Wednesday, July 28, 2010

Finally! Ü

I started blogging just months ago and I am grateful of gaining some support from all of you my avid readers. Yes naman, talagang nagpakafeeling sikat na ako. Haha. Umi-english. Wag ng kutsain kung may makitang mali. Sige na! Kayo na poreyner.


Ang init ngayon araw na ito. Hindi ko kinaya ang init ng microwave naming tahanan kaya bandang hapon, napagdesisyunan kong magpunta ng mall. Habang nakasakay sa glamorosong traysikel, naisip ko ang iba pang blogger na parte ng daily reads ko sa mundo ng blogosperyo. Natutuwa at may parteng naiinggit ako sa mga get together nila sa kalakhang Maynila. As much as I want to make epal sa get together nila o makisilip man lang sa nangyayari sa kanila, hindi ko magawa dahil loser na promdi ang inyong lingkod. Gusto ko tuloy maexperience na makakilala ng kapwa blogger.


Nakarating na ako sa mall, pumasok at naglakad lakad. Nadapa, gumulong at yun naman ay exagge. Loner ang Yow, madami lumilingon sa 'kin dahil may isang gwapo na naglalakad mag-isa, walang kasama. Ayoko naman humila at kumaladkad na lang ng isang lilingon sa 'kin. Natignan lang eh naging close na? Tuloy lang ang lakad, lingon-lingon hanggang sa mapunta ako sa Pambansang Book Store. Maya-maya pa...



Girl: Hi! Excuse me. Ikaw ba si Yow? Tama ba?
Yow: Uh.. Yes? Ako nga po. Bakit po? (Pa-cute.)
Maglalaway ka. :P
Girl: OMG. Ikaw nga. (Masayang tawa) Hindi ba ako pamilyar? Lagi ko binabasa blog mo.
Magkaexchange links pa tayo. (Mas masayang tawa.)
Yow: Owww... Baklang Maton dot blogspot dot com ikaw ba yan?
Girl: (hampas ng malakas) Ikaw talaga. Ang sama mo, hindi ako bading. Hehe.
Yow: Ahhh.. Kikilabotz ikaw ba yan? Idol Glentot? Ang alam ko lalaki si Idol.
Girl: Eeeehh.. Asar ka. I'm Greta. Gretalicious...
Yow: Owww... Ikaw nga. Sorry po di ko nakita agad yung malapad na hita.


Nagulat talaga ako sa pagkikita namin. taga-Cabanatuan din nga pala siya. Malaking babae si Greta. Kapag mapalapit ka sa kanya, mapapaso ka sa mainit at malicious niyang aura. Nakakatawa siyang kausap, madaming kwento. She even asked me to keep a secret. Unang pagkikita pa lang yun ha? In fairness, hindi choosy, kung kanino na lang maishare. Sabi kasi niya, may lihim siyang pagnanasa kay Idol Glentot at ang 'achieve na achieve' (in her own words) na Kikilabotz. Sikreto lang yun. Atin atin lang ok? Nakakatakot ang hita niya, parang paddle sa hazing. Kaya walang magkakalat.


Sumama si Greta sa akin at iniwan ang binabasa niyang magazine sa book store. Close agad kami? Sabagay, close close din naman kami sa comment box. Nakarating kami kay Old McDonald's at nagpasyang kumain. Nakapila na kami sa counter ng may sumigaw sa gilid namin.


Di bale na.
Boy/Girl: Ayyyyyyyyyy... Shet papa shet. It's Yow time. Yow is here.
Yow: Madaming nakakakilala dapat? Eeehhh.. (Bulong ng mahina sabay bigay ng matamis na ngiti)
Boy/Girl to Greta: Ikaw naman si Greta di ba? My goodness, mga idol ko kayo.
Yow at Greta: Ngiti na di mangiti. :|


Hanggang sa nagpakilala na nga ang akala ko ay lalaki nun pala ay babaeng si Ungaz. Maikli ang buhok at may kaliitan naman ang Ungaz. Mas matanda pa pala siya sa min ni Greta na akala ko eh high school pa lang. Bilang respeto, tinawag namin siyang Ate Ungaz. Nakiepal na siya sa bonding at nakiorder na rin. Hindi niya nafeel ng Ate ang company namin kaya naman naubos lang niya ang super-uber-love-of-my-life french fries ko. Hindi rin gaano matapang ang hiya niya kaya naipakita pa niya ang hidden talent niya na pangimpersonate kay Anita Linda sa natatangi nitong pag-ganap sa Tayong Dalawa --- isang gurang na instik. Ikaw, Audrey, puroka nalang lan di. Sa lagay na yan, nars pala ang ate mo. Kapitapitagang boluntir nars.


Napahaba ang usapan. Nakakatuwa pala talagang makakilala ng mga bagong tao. Cool pa at kapwa blogger ko ang nakaharap ko. Kaliit talaga ng mundo. Pag-uwi ko, bigla ko narealize na kaklase ko ata si Greta, matalik na kaibigan ko pa ata. At may kapatid ata siyang nagngangalang Ungaz. Di ko lang sure. Pero di ko na pinalaki ang idea na namumuo sa isip ko na yun. Ayokong sirain ang magandang araw ko sa kakaisip sa ganun. Ang mahalaga, may BAGO akong mga kakilala. Pak!


My NEW friends. Ungaz, Greta and Yow.

10 comments:

  1. Ahahaha puuuutangina hindi kita namukhaan agad. Akala ko pa man din wala kang blog tapos punta ako nang punta dito sa blog na ito haha. Kunyari hindi ko nabasa ang pagkakamention ng pangalan ko dito dahil lumalaki ang ulo ko...

    Bakit naman Ungaz ang pinangalan nyo kay Ate hindi ba sya nadedegrade...

    ReplyDelete
  2. Revelation pa pala ito sayo Idol. Haha. Charan. Kami tong umepal na nagadd sayo. Haha. Uyy. Patay-malisya. Haha. Laglagan na to. Nangbabanggit ng numero eh. Haha. Peo totoo yun.

    Sariling choice niya yun. Siya din nakadama ng kagustuhan na tawaging Ungaz. Meet Ate Ungaz. Haha.

    ReplyDelete
  3. @yow: yes!ibang kwento kahit iisa ang nangyari.hahahaha!lavett...dahil hindi nla nbbza blog ko malay nla eto nga ba nangyri.hahaha!

    @glenn" degrading?well mgppkmsrtyozo zna ang inyong lingkod at ayw phlatang bugok kaya screen name ungaz(kguztuhan ko nga). kazo ang putres na yow bnandera ang larawn ko.bait!

    ReplyDelete
  4. nalaglag na talga!wala na!super ispluk ka..ano pa itatago kong sikreto ngayon!?ipapakalat ko ulit ung no. mo..gantihan na lang pala eh!hahaha

    ReplyDelete
  5. Nalito ako. Okay naman talaga makapag-meet sa mga blogger lalo na kapag ka-wavelength mo. =)

    ReplyDelete
  6. bwahahahaha. bigla akong naging mahiyain sa post mong ito. . haha. my gudness ang gaganda naman nila greta at ungaz..

    madami k talaga mahahanap na kaibigan sa pagbblog. at isa itong dahilan kaya ako nagbblog.

    maraming salamat sa pagtag sa akin sa post na toh. keep blogging ^_^

    ReplyDelete
  7. hayun pala ang tatlong nasa blog roll ko. nice to meet you three. sa pic. lol

    ReplyDelete
  8. @glentot- idol..walang naman po masama sa paglaki ng ulo ha?!hahaha


    ano ba yan!

    ReplyDelete
  9. @Ungaz: Wag ka nga. Basahin mo yung kumento ni Kikilabotz, maganda ka daw. Ashu...

    @Greta: Wala namang nagtetext. Sa susunod ibubunyag ko anamn ang motibo kung bakit mo kinakalat numero ko. Haha.

    @Salbehe: Kahit ako din nalito. Lalo na kapag binasa mo yung version nila. Sa kin yung totoo. Haha. Parang di naman ako masyado nasayahan sa kanila. Juk lang.

    @Kikilabotz: Wag ka na mahiya. Artista ka kuyang. Haha. May magcocontract at kikibot sa sinabihan mo ng maganda. Haha. Cool nga eh, may blogger friends. Salamat. :)

    @Tong tong: Kami nga yun. Nice to meet you too. Perstaym namin nagkita-kita niyan... para sa ngayon linggo. Haha.

    ReplyDelete
  10. nahiya nalng z kikilabotz na si greta lng purihin...naawa dinmay n ko!whahahahaha....kumikibot ang cervix?

    ReplyDelete