Saturday, August 21, 2010

Revenge.

Tahimik akong mamuhay na nilalang. Payapa. Harmless. Pero once na kantiin ako, eh papalag ang Yow. Binalaan ko siya, sila pala. Pero hindi sila nagpaawat. Anu pa bang magagawa ng Yow kung hindi pagbigyan sila. Ibibigay ko ang gusto nila. Iisa isahin ko kayong dalawa at maghihimagsik sa pinaggagagawa niyo sa 'kin. Nauna na yung numero ko, pati pangalan ko at talaga namang pati ang larawan ko. O well papel supel lapel, if you want war, I'll give you war. [insert halakhak hanggang sa mapaos]


Nung isang araw lang ay naghamon na ang dalawang taong dati kong mga kaibigan at ka-close na ngayon ay akin ng mga kaclose kalaban. Si Greta at Ungaz. Uunahin na kita 6r3tzzz (Gretzzz). Sabi ni Greta:
Huh?! Magmedyas ka na at isuot ang combat boots na yan dahil pasisikatin kita. BWAHAHAHA. Nakiusap lang ako sa'yo na magpa-scan ng picture, ginamit mo pa sa kawaldasan. I wash hertz. Heychu for that Best este Enemy. Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. At ngayon ang aking paghihiganti. Wag ng patagalin pa. Ladies and Gentlemen, singing her own rendition of The Closer I Get You, here's Ms. Greta-licious...


Kung iyong naisip na si Greta ang nag-gigitara, nagkakamali ka. Kung iyong naisip na si Yow ang nag-gigitara, mas nagkakamali ka. Lyre ang instrumento ko sa banda. Si Ungaz yan matapos ang operasyon tungo sa pagpapakalalaki. Successful naman, isa na siyang trans-gender. Autobots, transform. Joke lang.
Pinsan ni Greta ang may hawak at magilas na nag-gigitara. Saang gawi si Greta? Syempre, yung tagavideo at background music. Songer ang Greta. O sige, ikaw na! Mga gawing hapon na kinuhaan ang palabas na ito kaya naman malumanay at babae ang boses niya. Ngunit subukan mo kapag bagong gising, matakot ka, akala mo si Renz Verano. Parang hindi naman ata ako gumanti?

Kumakanta po si Greta sa kasal, welga, parada, lamay, birthday parties, debut at binyagan. Package deal naman po sila ni Ungaz kapag fiesta kung saan makakakitaan din natin sila ng gilas sa pagbuga ng apoy, pagbalat ng buko gamit ang teeth, pagkain ng buhay na manok, bubog, fluorescent lamp at thumb tacks. May ilan din silang alam na death-defying gymnastic acts tulad ng pagtungtong sa eyelids habang nakasplit, pag-abot ng batok gamit ang dila at ang pigtas buto nilang bending habang naliligo. For those who are interested, please leave your message at the comment box. 

Suportahan natin siya. Pak na pak si Greta!

18 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. May hinahanap akong talent na hindi ko nabasa sa mga description mo: ang paghagis ng ping ping balls na hindi gagamitan ng kamay...

    ReplyDelete
  3. Baket wala sa camera si Greta, ay hindi ko pala sya kilala nag fe feeling close lang ako. Yown lang...

    ReplyDelete
  4. ambilis ni super b. base agad.

    all around singer pala si greta

    ReplyDelete
  5. ahahaha!o zya bati na tau..npakadaya mo!pag ikw nanyuyurak pwde...hahahaha!

    ReplyDelete
  6. hehehe nagalit. patawarin mo na sila yow :P

    ReplyDelete
  7. Hahaha pak na pak! ang poge mo namen koya! wahahaha.. yan ang gusto kong icomment dun sa post nya kaso nahihiya me magcomment ih! hahahahaha

    Make love not peace kaya mag make love este peace na kayong tatlo... :D
    gandang araw YOW!

    ReplyDelete
  8. Hahaha pak na pak! ang poge mo namen koya! wahahaha.. yan ang gusto kong icomment dun sa post nya kaso nahihiya me magcomment ih! hahahahaha

    Make love not peace kaya mag make love este peace na kayong tatlo... :D
    gandang araw YOW!

    ReplyDelete
  9. hindi naman ako ung kumakanta..like euw!pang opera kaya ung boses ko..pang operasyon!

    aba aba..nanghahamon ka talaga!hintayin mo ang pasiklab ko!lighter?

    si ungaz natakot..sumuko agad!weak weak..supot!hahah

    ReplyDelete
  10. Hahaha akala ko talaga war na adik hehehe...parang gusto kong maka session sina Greta at Ungaz ah? LOL. Beri-beri...nays!

    ReplyDelete
  11. pagkaganda pala ng boses ni ms. greta. pwde pa request -mata by mjofly.

    aylabet

    ReplyDelete
  12. @Super Balentong: Salamat sa pag-aabala kahit busy ka. :)

    @Glentot: Tinetrain pa sila kung paano gawin yun eh. Haha. Tsaka na lang daw 1dol. Nakanaman. Sarah Geronimo? Haha.

    @Jepoy: Shy type ang Greta. Sa susunod may dance number ng kasama. :)

    ReplyDelete
  13. @Khantotantra: Mabilis nga siya. Kakapost ko pa lang. Pag tingin ko maya maya sa site, nanjan na siya. Haha. Yeah. All around. Kay anu pang hinihintay? Kuhain nyo na siya. Haha.

    @Ungaz: Huh?! Anu ka ngayon?! Yurakan na ng puri bigla kang sisisfire. (Di ko alam ispelling)

    @Klet Makulet: Juk lang naman ho re. Mahal ko silang magkambal. Haha. Matouch kayo. Matouch KAYOOOO!!!

    ReplyDelete
  14. @Poldo: Bati na kami. Paepal lang talaga tong post ko. Ganti sa post nya featuring me. Haha. Gandang gabi naman. Times 2 ito dahil dalawang beses comment mo. :)

    @Greta: O sige. Hindi na ikaw yung boses babae dun. Si Tong na. Nandamay pa? Haha.

    @Jag: E di punta na sa mga blog nila. Cool yung dalwa na yun. Much better pa nga sa kin. Haha

    ReplyDelete
  15. @Tong-tong: Nakanaman. Haha. Rumerequest? O sige. Makakarating sa kanya.

    @Definella: Pak!

    ReplyDelete
  16. shet papa shet!hinuhunting ako ni super balentong?
    oooohh..alayket!palaban!

    @tong-tong:concert ito?may request? dapat may tip!

    ReplyDelete