Thursday, June 17, 2010

Humayo Kayo at Magpakarami.

Isang magandang libangan ang blogging especially kung passion mo ang pagsusulat. Sa pagsusulat lang ng kung anu-ano eh malilibang ka na, maari ring nakalilibang ka. This is also an effective way of expressing one's self. Mabango man yan o mabahong utot, sa blog pwede mong isabog yan, at maraming tao ang willing na lumanghap ng iyong pasabog. Kaya di na ako nagtataka kung bakit ang dami pumapasok sa mundo ng blogosperyo. Tignan mo nga't pati ako eh nakiisa, kahit pipityugin lang ako magsulat, at least nakakapagsulat. Yun naman yun eh.
Actually, isa itong welcome remarks sa dalawa kong kaibigan na nagtatag na rin ng sariling bahay-bakasyunan sa Blogosperyo Village. Kabod na lang silang nagdecide na magbablog din sila dahil na rin sa pansariling mga dahilan. Ipapakilala ko sila sa inyo.

Unahin natin si Ungaz. Nakatatandang kapatid siya ng espren Greta ko at member ng pesbuk fanpage na "Ikaw, Sila, Tayo, Ako, Mga Batang Ayaw Yumaman", paikliin natin ---- ISTAMBAY. Kahit na siya ay may madugo, mahirap at busy na buhay bilang taong bahay, naisingit na rin niya sa wakas ang blogging. Sa kanyang self-titled blog na ungaz, nilihim niya ang kanyang pangalan. Ayaw niyang malaman ng ibang tao na siya ay isang hermaphrodite, taong dalawa ang ari --- ayon kay Best Wiki P. Edia. Joke lang. Haha. Pamisteryosa si Teddy Ungaz. Kaya di ko sasabihin na ang pangalan niya ay Monna Darie. Wow. Pinagisipan ang pag-jumbled letters na yan. Bawal magalit, dahil galing na din sa blog mo: 
walang kaibikaibigan o kama-kamag-anak!Laglagan na...hahahaha!kaya LET'S GET IT OOOOOOOOONNNNNNNNNNNN.......
Si Bamba Fierce naman ang isa. Sa ngayon ay wala pang laman ang blog niya dahil under construction pa ito at inaayos pa ni Engr. Yow. Matapos ma-inspire sa pechay ni Baklang Maton, pumasok na din to sa Blogosperyo village at magtatayo ng Pinky Land. Bukas makalawa, baka magulat na lang ako, bessy na sila ni BM. The BM-BF Friendship. Haha. Cute. Mukha namang magkakasundo sila dahil marami silang pagkakatulad. Sa pagkamaton pa lang, di papadaig si Ditseng Bamba. Haha. I'll be waiting for your first post Bambert, I mean, Bamba. Haha.

Dumadami na nga ang friends ko na blogger. Tunay nga naman pala ang sinabi ni Bro. Humahayo na nga kami at nagpapakadami. Greta, tumira ka na din ng blog ulit. Haha. Sa aming tatlo, Good luck sa atin. Tatlo na tayong magbabasahan ng mga blog. Yey!

Til here. Bye. Pak!

2 comments:

  1. nilaglag tlaga ko..tzk tzk!hahahaha....mwah

    ReplyDelete
  2. Ooohh. May comment. Haha. Like! Sikreto lang yan. Apat na tao lang magbabasa nyan. Haha.

    ReplyDelete