Thursday, September 29, 2011

Dedication

Last August, nakatanggap ako ng regalo mula sa aking bunsong kapatid. Advanced gift para na rin  sa noo'y nalalapit kong pag-lipad --- the "Akala mo lang wala nang slumbook pero meron, meron, meron!" Notebook/Slumbook Tanso edition. Alam kong hindi bagay sa akin pero wala namang natatanggihang regalo. Gamitin ko na din daw para maging remembrance sa lahat ng friends ko (if any) na pwedeng itabi forevah. Aww... sweet pa pala ang motive.
I asked some of my relatives and friends to sign my cute slumbook. First time kong nabasa pagdating ko dito sa US ang mga sinagot nila sa slumbook at sadya nga naman palang nakakaligaya. Favorite part ko yung dedication part na naglalaman ng mga makabagbag-damdaming salita ng pasasalamat, pagmamahal at kawalang-hiyaan. At dahil likas din akong slight na walang-hiya, ise-share ko sa inyo ang isa sa paborito kong dedication mula sa aking kapatid na si Zetlog. Game!
Aug. 29, 2011 
Dear Diksy, 
Hoping you're alrights theres by the time of readness of this. Thanking you for this ever good version of such a slumbook is such a for you. This is my thanks, accept. I will very very very surely missed you for going about there. Seriousnessly, I'm speaking to you. I'm knew you'll miss me, also. Just take care of yourselves and our mother and father. Don't eat the big amount. Gym for your own sake and be a model here if you're tired of nursing. I'm still hopefully fan of you in ASAP so come back and tuition me. Thank you much for all. I love you Diks! :* 
Here is quite a good acronym better that those above for you. I'm inspired with SUCAT, Paranaque now. 
S - weet and polite that's simply Yow  
U - nderlying intelligence is about to blow.
C - alog is you, simply like a crow. 
A - ppearance is great. When you see, such an awe. 
T - o you, I miss surely you. Yes, only Yow. :D 
Whahaha! I'll miss you Diks. I love you! <3 
- Zetlogs
I know, you don't have to say it. Alam kong nosebleed kayo sa kapatid ko pero normal po siyang bata. Ganyan lang talaga kami mag-usap. You know, we have/had/(pwede din siguro pero di ko sure na) has great command of English languages. Beri-beri fluent with amazing and wondrous grammaring plus Ilokano/British/American accent. Anong laban ni Mirriam Defensor-Santiago sa kapatid ko? Sorry naman sa English mo ate. But seriously, marunong po kami mag-english (joke!) at masarap lang lokohin ang salitang banyagang ito. Kahit tanungin mo pa ako ng favorite animal ko, mabilis akong sasagot ng ketdog yung cartooneds.


After reading the whole slumbook, parang hindi rin naman ako umalis sa atin. Nawala ang lungkot ko at pangungulila sa mga naiwan ko sa Pilipinas. Maganda nga palang remembrance to at sayang hindi ko napasagutan sa ilang bloggers na mga nakilala ko.


Namiss kong mag-blog at tumambay sa mga bahay niyo. Yaman lang din naman at comeback post ko ito, gawin nating interactive ang mga pangyayari. Baka naman ubrang i-welcome niyo mey ng isang dedication sa comment box ko para naman matats mey at may mabasa mey na parang sa slumbook. Hindi naman required pero pwede na ring required. At pansinin niyo din ang dumadatcom na hindi rin bagay na bahay ko. Sadyang ang pakalat-kalat at paglilibot sa damuhan ay may kapupuntahan. Thank you Kuya Bino. :D


Iba na nga ang mundo ko ngayon, ibang iba mula sa nakasanayan ko ng dalawampung taon. Nag-aadjust pa mey at nilalagay sa utak ko ang mga pangyayari. New beginnings, new experiences, new acquaintances, new stories. Bago na ang lahat, pero ako pa din yung dating Yow na bihira mag-post. Kaya madlang pipol, samahan niyo mey sa bagong chapter ng buhay ko. Game?


Ako na! Ako na ang may seryosong ending. LOL.

37 comments:

  1. September 29, 2011

    Dear Joshua,

    So how are you? I hope you're doing great. :) Kelangan ba english? haha!!

    Nalungkot ako last time, I didn't get the chance to come and see you on your party. But well, as I said, I'm with you in spirit. At base sa mga pictures, mukhang enjoy naman ang party. I tried to book a ticket, pero I guess it wasn't written in the stars. Naks. Still, I feel lucky, I was able to see you and talk to you on our EK adventure, bago ka tuluyang lumuwas ng US.

    So musta na ang batang Tate? Spokening dollar ka na ngayon, I'm sure. Like, yah know.. yah englishing everybody over there? Hehe..

    Anyway, good luck sa bagong adventure sa buhay Joshua. Laging magpray kay Papa Jesus for His guidance. Don't forget to enjoy life, because LIFE is ADVENTURE. New chapters has been opened, new stories will be revealed. And we, your friends, though we're miles apart, will be right here.. with you.. going along for the ride.

    Take care, Joshua.

    Xoxo,
    Ate Leah




    P.S.

    Thank you so much for providing a space for me in your slumbook. JAPAN.

    same.

    ReplyDelete
  2. Dear Daniel Joshua,

    Magpasalamat ka at hindi ka inabot ng bagyong Pedring dito sa Pinas, or else masisira ng tuluyan ang American dream mo. haha!

    Anyway, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko lang ipaalala sau na siomai lang ang nakain namin nung nagpa-despedida party ka. alam mo bang lumuwas pa ko mula sa Batangas nung araw na yun? Gayunpaman, it's the effort that counts, right?

    Ang mahalaga ay naimbitahan mo kami (at hindi ka nakalimot sa iBloggers) sa party mo kahit nandun lang kami sa isang sulok at masayang nanonood sa inyo ng pamilya at barkada mo. Nagmukha kaming gate crashers sa totoo lang. Charot! Gayunpaman, balewala pa rin yun dahil ang importante ay mapasaya ka namin kasi nakita mo kami bago ka umalis patungo sa Tate.

    Seriously speaking, I know you are in good hands now. Hahaha. Kasama ang mga parents mo opkors. It's now your chance to spend time with them and live a wonderful life in the States.

    Pursue your dreams. Aim high and reach for the stars.

    Ask. Believe. Receive.

    It was a really a wonderful experience to meet you in person. Who knows, we might have another iBall soon, but this time, it'll be in California. hahahaha!

    So see you there!

    Wishing you all the best.

    Cheers,

    Supladong Office Boy

    ReplyDelete
  3. Dear Yow

    Ang saya-saya kow
    Dahil nanditow akow sa blog mow
    Ito ang unang comment ko ditow
    Kaya ako'y napapayow-yow-yow

    Hindi ka ba pagod yow?
    Kasi maghapon ka nang tumatakbow sa isip kow?
    Ow matibay ba ang likod mow?
    Gusto ko kasing pumasan at matulog ditow.

    I really dedicate is space for yow
    Even thow its senseless you know
    Welcome back sa blogging pare kow
    Congrats din sa .com mo, pampagwapow.

    I don't know what ya look like
    But I guess its something bright
    You know, on the sky is some kite
    And on some land is something light

    Thanks.

    PWAHAHAHA.
    ITALY.

    ReplyDelete
  4. Yow,

    Natawa ako sa english ng kapatid mo. Ganyan din kami mag-english dito sa bahay eh!!! Waging wagi lang, dami kong tawa habang binabasa.

    God bless!

    Leo

    ReplyDelete
  5. buti ka meron na nyang tanso edition... sosyalaaaaaans. :)

    naculture shock naman me sa comments dito.... pang slumbook din, may letter... di ko alam kung gagaya me o hindi. lols.

    pero dahil uso ang mahabang comment.... haya-gaya na din me.

    Dear yow,

    may comment na me sa post mo. hahahaha. ingat dyan sa ibang bansa.

    -khanto

    ReplyDelete
  6. Dearest joshua,

    i know you know and everybody know that your going down down down down down.. so im happy shalala its so nice to be happy shalala everybody should be happy shalala its so nice to be happy..


    hahah intro palang yun sa pagtambling mo dyan sa tate... sana at di ka mahomesick dyan kung saan ka man ngayong nagmamalagi... sa kaibuturan ng aking tamod ako'y nagpapasalamat at di ka inabutan ni manong pedring... tangay din sanan mga pangarap mo.. pero ito ka't nagbabasa nito.. hehehe...


    God bless dyan alam kong maraming plano si Lord sa buhay mo dyan... kaya't ingat palagi...

    Tumatambling,
    Kikomaxxx

    ReplyDelete
  7. My Dear Friend Yow,

    Hindi ko akalain na magiging kaibigan kita hahahaha. Palagi ako'ng bumibisita dito sa bahay mo pero december lang ako unang nagparamdam. natuwa naman ako at nagkakausap tayo sa fb twitter at g+. amsaya rin ako na una kang nakita sa sm southmall para magpunta ng naia at diretso pasay tungo'ng enchanted kingdom.

    Salamat din at inimbitahan mo kami sa iyong despedida. Di ko talaga yun inexpect.

    Gaya ng sinabi ko noo'ng ako'y napaspeech, sa sandaling panahon ay napamahal ka na sa amin.

    Good luck sa iyong buhay sa amerika. More blessings will come in your way I know dahil isa ka'ng mabuting bata. Bata!!!

    Hanggang sa muli at masaya ako'ng kaibigan kita.

    PS. Gawa na ang header mo hahahaha

    ReplyDelete
  8. Ay teka naman...Akma pa ba kong magdedicate?!kailangan madalas magdedicate?!hahahahaha... Eto para matats ang american balls mo NAG-LOG IN AKO PARA LANG SAYO...hahahahaha!hindi anonymous...

    Miss ya Yow!!!!mwah!:)

    P.S
    Leche tawa ko sa dedication ni izet!imba...hahahahahaha!Idol ko na siya.

    ReplyDelete
  9. Dear Yow,

    Gusto ko maikli naman ang dedication para sa'yo. Para maiba naman. JOke!

    Welcome back at congratulations sa mga bagong pagbabago sa buhay at sa blog mo.

    Kahit di ka nang-aya nung magpadespedida ka, masaya ako para sa iyo. Pagbutihan mo dyan at nawa'y ikaw ay magtagumpay.

    God Bless.

    Kuya Gibo

    ReplyDelete
  10. wohh It's YOW time in America. God bless.

    ReplyDelete
  11. Napakaporma naman ng LOGO ng It's YOW Time!

    ReplyDelete
  12. yowsky,

    hehehe anjan ka napala hehehe naunahan mo pa ako hehehe. talaga sigurong mas mbait ka sakin kaya pinagbigyan ka ni Bro hehehe.

    Wala ako masabi hehehe.kakagawa ko lng ng photoblog kaya sana dalawin mo hahaha at magfollow ka na din bwahahaa..sarap basahin ung letter ng utol mo nwei inihaw, god bless jan..

    chocolates paguwi hehehe


    rico

    ReplyDelete
  13. Dear Daniel Joshua Torres Villangca,

    Ikaw na ang nasa LA. Ikaw na ang RN! Ikaw na din ang slim, thanks to your magic camera. Ako na ang hindi bitter ... LOL! Seriously, gudlak lang sa career mo ... Bwahihihihihih! :D

    Gumegenown lang,
    Ako! :D

    ReplyDelete
  14. Dear Diks,

    So it's all about my glam dedication fala. My gally. Sissy just toldme. "Have your read your Diks' post?" I said, "Not yet. Why?" She said, "Your dedication is so funny." That's the end of the conversation. So I came here to read it. And your header is faboulously great. Oh my gally. Did you do that? And about this, you're so great talaga. Pero ngayon ko lang nabasa at naalala ung mga pinagsusulat ko at natatawa rin ako. Haha. Lalo na dito, "Seriousnessly, I'm speaking to you." Haha. I miss you lang. SO MATSSSS. I love you.

    - ZETLOGS.

    ReplyDelete
  15. Just had epistaxis LOL...

    Wui! Goodluck sau ser at sa whole family! I'm wishing you for your success :)...Napapa-English tuloy ako LOL...

    ReplyDelete
  16. Naku YOW. May isang taong nagsabi ng lihim sa akin. Crush ka daw nya. Nung sinabi ko na paalis ka na sabi lang nya "Sayang". Sayang daw kasi hindi mo sya nakilala LOL at ayaw nya pa rin ipasabi kahit nakaalis ka na so yun bwahaha. Fakyu ka yun lang LOL.

    ReplyDelete
  17. OMGwtf.nasa US kanapala.???huwaw.kaya pala dika nagcommmit sa Ilo-ilo.I am so happy for you.At happy sa Pinas kasi madadagdagan n nmn magpapadala ng dolyar dito.hahaha.joke.basta inggit ako s mga nakakapag-US.pero syempre happy ako s kanila.so what will be the next surprise ??baka mabasa ko nalng n me american gf kanaha.ingat and enjoy kadyan.:D

    ReplyDelete
  18. Yow,

    Bagong simula at mga karanasan. Nawa'y makita ka namin pag nagbakasyon ka ng Pinas yung bumabati sa Showtime at dala-dala ang print-out na "Hi sa lahat ng mga Ka-blog ko" with matching sampol sampol.

    Seriously, all the best sa iyo! At yung part na let Him shine on you. Yun naman ang pinakamahalaga, at alam ko, alam mo yun.

    Be blessed!

    ReplyDelete
  19. o eh nasa tate ka na pala, pre. saang state? bat si zetlog, naiwan dito? pag tumikwas na 'yang dila mo kaka-slang, wag mong kakalimutang bumalik dito para magpa-party! hehe. congrats and all the best!

    ReplyDelete
  20. i dedicate this to you yow... hi!

    -greta

    ReplyDelete
  21. Hahaha, ang cute. Parang ten million years ago ng huli akong nagsulat sa slambook. Kaaliw.

    Fickle Cattle
    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  22. Hahahaha!! Manang mana kay Dikong. :) Ikaw na talaga ang sosyal, Yow!! So happy for you. :D

    ReplyDelete
  23. The slumbook is so nostalgic. Anyway, you kinda look like Phillip Lomax ng X Factor pag tiningnan sa malayo at pabigla..hehehe

    ReplyDelete
  24. yow,

    marahil ikaw ay nagtataka at ngayon lang ako nakapaglapat ng dedication sa iyong cute na slumbook. ang pakiwari ko kasi ay ito ay parang isang nobela na maglalaman ng lahat ng magaganda at masasayang ninanais natin para sa isa't isa. o siguro dahil sa wala naman na akong ibang mahihiling pa para sa iyo kundi ang maging mabuti ang kalusugan mo at ang iyong pamilya. alam kong masaya ka diyan at magiging maganda ang iyong katayuan sapagkat ikaw ang nagiisang YOW.. as in YOW ES EY.. ikaw na..

    nakakalungkot man dahil medyo malayo tayo pero hindi naman mahirap na magkita o magparamdaman kasi nasa earth lang naman tayo. at habang nasa earth, tulong tulong tayo sa paghanap ng dragonball.. check mo diyan baka meron ha.. hahah

    o cia, wala na rin naman akong masabi.. kaya hanggang sa susunod na lang uli. ingatan mo ang iyong sarili.

    Rd ;)

    ReplyDelete
  25. Every gift coming from a family member is one of the priceless gift we can receive in this disposable world.

    at kabog ang mga comment dito..dpat talga ganyan rin ang format...lol

    Goodluck to your new adventure:)

    ReplyDelete
  26. Hi Yow, san nakakabili nyan? saaann? haha you're so blessed to have a lovely family!! kailan ang balik mow? ingat dyan!

    ReplyDelete
  27. I lke that slumbook of yours, hehehe

    hope to read more from you, see you around!

    :))

    ReplyDelete
  28. Might be jokingly written. but seriously dude this is something na napakasarap matangap sa isang kapatid. And having this, will give u more reason to love them and live life. It is inspiring. Thanks you sa pag share parekoy!

    ReplyDelete
  29. wow paguwi ko ng pinas huhuntingin ko yang slumbook na yan.. I sweir.... ang kulet...

    ReplyDelete
  30. Magkano 'to? Mukhang kailangan ko ng ganito. Madali kasing matabunan ang mga dedication at kung anu pang shits ng pagbati dito sa internet e. Hehe. Iba pa rin talaga kapag sa papel nakasulat.

    ReplyDelete
  31. binasa ko...pati nga mga comment eh!! kaso lang di ako marunong mag didikit! hihihihi

    nasa puso kita at isip..kahit di ko sabihin...may gay-on?! ahahaha

    ingat ka dyan sa tate..wag kakalimutan ang pinoy accent at para magkaintindihan tayo..ahahaha

    wish you all the luck Yow!!

    ReplyDelete
  32. aww sa pagbabalik ko nakalipad ka na pala palabas ng pinas tsk anyway..ingat ka na lang po dyan..di tayo masyadong close kasi naman nung mahagilap ko ang blog mo tsaka naman ako bigla nagdisappearing act sa mundo ng blogging malas ko talaga hehe

    ReplyDelete
  33. enjoy na enjoy ka ata sa US ah....sa birthday pa tong last post mo..go na! haha ^^ hello yow...pahabol ng slum book mo...

    DEAR JOSHUA

    Hi. CONGRATS. INGATS
    KTNXBYE

    sendo hehe

    ReplyDelete
  34. Ola Joshua!

    Isang nurse na tulad ko, napalapit ang aking loob sa iyo. Hanepppp! Pero isa lang masasabi ko rito-- sana nakilala kita sa personal. Ano raw? haha! Pwedeng isa pang pwedeng masabi ? ... Salamat kasi napakasupportive mo... Suportahan ta ka sa ano mang desisyon mo! <3

    Good luck sa career mo and sa lahat ng plans mo... You deserve happiness and kami ang babackup sayo for motivation and inspiration!

    WE LOVE YOU!!!

    LOVE,
    TRAVELIZTERA

    ReplyDelete
  35. ang swerte mo pre.. nung isang buwan paku.. nangangatok sa mga kaibigan ko sa FB na padalhan nila ako nyan.. huhuhu.. buti ka pa meron nyan...

    ReplyDelete