Anu ba ang tawag sa way of riding a train? Hindi ba Training? Wala ako maisip na titulo kaya pagtyagaan na yan. Mailusot na lang. Usapang may riles kasi ang ikukwento ko.
Isa akong lagalag na bata. Mahilig akong pumunta at magliwaliw sa kung saan saan. Simpleng pagpapatunay ng teorya ko na isa akong malikot, pa-lisaw lisaw na ex-palaboy. Dati ko na ramdam yun eh, kaya iba sa pakiramdam ko kapag may nakikita akong basura. Joke lang. Euw. Noong nasa Kamaynilaan ang Yow, nagpatumbling tumbling ako sa bawat singit nito basta kaya kong mapuntahan. Bukod sa sulsol na kaibigan, mga taong nag-akay sa akin sa pagwawaldas ng pera at ang sariling udyok ng pangkaloobang Yow, may di malilimutan at di maikakailang tulong sa 'kin si Mi-mi-mi-mi-mister Mister MRT o ang kapatid nitong si LRT. Halos lahat ng byahe ko, di ko mapagtatagumpayan kung wala ang mga riles at tren na yan. Ang laki kasing advantage ng pampublikong sasakyan na ito. Walang traffic, walang pahinto-hinto at walang humpay sa bilis. Makakauwi ka on time kahit taeng tae ka na.
Kapag rush hour nga lang e rush talaga ang eksena sa station hanggang sa loob ng train. Tanda ko pa ng minsan akong abutin ng gabi papasakay na ko ng makita kong parang wala na akong puwang sa loob ng sasakyan. dahil magkahiwalay ang mga babae, ang kaumpugang siko mo ay mga lalaki. Mas madaming fans na lalaki ang MRT at LRT, kaya kapag ganung rush hour, kahit si Jackie Chan ka pa o si Chris Tucker ay wala kang mailulusot sa sikip na shit sa dami ng peop sa train. Dikit siko, dikit braso, halos mag-akap, halos mahalikan ka na, halos mahkapalit na kayo ng mukha ng katabi mo. Ganun katight. Masaya naman sana kung magkahalo yung babae at lalaki e kaya lang solid na kapwa mo may etet ang kadaupang palad mo dun. Malas mo pa kapag bading katabi dahil huhubaran ka na sa pagtingin, di ka pa uuwing hindi namolestya.
Di naman ako gumagawa ng eksena pero lapitin talaga ako ng eksena. Eksenang matatawig ding embarrassment. One time, galing ako kay Bebe, pabalik na ko sa dorm para habulin ang curfew dati nung affiliation. Oo, may curfew. KJ kapag catholic school. Nakashort ako at simpleng shirt, di naman kami nag-date. Sa bahay lang nila kami para mag-anu. Mag-bonding. Yes naman, kailangan banggitin kung ano damit ko dahil parte sila ng eksena. Pagsakay ko ng LRT, kaunti pa lang tao. Yes! Di siksikan pero di pa rin ako nakaupo. Kaya tumayo ako sa tabi ng pinto para may posteng kakapitan. may ilang babaeng naligaw sa sakayan ng mga lalaki, may lalaki, may bading. Bigla ko napansin, parang... parang papunta sa kin yung mata ng ilang babae at bading sa loob ng tren. Teka nga, may mali ba sa akin> Shet. Anu kaya? Tinunton ko kung saang parte sila nakatingin bago magbulungan. Pababa ang tingin nila kaya naman pasimple kong tinignan ang sarili ko sa bandang baba. Pak! Di nga sila mahumaling eh bukas ng malupit yung zipper ko. Underwear na malupit nakausli sa short ko. Umaygad pugad, bigla ako nahiya. Di nila pagpyestahan ang kamuwangan ko? Nagbright side na lang ako, nakita lang nila, di nakuha. Unti unti kong ibiniling ang aking body bag papunta sa harap. Bumaba ako ng taas noo sabay takbo. Bata?
Dahil naman kay MRT, nawalan ako ng cellphone. Eh syempre, probinsyano kaya medyo boplaks si Yow. Nakababa na ako sa Shaw. Nagelevator ako pababa dahil kapag nakita mo naman ang hagdan dun parang sila lang may karapatang maghagdan. Pagpasok sa elevator, may babaeng pumansin sa back pack ko.
Babae: Koya, yong bag mo bokas.
Yow: Ay. Salamat. (Sara ng bag, sabay labas na sa elevator.)
Bigla ko naiisipang magmusic habang naglalakad kaya kinuha ko sa bag ang phone. Nasan ang phone? Magic. Kinain ng bag. Di naman ako natense. Tinanggap ko na lang na tanga ako sabay nag-move on. Ipinangdidisplay ko pa naman ang tora-tora ko na phone para kahit maisnatch, ok lang. Sinauna na eh. Choosy na pala ang magnanakaw ngayon, dapat camera phone at bumublutut. Di kaya si Babae lang kumuha? Nagbintang pa. Moral lesson: Wag tatanga tanga parang si Yow.
Sa lahat ng naranasan ko sa tren, isa ang di ko makakalimutan. Akala ko kasi sa pelikula lang nagkakatotoo ang mga taong nuknukan ng bait at nagpapalaganap ng pagmamahal sa mundo. Eh hindi naman pala at natry ko nga. Isa ako sa sinabuyan ng pagmamahal. Kewl. May special participation ulit si Bebe. Pagkasakay sa MRT, may free seat pa kaya sumaldak agad kami. Baka munahan eh. Maya-maya, may nagsipasok na isang grupo na pinagsamang dalawang Amboy tsaka mga 8 Pinoy. Madudungis ang grupo at parang nagtanim sila ng palay sa dumi. Naghiwahiwalay sila ng pwesto, magkakalayo, panggap panggap pa sila na di magkakakilala. Weh?! Tapos biglang labas sila ng mga armas nila. Eksenang holdap ata ito? Payn. Holdap sa tren. Hawak yung mga patpat nila, at papel na armas, nagpaka-bulletin board sila sa sasakyan at nag-shout out ng "Free Hugs :)", "Hindi masamang ngumiti, SMILE Ü" at "Spread the L♥ve, Always :)". Ilan lang yan sa placards na hawak nila. Ayy. Eh mapagmahal sila Ate at Kuya. Yung kano, may hawak na tagalog, naiintindihan kaya nya yun?
Maya-maya pa ulit, nagkindatan ang sila, simbolo na simula na ng programa. Biglang nag-tok tok tok ang isang lalaki gamit ang bibig. Anu ba tawag dun? Gumawa siya ng beat. Isa-isa, sumasabay sila. May kumakatok na sa mga posteng bakal gamit pentel pen, yung mga kahoy pinupukpok na nila sa sahig tapos may sipol ng kasama, may snap yo fingah pa. In short, nakagawa sila ng tugtog. Nung maganda na yung beat, sumabay ng yung isang babae ng gitara sabay tirang We're just Ordinary People. We don't know which way to go. 'Cuz we're ordinary people, Maybe we should take it slow. Take it slow oh oh oh. Nakangtooch. Party pala sila Ate. Magpaparty sa loob ng tren. Eh di nakikindak na ako. Nastimulate na ang inner bulate ko sa katawan kaya nagkikilos kilos na ko dun. Makapal mukha ko eh, kung sila kaya di ba? Haha. Bad trip nga lang at party na eh, may pumapalakpak na kasabay ng beat biglang andar ng MRT. E di natwembang si Ate na nag-gigitara. Nakadikwatro pa kasi, nahinto tuloy.
Akala ko titigil na sila, eh hayok sa pagpapalaganap ng kapositibuhan sa mundo, tuloy pa rin sila this time talk show ang drama. Tumayo si Ateng natwembang at may pinaupo na someone. Tumabi siya sa isang matabang kasamahan na babae at nagharutan, I mean, kwentuhan. Kwentuhan ng malakas. As in, sinadya para iparinig to every ol.
Mataba: Hey! How are you? (Kunwari, ngayon lang nagkita)
Twembang: I'm good. Very good. I am very happy today. (Ingles dapat usapan?)
Mataba: Good to hear that. What is your passion? (Biglang singit ng passion? Pangit ng segue ni Ate)
Twembang: Ahmm... May passion is singing. Iba kasi sa pakiramdam when you perform tapos maraming pumapalakpak sa'yo at marami ka napapasaya. You know?
Mataba: (Speechless. Naparinig na nila yung gusto nilang iparinig)
And that ends the Oprah show. Anu kaya nang advocacy nila at ginagawa nila yun? Maganda naman actually yung layunin nila at na-appreciate ko na parang ang sarap makisali. Mukha naman silang rich peop at kung todo iPhone sila halos lahat. May mga tao talaga na sadyang mababait at gustong maglibang na lang sa pagpapalaganap ng pagibig sa mundo. Di ba parang pangpelikula? Astig.
Nung matapos lahat, may lalaking tumatapat sa bawat nakaupo sa tren. May nakasulat sa damit niya na "Bakit ka masaya today?". Pinapasulat niya lahat ng matapatan and shit, malapit na siya sa amin. Anu kayang isusulat ko? Kinakabahan ako. Parang exam yung tanung. Pag nagkasubuan, ang isusulat ko sana eh "Masaya ako dahil katabi ko si Bebe". Cheesy dapat? Mailusot na lang. Buti na lang, bumaba na sila. Yes! Ligtas. Nakababa na sila, nagsara ang pinto biglang may isang lalaki at babae na nagtawanan. Napalingon ako. Kasama pala sila sa grupo, naiwan sila sa loob. Anu tawag dun? Haha. No comment. Pak!
anong klaseng bonding kaya ang nganap at naiwang bukaz ang zipper ni yow?!hahahaahaha! o bka nmn my pgka exhibitionist lang si yow nahiya pa!!!!whahahahaha...impernez tma spelling SEGUE!whahahahaha....
ReplyDelete@Ungaz - Walang Hiya! Haha. Madumi iniisip mo. Sira kasi yung butones nung shorts ko. Kusa bumababa yung zipper. Haha. Kahit nung papunta ganun na yun, nung pauwi na lang napagfiestahan. Haha. Madami nasabi? Nag-explain? Defensive.
ReplyDeletebonding na bukas zipper ang ending!ano nga kaya un?take it slow oh oh oh..may connect ata ung kanta ah!alabet!
ReplyDeleteHaha natawa naman ako sa mga eksena mo sa MRT ako sumuko na ako sa MRT ayoko na sumakay after nung may maranasan akong kakaiba...
ReplyDelete@glentot: Oo nga, pambihira! Artista ako kapag nasa MRT, ako ang bida. Haha. Eh bakit? Anu nangyari? Di ko pa susukuan yun at madaling kapitan ng mga promdi ang walang hiyang tren na yun. Haha.
ReplyDelete