Ayoko sana tong gawin kasi isa na naman tong kakapalan ng mukha. Amp. Hindi naman ako madalas manood ng sine. Mas madalas ako mag'abang ng dvd ni kapitbahay, ni classmate at ni ate at kuya sa bangketa. Practical lang po OMB. Pag binayad ko kasi sa sinehan, ako lang makakanood. E pag dvd, maipapahiram, mahihiram, maiseshare sa lahat. Eeeehhh.. I'm so thoughtful. Ü
Pero eto na nga. Lets talk about the movie starring Jaden Smith and Jackie Chan --- The Karate Kid.
Isang buong pamilya kami nanood ng Karate Kid dahil gustong gusto ng Ate ko ang anak ni Will Smith na yan na kung makasplit eh patayo. Ang giliw ng Ate ko jan... parang proud Momma. Isang inspiring story ang Karate Kid. Si Dre Parker (Jaden Smith) ay isang black american (nahalata niyo? mahirap i-identify eh) na naglumipad at naglumipat sa China. Pagdating dun, nabugbog siya ng batang Jet Li. Kung makataga at makapanisod yung bata na yun, walang bukas. Kaya kawawa ang batang Dre. Bakit siya binugbog? Dahil kinausap niya yung bench girl na, of course, intsik na marunong magingles. "Yor so pani." wika yan ni bench girl, patunay na marunong siya magenglish. Marunong ok? Marunong!
Nung minsan nagumeport na gumanti ang Dre sa nangbugbog, sinabuyan niya ng euwee shit yung Jet Li group. E di ano napala niya? Hinabol siya ng mga kolokoy na nakakatalon ng mga bubong. Nung naabutan, bugbog sarado. Nakupot. Dahil ang motto nila Jet Li boy eh 'No Mercy', kaya tumba na ang Dre, gusto pa suntukin. Papasuntok na.. Ayan na.. Malapit na... Boogsh! Pinigil ni Mr. Han (Jackie Chan) ang kamay ni Jet Li boy. Pinagtanggol niya sa anim na bumubuo ng Jet Li group ang Dre. Tapos, FAST FORWARD, tinuruan niya ang Dre at sinali sa kung fu tournament. Kaya siya naging The Karate Kid.
Pambihira ang naipahatid na message sa akin na mensahe ng pelikula na ito.
"Ang Pilay ay may K sumipa ng patumbling."
Yan ang moral ng story. Yan din ang nagpanalo sa Dre.
Maganda yung movie. Nakakatawa at times. Worth watching for naman.
Kaya pila na sa mga sinehan. Well, sa movie house ko pinanood to. Mayaman. :]
In fairness, aminin niyo. Ang pangit ko magmovie review. Haha. Para sa mas magandang review, try this one!
In fairness, aminin niyo. Ang pangit ko magmovie review. Haha. Para sa mas magandang review, try this one!
Pero eto talaga ang eksena:
After the movie, gumamit ng comfort room ang aking mga kapatid. At ang istoryang ito ay naranasan ng aming bunsong sissy, si Siszet.
EKSENA: Siszet -- nakatayo sa pinto ng female comfort room. May lumapit na batang lalaki, nasa 9-11 years old ang itsura.
Batang Lalaki: Ate, pwede ba ako pumasok sa loob (CR ng babae)? May hinahanap po kasi akong babaeng sexy, maganda, maputi at mayaman eh.
Siszet: Ay. Di ko alam eh. [Sabay bumukas ang pinto at may lumabas na double-sized Momma.]
Batang Lalaki: Ay! Mama, anjan ka na pala. Ang tagal mo...
Orayt! Yan ang batang may mayaman, maganda, maputi at sexy na Mama. Turuan ba o Katotohanan? Kayo na ang humusga.
Bye. Pak!
gilas ng movie review,parang chikihan lang ng mga tambay ah!haha..
ReplyDeleteO well. Haha. Para may sariling karakter. Pak!
ReplyDelete