Better late than never. Sinapuso ng Yow ang kasabihan na yan kaya naman consistent ako na isinasapamuhay ang meaning nyan. Sa isip, sa salita at sa gawa, ako ay dakilang late. Oo na, wala ng professionalism. Eh sa anung magagawa ko? Nalelate eh. Siguro, 7 out of 10 na lakad ko, huling eentrance ang Yow. Hindi naman ako makupad kikilos. Di naman ako mahinahon na tao pero lagi akong nahuhuli.
Simula nung lumipad na sa ibang bansa ang Nanay ko, wala ng masugid na gumigising sa akin tuwing umaga. Oo. Dapat talaga may gigising. Epektib sa tenga ko ang alarm ng phone kaya lang natatalo sila ng kamay ko sa isang pindutan lang. Resulta? Tulog ulit. Iba pa rin talaga ang pwersa ng ina sa pag-gising sa anak. May motherly touch. Ang Nanay ko kasi tahimik mang-gising dahil alam niya ang sikreto namin kung paano gisingin ---- ang bambuhin sa paa. As in bambuhin, may lakas, may dahas, may galit, may poot. Surebol, I'm alive alert awake enthusiastic kaagad. Last week napahimbing na naman ng sagad ang tulog ng Yow at may pasok ako ng 9 AM, saktong quarter to 9 din ako nagising. Napaisip pa ko that time kung hahabulin ko pa kahit alam kong imposible na ang klase. Sabi ko hindi na pero gumayak pa din ako. Pagdating ko, nagpalong quiz ang MaRyan. nakaabot naman ako. "Please pass your paper forward."
Dahil proudly pinoy nga, there's no golden time with Filipino time. Matindi din paniniwala ko sa sariling oras ng Pinoy kaya naman palaging late. Wala na magagawa, salin-lahi na 'to. Magkita-kita tayo ng 10 AM, dadating ako ng maaga. Maaga pa para sa lunch. Nakakagayak naman ako on-time, sakto naman ang calculations ko sa oras. May time management naman ako, pero kapag napasobra talaga ang tulog o napasabak sa pangit na byahe eh late na nun. Sinusubukan ko naman magbago at nagiimagine na tuwing umaga may hahataw pa rin sa paa ko kaya lang nasunog na yung bahay o naubos na ng magnanakaw yung gamit, mahimbing at nakasmile pa rin akong nagpapanis ng laway. Bakit kasi ang sarap-sarap matulog? Napapagod din ang katawang lupa ko, kailangan din niya maging sariwa paminsan minsan.
Kadalasan, hindi ako ang may kasalanan ng pagkahuli ko sa mga bagay-bagay. Tadhana na kasi ang nagpapabagal ng proseso ko sa buhay-buhay. Dapat talaga sisihin ang tadhana. Tulad na lang nito, hindi ako nakapagblog ng isang linggo. Nahuli na ako sa mga kwento ko dahil sa shitty wi-max namin. Ibukas mo man magdamag eh nagchristmas light na lang siya at hindi kumonekta ng maayos. Wala tuloy kami net ng ilang araw. Hindi tuloy ako makapagpost. Late tuloy (Nailusot ko yun). Kaya pasensya naman na madlang pipol. Tumitirik din ang makina paminsan kaya hindi umuusad ang It's YOW time. At least nakapagupdate na ako ngayon da ba? Better late than never talaga. Pak I'm effin back!
at dahil ako ay pilipino, syempre ang sinusunod ko ay pilipino time. late din ako lagi.
ReplyDelete:-)
Ako rin nalalate sa trabaho kasi naman night shift ako, tapos sa umaga ang sarap sarap gumawa ng kung ano ano hanggang sa tanghali tapos pagkatulog ko sa gabi naman ang sarap sarap damhin ng bed bago bumangon dapat yung alarm ko may kakabit na taser.
ReplyDeletesana ma surprise ka sa blog ko :-D Ikaw ang feature blogger of the month of September. Ikaw na! Oo, walang connection sa post mo ang comment ko pero hindi ibig sabihin hindi ako nag basa... ahahaha
ReplyDeletekatakot pala mother mo, namamalo ng paa. ouch. :D
ReplyDeletewow. parehong pareho tayo! haha. hindi effective ang alarm clock sa akin. boses lang ng mga magulang ko nakakapagpagising sa akin. haha
ReplyDeleteoo nga, bakit ganun ang mga nanay? ambabagsik!
ReplyDeletesige na. ikaw na ang The Best! ikaw na ang laging Bida! Ikaw na ang LATE!
kahapon late ako ng 30 minutes sa opisina..minsan tlgs hindi mo maiwasan mastick sa pagkakatulog..hindi kita masisisi ang sarap kasi humilata eh lalo pa't bedweather ngaun...maulan ulan..srap matulog..
ReplyDeletenapadaan..congrats pla..blogger of the month ka ni jepz..
first time ko dito and i can say na u deserve it
kongrats sa pagiging blogger of the month! magbago ka na, wag mong sisihin ang tadhana. sige ka uurong ang putoytoy mo nyan. wag kang manuro ng sisi. hahahaha
ReplyDeletearuy!blogger of the month sya ni jepoy o..aawww!i'm proud of yow.hahaha!sa pgkalate mo sana lang hnd ka mlate sa mhhlgang oksyon.tulad ng graduation nyo!board exm nyo!at...kasal mo!whahaha.
ReplyDeleteHahaha naalala ko tuloy nung nasa HS pa ako. Tatay ko naman ang gumising sa akin. Isinuot ni tatay ang nakakatakot na maskara na meron sa kwarto. Kinakalabit niya ako. Akmang pagdilat ko ay sumambulat na kaagad ang nakakatakot na maskarang iyon hahaha...at nagising na ang aking diwa hahaha...
ReplyDeleteat ako din ay palaging late... sa pagiging maaga! lol
ReplyDeletepareho pala us, may taga-gising sa umaga pagpasok. nagagalit pa nga me kapag dili ako ginigising. hahahaha
welcome back blogger of the month! ayeee congrats!
Pwet este pwes kung may balak kang magtrabaho awtsayd da kawntri mawawala yang panananaw mo na yan! PAk nung college ako halos 3 1/2 pektus ang nakukuha ko dahil lagi akong late!
ReplyDeletenung nagwork naman ako panandalian sa pinas lagi akong nagpapasalamat kay GRACE!! sinu si grace?? apelyido nya PERIOD! GRACE PERIOD..
yun lang.. ikaw na ang sikat! LOLs congrats kambal yow! BoTM ka ni bossing jepoy!
hindi ko naman napapansin na late ka..sa loob ng isang linggo isang beses ka lang ata nauuna pumasok!maaga ka ng lagay na yun dahil late naman si maryan!
ReplyDelete(nagising at nahimasmasan) ano ba, ay. pinapunta kami ni jepoy dito maglakad lang daw kami. (tuliro) - zombie mode lang. nag-wear off na ata ang evil spell ng Pluma Ni Jepoy post.
ReplyDelete@Abou: Apir! Ikasa mo. Haha. Yan ang pinoy.
ReplyDelete@Glentot: Naranasan ko din yung ganyan kapag night shift ang duty naman at shitty nga ang buhay. Sayang yung magandang umaga para hindi gawin ang masasayang gawain.
@Jepoy: At ako ay nasurprisa nga. Maraming Salamat. :)
@Khantotantra: Oo nga. May dahas manggising. Haha. totoo ngang masakit as in.
ReplyDelete@SuperJude: Ta-ma. Kaya nga ang hirap ko na gisingin nung umalis na sila eh. tsk tsk.
@Kosa: O sige. Mapili ka eh. Ako na nga. Ako na bida. Haha. Salamt po sa pagkakaligaw sa blog ko.
@Rico: Kaya nga Koya. Madalas pa naman napapahimbing ang tulog ko. Ang sarap kasi ipahinga ng masakit na katawan sa malamig na panahon. Salamat po. Nakanaman. Nakakatats. Kayo lang ata nakakita? Haha.
ReplyDelete@Super Balentong: Tuwi tuwina na lang eh may bago kang pamahiin sa akin. Haha. sige, di ko na sisisihin ang tadhana. Close na kami. Salamat Sir na mahusay. :)
@Ungaz: Maraming salamat sa pagbabalita. Haha. Labis kong kinatuwa. Hindi na yun. Anjan na nanay ko nun, may gigising sa akin. Haha.
@Jag: At umeport talaga ang tatay mo sa paggising at pagbuhay ng diwa mo? Haha. Maganda nga yan pero may mas simpleng paraan ng pampagising ng diwa. Isipin mo kung anu nasa isip ko. BWAHAHAHAH.
ReplyDelete@Tong: sige. Ikaw na yung Early Birdie. Haha. Wala kasi ako body clock, kailangan talaga ng ibang body clock para magising. Salamat po. :)
@Poldo: Natawa naman ako kay Grace. Haha. Si Grace na walang malay malaking tulong na pala sa lahat. Haha. Salamat kakambal layout. Haha.
@Greta: Minsan naman mas maaga ako. Pero mas madalas nga lang na maaga ako sa second subject. Haha.
ReplyDelete@The Philippines Guild: Ang bongga ng pangalan! Haha. At dahil po jan, hindi ko nagets ang comment. Tanga lang. Haha. Salamat sa pagbisita. :)