Kanina nga ang first day of school namin. Extended kasi ang bakasyon namin ng isang araw kaya di kami nakiuso sa buong bansa na tuesday nagpasukan. Euw. Walang originality. Pasukan na naman nga, (so dapat paulit-ulit? e maske, wala ako masabi.) balik na naman kami sa pagkukumahog (ows?), pagsusunog-kilay (di rin!), pagsusumikap (weh?!) at pagpapakadalubhasa (payn!) sa loob ng paaralan. Medyo masakit pa sa puso ko na isipin na pasukan na kasi galing ako sa bakasyon-grande na kinaiinggitan ng lahat last summer. Saka ko na ikukwento yung sobrang dami naming pinuntahan, ash in shobrang demi telaga perro kahit tiring suuupper enjoy nomon. Pacute?! Potaness. Haha.
Ang aga ko gumising kaninang umaga para di ako malate sa 9 AM first period ko. Gusto ko simulan ang school year ng siksik, liglig at may umaapaw na energy para positibo datingan, umaasa na madala ko hanggang matapos ang school year. Edi ako na ngang energetic, todo gayak with smile on my face, big smile on my artistahing face. Ne? Nung ramdam ko na kuntodo porma na ako sa aking super fashionable white polo, black pants at black shoes na nakatingala, lumarga na ako papunta sa maghahatid sa akin na limo ng biglang...
Yow: Pahatid na ako sa kanto, hinihintay na ako nang early flight ko papuntang school.
Cuz: Di ka nga maihahatid Yow eh, pinanghakot ng palay yung limo.
Kahindik-hindik, kagila-gilalas at katumbling-tumbling ang pangyayaring ito. Handang handa na ako makipagkumustahan sa aking mga Bests eh tsaka may aberya. Kapag di ko pa naman naabutan yung flight ko I'll be late kaya takbo ako sa trike station para dun na lang sumakay. Ayoko man mag-commute pero kailangan. Pagdating ko dun, ako pa lang ang pasahero, wala pa yung co-passengers ko na matindi kong kailangan para di ko bayaran ng solid ang hayup na pamasaheng ginto. E di hintay... hintay... hintay. Hanggang sa naubos ang oras. 8:30 na ako naalis sa aming airport at umasa na lang ako na umabot pa ako.
Nung natatamaan na ng hangin ang aking mukha habang umaandar ang lumilipad na trike, bigla ko narealize na unang klase pa nga lang pala. Akala mo naman may hinhabol akong make or break exam na magtatakda kung gagraduate ba ako o hindi. OA Yow ah? Tsaka ko sinampal ang ate na katabi ko sa trike para magising ako sa katotohanan. Ayun, pinaglisikan nya ako ng mata. Pero at least, ako eh kumalma. Pak! At yun na nga, nakadating din ako sa aking mahal na eskwelahan. I'm back, DLSU! Di Lang School Un, catholic school kaya ako.
Pagdating sa room, andun na si Sir. Gamit ang aking Eh ano kung late? First day naman attitude, lakas loob kaming nagtuloy-tuloy sa loob. Di lang ako late, madami kami. Sa katunayan, si Sir lang tao sa loob ng room, nagsasalita mag-isa habang hinihintay kami. Joke lang. Haha. Puro orientation lang ang ginawa ng lahat ng prof namin, lahat sila nagbigay ng overview ng subject na ituturo nila. Buong araw naging busy kami sa pagkukwentuhan.. ahmm.. story-telling.. ahmm.. kwentuhan. Grabe. Tiring day ah! Imba. Pero yun naman talaga halos pinapasok ng mga estudyante sa unang araw ng pasukan. Ang makita ang mga kaibigan o grupo ng kaibigan, magkwentuhan at maglibot kasama pa din ang first day friends. At bukod dun, ang mahilab-hilab at mainit na baon --- suhol para magtiyaga, energy-source ng lahat ng nag-aaral.
Sa hampas na naman ng hangin sa aking mukha, this time sa ceiling fan nagmumula, bigla ko narealize na Sh*t! Forchir na pala kami. Ilang cart wheel, back flip, touch jump, back and front hand spring na lang pala eh tapos na kami, magboboard exam, magiging rehistrado, yayaman, magkakamansyon at magpa-franchise na ng jollibee. Ang bilis talaga ng panahon oo, Parang kailan lang, alaga ko'y musmos pa lang. Alaga? Ahmmmp.
Kahit pagod akong nakauwi sa bahay, masaya din naman ang naging pagod dahil masaya din naman ang first day ng balik-eskwela ko. Excited na ako sa second day.. ikalawang araw palang, nagannounce na agad na walang pasok. Perfect! Bakasyon na ulit. Haha. Pero si Yow ay estudyante mode na naman. I promise to take care of my studies as well as my blog, dapat walang mapapabayaan. Kahit bumagsak, basta may blog. Para sa apat na mambabasa. Tira to!
Okbye! I'mma see you guys next time.
Pak!
ngdamay ka pa nga sa late eh..pero okay lang dahil bespren naman kita!ngunit ang totoo,tinatamad pa din ako pumasok!hitad eh..haha
ReplyDelete-GRETA(anonymous pa daw!tss)
Hayaan mo na. May suhol naman ang pagdamay mo. Salamat anyways. Haha.
ReplyDelete