Halimbawa na lang. Dahil ang likot-likot mo at kung saan-saan ka nakakarating, wala ka ng saturday night sa bahay niyo. Nasa bahay ka ng tita ng kaibigan mo at naki-ref ka pa ng longganisa at binabad na baboy na dadalin mo sa Maynila pag-uwi mo. Sa di malamang kadahilanan, naisipan bigla ng PRC na maglabas ng resulta ng board exam na kinuha mo kaya natameme kayong magkaibigan. Sabay kayong nagpataasan ng pagtayo ng balahibo dahil sa kaba at nag-agawan sa award ng Most Behave. Bigla kasi nag-balik sa inyong ala-ala ang mga pinagdaanan niyo bago kayo magtake ng board exam. Oo nga pala, hindi ka nga pala nag-enrol sa isang review center at nag-desisyon na mag-self-review na lang dahil sa madaming personal na dahilan. Tapos months before your exam ay nag-prepare ka para sa concert ng church mo at nag-sumayaw para kay Bro. Inuna mo pa rin si Bro kahit alam mong kailangan mong mag-aral. Oo, ikaw na ang faithful at loyal Christian! Tapos lalong naging maaksyon ang mga pangyayari dahil nag-search ka sa internet at walang resulta ng board exam na lumalabas. Makire na pala ang PRC at sa facebook nag-lipana ang links kung saan makikita ang listahan ng nakapasa. May nag-send sayo ng listahan tapos dumating ang feeling na parang matatae ka na sa kaba sa pagbukas ng link. Pagkakita ng listahan, nakita mo yung pangalan mo at yung pangalan ng buong barkada mo. RN ka na. RN na kayo.
Yung moment na na-spot-an mo yung pangalan mo... yung pangalan niyo, bigla kayo nagtinginan magkaibigan at nag-simulang maghiyawan. Oo, yung nagwawala ka sa hindi mo bahay? Yung tumatalon ka with full energy at muntik muntik mo matamaan ang ceiling fan ng bahay na hindi naman sa iyo? Yung sumisigaw kayo ng "whoooo..." tapos pati mga kapitbahay ay nagtatanong kung ano nangyayari sa inyo? Ganyan ang naramdaman mo dahil hindi ka makapaniwalang nakapasa ka sa isang exam na apat na taon mong pinaghandaan.
Oh di ba ang saya lang? Euphoric!
Malabo pa din ba? Sige. Second example. Ganire na nga kasi. Gumising ka ng sobrang aga, exactly 4 AM, para gumayak at may pupuntahan kang mahalagang lugar. Nung nasa byahe ka sakay ng isang FX, sobrang lakas naman ng ulan dahil sa bagyong Mina. Pagdaan mo sa Pagcor Parañaque, lubog agad yung daan at hanggang binti agad ang baha. Buti na lang passable pa din at nakadaan kayo ng matiwasay. Pagdating mo sa mahalagang lugar, ang haba ng pila. Maaga ka pa sa takdang oras pero mas madaming taong mas excited sa'yo. Pumasok kayo sa magarang building at dumaan sa proseso. Naghintay kang mag-flash ang numero mo sa queuing number board para moment mo na talaga ito. Sa wakas! 6046 na! Lumapit ka sa window 59 at nakaharap ang isang hamak puti, tangkad at tangos ng ilong na lalaki. Nagsalita siya at tuloy tuloy umagos ang fresh blood sa lahat ng butas ng mukha mo. Oo, gory talaga ang eksena. Hemorrhagic! Kebs pa din kung duguan basta tuloy lang sa usapan. Natapos ang lahat dahil sa mga huling kataga na binitawan ng mas hamak na nilalang: "Your visa has been approved. Congratulations!"
Galing kay Mr. Pa-google. |
Hindi siya mukhang masaya sa sinabi niya pero napangiti ka at nagpasalamat. Gusto mo sanang tumalon talon ulit at magsisigaw kaya lang masyado ng madaming tao. Anu be! Dyahe. Sobrang saya mo at magkakasama na ulit kayo ng mga magulang at mga kapatid mo sa America. Makakapagtrabaho ka na para sa kanila. Nalungkot ka sa fact na malapit ka ng umalis pero mas nangingibaw ang saya dahil sa panibagong blessing na binigay sayo ni Bro.
Yun na! Di ba masaya nga? Euphoric nga kase!
Sobra-sobrang kasiyahan. Kadalasan ang mga taong sunod sunod ang blessing na dumadating sa buhay niya ang nakakaramdam niyan. Ewan ko lang din pala sa iba. Juk.
Basta ako? Masayang masaya lang. I am very blessed. Oo! Blessed na blessed. :D God is really good. To God be the glory. Siya naa!
Congrats YoW! Meron din akong pamangkin na nakapasa sa board exams. So what's next?
ReplyDeleteGod is really good.. Amen. Congratulations, Joshua!! Bagong chapter na naman ng buhay mo ang mabubuksan.. Good luck! :)
ReplyDeletecongratumalations Daniel Joshua a.k.a Yow :D
ReplyDeletecheeseburger. cheeseburger :D
Proud of you! Alam kong pinaghirapan mo yan ;D
ReplyDelete.
.
Again, congratulations and welcome to the professional world!
Pakanton ka naman! I know the feeling right? LOLZ.
ReplyDeletePero nalito lang ako sa last line ng post mo...
Anyways, congrats! :)
congrats super sensei isang mabisang nurse ka na talaga certified... hehehe... super proud
ReplyDeleteWV: PRECUM
congrats dre..^_^
ReplyDeletewhen it rains, it pours talaga.
ReplyDeleteshare ka naman ng blessing!!! cough*pizza*cough
Congratulations!!!
congrats ulet pareng yow!
ReplyDeletecongratulations ulit...to God be the Glory nga~~~Joshua~~~~~ kkkk
ReplyDeleteCongrats nurse Yow!!!! God bless always!
ReplyDeleteIkaw na, Daniel Joshua Torres Villangca! Ikaw na ang registered RN! Sana, kasingdali lang ng self-review ang course ko para hindi na rin ako mag-enrol sa mga review centers pag graduate ko, pero hindi ko kaya ... Hindi ako kasinghusay at dalubhasang pantas na walang kapantay katulad ng isang tulad mo!
ReplyDeleteMagpapa-cheese jerjer, este, burger na iyan ... :D LOL! :D
Congrats Yow at higit sa lahat congrats sa visa approval. Pwede ba me makitira senyo. Pangarap ko talagang mag trabaho sa Tate eh hihihihi
ReplyDeletecongrats joshua!
ReplyDeleteCongrats YOW!!!!!
ReplyDeletecongratulations ulit brother yow!!
ReplyDeleteat wag mo kaming kakalimutan pag US citizen ka na. kelangan english na yung blog mo pagdating mo dun. LOL!!!
congrats ulit sayo YOW!
ReplyDeletenaks sa tate na pala ang kasunod na destination.. ikaw na!
bago ka umalis magpakita ka muna sakin ha.. LOL oo bitter pa rin ako :))
naks yow, ibig sabihin malapit ka na rin umalis. hehehe. astig . Praise God sa mga blessings at syempre wag mo kalimutan mag share. ahem ahem
ReplyDelete"Ang mga halimbawa ay HINDI hango sa tunay na buhay. :D"
ReplyDeletetalagang may pahabol pang linyang ganyan/.
tuloy naguluhan ako at nagisip .
wohh.congratulations sa pagpasa sa board exam.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletenaguluhan naman ako sa final statement.. napahanap tuloy ako ng actual result ng exam.. lol
ReplyDeleteCongrats! nurse ka na Yow!
Congrats bro!
ReplyDeleteI knew it from the start na ikaw ay para kay Bro!
To God be all the glory!
May you always shine for him!
be blessed!
Yung Euphoric ba ay isang tao nakatira sa Europh?
ReplyDeleteDi nga? lels.. Base
Congrats! Congrats! Ang dami mo pala dapat na Congrats!
ReplyDeleteCongrats again Yow! I feel the same way nung nakapasa ako sa LET (Licensure Exam for Teachers). Hindi rin ako nag review at nagpagalagala lang sa kalsada ng Davao. Pero mabait talaga si God. Yahoo!! Partee Partee!
ReplyDeleteWow! COngrats!
ReplyDeleteRN Daniel Joshua Torres Villaca yow! Naks!
ReplyDeleteCongrats ule sayo tsaka kay greta.. at ikaw na ang may approved US visa..
kahit sobrang blessed ka na.. God bless parin yow!
congrats yow! :)
ReplyDelete- ro anne
congrats po... kaw na... da best ka...
ReplyDeletehttp://christiangareth.blogspot.com
http://nafacamot.blogspot.com
-nafa
whew! ayos isang malaking CONGRATS! God is great talaga, wag kalimutang padalhan kami kapag andun kna haha!
ReplyDeletecongrtas Yow!!! umaamerika na..yipiii!! hapi pur yu!! muahh!
ReplyDeleteYou deserve it bro! :)
ReplyDeleteIt is true indeed
"Delight yourself in the LORD and he will give you the desires of your heart." Psalm 37:4
OMG. CONGRATSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS
ReplyDeletei felt the euphoria for u aS WELL!!! <3
haha.. Congratulation colleague..
ReplyDeleteayos sa olryt.
RN din ako ngayon..
Resting Nurse.. Lolz.