Matagal-tagal din kaming hindi nakapagkamustahan at naglambingan sa telepono ng aking mga magulang. Wala ata kaming pambili ng IDD card pero more of nakalimutan na lang namin may naghihintay pala ng flash report sa ibang nayon --- mas sosyal na nayon. Nakakapagchat naman kami minsan sa Pesbook ng mga kapatid namin na kasama nila kaya naman nagpaparegards na lang kami sa Mudra at Pudra namin. Pero kanina lang, nagobersis kol kami sa aming mahal na magulang sa Isteyts.
Ring. Ring. Ring then Hello. Excited na nagsusumigaw ng hello ang aking Ina. Ramdam ko sa tinig ng Nanay ang naguumisplit niyang saya at narinig niya ang boses ng pogi niyang anak. Puro tawa na lang ang Nanay ko habang kami ay naguusap. Comedy bar kaya ang tingin niya sa kanyang anak? Dapat eh nag-entrance fee na siya para kumita naman ako. Simula nung lumipad silang dalawa para
Next. Ang tatay ko naman. Tinanong ako ng Ina kung gusto ko daw ba kausapin ang Ama bago niya ito ipasa. Sige, kausapin ko na nga. Makapagpanggap na lang na mag-ama kami. Joke ko lang naman yun. Ganyan kami magbiruan, takwilan.
Yow: Hello, Father dear.. Ü
Ama: Hellow pow. Musta me? Mwahahaha.
Yow: Teka, anu daw? Ngongo dapat?
Ama: Jejemon me. Musta me? Mwaahahaha
Yow: Hahaha. Anu bang musta me? Kinamusta yung sarili? Dapat 'muzstah pfowh?'
Ama: Musta pow? Jijemown na kami dito.
Yow: Ganyan ba jejemon kapag nag-abroad? Stop it Daddeee. Madami bang jejemon diyan?
Ama: Aba. Oo, madami ditong jijemonyo. Nakalipad na dito.
Yow: Ay. May Isteyts chapter ang jejemon. Kaya pala mwahahaha, tawang jejemonyo.
Tawa pa rin ako ng tawa pagkatapos namin magusap. Sumubok maging jejemon ang aking Daddy. Malaki ang boses nun, may puntong pinoy at slightly ngongo ang tunog kapag lumabas sa speaker ng telepono. Kaya akala ko eh bingas ang tatay ko at kung anu-ano ang sinasabi. Pero nililinaw ko, hindi jejemon ang Ama. Ngongo manapa. Sa kakulitan, sa tatay ko ako nagmana. Kapag nakilala niyo yun, bumabangka din sa patagisan ng joke at kwentuhan. Nakulitan na lang din siguro ang aking Nanay kaya naman nung nililigawan siya eh nagpatanan agad. Ang tawang walang bukas kay Mudra ko naman nakuha. Masarap tumawa at patawanin ang Nanay ko. Kung humagalpak e hagalpak talaga. Magugulatin din siya. Salamat na din kay Bro at di ko namana ang pagkamagugulatin ni Ina. Nagulat ka na nga, masashock ka pa sa kanya.
Yow to Mudra: GULAT. Boogsh...
Mudra: Aypaykooo-paycoo-paykukang.
Anung salita yan? Ewan lang din pero madami pa siyang gulat words na ginagamit. Yan lang talaga yung often used. Malakas umutot ang Nanay ko. As in BLAAAACK ang kulay nito. Pero sa lahat ng utot, yun ang walang amoy. Never pa siyang nagkautot ng may amoy. Malinis bituka ni Ina? Ode sige. Ikaw na ang Mrs. Clean.
Nakakamiss din na magkaroon ng magulang. Ilang taon na din kaming magkakahiwalay pero konting inip na lang magkakasama-sama na tayo. At pag nakita ko kayo...
Si Sasha Fierce na tiyahin ko kapag nagulat eh hindi whiolesome: "Ay putay!"
ReplyDeleteI-Google mo na lang kung ano ang putay.
Haha. Shet. May nakabasa agad.
ReplyDeleteNageport ako at naggoogle.
Malupit na kipay ang reaksyon ni Sasha Fierce.
Panalo talaga. Haha.
may pantapat ako ke sasha fierce!si aleli the bleeder kong ka-group..sa hinaba ng pagsasama namin,iisa ang reaksyon nya pag nagugulat.. "ay-pusa-ng-puke-ng-tatay-kong-tipaklong!" eksakto!
ReplyDeletehindi ko maintindihan kung yung pusa o ung tatay nya ung may puke?maitext nga,matanong lang!
Binabasa ko pa lang ay masakit na sa mata ang mga jejemon siguro ay mas masakit sa bangs kapag pinapakinggan sa telepono. :P
ReplyDeleteCool parents!
@greta: dapat puro kipay ang gulat words? wholesome ang nanay ko. haha
ReplyDelete@salbehe: kaya nga. kaya nga napagkamalan kong ngongo. haha. uy. nagbasa na siya dito.:)
ay anong klaseng utot un may kulay...hahaha!Black tlaga...pareho tau namimiz ko rn z ermatz dahil mlayo.pero pag anjan nmn guzto ko n paalizin ult.hahahaha!kabuzet
ReplyDeleteDumaan na nakibasa!
ReplyDeleteSalamat sa pagbisita sa blog ko!
Ingat pre
wahahahaha panalo si daddee mo. kinamusta sarili! wahahaha
ReplyDeletenakakatawa ang jejemon kapag parents ang gumagawa. cool!
sekantaym ko dito. (perstaym ang sa taas)
ReplyDelete