Gustong gusto ko na magtrabaho para naman mafeel ko na may silbi me kahit slight lang. Lahat na ata ng ka-batch ko puro job-hunting ang status sa Facebook. Kanya-kanya ng diskarte, kung ano-ano tinatry at pinapasukan. One day, isang text ang bumubungad sa aking pagmulat na malayo sa paghahanap ng trabaho.
"Mga bests, mag-audition tayo sa PBB. Hehe" mistulang excited na text ni Best Ralph, ang Mr. Pageant ng Cabanatuan Citey. Sinundan pa ng text ni Best Brigitte, ang Little Wonder ng Zaragosa na "Yow, tara sa audition ng PBB." Nagulat naman ako sa plano ng mga kaibigan ko na gusto ay instant yaman. Napaisip tuloy ako kung seryoso sila, parang waste of time and effort lang. Sana ginamit na lang namin ang oras sa bonding o sa mas may sense na bagay tulad ng paghahanap ng work. Kaya nagreply ako ng "Kailan ba? Teka, paplanstahin ko lang yung pang-kabog na outfit ko tsaka makapagpractice lang ng talent."
Maghapon tuloy ang naging usapan tungkol kay Big Brother. Pursigido ang mga kaibigan ko kahit sinabi ko ng libo-libo ang nag-audition dun at mukhang live sa publiko ang interview. Dun ko napatunayan na mukhang gipit sa pera ang mga 'to, matindi pangangailangan at higit sa lahat, may kaibigan akong makakapal mukha.
Planado na ang audition, biglang sumingit ng tanong ang Little Wonder ng Zaragosa, "Yow, alam mo ba yung networking?" Out of nowhere ang tanong na yan at napaisip naman ako bigla. Madalas ko marinig ang networking business at di ko maintindihan kung paano kumita sa ganung larangan. Nagsimula kaming mag-paliwanagan na nauwi sa ayaan na mag-invest. Sa halagang P4,880 lang ay may puhunan ka na at tutubo daw yun ng mahigit kumulang kapag nakapagrecruit ka. Safe naman daw yun at hindi masasayang ang pera mo, medyo kumbinsing na si Best Brigitte at kakagat na ako ng biglang ipinaliwanag niya sa akin ang products ng company na yun.
Bakit nga ba may produkto? Yan din ang di ko alam pero nilinaw naman niya sa akin na hindi kami magtitinda ng kahit ano, kami ang magiging distributor ng mga world-class products. Lalo tuloy lumalabo sa aking pananaw ang networking kaya naman nagtuloy ang usapan hanggang sa pagpresent ng mga products. Kalmahin ang sarili at ihanda sa mga sumusunod na produkto:
PRODUCT no. 1 -- Magic Kulambo. Ang kulambong mosquito-fighter. Pag dinapuan o nilapitan ng blood-sucking mosquito ang kulambo, mamamatay! Hindi ko alam kung baygon ang ginamit na downy sa kulambong ito pero ito daw ay 100% effective. Ang hindi ko lang naitanong kung safe siya gamitin ng tao .
PRODUCT no. 2 -- Amazing Napkin and Panty-liner para iwas cancer. Nag-franchise ba ang lahi niyo ng cancer? Para maiwasan ang pagdevelop ng cancer, gamitin ang amazing napkin and panty-liner na may "thingy" to prevent cancer. This is also said to be effective in preventing Prostate cancer in males. Kamusta naman ang pagtapal ng mga lalaki para umiwas sa cancer? Kamusta naman yun?!
PRODUCT no. 3 -- The Sterile Toothbrush. As is to madlang pipol, ang toothbrush na sobrang linis at hindi dinadapuan ng bacteria. Di ko lang sure kung di rin siya dinadapuan ng langaw o ipis. Pero at least, malinis! Cleanliness is next to Godliness.
PRODUCT no. 4 -- Anti-Rashes Diaper. Para maka-iwas sa butlig na dulot ng diapers, gamitin ang anti-rashes diapers. Para lubos na maiwasan ang diaper rashes, iwasang ihian at dumihan ang diaper habang suot. Goodluck oberder!
PRODUCT no. 5 -- Air load. Sa lahat ng produkto, ito na ang pinakamarangal. Ang pang-load sa lahat ng network, sa online games, internet, cables atbp. Ang di ko naitanong, baka literal na air load ito at sa air na lang mapunta ang load, hindi na dumating. Sinasabi pang iisang phone number lang ang gamit mo sa Air Load na di ko alam kung anong network provider. Baka Air Cellular kapatid ng Sun Cellular. Ang korni amp!
PRODUCT no. 6 -- Ultimate Water Filter. Para masigurado ang kalinisan ng tubig niyo, gumamit ng ultimate water filter. Kahit putik, masasala ang tubig na taglay at pagkatapos ay pwede ng inumin. Marangal, right? Marangal na dugyutan.
PRODUCT no. 7 with PROMO. Pinakapatok na Barley Juice with anti-cancer properties. Dahil sa sobrang patok, nagkaroon ng promo ang Barley Juice. When you buy a box of Barley Juice, you'll get a free ticket of April Boy Regino's The Yeye Bonnel Dude concert! Tama po ang nababasa niyo, once in a lifetime chance. Bili na kayo at nagkakaubusan na. Hindi pa naman sure kung kailan ang concert kaya makakahabol pa. Iwas cancer na, free concert pa!
Sinabi ko namang world-class quality products di ba? Pagkasabi sa akin niyan at after ko tumawa, nagreply ako ng makabagbag-damdaming "Seryoso?!!" Sino ba namang mag-iinvest sa company na ang produkto pa lang mukha ka ng ginagago at pagmumukhain ka pang tanga? Seryus ako Madlang pipol, wala akong dinagdag diyan sa mga products, pinaganda ko pa nga ang pangalan. At sa lagay na yan, may seminar pa about networking at products nila para maging aware ang mas maraming tao. #unkaboggable
Watdapak ang mga produkto na yan!Susunugin ko yan...Ano bang kumpanya yan?!hahahaha!impernez try mo bentahan si amboy ng anti cancer shits na yan.baka sakali bumili sukdulang magpantyliner sya!!!LOL
ReplyDeleteHanep sa humble!!!!so humbog!hahahaha...ikibot mo ng bonggang bongga para sa PBB.suportado ka namin.hahahah!!!
wat da products...
ReplyDeletenever a fan ng networking kasi its a family member of pyramiding. May products lang ang networking. You will be rich if you're on top of the chain. You will be a sore loser pag wala ka na marecruit.
goodluck sa pbb audi at sa paghahanap ng work.
Ang kulet lang ng mga products.
ReplyDeleteGanun tlaga pre, mahirap kumita ng pera. Dami naghahanap work kaya sa panahon ngayon swertihan tlaga.
Goodluck at Godbless sa job hunting.
LOL! Feeling ko matatanggap ka sa PBB kapag nag-audition ka. Ako kasi pang-Biggest Loser. Ampf.
ReplyDeletePero natawa ako sa mga products. Kulambo talaga?
seryoso ba yang mga produktong yan?
ReplyDeleteat meron ba talagang nauutong magnetwork para sa kumpanyang nagbebenta ng mga produktong yan?
sige mag-audition ka sa PBB at pag di ka nakapasok sa bahay ni kuya, yang networking ang pagkaabalahan mo!
ReplyDeletehahaha!
una sa lahat, congrats! nag-upadte ka ng blog!!!
ReplyDeletepangalawa, sige lang, audition ka sa PBB! dali!!!
pangatlo, yung networking, ingat lang kasi maraming ang kumikita lang ay ang sa top ng pyramid.
at yung mga produkto na binigay mo, gusto ko ung toothbrush. ahahha
LOL. Iboboto kita kapag naging housemate ka ni Kuya ... Iboboto kitang ma-evict! JUKKKKKKKKKKK!!!! :D:D:D:D:D:D:D:D
ReplyDeleteExactly my thoughts when I landed on my first job.
ReplyDelete.
.
'Wag ka na mag-PBB, dumiretso ka na kay Tita Linggit. O kaya naman, mag indie film kamuna para ala-Coco Martin, hehe.
.
.
Good luck!
At sa wakas nabuhay ang blog mo, nilulumot na kasi! LOL
ReplyDeleteSana nga makapasok ka sa PBB at mapanood ka!
Anung klaseng produkto yan? kadudaduda na yan ah! Minsan nko nabiktima ng networking n yan.
Gusto kong malaman kung ano yung thingy dun sa napkin at pantyliner L(
ReplyDeleteLOL
ako ang president ng fans club mo dito sa cebu pag nakapasok ka sa pbb...ahahahhaa...balitaan mo nalang kami..
ReplyDeleteat oo,..totoo ang mga networking eke k na yan...sa katunayan nakukulitan na ako kasi ako ang panay na i recruit..pwde? give me a rest! char.ahaha
Hanep ang mga prudoktong naiisip mo gusto ko ng mag networking kung ganyan.makakapagpasaya ako ng tao while selling sabay tadyak.
ReplyDeleteakala ko naman seryosong networking na ito.
hahaha katawa tawang mga produkto, lahat na lang iisipin at gagawin ng mga tao para lang kumita kaya pati halos kaimposiblehan ay gagawin sa produkto.
ReplyDeletenagulat namana ko sa new blog entry mo hehehe... anyway welcome bck in the blog world.. ikaw na ang sasali sa pbb heheheh :D
ReplyDeleteyun mga product mo walastik ha... di ko alam kung anu ba...
at goodluck sa paghanap ng work papeng :D
hahaha, amputik. sumali na rin ako sa networking. hahhaha. madalas kasi nursing people ang napupunta. haha. wala naman masama. hindi nmn talga scam basta masipag ka lang. hahaha.malas ko lang lumaki akong tamad. hehe
ReplyDeletetakteng mga product amputik.. kulambo. hahaha
sumali na ba kayo sa raket ng wonder buret of zaragowza a.k.a best brigitte? kase, im gonna purchase the panty liner at ang juice..alam mo naman, franchiser ng cancer pamilya namen!tska pangarap ko talagang manuod ng yeye vonel concert!
ReplyDeleteabangan ka namin sa PBB ah! hehe exciting yan! good luck!
ReplyDeletepayong-utol lang, pre. wag mo patulan 'yang networking na 'yan. mababaon ka lang diyan nang di mo namamalayan. mas okey 'yung maghanap ka ng work na akma sa kursong tinapos mo. all the best! \m/
ReplyDelete@Ungaz: Itanong mo din kay Brigitte kung ano, di ko na tinanong eh. Hahaha. Juk lang, nahihiya me mag-audition.
ReplyDelete@Khanto: Yun nga, sa produkto pa lang kautuan na eh. Hahaha. Thanks..
@Kuya Joel: Yun nga eh. Pambihira! Gusto ko na magtrabaho. Haha. Salamat. :)
@GasDude: Haha. Mas malakas pa paniniwala mo sa akin Sir. Nyahaha. Eh juk lang yan. Mukhang tanga ang products di ba? Haha.
ReplyDelete@Kuya Gibo: Yun din pinagtataka ko. Haha. Pero mukhang may nauuto eh at may nagbebenta nga ng ganyan. Pambihira!
@Santino: Hillo. Bago ka dito sa tingin ko. Haha. Wilkam. :) Pakamusta kay Bro.
@Kuya Bino: Haha. Nagmamasipag na kuno magblog, habang may naiisip. Haha.
ReplyDelete@Michael: Super supportive mo talaga! Walangya ka. Bida ka sa next post, abangan! Hahaha.
@Desole Boy: Haha. Tulungan mo ako lumapit kay Ma'am Linggit at kay Tita Charo. Nyahahaha.
@EngrMoks: Haha. Hindi ako papasok sa networking, donchuworry. Haha. Salamat, kakaagiw ko nga lang dito sa blog ko. hahaha.
ReplyDelete@Mr.Chan: Haha. Baka may pahid nung Barley Juice. Hahaha.
@Maldito: Abe may fans club. Hahaha. Like! Ngayon lang din ako naaya sa ganyan. Haha. Pang tanga ata.
@Diamond R: Kuya, seryus yan! May ganyan talaga na nag-aya sa akin. Haha.
ReplyDelete@Raffy: Tama! Mga gipit eh. Hahaha. Mahirap ang buhay.
@AXL: Anung nakakagulat? Pambihira pala. Haha.
@Marvin: Haha.Eh kung ganyan ang produkto, papasok ka? Hahaha. So uto-uto tayong mga nurse? Hhaha.
ReplyDelete@Greta: Haha. Hindi pa, inaalok pa nga lang ako. Sa unang sweldo daw natin. Hahaha.
@Ate Karen: Ate, joke lang yun. Di ako sasali at mahiyain me. HAHAHAHA.
@L: Di ko papatulan sir. HAHA. Nasa matinong pagiisip pa me. Salamat.
hahaha natawa ako sa networking, basta pag networking unang pumapasok sa kukote ko ay scam hahahaha
ReplyDeletemalay mo boss yow ikaw na ang susunod na gerald anderson, tsaka pag nanominate ka na i-vote our magbablog lahat kami para isave ka, naku text pala yun hahaha.
in the mean time mag-audition ka na!
magkakawork ka din, katulad ko job hunting din ginagawa ko kasalukuyan.
be blessed!
hahaha LMAO ka talaga Yow... sumali ka na nga lang sa PBB kasi di ka effective endorser ng networking.. hahahha... tumambling ka nalang dun.. hahaha
ReplyDeleteBi-blog mo pala talaga to. haha! Sa awa ni lord, hindi sila pinatok ng mga taga dine samen. yeyeye vonel sila pagnagkataon eh!hahaha
ReplyDeleteWell sa Tipo mo naman siguro, pwede kang pumasa don sa PBB. Subukan mo. Mahirap ang networking, pero may nagtatagumpay. Well, wala naman talagang madaling work.
ReplyDeletePinakamahirap ay yong magtrabaho ka ng wala. Ang sakit sa kilikili non Yow
Mostly, more on selling but for other, you will earn by inviting. We can say that its base on your luck or the attitude of the member whos doing the business.
ReplyDeleteako070707 (http://ako070707.wordpress.com/) has left a new comment on your post "Networking":
ReplyDeleteiba iba na talga ang modus ngayon ..haha ..nakaattend n ko sa isang gathering para sa networking , convincing naman pag andun ka. tapos maiisip mo pagtagal tagal butin lng di k ngpauto..hehe
ramdam mo b ang pressure sa paghahanap ng work. taena ..ako din ..wahhahha ....
NABURA KONG COMMENT - yow.
LOL.
ReplyDeletehahaha natuwa naman ako sa mga produkto, may mga marerecruit ka pa kaya nyan? :)
ReplyDelete