Saturday, June 26, 2010

Jeepney Joyride II

May something talaga sa akin ang mga jeep kaya patuloy kong naikukwento dito sablog ko. Meron talaga eh. Alam mo yung lukso ng dugo? Dun ko na lang naisip na baka may lahi ako ng jeep. Ewan lang din. O well, dahil mabenta ang jeep sa akin, may part two ang adventure ni Yow sa kakatwang sasakyan.

Medyo mahitik ang mga eksena sa jeep na ikukwento ko. Maaksyon. Lapitin talaga ako ng mga aksyon. Para akong may quantum necklace na humihigop ng mga fight scenes papunta sa aking tabi. E kung iisipin eh kabait ko naman? (blog ko to, sorry na lang). Eto na nga...

Joyride no. 1
SETTING: Sakayan ng jeep sa mall.
SCENE: May babaeng nagtanong sa babae din na nakaupo sa left seat tabi ng pinto ng jeep. Nasan ako? Tapat lang nun.

Ate 1: Excuse me Miss, papunta ba 'tong palengke? (Magalang, taimtim, kalmado)
Ate 2: Bakit? Mukha ba akong kundoktor? Hindi mo ba mabasa sa harap na PALENGKE nakasulat? Pu*y*ta. (may panlilisik ng mata)
Yow: (umepal) Opo. Palengke po.

Masama na kaya magtanung kung saan patungo ang jeep ngayon? Maayos naman nagtanung si Ate 1. Paano nga mababasa yung nakasulat eh patalikod yung jeep? Si Ate 21 may attitude. Bakit kaya? Natate siguro siya that time o di kaya eh pumutok yung pimple na may nana. Pambihira. MILD.

Joyride no. 2
SETTING: Sa loob ng jeep, umaandar. Mabilis na umaandar. Walang kundoktor.
SCENE: Tahimik ang lahat sa pakikinig ng tugtog sa loob ng Jeep. Malakas. Party song. Ako? Umiindak ng nakaupo.

Girl: (malayo pa lang) Manong, sa kanto lang po.

Mabilis ang takbo ng jeep.
Di narinig.

Girl: Para po. Para! Para na diyan sa tabi. Para po.

Di humihinto ang jeep.

Girl: Para pooooo!
In chorus: (lahat ng sakay) Tabi na daw po. Tabi na daw. Para na. (huminto, finally)
Girl: Parang tatlong kanto lang yung nalagpas. Nag-jeep pa ako?! (pasigaw na bumababa)
Driver: *ngisi. :) (nang-inis pa pala eh)

Joyride no. 3
SETTING: On the road.
SCENE: Muntik na mabangga ang isang trike. Si Yow ay isang hamak na pasahero lamang,

Bumaba ang driver para sitahin ang lalaki sa trike. Paano niya sinita? Simple lang, binatukan niya ito at sinabihan ng gago. Papayag ba naman yung isa? Siya ring tulak nito sa driver namin. Kumprontasyon. Away. Gulo. Natense na ang mga estudyante (tulad ko) at nagtatrabaho (hindi tulad ko) na mahuhuli na sa oras ng kanilang pasok dahil sa away alas otso ng umaga, araw pa ni San Juan. Bumalik si Manong driver sa jeep at may kinuha. Peaceful siya kaya kumuha siya ng liyabe (ata) o isang malaki, mabigat na tubo at inambang ipanghahampas sa driver ng trike. E di umeksena sila sa daan. Tumakbo yung trike driver at nung makakita ng napakahabang kahoy, napaka, kinuha ito at pumorma parang may hawak na laser sword na ipangtitira sa baseball. Porma! Nagsisigaw na ang mga matatanda sa loob ng jeep na baba na daw kami lahat at magpasensya na lang daw yung driver namin. Chill lang ako nun at may nakapasak na gamit pamatay-malisya sa tenga ko --- earphone. E nung maaksyon na talaga, nakinood na din ako sa eksena, eepal sana ako ng gamutan dun kung sakaling may duguan. At kung di maagapan, sakto naman na nasa tapat ng sementeryo naganap ang pangyayari. 

San nga ba nauwi ang laban? E di flopped. Sayang yung binayad ko. Dumating yung asawa nung trike driver, taga dun pala. Kalakas ng loob ni Jeep driver sumugod sa di niya kabisera. Sayang! Haha. Pero nung papalayo kami, may pabaon na mura, paninirang-puri at makawarak-dignidad na mensahe ang trike driver sa aming driver. Ayaw paawat! Ako na sana bababa eh... para kumustahin siya eh. Kung di lang ako nagmamadali.

Yan ang mga eksena na pampelikula. Kung makapagtaray talaga ang tao, daig ang artista. Wala nga namang tao ang magpapa-agrabyado. Kaya kahit di naman alam kung tama o mali itinitira na aksyon eh, sugod pa din. Isa lamang paalala mula kay Yow:

Kapag pinairal ang init ng ulo, mauuwi sa basag ulo. Kaya chill lang at magpasak ng tugtog sa tenga.

Di ba? Pak! Bye.

4 comments:

  1. babala!wag sasakay ng jip pag si yow ang pasahero...whahahahaha

    ReplyDelete
  2. ang jeep at si yow ay parang pinagisang dibdib!meant to be ka talaga sa mga maaksyon na eksena sa lansangan!yagit ka kase...hahah

    ReplyDelete
  3. So anu to kutsaan? Nagtulong pa kayo. Enjoy nga ang ride pag ako kasama. Haha. di ko pa nabanggit, dahil araw ng san juan nun, may nakipagaway si manong, may nagsaboy ng tubig sa min sa gawing pinto ng jeep. Nabasa yung dalawang borboli. "Ayy.. Poot4h" yan na lang nasabi nila. Haha.

    ReplyDelete
  4. Kapag pinairal ang init ng ulo, mauuwi sa basag ulo. - Diks, try mu tung payo mo pag naghahanap ka ng something. Hige nga.

    ReplyDelete