Thursday, July 21, 2011

Eksena sa Twitter

Kamakailan lang ay isang promdi girl mula sa Samar, bitbit ang kanyang bayong at tatlong bunga ng upo ang lumuwas ng Manela at katuwang kong naghanap ng trabaho na nakakapilipit dila --- si Gretalyn. Kung hindi niyo po naitatanong, si Gretalyn ay isang matalik na kaibigan. Matalik plus kaibigan = walang kadugyutang issue. Nasubaybayan na namin ang buhay ng bawat isa mula sa kainosentehan ng pagiging high school hanggang sa pagtanda nung college. Hanggang paghahanap ng trabaho, magkasama kami ng hindi nagkakaumayan. Medyo din pala, slight lang. Madalas kaming natutukso sa isa't-isa, pero para sa amin, malinaw ang katotohanan na [DUGYOT, KARIMARIMARIM at KASUKA-SUKA (repeat 3x)] ang idea na yun.


Hanggang sa mag-kagulatan na lang at nagkagulantangan...


Oh, loko ka! Bida ka ngayon Manong Michael at
ang iyong pag-evolve.


Nagbukas ako ng Tweetdeck upang simulan na ang pakikipagkulitan sa mga kapwa ko bloggers sa Twitter world. Nagsimula ang lahat sa pagpansin ko sa pagpapalit mukha o default picture at pag-evolve ni @______Michael (of http://mareklamongbata.blogspot.com) mula sa isang saging na nakasmile na naging pokemon na blue at ngayon ay full grown molested human being na siya. Nakisali din sa usapan si @IncredibleJepoy (of http://iamalivingsaint.blogspot.com) tungkol sa hindi mabasang memory card. Maya-maya, humirit si Michael ng isang tweet na hindi ko maintindihan.
@angYOW @gretaliciousss naks naman ... :D
I was like.. WHUT?! Anong binabanat ni Manong. Abay out of nowhere, wala naman sa usapan bigla na lang hihirit ng ganun. Kaya tinanong ko kung saan ba niya reply ang naks naman at nagulatantang ako sa sagot niya:
@angYOW Sa iloveyou mo kay @gretaliciousss,, hindot talaga you ... :D
Ay. Eh naloloko na si Kuyang, anu kayang I love You kako yun? Sabog to, nakasinghot ng alipunga for sure. Kaya walang kaabog-abog, nagreply agad ako ng "@______Michael Anong I love you? Dugyot! San bang gawi yan? Haha." Medyo kinakabahan na ako dahil wala akong alam sa nangyayari at bakit may eksenang ganun. Dahil ayaw patalo ni Manong Michael, nagreply siya ng:




Yun lang. May ebidensyang link ang walang hiya, mukhang totoo nga. Agad kong pinuntahan ang link at bumulagta sa nakita kong nakasulat:
@gretaliciousss hello. i love you ... :P (from angYOW, July 18) 
This can't be happening! Paano na ang buhay at career ko?! Mauudlot pa ata ang pagpasok ko sa bahay ni Kuya at sa labas pa lang may intriga na. Bigla ko na lang naisip na may gumamit ng twitter account ko, kasabay nun ay isang ala-ala ang namutawi.


<<< REWIND..



Ayon nga sa kwento ko, naghanap kami ng trabaho ni Gretalyn at napadpad sa gawi ng Makati. Matapos ang interview sa isang recruitment agency at pagkakuha ng endorsement sa ilang kumpanya, nilibot namin ang Glorietta malls pati na rin ang Greenbelt. Hindi na ako nag-adjust dahil mas malaki pa ang banyo namin sa mall na yun na katumbas lang ng garahe namin sa probinsya na bilaran lang ng palay. Juk!


Maya-maya ay nagawi kami sa Power Mac center ng Greenbelt. Yaman din lamang at pinagpapawisan na kami, pumasok kami sa loob para magpalamig at makidutdot sa tat screen. Walang ganung tao kaya pagkakataon na para makidutdot, pumwesto kami ni Gretalyn at nag-tig-isa ng iPad na connected sa internet. Dahil sugapa kami sa Facebook at Twitter na parang hindi nakakapag-check ng account sa bahay, naki-check na din kami dun. Nag-FB si Greta at nag-Twitter ako.


Pindot sa icon ng Twitter tapos nag-log in. Nagbasa ng mga tweets at nakitweet na din ng minsan. Papaalis na kami at kailangan ko ng i-log out ng bigla akong nagpanic.... hindi ko makita ang Log Out button! Pindot here, pindot there, pindot everywhere ang nangyari pero wala ako makita. Tinulungan ako ni Greta at dalawa na kaming nag-search and rescue operation. Wala talaga ang walang hiyang Log Out button. Nag-exit ako sa twitter at bumalik ngunit nakalog-in pa din me. Umaygad! Pano na ba nangyari? Sinubukan kong patayin at buksan, pagbalik ko it's all there pa rin. Inangat ko ang iPad at humanap ng pindutan sa likod na parang ungas, wala itong nagawa! (I know naman, gusto ko lang magmukhang tanga.) Nakakahiya din naman magtanong sa nagbabantay, baka sabihan akong tanga at di ko mapigil eh bigla ko siya pukpukin ng iPad, kaya para safe hindi na ako nagtanong.


Desperado na ako at kailangan na namin umalis kaya naisip ko na bilin na lang ang iPad. May dala naman akong cash. Lapit ako sa babae at tinanong ang presyo then poof! Game! Masaya akong lumabas ng Power Mac bitbit lahat. Sus, parang 23,000+ lang? Eh di masaya akong nag-walk out bitbit ang bayong at mga upo ni Greta at hinayaan ang hayop na Twitter account. Sa kanila na! Nagdasal na lang ako na walang gumamit at mukhang unanswered prayer me.


> PLAY..


Oh eh di back to reality at yun na nga, ang twitter account ko ay hindi na-HACK, ito ay na-USE. At nililinaw ko lang na si Yow at si Gretalyn ay mag-bessy. Wag kang dugyot! Para ka na ring nandura. At dahil nai-announce ko naman na din ang nangyaring kainosentehan (I'm not tanga, I just don't know how to use et. Nagpapaliwanag?) punta na sa Power Mac Greenbelt, makidutdot sa white na iPad at gamitin ang twitter ko. Mga user! May galit? O kung mabait ka po naman po talaga po, paki-log out naman po. Please po? Hihi.


Kaya madlang pipol, sa 1M followers ko at sa lahat ng ka-tweet ko, pag may nangungutang, uma-aylabya, nag-aaya ng kembang at nagpapaload sa inyo sa Twitter gamit ang account ko, paki-sigurado na lang at tanungin ang aking pangalan. Pag tumirada ng Procorpio, paki-mura na lang basta wag kalimutan ang po at opo. Pasensya na, inosente lang. Hihihi. Salamat. Pak!

36 comments:

  1. Kailangan mo idelete yung account mo dun sa twitter para ma out sya.

    ReplyDelete
  2. Ahihihi.. Uma-iloveyou ke Greta. Hehe.. Labteam na sana itetch, kaso meron palang explanation.. so okay. sige.

    Delete mo na lang yung account mo, and gawa ka ng bago.

    ReplyDelete
  3. aheheheh..natawa naman ako dun.. hindi dahil sa hindi mo mahanap ang log out button kundi yung lumabas ng power mac dala ang bayong ni great.. hahaha akala ko pa naman binili mo ang ipad para ma log out ang twitter account mo.. makapunta nga sa power mac greenbelt at macheck ang twitter mo.. hekhekhek..

    ReplyDelete
  4. ahahahaha!!!isang eskandalo na nagdulot sakin ng bonggang ligaya...BAYAAAWWWW!!!dagdag buset lang.hahahaha!

    ReplyDelete
  5. ayown! dapat binili mo na lang. hehehe

    ReplyDelete
  6. a.... eto pala yung malabong conversation nio na super inggay sa twitter world. ahahahaha.

    pede naman ata mag iloveyou sa bessy e. you love her as a friend. :D

    ReplyDelete
  7. Naaliw naman ako sa kwento mo. Di pa kasi binili? hehehe Ayos lang yan... malay mo kayo nga talaga para sa isa't isa. :D

    ReplyDelete
  8. napakadefensive na post. at ginamit pa ang ipad sa powermac sa greenbelt.

    lolz

    ReplyDelete
  9. akala ko bibilhin mo na talaga! lol! buti di ka natadyakan bitbit ang bayong mo! hahaha

    ReplyDelete
  10. sinu nga ba tong si Michael na to bat anonymous.tagal ko nang hinuhulaan.at mapaghasik pa talaga ng lagim.ayan.huli ka tuloy kay gretalicious.hahaha

    ReplyDelete
  11. pero ang totoo bagay kayo ni greta..ramdam ko ang pagnanasa niyo sa isat isa.. wag niyo na pigilin yun bwahahahaha

    ReplyDelete
  12. LOL, ikaw na ang celebrity na na-hahack ang twitter! :)

    ReplyDelete
  13. Hayop ka yow!! Pitasin ko bayag mo diyan, anong manong??? Magkasingtanda lang tayo,, hayuuuupppppp!!!

    At, pur yur infurmeyshuhn, papalitan ko na ang PP ko,, nakakahiya naman sa iyo na nasisilayan mo ang maalindog kong mukha!

    At, alam mo, normal lang sa ating malalandi na pagnasahan pati kaibigan, I know ... LOL! Alam na! Pwede naman magkembangan ng no strings attached, db??

    Ayun,, pakyu ka pf0e ... LOL! :D:D:D:D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  14. DUGYOT, KARIMARIMARIM at KASUKA-SUKA (repeat 3x)] ang idea na yun.


    TOMO!dapat pala sinira na lang naten ung iPad.tayo-tayo lang naman makakaalam!

    malay mo may mag-use din ng twitter ko at tumira ng i love you too. hindi ko kakayanin, im gonna die like shit!hahahah

    ReplyDelete
  15. DUGYOT, KARIMARIMARIM at KASUKA-SUKA (repeat 3x)] ang idea na yun.


    TOMO!dapat pala sinira na lang naten ung iPad.tayo-tayo lang naman makakaalam!

    malay mo may mag-use din ng twitter ko at tumira ng i love you too. hindi ko kakayanin, im gonna die like shit!hahahah

    ReplyDelete
  16. bwahahahahhahaaha!! isang malakas na tawa para sa'yo brother yow!

    yan kasi, ayaw pang aminin na probinsyano ka at ikinakahiya mo ang Cabanatuan citeey..

    next time pag pupunta sa sushal na place, magtingin tingin na lang..

    wag ng makidutdot sa mga gadgets.. hahahahahahhaha!! :p


    PS. si ungaz yung nanghack dun sa twitter kasi gustong guston ka nya rin maging bayaw! :D

    ReplyDelete
  17. hahahaha kala mo kong makakwento ka naman yow eh may intriga talaga.. yaan mo.. nagpapaliwanag ka pa ha!! hindi ako naniniwala!! hahahahahah :)

    ReplyDelete
  18. una sa lahat, MAY HIMALA! Nagupdate ka rin sa wakas! at minsan ka na nga lang magpost, ang haba haba pa.

    At sana binili mo lang at iparaffle sa blog mo gaya ng pasabook ni MAdz. lol

    ReplyDelete
  19. ayun oh... ikaw na ang celebrity hehehe...
    tama si joel u need to delete yung account mo para mawala yun.

    ReplyDelete
  20. Haha... pasaway. Kala ko dun na talaga yung bagsak nun. (yow en greta happy 2geder!) LOL.

    ReplyDelete
  21. Nag-imbento ka pa ng napakahabang istorya para pagtakpan ang pagiibigan nyo ni Gretalyn...

    ReplyDelete
  22. hahaha.. yan kasi.. hahah ok dugyot na kung dugyot pero bakit di pa kasi tutuhanin... hahaha

    ReplyDelete
  23. Binasa ko ang buong story pero walang concrete proof na hindi talaga ikaw yung Nagtweet..

    Aminin na kasi..May Kasabihan nga walang lihim na hindi nabubunyag.

    Ramdam na ramdam sa mga tweets, POst at pictures sa EFBI...............

    Mag(future) bayaw kayo ni UNGAZ! hahaha..

    ReplyDelete
  24. dami mo pang palusot. haba ng defence! wag na defensive hahaha MAHAL MO SIYA!!! at naguumpisa yan sa bestfriends :P

    ReplyDelete
  25. yang si michael na yan, ang galing sa chismis hahhaha ambilis makakita ng kung ano2x hahaha buong arw siguro sa twitter--nanghahalungkat haha

    ReplyDelete
  26. hahaha! kala ko naman talagang binili mo na 'yung ipad. makikigamit sana 'ko. hindi kaya totoong nag-aylabyu ka kay gretaliciousss pero ayaw mo lang aminin sa buong buladaspir, pre? lol!

    ReplyDelete
  27. hahahaha
    ikaw na ang sikat
    kamusta ang PBB ser yow?
    kaya ako di na ako nagtitweet baka kasi madiscover ako at maganyan mahacks lang account ko xD
    Dapat nagpatulong na dun sa Power Mac attendant

    ReplyDelete
  28. napadaan lang galing sa damuhan.. at presto.. unang post pa lang natawa na ko.. hahahahaha...

    gets ko kung gaano karimarimarim at kasuka-suka ang tawagin kayong "kayo" ng bessy mo.. hahahah..

    ReplyDelete
  29. hihhee.. lumalablife si yow.... close tau? ahehe.. nakihiritz lang... ahhh.... kaya nga minsan nde safe maki-log in sa mga public gadgets like sa mall... never kong ginagawa kc i know itz never safe... i dunno.. eniweiz.. congratz kc kaw ang hot seat kay bino.. natuwa naman akoh don at sa interview sau... sumakit nga mata koh kababasa eh... anyhoo... 'ur so wafu naman... parang nasa sau na lahat... ano pa bah walah sau?! lolz.. sige po nakidaan... ingatz...Godbless!

    ReplyDelete
  30. Hindi rin ako marunong gumamit ng iPad. Nakikigamit lang ako sa kaibigan ko at ang madalas ko lang gawin ay maglaro ng angry birds.

    ReplyDelete
  31. first time ko dito yow. ang astig pala at ang ayos! bongga!

    ReplyDelete
  32. nakakatuwa ang kwento nyo ni greta.. at pati narin yung sa hacking incident.. heheh :P

    ReplyDelete
  33. kaya mahirap talagang i discuss ang buhay sa online site. :D

    ReplyDelete
  34. weeeh. kailangan lang talaga ng explanation? baka may something na nga pero di mo pa nadidiscover. parang gusto ko ring maki chismis.

    ReplyDelete
  35. Who knows in time you both will realize that you are really in love with each other? LOLZ...loko lang hehehe...

    ReplyDelete
  36. Buti yan lang ang ginawa nung nakialam ng twitter mo. Sa mga tropa ko, kapag may fb na naiwanang naka-log-in sa laptop, binababoy talaga. Burat, puke, lahat ng baboy na salita na pwedeng yumurak sa pagkatao, sasabihin. That's all thank you. Salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko.

    ReplyDelete