Saturday, September 11, 2010

Transformation

Nung past life ko, isa akong match stick. Isa akong buhay na patunay ng naglalakad na buto. Yes! Di pa uso ang fitting na damit noon pero nauna ng humapit ang balat ko sa buto ko. Nung bata kasi ako, porke't uso ang malnourished, nakiuso na din ako at nangayayat ng husto. Wala sa hobby ko dati ang pagkain at kahit may nakahandang pagkain three times a day, mas pipiliin kong maglagalag kesa punuan ang pangangailangan ng aking katawang-lupa. Minsan rin akong natukso ng sambayanan na lampayatot dahil palagi akong nadadapa dahil sa kapayatan. Kalampahan samahan mo ng kapayatan at budburan mo ng katangahan = YOW.

Wala akong makutya kaya sarili ko na lang ang pagtuunan ng pansin. Wala kaming internet kaya kahit punung-puno ng kagustuhang magblog ang puso ko eh wala akong magawa. Wala ring maitutulong ang typewriter namin sa bahay dahil walang publish button ang high tech na gamit namin na yun. Bigla na lang tuloy ako nakapagnilay-nilay sa mga nangyari sa buhay ko na nakaapekto ng husto sa kung anuman ako ngayon. Akala mo napakalalim ng sinasabi ko, tungkol lang naman sa timbang ang pinopoint ko.

Noong bata ako mahigit 10 kls. ang kulang sa timbang ko para matawag na normal. Ang itsura ko tuloy nun eh batang inaalipusta at inabandona ng magulang na parang hindi kumain for 43 days. Sa murang edad, nagmukha na akong addicted sa yosi dahil humpak kung humpak ang mukha ko sa kapayatan. At yun ang kalunos-lunos phase ng aking buhay. Tumaas ang timbang ko sa pagtakbo ng panahon at bahagyang napapalapit sa normal. Lumapit lang pero hindi nakaabot. Up until my second year in college, nagmukha lang ako binata pero payat pa din. Kaya noon pa man, isa sa pangarap ko ang tumaba o maging normal ang timbang, nakakasawa ding maging abnormal. Di pa bagay sa akin.

Nagkaroon ng medical check-up ang school para sa lahat ng estudyante nung 2nd year pa lang ako. At syempre imposibleng mawala doon ang pagkuha ng timbang. It's my turn, tumuntong ako sa timbangan at poof! 67 kls. ang Yow. Tingin ako sa chart agad para makita kung may mali. Para sa height ko na 5'11'' normal akong matatawag kung ang timbang ko ay 74 kls. Nakangtooch! Parang kulang lang ng pito para pak na pak! Isa-isa kaming kinausap ng doctor ng school at nakakagulat ang sinabi niya sa akin.

Doctor: 67 kilos? Di ba nursing ka? Tsk.
Yow: Yes po. Bakit po?
Doctor: Under-weight ka. Kayanin mo kayang magnursing? Ang laki mong bata eh.
Yow: E di sorry naman na Dok. :| 

Payn Dok! Ang judgmental niyo naman ho. Hindi nasusukat sa katawan ng tao kung gaano kataba ang utak nito. Kahit nahurt ako sa pangmamaliit sa akin, nakasmile pa din akong umalis sa harap niya dala-dala ang reseta ng napakadaming multivitamins na kailangan ko inumin. At simula noon, namotivate tuloy ako magpataba para iwas kutya. Ang kain ginawang lamon. Ang katamaran, pinaigting para walang maburn na calories. Lahat ng pampagana nasubukan ko na, masyado tuloy naging ganado at sumubok ng kung anu-ano. Amp. Binalak ko pa mag-gym para maitry ang program nila na pang-increase ng weight kaya lang di natuloy dahil mas madaling tamarin. At dahil dun, unti-unti akong bumigat at naging normal. Successful! 73 kilos na ako, kulang ng isa pero normal na. Ang saya pala maging normal.

Dahil sa ginawa kong pagpapataba, yun na ang naging sistema ko sa buhay. Ang lakas ko na tuloy kumain at hindi na papatalo sa pagpapataob ng kaldero. Ang laki ng pagbabago sa itsura ko dahil na rin sa pagbigat ko kaya ang daming nakapansin nito. Mas bagay daw sa akin ang may laman, eh sino ba naman kasi ang binabagayan ng wala? Pambihira! Mukha pa daw ako naggym dahil naglakihan ang lahat sa akin. Eh de sige. Ako na ang atensyon ng mga tao. Amp. Simula nung masatisfied ako sa king timbang, di ko na muling binalikan ang timbangan. Kampante na kasi ako at normal na ako. And then one time during our duty sa ospital, nakakita ako ng timbangan at naisipan magtimbang. Pagkatungtong sa weighing scale ---- 82 kilos. Oh shut! Nagpaulit-ulit ako dahil di makapaniwala sa nakita. Napasarap ata ang kain ko at papasobra naman na ang timbang ko. Dalawa na lang idadagdag at certified obese naman ang Yow. Nakakadepress din pala malaman na sobrang taba taba mo na. Di ko naman na mapigil ngayon ang kumain dahil ang sarap sarap kaya.

Noong isang araw lang nagreminisce kami ng pictures sa phone ni Greta. Mga natambak na picture 1 to 2 years ago. Nakita ko ang sarili ko at bigla ako napadasal. Thank you Lord at tumaba ako. Ang pangit ko dati at mukha akong iskwater. Dun ako nagka-bright side at natuwa na rin sa nangyari. Salamat sa aking pagtaba at nagmukha akong tao kahit papano. Pak!


Inisip kong maglagay ng picture pero di bale na. Hindi niyo magugutuhan. Haha.

25 comments:

  1. wow. congrats at you gained weight... di ka na ijujudge ng doctor. :D

    ReplyDelete
  2. sora walang picture!kaganda pa naman ng transformation mo..dahil jan..may naiisip akong kagaguhan!bwahahahah (tawang malandi)

    buti ka pa naging underweight..hindi ko yan naranasan ni minsan sa buhay ko..palagi na lang OVER!!!!!!!!!!!leche

    ReplyDelete
  3. Sana may picture para may pagpapantasyahan. :D

    ReplyDelete
  4. machupapa ka na ngayon yow!macho papa pala.sorry...hahaha!ngpost ka zna ng before and after pic.duh!o well zbhn mo ky doc na judgmental dahil malait sya hnd dpat zya nging doktor.whahahaha!

    ReplyDelete
  5. ganun naman talaga pag nagmamature. nagdedevelop ang katawan. :D

    ReplyDelete
  6. souce! pano namin ma-aabsorb yung mga sinasabi mong changes kung walang pekpektyurs... dapat pinost mo! LOLs

    Pareho tayo.. dati sagana ako sa tukso at lait dahil mukha daw akong gusgusing di naliligo dahil sa sobrang payat ko(anong connect nung di naliligo??) dahil dun sinumpa ko sa mga bituin sa langit tataba ako at magiging macho! ngayon??.. mataba nalang at walang macho! pero kahit ganun putang ina tinutukso parin nila ako...

    tabachoy daw me! i heyt it!
    COngrats machuba ka na YOW!

    ReplyDelete
  7. hahaha pangarap kong maging mataba ever...until now payatitot pa rin ako hays! Nasubukan ko n din ang lahat ng multivitamins pero la epek...

    ReplyDelete
  8. it's YOW time to shine! congrats naman ^_^

    payatot din ako dati. kaso nung nagsimula ako mag-gain ng weight di na tumigil. upto now :(

    ReplyDelete
  9. bakit ganun.. bakit kayo lang ang tumataba?? bbbaaaakkkiiitttt???hehe

    ReplyDelete
  10. ako kaya kelan tataba? haha! di din ako mahilig kumain eh.. :)

    ReplyDelete
  11. Putanginang Topic naman oh!

    Baket me pataba ng pataba fuckeeeeeeeet!!!!! pag pumayat ako immana be hotter than Jacob Black!

    Haist! Ang hirap mag papayat!!!!! Potashet!

    ReplyDelete
  12. bakit mukhang okay lang naman ata ang weight mo sa height mo 5'11 ka naman at bagay naman sa iyo yung weight mo, not unless kung isa kang model o isang basketball player, tingin ko naman hindi!LOLS joke lang.

    Kaya kain lang ng kain! hehhee

    Ingat

    ReplyDelete
  13. kaw na..hehehe tol congratz at tumaba ka, achievement din un ano.

    add kita sa blog roll next time mejo bz hineheal ang broken puso ko hehee

    ReplyDelete
  14. hahahah mapanghusga talaga ang mga tao ako pa?!?
    naranasan ko lahat ng evilness sa mundong ibabaw
    kaya pagdating sa Hell hah! sanay na ko wahahaha!!

    well thanks sa pagcomment I appreciated it so much!!

    ReplyDelete
  15. ay oo... 5'11 tapos ganon weight you..

    aken na lang height you.. kasi overweight daw ako 2kilos sabi ng nurse nung APE namin... 65kilos kasi me.. and 5'7 my height.

    congrats sa pag gain ng weight YOW!

    ReplyDelete
  16. dapat may sample pics sir yow past ang present (sori doc epal lang)
    ano ba ang normal/ideal weight sir yow?
    5'8" ako at 76 na ang timbang ko

    kailangan ko na bang magdiet?

    Salamat dok ahahaah

    ReplyDelete
  17. Ikaw na!!! Ikaw lang ang alam kong natuwang tumaba sya. Pramis.

    ReplyDelete
  18. buti ka pa parekoy tumaba na..sabi nga ni boss jag, pangarap ko din tumaba...nyahahaha...til now toyapats pa din ako..awts!

    ReplyDelete
  19. @Khantotantra: Oo nga. Dahil di naman na naulit ang medical check up. haha.

    @Greta: Pagsubok lang yan best. Pero at least pumayat ka din. haha.

    @Salbehe: Pambihira! Nakakasuya pa itsura ko ate nung payat ako. Haha.

    ReplyDelete
  20. @Ungaz: Eh malait din ako, di na din dapat ako maging nurse? Walang hiya! Haha. Oo. Machupapa na. Machuchulis pa din ang buto.

    @Gillboard: Ta-ma. Nagmature na nga ata. Late bloomer lang dahil papagraduate na. haha.

    @Poldo: Madami talaga makutyang tao sa mundo. Pero yamuna. I'm one of them. Haha.

    ReplyDelete
  21. @Jag: Sa akin may epek. Try mo yung ginamit ko, generic lang na tig-dodos. Haha.

    @Sikoletlover: Ngayon mo lang ata napansin ang blog ko ate? Haha. Salamat sa pagcomment sana bumalik ka. Ok lang yan. Sexy ka pa din. :) Sa nagdadala lang yan

    @Karen Anne: Eh baka kami lang ang may gusto. Parang ayaw mo naman eh. Haha.

    ReplyDelete
  22. @Benh: Eh tigilan na lang ang pagasa na tataba ka pa. Kakain ka ah. Haha.

    @Jepoy: Mukha ka ng hot Ser Jipoy. Lalo na kapag iniikot na sa uling habang nasa kawayan? Haha. Di mo na mababasa to. Yey. Haha.

    @Drake: Sakto lang. Payat pa din naman ako kung ikukumpara kay Ryan Yllana. Haha. Di nga ako modelo o basketball player. Pero over wt na nga ako. Haha.

    ReplyDelete
  23. @Rico: Pambihira! Haha. Get well soon sa sugatang puso.

    @Harvey: Tama. At ako din. Haha. Isa sa mapanghusga. Of course. Haha

    @Tong-tong: Ayoko. Mahal ko ang height ko na nagpapapogi sa akin. Haha.

    ReplyDelete
  24. @Pong: Nitatamad na ako hanapin ang chart ng timbang. Haha. Igoogle mo na lang po. :)

    @Glentot: Pangarap naman kasi Idol. Ang tagal ko hinintay tumaba. Haha.

    @AndroidEnteng: Eh kakain ka kasi ng madami. yung pang isang pamilya. Eepekto din yan.

    ReplyDelete
  25. Diks. Gusto mo ako magpost ng picture ng transformation mo? :D HAHA!

    Wag na baka itakwil mo ko. :)

    ReplyDelete