Monday, August 23, 2010

Oplan Tipid Kuryente.

Nagulantang ang mundo ng sissy kong buntis sa balitang hatid ko sa kanya last month. Dumating kasi ang bill namin ng kuryente at muntik nitong mapaglabor ang aking kapatid ng di oras. Nagkakamali lang kaya ang electric corporation na nagpadala ng bill namin? Pero hindi eh, nakapangalan siya sa tatay ko talaga at naghuhumiyaw ng halagang P7,050.60. Napaisip tuloy ako. Tindahan kaya kami ng chandelier at mga bumbilya na por eber nakailaw kung bakit naman tumaas ng wapaaak na ganun ang aming konsumo? Kami kaya ang nagpapailaw sa buong kalsadahan ng aming barangay? O di kaya, nakikijumper kaya sa 'min si Aling Teofila? Nakakapagpabagabag.


Inulan tuloy kami ng sermon mula sa aking buntis na kapatid. Paano daw namin babayaran yun? Kung kinakailangan ko magbenta ng laman gagawin ko para sa kuryente sagot ko na lang. Joke lang. Lalo magagalit yun kapag tinirahan mo ng ganun. Kasalanan din naman namin ng aking kapatid na bunso at ng aking lola ang bahagyang pagtaas na yun. Dahil sa init ng panahon noong di pa umuulan, napapaaircon kami ng ilang mga araw ng aking bunsong sissy. Bukod dun, hapon hanggang gabi bukas ang laptop kapag weekdays. Kapag weekends naman, umaga hanggang umaga. Yung taga-laba at plantsa namin, thrice a week gawin ang kanyang gawain. at ang lola ko, maghapon nanonood ng TV at maghapon nakafan. Kaya walang ibang dapat sisihin dito kung hindi... ang lola ko. Tss..


Mababa pa siguro yung presyo na yun sa ibang rich peop jan pero sa amin eh budget na namin pang isang linggo ang pera na ibabayad dun kaya napa-alta presyon namin ang sissy na buntis. Para masolusyunan ang matinding sigalot na ito, nagpatupad ng Oplan Tipid Kuryente ang aming kapatid. Yes naman. Umooplan. At ang mga sumusunod ay ilan lamang sa nagawa namin ayon na din sa umooplan na oplan.

  • Ang prijider ay papatayin tuwing gabi hanggang sa pagkagising sa umaga. Kapag dumating ang magluluto, tsaka pa lamang bubuksan. Di bale ng mamaho ang prijider, makatipid lang.
  • Alisin sa utak na may kwartong may aircon sa bahay na ito. Buksan na lang lahat ng electric fan kung maalinsangan. Kaya dalawang fan ang bukas kapag kami'y matutulog na. Isang hanginin mo ang buong pagkatao ko fan at isang mas malakas pa hangin ng utot ko fan.
  • Maubusan ka man ng damit o humantong sa pagsa-side A side B pero once a week na lang ang laba at plantsa para isang bugsuan at minsanan na lang.
  • Limitahan na ang pagiinternet. Wag kang masyadong adik Yow sa pagbablog at wag kang upload ng upload ng picture sa FB bunsong sissy. Hindi paramihan ng album dun. - Sissyng buntis.
  • Mamuhay tayo sa dilim, kung hindi kinakailangan ng ilaw, wag ng bubuksan ito kaylanman. Hayaang mo ang mga kapitbahay na isiping aswang tayo. Eh anu sa puso natin?
Nung magawa namin ang lahat ng yan, gumaan ang pakiramdam naming magkapatid at talaga namang ramdam na ramdan namin na hindi na masyadong tataas ang aming bill sa kuryente. Umasa kami na babalik na ito sa normal nitong range na minimum of 2k at maximum of 4k. Kaya pinagmamayabang namin kay sissyng buntis na sa pagdating ng bill, mababa na iyon at di din naman makatotohanan yung presyo noong nakaraan.

Noong isang araw, nagpadala na ng bill ang electric corporation shet para sa buong uwan na nakonsumo namin. Yes! Wala ng pagalit. Wala ng sermon. Wala ng malaking gastos. Wala ng sigalot. Ayan na ang bill at excited namin itong binuksan. Tsaran...

P7,650.01
Teka nga. Tumaas pa ang walang hiya. Hokus pokus na talaga to. Imba.
Kaya susugud ngayon ang sissyng buntis sa lungga ng kompanya.
Maganda to. Sumanib na naman sa kanya ang espiritu ng idolo niyang si Cynthia Luster.
Kaya humanda kayo electric corporation. Pak na impact 'to kayo!

16 comments:

  1. antaas ng bill nio. sa amin, umabot 5k, may nagaiaircon din at net. sabi nila mataas makapagpataas ng kuryente ang pagplantsa ng damit. so mag downy nalang para walang plantsahan.

    ReplyDelete
  2. seryoso yan? sobrang aray yang bill na yan ah. tsk tsk.

    ReplyDelete
  3. alam ko matagal na ko hindi nalilibot sa inyo, pero planta na ba ng yelo ngayon ang tahanan ninyong dati tila pugon?

    aylavet!susugod muli si sissy na buntis..magandang eksena yan..iblog mo ang mangyayari....

    ReplyDelete
  4. Hutaena! isang bill sa kuryent kulang kulang sahod ng isang kinsenas! damn ang taas nga...

    malamang may mga failures dyan o di kaya merong nakajumper sa kuryente nyo di nyo lang alam wahihihi..

    dibale mukhang anak mayaman naman si YOW yakang yaka yan! wahahahaha

    ReplyDelete
  5. mall ang tahanan?ihostage niyo ang buong CELCOR!hindi makatarunagan....astig ang sissy na buntis na nanghohostage.shet!

    ReplyDelete
  6. sobrang laki nga nyan kahit me aircon baka me naka jumper sa bahay nyo. peaceout! :D

    ReplyDelete
  7. Totoong nakaka highblood ang Meralco. Ako nga 2K bill ko ang gamit ko lang isang maliit na ref at maliit na tv at 3/4 HP aircon. haist!!

    ReplyDelete
  8. Hindi mo ba naisip na sa gitna ng paghihigpit nyo sa kuryente eh mega treadmill si Aling Teofila at kapag napagod sya ay may I relax sa lazy-boy? Sa inyo nakakakabit lahat yun.

    ReplyDelete
  9. sobra namang pang-aalipusta/pang-lalapastangan sa pagkatao ninyo dyan. nagpakahirap na nga kayong mabuhay na parang natives for a month tapos si lola mo baka dili na nakakanood ng tv, pinaggantsilyo ninyo lang yata.

    why naman tumaas pa!!!

    where is justice... league!

    ReplyDelete
  10. Nakakapagpabagabag. -> tongue twsiter. Inulit ulit kong basahin. :)

    Ang Meralco bill ko ay around P600 per month, may TV, dvd player, radyo, ref, electric fan, laptop at aircon. Kasama na ang pag-cha-charge ng kung anong anik anik. Wala lang, iniinggit lang kita. :)

    ReplyDelete
  11. I-request mo siguro sa Meralco na i-recalibrate nila ang metro nila. baka kasi luma na iyon o kaya natotopak... maliwanag na umaga po! :D

    ReplyDelete
  12. Hindi kaya may nakiki-TAP sa kuryente nyo??? Delikado yan!hehehe

    Pre add kita sa blogroll ko para lagi akong updated dito!

    ingat

    ReplyDelete
  13. @Khantotantra: Kaya nga. Nakadowny isang banlaw na kami sir. Haha. May 1M plantsa katulad sa commercial.

    @Super Balentong: As in. Walang smiling peys. Ganyan talaga. Kasakit sa kili-kili di ba nga?

    @Greta: Yun na nga ang bagong bizness. Haha. tindahan ng yelo. Nagpunta na ang sissy. Boring yung pagsugod. Di man lang nagamit ang powers nya.

    ReplyDelete
  14. @Poldo: Kaya nga. Naubos nga ang budget namin. Pulubi na kami. Haha. Sana nga mayaman kami. Gusto ko din yung matawag na mayaman. Sabi nung nireport, mukhang may sira yung shit. Anu na nga yun?

    @Ungaz: Ikaw naman eh. Di ko na nga binabanggit ang celcor para mukhang meralco linya natin dito. Haha.

    @Artiemous: Wala naman ho. Inimbestigahan ko na ang mga kawad ng kuryente. Waa jumper.

    ReplyDelete
  15. @Jepoy: Whoa! Eh imba nga yun kung magisa ka lang. ANung gamit ginawa mo sir?

    @Glentot: Tama. Medyo nagduda din ako. Maraming talent sa kaswapangan si Aling Teofila eh. Tsk tsk.

    @Tong-tong: Sige, ikaw na lang galit. Haha. Nanghingi na kami ng justice. Sumugod na ang sissy na buntis. :)

    ReplyDelete
  16. @Salbehe: O de sige na. Ikaw na ho matipid. Haha. May hokus pokus lang naman na nagyayari sa shit ng aming metro. Kaya nagkaganun. Ako din hirap bigkasin yun. Haha.

    @Taribong: And the award goes to.. you. Yan nga daw ang problema. Line man ka po?

    @Drake: Wala naman nakikitap. At makakatikim sila sa min ng tap--pok. Yeah! Ayos. Salamat po sa pagsali sa blogroll. Maraming salamat din po sa pagdalaw. :)

    ReplyDelete