Habang nagmumuni-muni ako sa nangyari sa buong araw, bigla kong narealized ang malas ko pala! Nakitulog ako sa kuta ng mga militanteng grupo na binubuo ni Greta at Ate Ungaz. Oo, kapag nag-aklas na ang lahat, dalawa nilang itataguyod ang grupo nila. At dahil di kami nagkaintindihan ng aking kapatid, nagalit siya sa akin at di ako nagpaalam na nakihimlay ako sa kuta ng militanteng grupo.
Una, nagalit ang sissy na buntis.
Nilitis na ako kanina. Noong nakaraang pokpok shift nga ay confiscated ang phone ni Yow. Dahil estudyante pa lang ako, wala akong laban sa pasikat, mapag-mataas at nangangarap maging chief nars (kaya sumusipsip) na babae sa hospital affiliate na pinagduduty-han ko. Di ko siya clinical instructor, tamang epal lang talaga ang papel niya sa buhay ng mga estudyante. Di pa kami nagsisimula at tumingin lang naman ako ng oras sa phone ko pero bakat-ugat-sa-noo at mala-dragon na bumubuga ng apoy niyang kinuha ang kawawang phone sa aking palad. Idinala niya agad sa bisor ang gamit ko sabay puri sa sarili. Ang galing ko talaga, nakahuli ako ng may cellphone. Sobrang galing ko talaga. Di ba Ma'am Bisor? Pangpromotion yung datingan ng beauty ko ngayon. Joke lang. Takot din ako. Haha. Best A, kung maligaw ka man dito, wag mo ako isusumbong. E di kanina na nga ay nasabon, nashampoo, nahiluran at nabuhusan na ako ng pagalit. Natanga na lang ako sa kinauupuan ko at natulala, ang hirap magconstruct ng isasagot lalo na kung makaubos dugong inglesera ang tumirada sayo. Dun ko naisip, kapag ingleserang galit ang kausap mo, matuto kang magpakumbaba. Ikaw din, sige, masasaktan ka ng husto.
Number 2, nabasbasan ng sermon dahil sa celpon.
Ang tagal ng pagtutuos na umabot ng isa't kalahating oras. Kaya naman kahit abot na ang hikab ko at bumabagsak na ang mata ko, tuloy pa din ang pakikipagkungfu ko sa walang hiyang antok. Nung sinabi ng mga nakatataas na mas matangkad pa ako Pwede ka nga umuwi, lumipad na agad ako at pakiramdam ko eh galit na sa kin ang mata at katawan ko sa kawalan ng pahinga, sobrang masakit na. Mahirap naman magkatampuhan kami at mahirap kaaway ang katawan at mata. Baka di na ko pabangunin o di na ko padilatin, kaya pinagbigyan ko na at nagpasya na akong umuwi. Pag-uwi ko sa bahay, ganire ang eksena:
Yow to Lola: La, bakit di ka magelectric fan. (Sabay bless, magalang)
Lola: Eh wala ngang kuryente kanina pang madaling araw, sumabog daw yung transformer jan sa kanto.
Yow: Anu? (Nagpantig ang tenga.) Anakangtooch naman, timing naman sa puyat ko hano? Fvck.
Believe me, di niyo gugustuhing matulog sa bahay namin kapag walang hangin na dulot ng fan o aircon. Semento siya all-over kaya parang oven kapag nasa loob. Taglamig na pala sa labas, di masyadong halata sa loob namin. Kung trip mo magwork out at magpapawis, umupo ka lang sa sala, goodbye fats na. Effortless.
Thirdie, walang kuryente! WALAAANG KURYENTEEEEE!
Nagbihis agad ako at dali daling kinuha yung tora-tora na phone para ipangtawag sa walang hiyang electric company. Gigil at may poot na Yow ang tumawag sa operator.
Yow: Hellow! Walang kuryente dito sa [insert name of barangay]. Kanina pa daw madaling araw.
Optr: Anung purok po ba yan at sino po nakapangalan sa billing address niyo?
Yow: Purok 5. Cesario Villangca. (Todo pronounce sa V)
Optr.: Ahh. B po ba as in Baboy yung Billangca?
Yow: Hindi. V as in victory. Villangca. (Napipikon, todo emphasize pa din sa V, tumalsik na laway)
Optr.: Anu po? (Di ata nadinig. Binge!) Baboy po?
Yow: V-I-L-L-A-N-G-C-A. Villangca. Cesario Villangca
Optr.: May C po ba Sir?
Yow: Ayy.. Pambihira naman kuya. Inispell out ko na. Ako na kaya magtype diyan? Meron. Ilagay mo lahat ng letra!
Kapag ganyan namang puyat ka na sasabayan ka pa ng below see level, eh mawawala ang bait mo sa sarili. Kuya, kung sinu ka man, pagpalain ka nawa ng Bro natin at tunawin mo ang ear wax mo tsaka ipangshine ng sahig. Nabanggit ka pa tuloy dito.
Ikaapat, pambihirang operator. Pambihira talaga. Pampambihira.
Di ko maisip kung talaga ba namang pagsubok lang ng ating Panginoon ang binigay niya sa akin kaya naman pilit kong kinalma ang aking sarili. Yow, ang pogi mo, kumalma ka. Hot ka na, tama na ang init ng ulo. Ikaw na magiging araw. Ayun. Kumalma na ang inyong lingkod. Humiga na ako sa kama at di ko namalayan na nakatulog na ako.
Akala ko tapos na ang tuesday the 13th ko, may humabol pa. Hoy Basyang! Ang sarap ng tulog ko kanina eh, ginising mo ko sa lakas ng paliligo mo. Walang hiya! Kung maka-growl ka pa e kala mo ka rockstar. Duh! Basyang ka lang kaya. Umayus ka. Bye Pak! Bukas naman, wednesday the 14th.
paksyet yow!pareho nga tau ng kapalaran pti blog entry preho.hahaha!so shitty!hahaha..namartes trese tayo...
ReplyDeletehahaha. nice title, Tuesday the 13th.
ReplyDeleteisa ka pala sa mga nag-init ang ulo sa kalagitnaan ng malakas at malamig na ihip ng hangin ng bagyong basyang.
Hindi lamang ako ang nabiktima. Dalawa kami. Fvcking Tuesday na yan. Salamat sa pagbalik. :)
ReplyDeletetumutulo ang laway ko sa mga oras na yan. at pag gising ko, nabigla ako na bumagyo daw. haha, walang silbi e.
ReplyDelete