Friday, December 23, 2011

My Grown-up Christmas Wish

Christmas is just around the corner. I still can't believe... quota na sa English, maximum of 10 words lang!


Napasarap ang pag-tambay ko kaya hindi ko napansing may blog pala ako. Napasarap din ang pagkain ko kaya hindi ko napansing ang taba-taba ko na. At hindi ko din namalayan na ang bilis ng araw, isang tumbling na lang pala ay Pasko na. Wala na akong napansin. Ako na ang snobbish! Ako na ang walang malay! Ako na si Bal! (You know, si Bal. Si Bal na walang malay, remember? May explanation ng joke?)


Feel na feel ko ang pagiging grown-up kunwari sa buhay ko ngayon. Literal na grown-up kasi mga batang pamangkin ko ang karaniwang nakapaligid sa akin. At figuratively, kasi kunwari pasan ko ang daigdig at ang dami ko iniisip sa buhay ko. Noong nag-aaral pa ako, ang sarap sa feeling ng walang ginagawa pero ngayon ko na-realized na hindi pala siya fun pag matagalan. I feel so worthless, I feel so useless. Ajujujuju. Orti lang?! Kaya sa oras na nakatambay ako, which is most of the time, puro pag-ninilay-nilay at pag-paplano sa buhay ang naiisip ko. Nakanang.. I feel sooo old!


Sumasabay pa ang lamig ng Pasko dito, lalo tuloy ako nai-emo. For 19 years, I've celebrated Christmas in the Philippines. Kaya nasanay na ako sa maingay pero makulay at masayang Pasko sa Pinas. This Christmas celebration will be a new experience for me... and I'm excited for how's it gonna be. For almost 20 years, ngayon ko na lang makakasama ang Ate ko sa Noche Buena, ganun din ang Ditse ko na halos 14 years kong di nakasama. At ang pinakamasaya, pagkatapos ng 4 na taon, may mayayakap at mahahalikan na akong Nanay at Ama ngayong Pasko. Masaya ako na malungkot --- ambivalence! Masaya na makakasama ko na muli ang dalawang kong kapatid na nauna ng kumayod para makatikim kami ng hamon tuwing Pasko at ang mga magulang ko na ginawa ang lahat para makatapos ka ng pag-aaral. Pero nakakalungkot isipin na kailangan ko namang bitawan ang pamilya ko sa Pilipinas. Sila naman ang hindi ko makakasama ngayong Pasko --- sila na nakasama ko sa halos dalawang dekada tuwing Pasko.


Yes, Christmas is all about the birth of Jesus Christ... but for me, the best way of celebrating this special occasion is to be with your whole family. God really blessed me this year pero hindi naman siguro masama na may hilingin pa ako. Kaya before the worldwide celebration ng birthday ni Bro., hahabol lang ako ng isang Christmas wish. I am wishing, hoping, and hardly praying that someday we will celebrate this special occasion altogether as a one big happy family. Yun lang naman ang gusto ko, kahit walang regalo, kahit walang handa. Basta lahat kami magkakasama.


Teka, may handa naman pala kahit tinapay at cheese whiz lang.


Okay, enough with the drama. Sobrang hirap pala gumawa ng emo/serious post, I'm not gonna do this again.


Oras na lang ang bibilangin, Pasko na sa Pinas. Mauuna na ako sa pagbati sa lahat. 
May we all have a meaningful and wonderful Christmas. Loner ka man o may kasama, kumpleto man ang pamilya o hindi, dapat pa din nating ipagdiwang ang birthday ni Bro


Jesus is the reason for the Christmas season. Merry Christmas, Bossing! Mwah, mwah, tsup, tsup! God bless us all!

21 comments:

  1. ang orti orti mo! sampalin kita ng bote ng cheezwhiz na may lamang pebbles eh.

    Ako nga gusto ko bumalik ng US di ko alam gagawin ko. LOL

    Merry Christmas to you and your entire family! Enjoy whatever you want. Start seeing what you have and be grateful to it. Passaan ba't mag kakasama-sama din kayo ng buong family you. Kumayod ka muna. Charozkaldong manok!

    ReplyDelete
  2. “Merry Christmas and Happy New Year! May you be surrounded by all the things that bring Christmas cheer.”

    ReplyDelete
  3. sa wakas after decade nakapost ka din ng blog...hindi ko alam sasabihn ko sayo..haha.

    walang pasko sa amin...you know! Have a great day!

    pareho kayo ni Jepoy ang oorti-orti niyo.

    ReplyDelete
  4. Isang maligayang Pasko sa iyo Yow!!!

    sa wakas, makalipas ang isang dekada ay nakatikim ng update ang iyong blog hahahaha.

    anyway, hangad ko ang iyong tagumpay sa Tate. May God alway shower you with blessing :) Miss you din pala ahahahaha :D

    ReplyDelete
  5. Siyehht, Yow! Ikaw na bigla-biglang susulpot ng walang pasabi! Ikaw na talaga! Naalala mo talagang may blog ka pa sa lagay na iyan? LOL.

    At, dahil pasko ngayon, palalagpasin ko ang pag-aitalize mo din ng mga English words sa post mo ngayon. Infringement!!!!! Juk lang.

    Merry Christmas! Mabait ako ngayon! :D

    ReplyDelete
  6. akala ko nakalimutan mo na ang password sa blogger kaya di ka makapag-update ng entry. hehe.

    o eh kumusta naman ang white christmas natin diyan, yow? ganun talaga, for every action there's always an equal and opposite reaction. sabi 'yan ni pareng isaac newton. eto pa isa: you can't have the best of both worlds. sabi naman 'yan nung magboboteng dumaan sa harapan kanina.

    natawa ako dun sa bal joke mo. tas na-nosebleed sa paggamit mo ng salitang ambivalence. hahaha!

    merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms, yow! dalhan mo kami ng snow pag-uwi mo, 'yung naka-foil-pack. lol! \m/

    ReplyDelete
  7. Merry christmas and a happy new year. Its been a great year for all of us. Happy blogging =)

    ReplyDelete
  8. Mukhang sobrang fan ka ng Showtime ng ABS-CBN ah? :) Maligayang Pasko sa'yo!

    Cheers,
    Adrian
    http://seekersportal.wordpress.com

    ReplyDelete
  9. naiyak naman ako sa blog na ito...nagiging emotero ka naman brotherly...we miss you and love you...

    ReplyDelete
  10. merry christmas. Lalong masaya ang pasko kung kasama ang pamilya. :) Panahon narin para magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap galing sa may kapal. :D

    ReplyDelete
  11. kindly explain bakit kailang i-italize ang english words!!!! Sosyal ka na ganon?! hahahahaha!!! Ilang kibot nalang anjan na kaung lhat nila zetlog. magpapataba kaung lhat together jan...ahihihihi!!!

    Merry merry christmas Yow..Amishu and God bless!:)

    UNGAZ

    ReplyDelete
  12. ang arti much.. hala sige ikaw na ang may ilalaki pa...

    pero Merry christmas Yow :)

    ReplyDelete
  13. Sarap basahin ng mga emo post mo, hmm... sobrang heartfelt. Kaso ang arte arte, hahah!

    Merry Christmas to you and to your family.

    It nice knowing your blog yow. Sample! Sample!

    ReplyDelete
  14. aba nakapag blog ka na rin...tomoooo..the best way to celebrate Christ's birthday is with pamileee...chaks..ok lang yan...lilipas rin yan...di pa nga ako nakaka get over sa buhay estudyante...gusto ko pa talaga mag aral muli..anyway...ngayon..im sure happy ka na with ur family kaya wag ng ambivalent!! hanapan ng paraan yan para happy ang 2012 mo hehe ^^ Merry Christmas Nurse Yow ^^ happy new year ahead

    ReplyDelete
  15. Ramdam ko din yan. Yung 'feel so old'. Haha. Sino ba kasi ang hindi tumatanda kaya oks lang yan. ;) Ang dami nangangarap maging nurse sa US, ikaw na ang big time, Yow!

    Belated merry Christmas and happy new year!

    ReplyDelete
  16. sana'y naging masaya ang pasko mo. haha! medyo huli naman tong bati ko noh. it's better late than later. hohoho!

    ReplyDelete
  17. dahil ngayon lang ulit nagkaroon ng mahabang oras para makapagbloghop, ngayon ko lang ito nabasa.

    hopefully di gaanong ka-emo nito ang celebration ninyo ng family mo noong Pasko at Bagong Taon.

    Tutal tambay ka pa, edi muling buhayin mo ang iyong bloglife. suggestion laang. :)

    Happy New Year Yow!!!

    ReplyDelete
  18. yow.. yow there na.. :P nakakatuwa.. ganyan lang lagi.. merry happy together everyday..

    ReplyDelete