Sunday, August 15, 2010

Thursday the 12th

Safe and sound. Nagdaan ang Friday the 13th ng walang nangyayaring masama. Ilang taon na din simula nung maniwala ako na totoong malas day ang hayop na byernes trese. Naging consistent kasi siya simula noong high school na aambunan ako ng kamalasan kapag sumapit na ang araw na to. Naliguan ng tumalansik na baha sa kalsada dahil sa walang hiyang natataeng driver ng sasakyan, nawalan ng wallet, natalisod at muntik bumangag ang mukha sa hagdan, nalate sa school at madami pang iba. Ilan lang yan sa naranasan ko tuwing Friday the 13th. Madalas, two or more kamalasan sa isang byernes trese kaya nakakapagtaka wala ngayong taon. Bigla akong nagrealization at nagnilay nilay sa aking buhay at naalala na nag-advance na pala ang pamwisit na araw nung huwebes ---- Thursday the 12th naman ngayon.


Hindi naman totally disastrous ang aking araw pero parang pangit lang talaga ang simula. Pag mulat ko ng mata mula sa masarap na pagtulog, maliwanag na. Medyo makulimlim kaya naman di mahahalata na 8:25 AM na. Watda.. Umaygad. Parang 9 AM ata pasok ko ah? Naloko na. E di late na nga. Pinilit ko na lang ngumiti at pumikit ako muli. Nag-isip ako at nagtimbang ng mga bagay bagay kung papasok me o wag na lang. Weighing 250 lbs., pang-Biggest Loser,  nanalo ang Papasok me. Nakagayak na ako at handang magpahatid sa sakayan ng jeep ng aking mapag-alaman na wala si Uncle Driver. Tinext ko siya at tinext din siya ng anak niya na ihahatid na ako. Ang tagal ko naghihintay biglang nakita ng anak ang cellphone ni Uncle Driver. Naiwan pala ito pero nareceive niya ang text namin. In fairness. Wala na ako nagawa kundi sumakay ng pangmayaman, pangsosyal at glamorosong traysikol.


Ang tagal ko pa din naghintay at feeling ko maaga pa din ako makakarating ng school ---- maaga para sa lunch break. Nung magkaroon ng kasabay at aktong aandar, biglang buhos naman ang ulan. E di shet! Trapal trapal mode kami. Buong byahe nagbabasa ako para magmukhang matalino sa mata ng katabi ko may maisagot sa aabutang quiz. Libang na libang ako sa pagbabasa kaya manhid ako sa natural ngisay effect ng traysikol. Pagkababa ko sa McDo, naramdaman ko na lang na I'm wet. Paglingon ko sa tagiliran, basang sisiw ang Yow. Akala ko puting polo yung naisuot ko, dark brown pala. Putikan ang dating puting polo na kinuha ko sa cabinet, tumalsik pala papasok sa loob ng trike galing sa gulong ang putik sa daan. Nak ng putek naman. Umaambon pa kaya lumipat na agad ako ng trike papunta naman ng school.


Kabod na lang ako pumasok sa isang trike ng di ko tinitignan dahil nga umuulan. Nung nakasettle na ko sa loob, bigla ko napansin na nasakyan ko ang first invented sidecar sa buong mundo. Oo! Lumang luma ang walang hiya. Butas butas, binalot ng plastic cover. Hindi na ako nakapalag at nagawang bumaba dahil nagmamadali na ako. E di go na lang. Habang bumabyahe, lumalakas ang ulan. At lahat ng tubig, yes naman, nasalo ko. Sana tumakbo na lang ako at sinabayan ang traysikel niya papuntang school dahil parang nasa labas lang din naman ako sa nangyari. Mas basang sisiw mode me. Napansin ko na lang na putikan pala ang sapatos ko, hahayaan ko na lang sana dahil wala ako pamunas kaso kitang kita. Kaya nanghiram na lang ako ng basahan kay Manong Driver --- the World Record holder, owner of the first sidecar ever.


Yow: Manong, may basahan ka ba? Pamunas po sa sapatos.
Manong: Ayan oh. (Tinuro ang nasa harapan ng side car)
Yow: Wala na po bang iba?


Choosy ako. Napansin ko na kasi agad yung basahan kaya lang hindi ko ginamit muna dahil parang yun yung address ni Pareng Bacteria at Mareng Virus. Nangungutim. Sa panglawang pagkakataon, no choice, kaya ginamit ko. Presto! Malinis ang shoooz ko. Inicha ko na yung basahan sa kanyang kinalalagyan at naladlad ito sa kanyang original form nung hindi pa siya maduming tela. Nagulat ako. Sinasabi ko na nga ba kaya ayokong gamitin eh. Nakaporma na ang basahan at lumabas ang katotohanan na ang past life pala niya ay isang.... BRIP! Hinawakan ko pa. Kaya pala kako bacon. Amp. Karsonsilyo ata ni Manong yun. Lalu ako nandiri kaya kinuha ko ang alcohol at pinaligo sa kamay ko, pinanlaba na din ng dark brown polo ko.


Palagay niyo, minalas ba ako? At least hindi Friday the 13th. Pak!

13 comments:

  1. HAHAHA. kamusta naman ung brip? baka kinasusuklaman mo na ang lahat ng brip ngayon! =))

    ReplyDelete
  2. sabi ko naman sayo delikado pag hindi mo namaamlayan na wet ka na pala!hahaha

    umabot ka naman sa quiz diba?sa pangalawang subject!!!

    ReplyDelete
  3. napala ng batang late natulog at late gumzng!karma...bwhahahahaha!

    ReplyDelete
  4. HIndi naman pala totally malas kasi ang pinakaswerte dun yung pagkahawak mo sa natuyong brip na parang sunog na bacon! uu maswerte yun.. magkakaroon ka ng wonderful life tommorow e ang kaso naghugas ka ng alcohol eh, kaya mamalasin ka parin....

    ReplyDelete
  5. minalas ka ba? ginantimpalaan ka kapatid! tignan mo sa isang positibong sulok ang nangyari sayong paghawak sa brip na nangungutim, malay mo dahil dun, naitdhana sayo na ikaw na ang bagong commericial model ng tide at hindi na si bossing at ang brip na yun ang magiging kasangkapan mo para sumikat at pumatok ang pagiging endorser mo.! yow!

    ReplyDelete
  6. @SuperJude: Hindi naman. Kung kinasuklaman ko, anu pang isusuot ko? Talbug talbog ang datingan kung walang brief sa labasan. Haha.

    ReplyDelete
  7. @Greta: Haha. Nung sinusulat ko pa lang to alam ko na agad na ang mapapansin mo eh yung wetness indicator. Napaka-polluted talaga ng utak mo. Haha.

    ReplyDelete
  8. @Ungaz: Wala kang patunay. Ang aga ko kaya natutulog. 5 AM tulog na agad ako. Whoo! Aga.

    ReplyDelete
  9. @Poldo: Sinayang ko pa pala ang pagkakataon for a brighter future dahil sa paghugas ko ng alcohol. Paksyet naman oh. Nagkamali ako. Haha.

    ReplyDelete
  10. @Super Balentong: Ang layo pala ng mararating ng brip? Sa susunod na makaencounter ako, iuuwi ko na. Basahang brip, my key to showbiznes. Haha.

    ReplyDelete
  11. Parang napakaeffort lang kapag inisa isa ang reply. Haha. Pampadami lang ng comment. Di ko na uulitin to. Pambihira!

    ReplyDelete
  12. saya naman nyan. hahhaah. look at the bright side :) at least kyut pa rin :) ahihi

    ReplyDelete
  13. Aww. Haha. Eh yun naman ang constant na ate karen. :)

    ReplyDelete