Monday, August 29, 2011

Maitim na Balak

Mahiyain ako. Hindi ako mahilig at hindi rin ako sanay sa mga meet-ups. Feeling ko kasi hindi ako marunong makisama lalo na sa unang pagkikita. Pa-bibo ako sa mga kaibigan ko pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nagpapakitang-gilas sa harap ng mga bagong kilalang tao. Malaki ang chance na manahimik lang ako buong araw, mag-register ng unlimited text tapos mag-GM ng "Parang awa mo na, text text tayo!" sa mga contacts ko habang masayang nagkukulitan ang mga kasama ko. Ganyan ako ka-probinsyano at katakot sa tao noon. Para sa akin, ang eyeball ay nauuwi sa romansahan sa mga motel o di kaya pag-kawala ng mga vital organs mo dahil naibenta na ng na-meet mong kung sinong halang ang kaluluwa kung kaninong walanghiya. Sa aking ganung paniniwala, malugod nating sisihin ang Imbestigador!

Halos isang taon na nung huling nakipag-meet ako sa ilang pirasong mga kapwa ko bloggers. Noong panahon na yun, tatlo kaming magkakasama na na-meet ang dalawang sikat na blogero. Dahil isang hamak na estudyante pa lang ako noon, buwis-buhay ang pagpapaalam. Kailangan pa ng brgy. clearance, police clearance, NBI clearance at valid ID ng taong imi-meet mo para lang payagan ako. Kasi, ako na ang minor! Sa huli, pinayagan din naman ako kaya kasama ang dalawa pang kaibigang bloggers from da prabins, nakipagkita kami sa mga peymous bloggers of the citey.

Nakatanggap muli ako ng isang invitation para sa isang iBall noong mga unang linggo ng Agosto. Isa itong exclusive eyeball, up-close and personal with autograph signing pa sa mga sikat ding blogero na nakagaanan ko na ng loob at naging kaibigan dahil sa pagpapalitan ng comment at messages sa mga social networking sites tulad ng Chwirrer. Gusto ko ng umayaw dahil sabi ko nga sa una, hindi mey sanay sa mga meet-ups. At sa isang 'to, mag-isa kong itataguyod ang mga mangyayari dahil wala na akong mga kapwa probinsyanong kasama. Manela boy na nga pala ako kaya wala akong mahaltak na kakampi. Sadnessmently. More pamimilit at more isip-isip pa, pumayag na din ako. Minsan lang makaka-meet ng mga celebrity kaya sumama na ako. Hindi na rin pahirapan ang pag-papaalam dahil tuli naman na mey, I mean, graduate na ako at isang proud tambay. Kaya go and count me in sa "Maitim na Balak" na yan.
Pahiram sa may-ari. Alam na! 
August 27, 2011. Ang "Maitim na Balak" day. 9 bloggers including me. Enchated Kingdom, Sta. Rosa, Laguna. At may isang epal na umeksena... si @bagyongMina. Rain or shine, tuloy ang "Maitim na Balak". Sa dami naman kasi ng kulay, maitim pa ang napili ng organizer kaya naman literal na maitim ng buong araw na yun ang kalangitan at mag-hapon umulan. Tulad nga ng kasabihang "Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy", natuloy pa din ang bonding sa EK (kayo na po ang gumawa ng paraan mai-relate) kahit na mukhang basang sisiw ang lahat. Si Ateng Mina naman kasi, feeling close, nakibonding din ng whole day. Manhid na siya sa all chugeder now na "Rain, rain, go away", hindi na siya affected. Sadnessment lang.

Para sa akin, 3 is a crowd at literal na hanggang tatlong tao lang ang kaya kong i-meet ng hindi ako nahihiya. Hindi ako makapaniwala na kaya kong maitaguyod ang araw na yun mag-isa at nag-enjoy kasama ang mga bagong kakilala. Sa simula, naramdaman ko ang sobrang hiya kaya natahimik lang ako sa isang tabi at observe-observe lang muna. Oras din ang kinailangan ko para makapag-ipon ng lakas ng loob at kapal ng mukha para makipag-interact with the sikats. Sa buong oras din ng pagtahimik ko, hindi ako makapaniwalang kaharapan ko na ang mga taong sa default picture ko pa lang nakikita. Kaya pakiramdam ko, lahat sila ay mga nagsasalitang jpeg file o mga DP na nagkatawang-tao.
Sobrang dami ng nangyari kaya mahirap ikwento lahat-lahat in full details. Lahat ng bloggers na na-kilala ko ay may iba't ibang character na wala kang maitatapon. Lahat sila ay sobrang babait, super accommodating at easy to get along with. Nakakatuwang isipin na may tao pala talagang kayang gumastos ng malaking halaga para sa tickets ng mga taong hindi niya masyadong kilala. May taong kayang magpa-book ng flight mula Iloilo at nag-aksaya ng panahon para lang makasama sa isang eyeball. May taong nanlilibre bigla-bigla ng doughnuts dahil feel na niya na kailangan naming lahat ng sugar rush. At may taong nagbibigay ng muscle fitting na shirt bilang remembrance sa isang taong unang beses pa lang niya nakita. Nakakatuwa sila. :)

Ang daming kwentuhan, kulitan at bonding moments na hindi matatawaran. It was nice meeting you Kuya Bino, Ate Leah, Kuya Carlo, Kuya Xander, Ate Mhel, Kuya Erik, Kuya Berl at Kuya Jay. I really had fun. 'Til next time mga Ate at Kuya. :) Maraming salamat sa lahat.

Parang ang bait-bait ko sa post na to ne? Busilak. Dalisay. Virgin. LOL.
Buti na lang sumama ako. Hihi. 

33 comments:

  1. nice meeting you Daniel Joshua na sobrang behave sa personal pero balasubas at puro kalokohan sa online world! hahahaha.

    sayang nga lang at di ka na nakasama samen sa Tagaytay.

    PS: seryoso, ha-fit ba talaga yung shirt??

    ReplyDelete
  2. natutuwa ako'ng makilala ka sa personal. hindi ka na naman nahiya nung nagkita tayo sa sm. siguro naiwan mo sa bahay. hehehe. pero nung dumami nga tayo, medyo natahimik ka ng konti. honestly, nag-aalala ko nung time na tahimik ka cause i thought na nabobore ka na. glad that you enjoyed! again, nice meeting you Yow!

    PS: ang bait ng post mo! wahahaha

    ReplyDelete
  3. pati sa labas naka-raincoat keyo :D

    based sa comment ni suplads, mukang tahimik you sa personal at super inggay sa online world. hihihihih.

    ReplyDelete
  4. mas masaya kung andyan ako... LOL
    Kelan ko kaya kayo makikita? Sana malapit na! LOL

    ReplyDelete
  5. masaya naman ako at nameet ko na kayo.

    mahiyain ka pa ba nang lagay na yun?hehehe

    nice meeting you uli yow...

    ReplyDelete
  6. wow EB sa EK? ang saya naman, nakaraincoat pa..hihi.. nakakainggit naman yan.. :))

    ReplyDelete
  7. Hahaha natawa ako ron sa nagsasalitang mga jpeg. hahahhaa! buti wala nang nbi clearance police clearance birth crtficate na naganap! :P hahaha! ako nahihirapan pa tumagal sa mga meet-ups e. ask your kuya jepoy why hahaha!

    pero grabe nga effort ng lhat at sobrang kahit unang beses pa lang magkita, o di ba alam niyo na ang tungkol sa isa't isa dahil chwirrer :P sana nakauwi rn ako tulad ni ate leah :P

    ReplyDelete
  8. Lols.. Sabi ko nga, sa airport palang, napakatahimik mo. Sabi mo, tumatayming pa.. hehe.. okay na rin yun, since unang pagkikita palang. Pero nung magtagal na, naging okay ka rin naman.. hehe. naging maingay na rin nang slight, lalo na sa Rio Grande. Hahaha!! Wagas na wagas ang tawa mo nung hinampas ako ng tubig.. loko ka. hahahaha!!

    Wla ka ngang naibigay na trinket sa aken.. ipa LBC mo ha. Lols..

    Nice to meet you too, Joshua. Nakita ko rin nang personal yung #9 crush ko.. :P

    P.S.
    New Joshua na ba to? Meron na agad update. Wehehehe!! Alam na! haha!

    ReplyDelete
  9. ang saya-saya naman nyan!! yow, hindi halata na mahiyain ka in person. haha! pero kung ako rin yung makikipagmeet up, ganyan din mafi-feel ko for sure. alam na! hehe :D

    nagsasalitang jpeg file. I like that! hahaha XD

    ReplyDelete
  10. hahha.. nice meeting you RN JOshua.. ang bait nga ng post mo na to.. sa sobrang bait mo tinawag mo kami lahat ng ate at kuya.. heheh pagpalain ka ng Poong Maykapal hejo! Buti na lang talaga sumama ka kung hindi wala ka sana dun ahahaha

    ReplyDelete
  11. masarap talaga pag gusto mo yung mga mamimeet mo. narealize ko, medyo matagal na rin pala akong hindi nakakapagmeet ng mga bloggers.

    hmmmm.

    ReplyDelete
  12. ang cute nakaraincoat hakhak,,
    mga ata at kuya haha natawa ako dun ang galang mo lang...
    sana next time ma meet kita..yow yow kkk..naintriga ako kung mabait ka tahimik ka talaga sa personal gaya ko puhahaha,,,

    ReplyDelete
  13. hahaha... ang ang bait mo daw sa personal... hahaha.. parang di ako makapaniwala.. hahaha.. wala lang.. hahaha

    ReplyDelete
  14. nakakatuwa ang poste ng lahat. iba iba ang timpla at iba iba ang birada. noong una kitang nakita nalula ako, ang tangkad mo kasi at first time kita nakita sa personal. Sobrang tahimik mo nga noong una pero nakita ko naman na nagpipigil ka lang at umuobserve. Salamat at nakabonding ka. Natawa ako sa damit na binigay sayo ni SOB, tinantsa kaya namin yan pero fitted ba? hehehe... Sa uulitin...

    ReplyDelete
  15. wow! nilusong ang kasagsagan ng ulan. ayos! mukhang enjoy na enjoy kayo. sarap! :D

    ReplyDelete
  16. Kayo nalang diba! Kaasar ang mga post na ganito! Kung makapang-inggit lang eh!

    ReplyDelete
  17. Looking forward to more meet-ups, haha. Seriously, I was worried also worried at first about you na baka hindi ka nag-e-enjoy or irita ka na sa bagyo kasi nga ang tahimik mo. I am pleased to know you enjoyed the company. ;D
    .
    .
    It's a pleasure meeting you Mr. Joshua ;D

    ReplyDelete
  18. Aba aba napaparami ang eyebol! Ikaw na! Totoo nga, bano ka nga sa meetups natin noon. Sila Ungaz at Greta ang bibo bibo lang parang full charged ang battery sa likod samantalang ikaw walang humpay ang pagdadamdam mo sa isang tabi na parang naghihintay kang lamunin ng lupa. Ganun ka ba naintimidate sa aking taglay na height? Juswa! LOL

    ReplyDelete
  19. wow!... iBall sa tag-ulan... ang saya saya namn...... :D

    ReplyDelete
  20. mahiyain daw in person, hahaha. pano pa ko sa lagay nito? nyahahah

    ReplyDelete
  21. hmmm... di nga 20 ka lang? hindi halata.. hahaha... kaya pala palaging may po at opo.. hahahah...

    at higit sa lahat... tahimik?! hindi rin halata.. hahaha.. parang ang ingay mo pag sa blogs at twitter eh... LOL

    ReplyDelete
  22. Ikaw na ang santino sa kabaitan! :D

    ReplyDelete
  23. naiingit ako , once pa lang ako nakapunta ng enchanted

    ReplyDelete
  24. parang blog action day lang ang iBall andami ko ng nabasa tungkol dito, at i must say kakainggit.

    palagi kong sinasabi na may mga pagkakaibigang nabubuo sa mundo ng online world.

    be blessed

    ReplyDelete
  25. Masasanay ka din kapag lagi kang nakikipagmeet sa mga bagong kaibigan. Saka magandang training din 'yan para ma-develop ang personality at social skills. LOL!

    ReplyDelete
  26. kaw na dumadatcom!!!!di ka na pwde humiatus ngayon nyan.hahahaha!

    at bilang comment sa iball nyo...mas masaya kung kasama kami ni greta.mafeeling?!!!!!hahahahaha!


    UNGAZ

    ReplyDelete
  27. hahaha, never ko pang maexperience ang meet ups, pero naka-kapote naman pala eh!, Ok na yun!, hahags!

    ReplyDelete
  28. walang kupas ang enchanted kahit malayo.

    ReplyDelete
  29. ang saya ng maitim nyong balak.. sana makasali rin ako sa inyo minsan.. ;)

    ReplyDelete
  30. ang saya ng adbentyur nyo.. may ganung maitim na balak pala.. hehe :P

    ReplyDelete
  31. Naalala ko nung birthday ni Jepoy ang demure demure nyong tatlo nila Greta at Ungaz! Mga mapagpanggap! LOL

    ReplyDelete