medyo over-acting at yung iba sabi ni Zetlog ay di naman talaga close sa pumanaw eh nakiki'I'll Miss You dun, nalungkot ako kabod at kinilabutan. If I were in their shoes at namatayan ako ng kaibigan, eh shet mama shet, nakakadepress nga din Kuya Eddie. Hindi natin kadugo ang ating mga kaibigan pero naging pamilya na din sila sa atin. A lost of a friend can be as equal to a lost of a relative. (Tama ba?) Halos magkasing bigat, magkasing-timbang. Ang sarap magkaroon ng maraming kaibigan.


Mostly sa nabasa kong status ay nagtatanung ng 'Why?' Isa ding malaking tanong yun nung namatay ang kuya ko years ago. Pero sabi ng isang Christian worker sa tribute ng aking utol, never ask God 'why' dahil kapag binaliktad mo ang salitang ito which is Y-H-W, it's an abbreviation saying 'Your Holy Will.' Kaya whenever you ask why, nasa sa'yo na ang sagot. It is God's will kaya naman may mga nangyayari na di natin inaasahan. He has a better plan for our loved-ones na nawala.


Oo. Kumakabod ang post na to at bigla na lang nagiging emo much. Bayamuna. Gusto ko lang mag-update. I'll keep you posted whenever I get a chance. Pak!

15 comments:

  1. Emo much?!

    Well sabi nga sa bible all things works together for good for those who love the Lord. Yes, bible quote yan that means nag babasa si Jepoy ng bible. Maniwala you.

    Yung picture greeting super tagal!

    ReplyDelete
  2. so sad naman ang heroic deed. But maybe that's his purpose.

    ReplyDelete
  3. yeah..PREACH!nakwento nga ni ungas paguwi nya na madami daw umiiyak na bata sa hosp..lahat yun nangyayari habang sila ay kumakain ng ice cream!tsk

    best yow pag ikaw nadeads..ala lang..keber!joke!putaragis..

    ReplyDelete
  4. hanglungkot this yow. pero lam ko magiging ok din you.

    good luck!!

    ReplyDelete
  5. wahahahaha. talgang sinama mo ko ha? ahehe. ang tagal nmn. nyahahaha..

    ayos ang paggescribe mo sa mga kaibgan. hindi natin kadugo pero kapamilya natin. hehe

    may tanong ako. ilan n b ang dinagdag m sa inyong angkan? ^_^

    ReplyDelete
  6. tma si Greta...Nanginginain kami ng libreng ice cream at donut sa unit hbang nagaagaw buhay sa ICU (na kapitbhay lang namin) ung bta.tsk tsk!bgo umuwi creepy sa lbas at umalingawngaw sa buong hosp ang iyak ng buons science high(axagg si ungaz)...maiba ako.Kelan ka magdadagdag sa angkan nyo?LOL!shet.post ba to?ang haaaabbbaaa!!!

    ReplyDelete
  7. COngrats sa sissy! tito ka na.. kelan ka kaya maging daddy??

    Wawa naman yung heroic di bale im sure meron na syang puwang sa silid ng heaven... ikaw wala pa kaya maging heroic ka rin ha! jowk

    ingat YOW!

    ReplyDelete
  8. Shett, umaacronym! Ako rin hindi ko magawang magtanong kay Lord ng BAKIT kasi wala akong acronym para sa TIKAB. Seriously, hindi ko gawain magreklamo at magkwestyon sa Diyos kasi naniniwala ako na may rason para dun, minsan nga nagtatanong pa ako ng isang malaking BAKIT??? kapag nakakatanggap ako ng blessing na parang hindi ko naman deserved.

    ReplyDelete
  9. nice dumadami na ang myembro ng pamilya!

    So kelan naman ka naman magdadagdag ng kontribusyon mo?

    LOLS

    ingat brod

    ReplyDelete
  10. wow. yun pala ibig sabihin ng WHY noh? banal ka rin palang tulad ko. haha.. nice nice! :)

    ReplyDelete
  11. @Jepoy: Wow. Imba. May bible verse. Haha. MakaBro ka din pala. Parehas tayo.. hindi halata. Haha

    @Khantotantra: Yeah. Kawawa naman. May lugar na siya sa pagsalubong ni San P.

    @Greta: Dadalawin kita garod. Kakalabitin maya't maya para mafeel mo ang presensya ko pag nagkaganun. BWAHAHAHA.

    ReplyDelete
  12. @Tong-tong: Ako ba ang namatayan? Ok na ako. :) Salamat.

    @Kikilabotz: Bata pa ako. Wala pa sa isip ko ang pagdagdag ng bata sa pamilya. Haha

    @Ungaz: Oo, dugyot. Wag nga ako. Haha. Di pa pwede.

    ReplyDelete
  13. @Gilboard: Salamat gill! Gill? Close na tayo.

    @Poldo: Wag nga muna sabi ako eh. Haha. Salamat. At wag din ako ang patayin mo.

    @Glentot: Nakanaman. Ang nice ng comment. Parang hindi ikaw Idol. Ang lalim. Ta-ma. May punto talaga sa buhay na ikaw na din magtatanong, bakit ikaw binibigyan ng ganun eh parang you do not deserve it at all. Pero Thank you Lord na din di ba? Post ito. Haha

    ReplyDelete
  14. @Drake: Wag muna ako! For the last time. Haha Di pa ko handa.

    @Super Jude: Di naman masyado. Banal banalan lang. Haha

    ReplyDelete