- Ang mga kasali eh Pinoy rapper, nagka-album o nagburn lang ng cd na rap niya, english o tagalog ang style, basta magaling ang isip at mahilig magrap --- pasok ka na sa banga.
- Sisimulan ang laro sa toss coin para madetermine kung sino ang mauuna. Ang pasimuno at host ay si Enigma. Si kuyang long hair.
- Kapag nakapili na ng mauuna, simulan na ang freestyle rap. Simulan na ng paduguan ng isip sa loob ng tatlong rounds. Each rapper have 1 minute to rap what they wanna say. Pagkatapos ng isang minuto, kalaban naman ang titira, vice versa.
- After 3 rounds, its judging time! Ang hirap ng proseso ng pagjudge kung saan iikot ang camera at kung kanino matapat na manonood (mostly rapper din) boboto siya if whose freestyle rapping is dope or sick. Nakangtooch. Humihip-hop. \m/
- Kapag natally na ang boto, mga lima yun, iaannounce na ang winner. Tapos!
Di ba simple lang? Ang simpleng twist lang din sa showdown na ito ay ang requirement na yurakan ng pagkatao. Obligatory baga. Ang Flip Top kasi ay isang kumpetisyon ng trash talk, malupit at tagos-laman loob na pangungutya na irarap mo with rhyming. Pangit kasi pakinggan ang trash talk plus pangungutya kung irarap mo ito ng walang rhyme. Boo ang matatanggap mo. Akala ko pa naman ang galing ko ng mambara at mangutya at mangtrash talk sa sangkatauhan, ni hindi pa pala ako aabot sa ingrown ng mga rapper na to. Nakakabilib.
Masyado saya ko sa mga labanan na mapapanood sa Youtube kaya naman lahat na halos ng video sa account na fliptopbattles eh napanood ko. At sa lahat ng napanood ko, kay Loonie ako napabilib. Si Kuyang loonie eh magaling sa magaling. Iba ang tabas ng dila, iba kung makapambara, iba ang kuryente sa utak at sobrang bilis ng transmission ng ideas na di mo malaman kung saan galing. Marami pang ibang rapper na kasali. Tulad na lang ni Zaito na una kong napanood na kalaban ni Loonie. Si Zaito na todo claim na wala siyang ensayo o practice, si Zaito na nakapahalang ang ngipin, si Zaito na maitim ang gilagid, si Zaito na galing probinsya, anak ni Apl De Ap kay Aling Dionisia. Biggest Loser ang drama niya laban kay Loonie.
Akala ko wala ng kwenta si Zaito, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang buhay niya nung makilala ko si Gap, isa pang nakalaban ni Loonie. Kay Gap mo maririnig ang mga realizations niya sa buhay, mga views niya sa politika na pangsagot niya kapag sinabihan siyang walang kwenta. At ang pagpause for a while and pray the Angelus, siya din ang nagpauso. Tatahimik si Manong at wala na masasabe. Dun lalakas ang sisigawan ng grabe. Si Dello naman ay isang innocent looking na totoy na naligaw na pinabili ng tinapa sa kanto na biglang napasali sa labanan. Nakawhite t-shirt si Dello nung una ko mapanood at talaga namang Keempee De Leon pa ang buhok. Fashion icon. Akala mo iiyak kapag kinanti, smiling heartthrob pala ang kumag. Laking tondo si Sangko at Iskwaterhaws ang tawag sa kanyang grupo. Punong puno ng kaelegantehan pagkabasa pa lang ng pangalan.
Dahil laking iskwater ang Dello, winalang hiya tuloy siya nung minsang makalaban si Batas, isang kalbong gurang na may pubic hair sa baba. Mayaman daw siya, siya niyang ipagsigawan. Kaya kung gaguhin na lang ang mahirap eh parang hindi na biro at may galit talaga sa puso. Kung gusto niyo mabwisit, panoorin niyo si Batas. Boo Batas!!!
May dalawang naligaw na impakto sa labanang ito, si Fuego at Protege. Ang mga hayop eh parehas na inglisero. Alam mo yung solid na english with slang slang pa? Alam mo yung sa sobrang slang eh akala ko ngongo sila? Alam mo yung hinihintay ko yung patawa, pero dahil english ay di ako matawa? Haha. Joke lang. Magaling sila parehas. Ang focus ko nung nanonood para lang lubos na maintindihan ang mga bingot. Sige, sila na ang ingliserong hip-hop. Kayo na!
Madami pang ibang rapper na kasali tulad ni Cameltoe na lagi ako tinatawag.. Yow.. Yow.. Yow.. Yow eka. Oh.. Oh.. Oh.. Oh? wika ko naman. Kasali di si Datu na mukhang anak mayaman talaga at galit na galit kung makapagmulagat ng mata. Si Abra din na mayaman na naman at gwapong gwapo ang sissy ko. Pandak naman. Nyahahahaha. And many more. Hindi ko pa napapanood yung iba pero madami pa talaga.
Libangang mayayaman na lang din ang Flip Top. Sosyal ang karamihan sa nanonood, halatang may pinagaralan kahit may hawak na red horse, kung makapagsalita mga edukada kaya nakakatuwa na sumasali pa sila sa gantong labanan. Panglustay na lang din ng pera kasi mukha naman wala silang premyong nakukuha. At dahil naglustay sila ng pera, napasaya nila ang Yow. Nakaabang na tuloy ako sa pagupdate nila ng mga video. At wag ka, Ako si Yow likes Loonie (musician) pa sa Facebook. Fanatiko?
Eto yung isa sa video ng laban featuring Loonie vs. Zaito 1. Panoorin niyo na lang yung iba sa Youtyug. :)
At dahil jan tatapusin ko ang post ko na ito sa isang makabagdamdamin, inspirational, at quotable quote ni Loonie:
Meron kang prutas sa mukha, ngayon ko lang napansin. Ay ilong ba yan? Mabuti nalang, muntik ko nang pitasin. :D -LooniePak!
Yow! yow! break it down YOW! repeat 6x
ReplyDeleteayan pwede na ba yan pare koy?? hahahaha
Hanggang salbakuta at andrew E lang ako e.. usong uso ba yan sa pinas nowadays??
yow yow yow. fan ako ng fliptop at napansin ko lagi ka nila tinatawag dun..yow yow yow...
ReplyDeletenag enjoy din ako sa pag rarap na mga kumag na 'to
ReplyDeleteNapanood ko yang laban ni Dildo I mean Dello at Batas. Naawa lang ako kay Dildo.
ReplyDeleteminsan nag-eenjoy ako sa ganyang rap pero minsan hindi. Ewan ko, minsan nakakatawa mga trashtalk at panonoplaks ng bawat isa pero minsan parang super degrading.
ReplyDeleterepa astig to.. madalas ako tumambay sa channel nila nagaabang ng bagong uploads.. hehe! natripan ko din iblog to kaso wala pang time at di ko pa maisip kung pano ko ipopost at ikekwento and mga kalokohan sa fliptop. haha!
ReplyDeleteI love dello. haha!
hahahaha aliw
ReplyDeletekahit dili ako mahilig sa rap, napatambling ako dito.
idagdag pa yung prutas na pipitasin. lol
Naalala ko yung pelikula nung rapper na kano na hindi black. Tae lang naalala ko di ba?
ReplyDeleteSaan kaya makakapanood nyan ng live?
woohoooo!!!not my cup of tea pero dahil kay loonie...ako'y isang fan nang masugid.rhyme?hahahaha!
ReplyDeletemas malansa ka pa sa p*king basa!eto tumatak sa isip ko nung napanuod ko ung kila zaitong ngipin.ewan ko.ganon ba yun?anlaswa!that's why alabet!
ReplyDeleteYow yow mah mehn! uhuh uhuh! one more time! break it down yow! hahaha napaparap naman akong bigla hehehe...
ReplyDeleteDi ko kinaya ang laitan hahaha...sadyang magaling nga si lorrie ay loonie pala hehehe...
parang yung movie pala ni eminem noon anoh.. yung 8 mile :)
ReplyDeleteastig toh, titingnan ko pa yung other videos.
@Poldo: Hindi ko alam kung usong uso. Ang alam ko lang madami may alam. Haha. Laos na sila. Wala ng banyo queen ngayon. Haha.
ReplyDelete@Kikilabotz: Nice.. Ako din ay isang fan. O well, hindi ako hiphop pero sinasamba nila ako. Haha. Idolo nila ako.
@Jepoy: Oonga Koya. Tagapagbigay aliw ang mga walang hiya. Amp.
@Glentot: Haha. Akala ko may bagong karakter, sino kako si Dildo? Mas marangal pa ata mgakapangalang Dickson kesa Dildo. Haha. Kaya nga, wala man lang humor pinagsasasabi ni Batas. Kambing na yun.
ReplyDelete@Khantotantra: Yes yes. Lalo na si Batas. Yung sa iba kasi parang biro lang, yung kanya mapangkutya at makadurog-dangal. Haha. Yung iba naman joke lang eh. Tanggap na nila yun. Salamat po sa pagbisita. :)
@Benh: Na mahangin ipronounce ang pangalan. Haha. Ako din. Ang tagal nila magupdate eh. Tsk tsk. Kasaya pa naman ng madami pinapanood. Ayy.. Sorry naman na. Nauna ako. Nyahaha.
@Tong tong: Kahit ako di marunong pero madami ang aliw factor nila. Haha. Asteeeeg.
ReplyDelete@Salbehe: Haha. Oo nga. Parang di ko alam yung naalala mo? Di ko pa napapanood. Sa makati ata ang walang hiyaan ng buhay. Di ko sure. Sa vid nila may info. Sama kami? :)
@Donna Marie Pineda: (Pakisearch sa fb) Tama tama. Cabanatuan Chapter ng fans club ni Loonie. Haha. Halimaw si Koya.
@Greta: Parang hindi na ako *ulit* nagtaka na yun ang natandaan mo? Haha. Di ka na nakamove on sa wetness. Haha
ReplyDelete@Jag: Sige ikaw na rapper! Ikaw na mayamang rapper! Haha. Makifan at maglike ka na din sa fb. Nyahaha.
@Definella: Sige po. Enjoy watching. Salamat sa pagbabasa. :) Makitawa ka sa min sa fliptop. Haha. At makibasa dito palagi. :)
pag dating sa RAP, mga hardcore at tipong 311, limpbizkit ang mga gusto ko. pero parang napanood ko na sila.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete@Super Balentong: Andrew E lang kami eh. Ikaw na sosyal. Haha. Joke lang. Cool lang kasi ang mga hayop na rapper sa FlipTop. Magaling mambara. Tingin ko pwede ka sir. :)
ReplyDelete@Ungaz: Anu ka ngayon? Haha.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteE di gawan mo. lagyan mo ng magandang picture ha? Gusto din? Haha. gagawan din kita. yung mejo slight konting walanghiya at siraang puri lang. Nyahahahaahahahahahahahaha.
ReplyDeletedaniel joshua t. villangca
ReplyDeleteDANIEL JOSHUA TORRES VILLANGCA!!!!!!!!!!whahaha...zge lang.unli ang net
ReplyDeleteIM A FAN OF fLIPTOP
ReplyDeletepaano ba maging rapper na makata kac ulo koy nalalanta sa kakaisip ng mga salita na hindi ko naman maipasa
Yow ! Yow ! ASTiG ! ^^
ReplyDelete