Nagulantang ang mundo ng sissy kong buntis sa balitang hatid ko sa kanya last month. Dumating kasi ang bill namin ng kuryente at muntik nitong mapaglabor ang aking kapatid ng di oras. Nagkakamali lang kaya ang electric corporation na nagpadala ng bill namin? Pero hindi eh, nakapangalan siya sa tatay ko talaga at naghuhumiyaw ng halagang P7,050.60. Napaisip tuloy ako. Tindahan kaya kami ng chandelier at mga bumbilya na por eber nakailaw kung bakit naman tumaas ng wapaaak na ganun ang aming konsumo? Kami kaya ang nagpapailaw sa buong kalsadahan ng aming barangay? O di kaya, nakikijumper kaya sa 'min si Aling Teofila? Nakakapagpabagabag.
Inulan tuloy kami ng sermon mula sa aking buntis na kapatid. Paano daw namin babayaran yun? Kung kinakailangan ko magbenta ng laman gagawin ko para sa kuryente sagot ko na lang. Joke lang. Lalo magagalit yun kapag tinirahan mo ng ganun. Kasalanan din naman namin ng aking kapatid na bunso at ng aking lola ang bahagyang pagtaas na yun. Dahil sa init ng panahon noong di pa umuulan, napapaaircon kami ng ilang mga araw ng aking bunsong sissy. Bukod dun, hapon hanggang gabi bukas ang laptop kapag weekdays. Kapag weekends naman, umaga hanggang umaga. Yung taga-laba at plantsa namin, thrice a week gawin ang kanyang gawain. at ang lola ko, maghapon nanonood ng TV at maghapon nakafan. Kaya walang ibang dapat sisihin dito kung hindi... ang lola ko. Tss..
Mababa pa siguro yung presyo na yun sa ibang rich peop jan pero sa amin eh budget na namin pang isang linggo ang pera na ibabayad dun kaya napa-alta presyon namin ang sissy na buntis. Para masolusyunan ang matinding sigalot na ito, nagpatupad ng Oplan Tipid Kuryente ang aming kapatid. Yes naman. Umooplan. At ang mga sumusunod ay ilan lamang sa nagawa namin ayon na din sa umooplan na oplan.
Ang prijider ay papatayin tuwing gabi hanggang sa pagkagising sa umaga. Kapag dumating ang magluluto, tsaka pa lamang bubuksan. Di bale ng mamaho ang prijider, makatipid lang.
Alisin sa utak na may kwartong may aircon sa bahay na ito. Buksan na lang lahat ng electric fan kung maalinsangan. Kaya dalawang fan ang bukas kapag kami'y matutulog na. Isang hanginin mo ang buong pagkatao ko fan at isang mas malakas pa hangin ng utot ko fan.
Maubusan ka man ng damit o humantong sa pagsa-side A side B pero once a week na lang ang laba at plantsa para isang bugsuan at minsanan na lang.
Limitahan na ang pagiinternet. Wag kang masyadong adik Yow sa pagbablog at wag kang upload ng upload ng picture sa FB bunsong sissy. Hindi paramihan ng album dun. - Sissyng buntis.
Mamuhay tayo sa dilim, kung hindi kinakailangan ng ilaw, wag ng bubuksan ito kaylanman. Hayaang mo ang mga kapitbahay na isiping aswang tayo. Eh anu sa puso natin?
Nung magawa namin ang lahat ng yan, gumaan ang pakiramdam naming magkapatid at talaga namang ramdam na ramdan namin na hindi na masyadong tataas ang aming bill sa kuryente. Umasa kami na babalik na ito sa normal nitong range na minimum of 2k at maximum of 4k. Kaya pinagmamayabang namin kay sissyng buntis na sa pagdating ng bill, mababa na iyon at di din naman makatotohanan yung presyo noong nakaraan.
Noong isang araw, nagpadala na ng bill ang electric corporation shet para sa buong uwan na nakonsumo namin. Yes! Wala ng pagalit. Wala ng sermon. Wala ng malaking gastos. Wala ng sigalot. Ayan na ang bill at excited namin itong binuksan. Tsaran...
Tahimik akong mamuhay na nilalang. Payapa. Harmless. Pero once na kantiin ako, eh papalag ang Yow. Binalaan ko siya, sila pala. Pero hindi sila nagpaawat. Anu pa bang magagawa ng Yow kung hindi pagbigyan sila. Ibibigay ko ang gusto nila. Iisa isahin ko kayong dalawa at maghihimagsik sa pinaggagagawa niyo sa 'kin. Nauna na yung numero ko, pati pangalan ko at talaga namang pati ang larawan ko. O well papel supel lapel, if you want war, I'll give you war. [insert halakhak hanggang sa mapaos]
Nung isang araw lang ay naghamon na ang dalawang taong dati kong mga kaibigan at ka-close na ngayon ay akin ng mga kaclose kalaban. Si Greta at Ungaz. Uunahin na kita 6r3tzzz (Gretzzz). Sabi ni Greta:
Huh?! Magmedyas ka na at isuot ang combat boots na yan dahil pasisikatin kita. BWAHAHAHA. Nakiusap lang ako sa'yo na magpa-scan ng picture, ginamit mo pa sa kawaldasan. I wash hertz. Heychu for that Best este Enemy. Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. At ngayon ang aking paghihiganti. Wag ng patagalin pa. Ladies and Gentlemen, singing her own rendition of The Closer I Get You, here's Ms. Greta-licious...
Kung iyong naisip na si Greta ang nag-gigitara, nagkakamali ka. Kung iyong naisip na si Yow ang nag-gigitara, mas nagkakamali ka. Lyre ang instrumento ko sa banda. Si Ungaz yan matapos ang operasyon tungo sa pagpapakalalaki. Successful naman, isa na siyang trans-gender. Autobots, transform. Joke lang.
Pinsan ni Greta ang may hawak at magilas na nag-gigitara. Saang gawi si Greta? Syempre, yung tagavideo at background music. Songer ang Greta. O sige, ikaw na! Mga gawing hapon na kinuhaan ang palabas na ito kaya naman malumanay at babae ang boses niya. Ngunit subukan mo kapag bagong gising, matakot ka, akala mo si Renz Verano. Parang hindi naman ata ako gumanti?
Kumakanta po si Greta sa kasal, welga, parada, lamay, birthday parties, debut at binyagan. Package deal naman po sila ni Ungaz kapag fiesta kung saan makakakitaan din natin sila ng gilas sa pagbuga ng apoy, pagbalat ng buko gamit ang teeth, pagkain ng buhay na manok, bubog, fluorescent lamp at thumb tacks. May ilan din silang alam na death-defying gymnastic acts tulad ng pagtungtong sa eyelids habang nakasplit, pag-abot ng batok gamit ang dila at ang pigtas buto nilang bending habang naliligo. For those who are interested, please leave your message at the comment box.
Nadinig niyo na ba yung tungkol sa Flip Top? Ang Flip Top ay ang first filipino rap battle league. Ito ang pinoy version ng Nick Cannon presents: Wild 'n Out sa MTV. Yung portion nila dun na freestyle rapping. Ewan ko mga kaibigan pero hindi naman ako fanatiko ng hip-hop sa Pilipinas pero napukaw ang damdaming makabayan ko sa labanan na to. Rap pa pala ang magpapausig ng aking pagkapilipino. Simple lang naman ang labanan na to, obviously, ang mga kasali eh rapper na di naman required nakabaggy pants o over-sized maternity dress t-shirt. Dapat lang eh wrapper ka. Wrap! Isisimplify ko ang rules ayon na din sa pagkakaintindi ko.
Ang mga kasali eh Pinoy rapper, nagka-album o nagburn lang ng cd na rap niya, english o tagalog ang style, basta magaling ang isip at mahilig magrap --- pasok ka na sa banga.
Sisimulan ang laro sa toss coin para madetermine kung sino ang mauuna. Ang pasimuno at host ay si Enigma. Si kuyang long hair.
Kapag nakapili na ng mauuna, simulan na ang freestyle rap. Simulan na ng paduguan ng isip sa loob ng tatlong rounds. Each rapper have 1 minute to rap what they wanna say. Pagkatapos ng isang minuto, kalaban naman ang titira, vice versa.
After 3 rounds, its judging time! Ang hirap ng proseso ng pagjudge kung saan iikot ang camera at kung kanino matapat na manonood (mostly rapper din) boboto siya if whose freestyle rapping is dope or sick. Nakangtooch. Humihip-hop. \m/
Kapag natally na ang boto, mga lima yun, iaannounce na ang winner. Tapos!
Di ba simple lang? Ang simpleng twist lang din sa showdown na ito ay ang requirement na yurakan ng pagkatao. Obligatory baga. Ang Flip Top kasi ay isang kumpetisyon ng trash talk, malupit at tagos-laman loob na pangungutya na irarap mo with rhyming. Pangit kasi pakinggan ang trash talk plus pangungutya kung irarap mo ito ng walang rhyme. Boo ang matatanggap mo. Akala ko pa naman ang galing ko ng mambara at mangutya at mangtrash talk sa sangkatauhan, ni hindi pa pala ako aabot sa ingrown ng mga rapper na to. Nakakabilib.
Masyado saya ko sa mga labanan na mapapanood sa Youtube kaya naman lahat na halos ng video sa account na fliptopbattles eh napanood ko. At sa lahat ng napanood ko, kay Loonie ako napabilib. Si Kuyang loonie eh magaling sa magaling. Iba ang tabas ng dila, iba kung makapambara, iba ang kuryente sa utak at sobrang bilis ng transmission ng ideas na di mo malaman kung saan galing. Marami pang ibang rapper na kasali. Tulad na lang ni Zaito na una kong napanood na kalaban ni Loonie. Si Zaito na todo claim na wala siyang ensayo o practice, si Zaito na nakapahalang ang ngipin, si Zaito na maitim ang gilagid, si Zaito na galing probinsya, anak ni Apl De Ap kay Aling Dionisia. Biggest Loser ang drama niya laban kay Loonie.
Akala ko wala ng kwenta si Zaito, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang buhay niya nung makilala ko si Gap, isa pang nakalaban ni Loonie. Kay Gap mo maririnig ang mga realizations niya sa buhay, mga views niya sa politika na pangsagot niya kapag sinabihan siyang walang kwenta. At ang pagpause for a while and pray the Angelus, siya din ang nagpauso. Tatahimik si Manong at wala na masasabe. Dun lalakas ang sisigawan ng grabe. Si Dello naman ay isang innocent looking na totoy na naligaw na pinabili ng tinapa sa kanto na biglang napasali sa labanan. Nakawhite t-shirt si Dello nung una ko mapanood at talaga namang Keempee De Leon pa ang buhok. Fashion icon. Akala mo iiyak kapag kinanti, smiling heartthrob pala ang kumag. Laking tondo si Sangko at Iskwaterhaws ang tawag sa kanyang grupo. Punong puno ng kaelegantehan pagkabasa pa lang ng pangalan.
Dahil laking iskwater ang Dello, winalang hiya tuloy siya nung minsang makalaban si Batas, isang kalbong gurang na may pubic hair sa baba. Mayaman daw siya, siya niyang ipagsigawan. Kaya kung gaguhin na lang ang mahirap eh parang hindi na biro at may galit talaga sa puso. Kung gusto niyo mabwisit, panoorin niyo si Batas. Boo Batas!!!
May dalawang naligaw na impakto sa labanang ito, si Fuego at Protege. Ang mga hayop eh parehas na inglisero. Alam mo yung solid na english with slang slang pa? Alam mo yung sa sobrang slang eh akala ko ngongo sila? Alam mo yung hinihintay ko yung patawa, pero dahil english ay di ako matawa? Haha. Joke lang. Magaling sila parehas. Ang focus ko nung nanonood para lang lubos na maintindihan ang mga bingot. Sige, sila na ang ingliserong hip-hop. Kayo na!
Madami pang ibang rapper na kasali tulad ni Cameltoe na lagi ako tinatawag.. Yow.. Yow.. Yow.. Yow eka. Oh.. Oh.. Oh.. Oh? wika ko naman. Kasali di si Datu na mukhang anak mayaman talaga at galit na galit kung makapagmulagat ng mata. Si Abra din na mayaman na naman at gwapong gwapo ang sissy ko. Pandak naman. Nyahahahaha. And many more. Hindi ko pa napapanood yung iba pero madami pa talaga.
Libangang mayayaman na lang din ang Flip Top. Sosyal ang karamihan sa nanonood, halatang may pinagaralan kahit may hawak na red horse, kung makapagsalita mga edukada kaya nakakatuwa na sumasali pa sila sa gantong labanan. Panglustay na lang din ng pera kasi mukha naman wala silang premyong nakukuha. At dahil naglustay sila ng pera, napasaya nila ang Yow. Nakaabang na tuloy ako sa pagupdate nila ng mga video. At wag ka, Ako si Yow likes Loonie (musician) pa sa Facebook. Fanatiko?
Eto yung isa sa video ng laban featuring Loonie vs. Zaito 1. Panoorin niyo na lang yung iba sa Youtyug. :)
At dahil jan tatapusin ko ang post ko na ito sa isang makabagdamdamin, inspirational, at quotable quote ni Loonie:
Meron kang prutas sa mukha, ngayon ko lang napansin. Ay ilong ba yan? Mabuti nalang, muntik ko nang pitasin. :D -Loonie
Safe and sound. Nagdaan ang Friday the 13th ng walang nangyayaring masama. Ilang taon na din simula nung maniwala ako na totoong malas day ang hayop na byernes trese. Naging consistent kasi siya simula noong high school na aambunan ako ng kamalasan kapag sumapit na ang araw na to. Naliguan ng tumalansik na baha sa kalsada dahil sa walang hiyang natataeng driver ng sasakyan, nawalan ng wallet, natalisod at muntik bumangag ang mukha sa hagdan, nalate sa school at madami pang iba. Ilan lang yan sa naranasan ko tuwing Friday the 13th. Madalas, two or more kamalasan sa isang byernes trese kaya nakakapagtaka wala ngayong taon. Bigla akong nagrealization at nagnilay nilay sa aking buhay at naalala na nag-advance na pala ang pamwisit na araw nung huwebes ---- Thursday the 12th naman ngayon.
Hindi naman totally disastrous ang aking araw pero parang pangit lang talaga ang simula. Pag mulat ko ng mata mula sa masarap na pagtulog, maliwanag na. Medyo makulimlim kaya naman di mahahalata na 8:25 AM na. Watda.. Umaygad. Parang 9 AM ata pasok ko ah? Naloko na. E di late na nga. Pinilit ko na lang ngumiti at pumikit ako muli. Nag-isip ako at nagtimbang ng mga bagay bagay kung papasok me o wag na lang. Weighing 250 lbs., pang-Biggest Loser, nanalo ang Papasok me. Nakagayak na ako at handang magpahatid sa sakayan ng jeep ng aking mapag-alaman na wala si Uncle Driver. Tinext ko siya at tinext din siya ng anak niya na ihahatid na ako. Ang tagal ko naghihintay biglang nakita ng anak ang cellphone ni Uncle Driver. Naiwan pala ito pero nareceive niya ang text namin. In fairness. Wala na ako nagawa kundi sumakay ng pangmayaman, pangsosyal at glamorosong traysikol.
Ang tagal ko pa din naghintay at feeling ko maaga pa din ako makakarating ng school ---- maaga para sa lunch break. Nung magkaroon ng kasabay at aktong aandar, biglang buhos naman ang ulan. E di shet! Trapal trapal mode kami. Buong byahe nagbabasa ako para magmukhang matalino sa mata ng katabi ko may maisagot sa aabutang quiz. Libang na libang ako sa pagbabasa kaya manhid ako sa natural ngisay effect ng traysikol. Pagkababa ko sa McDo, naramdaman ko na lang na I'm wet. Paglingon ko sa tagiliran, basang sisiw ang Yow. Akala ko puting polo yung naisuot ko, dark brown pala. Putikan ang dating puting polo na kinuha ko sa cabinet, tumalsik pala papasok sa loob ng trike galing sa gulong ang putik sa daan. Nak ng putek naman. Umaambon pa kaya lumipat na agad ako ng trike papunta naman ng school.
Kabod na lang ako pumasok sa isang trike ng di ko tinitignan dahil nga umuulan. Nung nakasettle na ko sa loob, bigla ko napansin na nasakyan ko ang first invented sidecar sa buong mundo. Oo! Lumang luma ang walang hiya. Butas butas, binalot ng plastic cover. Hindi na ako nakapalag at nagawang bumaba dahil nagmamadali na ako. E di go na lang. Habang bumabyahe, lumalakas ang ulan. At lahat ng tubig, yes naman, nasalo ko. Sana tumakbo na lang ako at sinabayan ang traysikel niya papuntang school dahil parang nasa labas lang din naman ako sa nangyari. Mas basang sisiw mode me. Napansin ko na lang na putikan pala ang sapatos ko, hahayaan ko na lang sana dahil wala ako pamunas kaso kitang kita. Kaya nanghiram na lang ako ng basahan kay Manong Driver --- the World Record holder, owner of the first sidecar ever.
Yow: Manong, may basahan ka ba? Pamunas po sa sapatos. Manong: Ayan oh. (Tinuro ang nasa harapan ng side car) Yow: Wala na po bang iba?
Choosy ako. Napansin ko na kasi agad yung basahan kaya lang hindi ko ginamit muna dahil parang yun yung address ni Pareng Bacteria at Mareng Virus. Nangungutim. Sa panglawang pagkakataon, no choice, kaya ginamit ko. Presto! Malinis ang shoooz ko. Inicha ko na yung basahan sa kanyang kinalalagyan at naladlad ito sa kanyang original form nung hindi pa siya maduming tela. Nagulat ako. Sinasabi ko na nga ba kaya ayokong gamitin eh. Nakaporma na ang basahan at lumabas ang katotohanan na ang past life pala niya ay isang.... BRIP! Hinawakan ko pa. Kaya pala kako bacon. Amp. Karsonsilyo ata ni Manong yun. Lalu ako nandiri kaya kinuha ko ang alcohol at pinaligo sa kamay ko, pinanlaba na din ng dark brown polo ko.
Palagay niyo, minalas ba ako? At least hindi Friday the 13th. Pak!
***Ang mga sumusunod na pangyayari, katauhan at lugar ay pawang gawa-gawa at shits lang ng nagsulat. Wag madumi ang isip mo at wag ka magbintang. Mahaba to. Basa na! :)
Ang aga na ulit ng gising, kailangan ko ng bumangon at mahuhuli ako sa unang araw ng eskwela. Nakakamiss din ang pumapasok, ang kaibigan, ang baon at, sige na nga, ang pag-aaral. Pasukan na ulit at masisilayan ko na naman ang eskwelehan na ika-apat na taon ko ng papasukan at ang apat na sulok ng klasrum na pananatilihan ko ng sampung buwan, Yes, handa na ako! Ako nga pala si Cris, labing-anim na taong gulang, fourth year high school, samahan niyo ako sa aking pagpasok. :)
Nakakasabik talagang pumasok kapag unang araw ng pasukan, lahat ng bagay nakakaexcite. Malapit na ako sa aking mahal na paaralan, huling taon ko na to, sana may mangyaring maganda. Natatanaw ko na ang gate at dinig ko na ang ingay ng mga school mates ko. Shet! Tunay na diwa, pasukan na nga! Sakto ang dating ko, pumipila na ang lahat para sa flag ceremony. Hinanap ko ang aking mga kaibigan para dun na makapwesto, ayun, nakita ko din. Natanaw ko agad si Jobet Sucaldivino, kalaki-laking tao, kumikislot sa pilahan sa likod. Nakikipagharutan siya kay Bogart, ang chubby-log kong tropa. Madalas at di maiwasang pagkamalan na troso ang binti niya, nagiisip din ako kung bakit? Si Otoy naman ang chickboy ng grupo, kakabreak lang nila ni Angie, sila naman ngayon ni Rose --- best friend ni Angie. Hindi pa din malinaw kung bakit naghiwalay sila ni Angie sa kanilang tatlong araw na relasyon. Maputi kasi si Otoy kaya pantasya ng kababaihan at ng mga ex-men. Si Eloisa at Laiza ang dalawang babae na naligaw sa aming samahan. Luis at Larry sa gabi at kapag wala sa bahay nila. Biro lang, Kayamanan nila ang kanilang matres. Maarte pa kay Ann Kortis ang dalawa kaya nakakapagtaka kung pano namin sila nakasama. Kinawayan ko sila, ang sigla ng mukha nila ng makita ako. At ako na nga si Cris, ang virgin sa grupo. Virgin pa ang puso at di pa nakakaranas magmahal.
Nagsimula na ang seremonya at pumila na kami ng maayos. Matapos yun ay nagkaroon ng maikling palatuntunan sa pagwilkam ng mga bagong estudyante at mga transferee. Oo nga pala, may mga bago na namang salta sa aming paaralan. Kaya nagkumpulan na ang mga kumag kong kaibigan at nagspot ng mga chicks. Di ako nakigulo sa kanila pero nagpabaling-baling din ako ng tingin. Pagkakataon ko na ito, baka makakaperstaym na ako sa huling taon ng hayskul layp ko. Wala naman ako makita samantalang nakapaglista na ng popormahan ang Otoy na magiging syota niya sa loob ng taon na ito. Dahil tapos na ang kanilang paghuhunting ng makakain sa akin na nabaling ang atensyon. Tinanong ako ni Bogart kung may nakita daw ba akong 'chikabebe' ayon sa salita niya. Lahat nagaabang ng sagot ni Cris pero iling lang ang naibigay ko sa kanila. Pihikan ako sa babae at hindi kapwa ko mahal ko ang drama ng buhay ko. Sadyang mapili lang ako madlang pipol, mas nakakapanginig laman sa akin ang mga babaeng mahinhin, pinong-pino, tahimik at simple --- Maria Clara nga kung tawagin ng ilan. Ang hirap humanap ng ganyang klaseng babae sa panahon natin na kasing lipas na sa pagkauso ang typewriter at plantsang de-uling. May mahanap pa kaya ako na babaeng ganito? Para hindi naman na ako niloloko.
Tapos na ang palatuntunan at unti-unting nagkagulo ang mga estudyante sa paglakad papunta sa kanya kanyang mga silid aralan. Dulo kami ng pila kaya nagpatihuli na kami para makaiwas sa dami ng dagsa ng tao papasok ng building. Iwas siksik na rin baka malukot mga bagong bili naming uniporme. Maya-maya pa ay natulala ako at napahinto sa pagsasalita. Mula sa di kalayuan, may nakita akong biglaang nagpalakas ng tibok ng aking puso. Tinanong nila ako kung ano ang nakita ko hanggang sa tinunton nila ang aking tinatanaw at sabay sabay na bumalik sa akin ang kanilang tingin. Malakas na 'Uyyyy..' ang nagpamulat sa akin sa katotohanan at unti-unti na akong namula kasabay ng pagkahiya. Napukaw ang aking mata sa ganda ng isang dalaga na ngayon ko pa lang nakita sa aming paaralan. Mahaba ang buhok hanggang beywang, pino ang pagkilos, marahan ang lakad at masarap ngumiti. Nakalayo na siya pero hindi pa rin mawala sa aking isip ang imahe ng kanyang mukha. Simple ang ganda niya ngunit nauna na palang napansin ito ni Otoy. Alam na ng mga kaibigan ko na tinamaan ako at nakahanap na ng isang Maria Clara. Biniro pa ako ni Otoy na sa kanya na daw si Denise at nauna niya nakita at agad nailista. Oo, ganun kabilis si Otoy. Nakuha na niya ang pangalan ng lahat ng kursunada niya sa buong paaralan. Bwenas pa kung nakuha din niya ang cellphone number. Di na ko nagulat at binibigay na niya sa akin agad ang number ni Denise. Ayus din talaga kapag nanay mo ang principal.
Otoy: Pormahan mo na yan Cris. Kahina mo naman, paubaya na nga sayo eh. Cris: Aah.. Ehh.. Bahala na. Otoy: Basta sa akin mo una ikwento kapag nakaporma ka ha? Do the moves Pare!
Hindi ko nagawang itext si Denise. Mahina ang loob ko dahil wala pa naman ako karanasan sa pangliligaw o ultimo pag-aalok nito. Kaya inisip isip ko na lang ang kanyang mukha sa halip na paano ko siya makakausap. Recess na at nasa canteen halos lahat ng mga estudyante. Una-unahan sa lamesa at upuan para makakain ka ng maayos. Salamat na lang at nakakuha agad kaming barkada ng pwesto. Kumakain na kami ng biglang... Excuse me Kuya, pwede po ba makishare ng sa inyo? Lumingon ako dahil ramdam ko na ako ang Kuya na tinutukoy ng tumatawag sa aking likuran. Gulat na gulat ako sa aking nakita, nakangiti at umaasang Denise sa sagot ko ang nasa aking tabi. Bigla na lang ako napa-oo at tumabi siya sa akin at tumapat ang kanya ang isa niyang kasama. Natuod na ako at nanigas sa aking pagkakaupo. Di ako makapaniwala na nasa tabi ko na ang kanina ko pa iniisip. Ang sarap pakinggan ng mala-Jessa Zaragosa na boses ni Denise. May kalakihan ang tono at buong buo ang pagsasalita. Lalu tuloy ako nagpapantasya sa kanya. Sa buong oras ng kainan ay hindi ako nakaimik, pinagtatawanan na ako at pinagbubulungan ng mga kaibigan ko dahil sa aking muling pamumula na ngayo'y may kasamang pagkatameme. Anu ba tong nangyayari sa akin? Ang lakas ng tibok ni Pareng Puso. Natapos ang pagtatabi ng walang nangyari. Resulta? Kutya mula sa aking mapagmahal na kaibigan. Torpe. Weak. Booo. Kahina mo. Ilan lang sa pinamukha sa kin nila Otoy, Jobet at Bogart. Nakisali na din ang dalawang babae.
Natapos ang unang araw ng espesyal para sa akin dahil nakita ko na ata ang babaeng sinauna na gusto ko. Inakala ko kasi na si Rizal lang ang may kakilala sa kanya ngunit nakatagpo ako ng sarili kong version. Nasa bahay na ako pero katangahan ko pa rin ang nasa isip ko. Bahagyang nagsisisi at bakit hindi pa ako nagpakilala sa kanya. Kaya napagpasyahan ko na kausapin siya sa text. Kahit sa text na lang muna. Agad kong dinampot ang aking cellphone at medyo nahihiya pa din na tinext si Denise. Sobra ang saya ko nung nagreply siya ng 'Hu u foh?'. Gusto ko tumambling nun paikot sa dalawang dipang kwarto ko dahil pinansin niya ang 'What a byutiful evenin' ko. Doon na nagsimula ang patuloy naming koneksyon at paguusap ni Denise. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa umabot ng isang buong buwan at kalahati. Ngunit kahit isang beses ay di kami nagpansinan sa aming paaralan. Hiya me much. nagkakilala kami ng husto sa palitan ng text at unti unti lalo ko siya nagugustuhan. Pinagmayabang ko sa aking mga kaibigan ang self-proclaimed MU status namin ni Denise para tumigil na sila sa pangaasar sa aking kamuwangan. Alam ko yang MU na yan eh, may ganyan din kami ni Angie dati ---- Malaswang Ugnayan sabi ni Otoy. Ayaw sumuko sa panghaharot sa Cris.
Maganda ang daloy ng halos araw-araw naming usapan ni Denise. Ang dami ko ng alam sa kanya at parang matalik na magkaibigan na kami dahil lamang sa mga paguusap na iyon. Kasalukuyan pala ay nagmumove-on siya sa recent break-up niya. Ang saya saya sa pakiramdam at parang may posibilidad na ako pa ang magpapalimot ng lahat lahat tungkol sa kanyang ex. Pangarap ko to kaya sa susunod na makita ko siya ay kakausapin ko na siya. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko na talaga ito para sa virgin kong puso. Linggo ng makapananghali ay nakagayak ako para magsimba. Pumunta ako sa sakayan ng jeep para makamura sa pagpunta. May humintong jeep sa harap ko at sumakay na ako. Pagpasok sa loob ay napansin kong iilan ang tao. Naupo ako at laking pagkagulat na nasa tapat ko si Denise at nakatingin sa akin. Napangiti na lang ako, tadhana nga naman. Kinakabahan ako pero kakausapin ko na siya sa abot ng aking makakaya hanggang sa napansin ko na parang wala siya sa mood makipagusap. Kaya backout ako sa aking plano. Maya-maya ay naramdaman ni Denise na ako'y tuliro at di mapakali. Nagsalita siya at kinausap ako...
Denise: Ok ka lang ba? Parang di ka mapakali. Cris: Ayus lang ako. (Ngiti) San ka papunta niyan? Denise: Jan lang kila Bhe. Bayad ka na ba? Cris: (Bhe nga ba rinig ko? Shet!) Ahhh.. Eh.. Bhe? Hindi pa e.
Ikinasindak ko na ang sumunod na mga nangyari. Bumukakang upo si Denise. Hinawi niya ang buhok sa likod at sabay dukot sa tenga ang limang pisong barya at ang perang papel na nakapabilot sa taas din ng tenga. Tol, pakiabot nga tong bayad oh. Dalawang tao. Salamat Parekoy! Watda.. Hindi na ako nakakibo at bahagyang nanlaki ang mata. Bakit ganun umasta si Denise ko? Saglit lang ay pababa na pala siya. Nang pababa na ay nagpaalam siya sa akin ng Ingat Pre! Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na lumakad siya papunta kay Angie (ka-MU ni Otoy) na nandoon sa binabaan niya. Humalik ito sa pisngi, hinawakan ang kamay at kinuha ang nakaipit na bulaklak sa bulsa ng likod niyang pantalon. Shet na malagket. Binatilyo pala ang kinahuhumalingan ko. Tomboy. Lesbiana. Tiburcio. Pompiangan. Ganyan pala ang trip ni Denise na sa gabi'y nagiging Dennis.
Nanlumo ako at nainsulto. Nagoyo ako ng isang nangangarap magkaron ng katulad ng akin. Ang walang hiyang ex na hinahabol niya ay ang Bhe Angie pala. Siya pala ang di malamang dahilan ng 3-days love affair ni Otoy at Angie. Heartthrob ka Poging Ate! Pambihira. Si Maria Clara, Crisostomo Ibarra pala.
Ang istoryang ito ay dapat na ilalahok sa pakulo ni J.Kulisap na 'Pag-ibig' - Kamalayang malaya. Pero nahiya ako dahil walang kwenta ang naisip ko kumpara sa mga nabasa ko na gawa ng mga sumali. Di ko kaya yung ganun. Di na ako sumunod sa alintuntunin ng pakontes dahil di naman nga ako sasali. Pero iseshare ko pa din kahit na walang kwenta. Salamat sayo kung tinapos mo ito at pasensya na sa pag-aksaya ng oras mo. Haha. Ngayon ay nahihiya na ako. Ang mga kutya ay wilkam sa comment box. Haha. Thanks.
For the sikantaym around, mangangahas ang Yow na magkwento tungkol sa movie experience ko watching Salt, hindi ito movie review dahil hindi ako marunong tumingin ng mga shits sa movie. Isa lang ang alam ko, ang pag-rate sa palabas. Pilipinas Win na Win ba o The Biggest Loser ang pelikula.
Parang mali na sa akin manggagaling ang pag-rate ng pelikula dahil una't huli sa lahat kras ko si Angelina Jolie hindi ako magaling tumingin ng iba't ibang aspeto nito. Pogi ako pero hindi ako artista kaya hindi ko naman alam kung ano ba ang dekalidad na pelikula sa hindi. Ang tanging alam ko lang eh tumingin ng boplaks umarte sa makatotohanan at makayurak-tear ducts na pagganap.
Sisimulan ko na.
Shet Mama Shet! Yun na lang nasabi ko nung natapos ang pelikula. E ewan ko ba naman at the whole time na nakaupo ako sa loob ng movie theater eh hindi ako makahinga ng maayos. Imba naman kase si Ate (Angelina Jolie), makapigil hiningang buwis-buhay-slash-kitil-life na stunts ang pinaggagawa. Wala kayang stunt man o double yun? Gusto kong isipin na babae talaga si kras pero hindi, nagpapanggap lang ata siya.
Umikot yung storya kay Evelyn Salt o mas kilala (sa blog ko) na Ate. Hindi ko maisip kung saan nila kinuha yung title na Salt? Hindi talaga. Ayoko pala magshare ng kahit na anong detalye at baka may magbalak manood sa inyo. Nakangtooch, anu pa silbi nitong sinulat ko? Basta tip na lang, panoorin mo yung trailer kay Pareng Youtube at sigurado... hindi mo pa din malalaman dun yung tunay na istorya. Pero at least gaganahan ka dahil may preview ka na ng kaganapan. Maaksyon siya katulad ng Tomb Raider pero walang pwet ni kras na pinakita. Wala ding mahitik na eksena tulad ng isa pang pelikula ni Ate na Original Sin. Porno na yun eh, hindi wholesome pero sweet ang hinayupang. Pero tadtad ng barilan at balian ng leeg ang nagmamaalat na pelikula na to.
Napakaseductive ng isang babae na may hawak ng baril at pumapatay. Ang hawt! Ewan ko lang din kung ako lang ang may pakiramdam o case to case basis ito at si Jolie lang ang ganun ang kaso. Sobrang sexy at ganda kasi ni Ate na kahit napakabrutal ng ginagawa eh pakiramdaw ko dyosa pa din ang role niya. Dyosang nakaleather jacket nga lang.
May tatlo akong paboritong scene. Una, yung habulan moment na takbong-aso si Ate dahil hinahabol siya ng CIA agents. Tumatakbo lang naman pero nagandahan ako. Tss. Ambabaw ko. Pangalawa, yung talon talon moment sa mga sasakyan dahil sa pagtugis pa rin sa kanya ng CIA. Kung visual effects man yun, maporma! Ang galing nung pagkakaagaw ni Ate sa umaandar ng motor. Hinatak kabod habang mabilis ang takbo at tinapon yung may-ari, sumakay siya tsaka namasada humarurot patakas. At ang pinakafavorite kong eksena eh yung patapos na. Yung sakal sakal para pumanaw moment. Panoorin mo at abangan yung tagpo na yun, gigil na gigil si Ate dun. Nakakagigil din tuloy siya, ang sarap panggigilan. Ne?
Pagkatapos nung movie...
Nakahinga na nga ako ng maluwag dahil pinigil ko ng isa't kalahating oras ang paghinga ko. Nangawit din ang maskels ko sa mata dahil hindi ko din ata nagawang kumurap sa buong pelikula.
Uhaw na uhaw ako at may plantation na ata ng peanuts sa lalamunan ko dahil hindi ako nakainom habang nanonood. Kasalanan ng walang hiyang nahulog na alcohol at natabig ko yung drinks namin na umeksenang tapon sa floor. Oo, kasalanan yun ng alcohol. Ang tanga tanga!
Napagod ako kakatawa dahil bugok ako. Ang sarap ng tawa ko sa eksenang hindi naman dapat tawanan dahil duguan at labas laman na ang pinapalabas. Nakakatawa kasi yung kabrutalan at kapormahan nung pelikula. Walang basagan ng trip. Natawa ko eh.
Nabrain drain ako dahil gumamit ako ng isip para lubos na intindihin ang mga naganap. Well, kailangan ng analyzing skills para mapagtanto ko lahat, in short ---- slow lang ako.
Gusto ko ng makapangasawa ng isang spy na pumapatay ng presidente na nagngangalang Evelyn Salt. tutal byuda na siya. Pero seriously, parang ang cool magkamisis na gangster kung umasta. Yung tipong kapag nahuli kang nanloloko, baril betlog ang parusa. Awe.. sweet.
Pilipinas Win na Win ang Salt pormi. Panoorin niyo din at kayo ang magsabi kung mali ba ako. Nagandahan ako at nagwish sa stars na sana may part two. Two-thumbs up with ingrown pa. Pak na Pak!