Ngayon lang siya umuwi after 5 years, yung huling uwi niya, kalungkutan pa ang eksena na naubutan niya. Kaya dapat this time masaya yung stay niya. Mamimiss ko siya ng sobra. Mamimiss ko din ang mga makablood-donation kong pakikipagusap sa mga anak niyang inglisero. Naalala ko pa nung sinundo namin sila sa NAIA, ako nakaabang nun sa barikadang bakal ng waiting area dun sa airport. Wala akong hawak na kung anung plaka na nagsasabing Ate, nandito kami, ang pamilya mo! Gamit ko lang ang kagaslawan ko, tumuntong ako sa bakal at nagkakaway nung makita sila. OA yun. Mukhang gagawin ko, pero dumisente naman ako that time. Nakagreen kasi eh. Kung nagpula sana ako, baka sakali, para mas eksena.
Lumapit na kami sa kanila pagkakita. Akapan. Halikan. Tawanan. Kumustahan. Buhatan.
Yow: Hi! [Sabay ngiti ng kay sarap at kay linamnam]
Neffew 1: Hi.. :)
Neffew 2: Hello.. :D
Natapos ang usapan. Namagitan ang katahimikan sa aming paligid at sa buong buhay ko, natuto akong manahimik. Sa aking pagtahimik, tuloy pa din ang pagbulwak ng dugo palabas ng aking perfect nose. Dahil lang sa malupit na ---- Hi!. Di rin naman nagtagal, nakipagsabayan na ako sa pagenglish sa kanila. Tuloy tuloy na salita na yun kaakibat pa ng malupfit na Pinoy accent. Pak na! Dahil nga tumodo na ako sa pagtagisan ng ingles, naging constant na sa dila ko ang ganung lenggwahe. Kaya naman laking gulat ko nung naglalakad kami sa Greenhills, naguusap kami ng neffew 1 ko. Bigay-todo ako sa pagexplain ng thingy, todo lakas pa boses ko ng bigla kong napansin na nakatingin na sa kin lahat ng tao. Lahat ng dinaanan namin. Hindi ko alam kung ano ba napansin nila, yung kagwapuhan ko o pagkabarok ng accent ko? Hindi naman pala Kano, kung makapgenglish akala mo walang bukas ---- naisip ko na lang sa sarili ko.
Masarap kasama si Ate. Gaganahan kang magbantay ng bata, aliwin sila kasi may pakimkim agad na iaabot sayo para ika'y maging inspirado. Haha. Di tulad ng iba na nakasimangot pa at nakapalumbaba nung binilan yung kapatid ng cellphone. Wag ganun, di ba Ditse? Haha. Nasulit pa ang bakasyon dahil sa pag-uwi ni Ate. Kahit na naging nognognognognog na ako sa kakadaeb sa bits, atleast dumadaeb kami sa bits. Daeb? Haha. Nakarating pa ako kung saan saan kaya naging napakalaking blessing ng Ate sa amin. Hindi naman namin mararanasan ang ganung bagay kung hindi siya nablessed at naishare niya nga yun dito sa Pinas. Maraming salamat my dear sissy sa lahat ng good times and good memories. Salamat sa saglit na pagdalaw. Salamat sa lahat ng blessings. Mamimiss kita. Mamimiss ko mga anak mo. Mamimiss namin kayo. At sige na nga, mamimiss kong magenglish. Etong sa inyo: Pak! ♥ Pak! ♥ Pak! ♥ Pak! ♥ pagmamahal mula dito sa Pinas (sound effects sana yun eh). Thank you Lord sa lahat and til next time. 'Til next year. :D Magbaon ka ng mas madaming pera para masaya. Haha. God Bless. Have a seyp trif. Mwah.
From YOW With L.O.V.E. [Long Oblong Vecause Education] --- huh?!
Happy FATHER's Day nga pala kay Amang Pogi.
Mahal na mahal ka namin Daddy. Wala ng hihigit pa sa aming Ama. Kami ay lubos na pinagpala dahil may Tatay kaming kagaya mo. And I am grateful na ikaw ang naging Itay ko. We love you. We miss you. Hope to see you soon. Mwah. :D God Bless.
Wala kayo sa tatay ko, may Driver's License na imported. Pak!
internal bleeding sa pageenglish...dinugo ng bongga!hahaha
ReplyDeletehemorrhagic makipagusap sa kanila!haha..PAK!
ReplyDelete