Maaga pa lang pumunta na kami dun para di daw matabunan ng tao. Daganan kaya ang pila sa DFA at kami eh matatabunan? Sabi ng buntis na sissy, bawal daw sa DFA ang nakatsinelas kahit havanasnas pa yang salum-paa mo. Nadali naman na naiwan ko shoes ko sa malayong baryo sa Cabanatuan, wala ako nagawa kundi manghiram ng shoes sa aking bayaw. Polo shirt (para may collar), semi-skinny jeans at BLACK shoes. Formal na mukhang timang. Nakakahiya man pero kailangan tumuloy kaya naman rekta pa rin kami bitbit ang endorsement letter galing sa isang empleyado ng pinaglumaang DFA na nung araw na yun, family friend pala naman. Akalain mo. Haha. Joke lang. Salamat sister sa letter.
May ibang linya yung may dalang papeles na susi para mapabilis ang iyong proseso. Kaya naman itinuro kami ni Manong Sikyo sa courtesy lane. Pambihirang courtesy lane din naman akala ko eh mahigsi lang ang linya, eh malayo na sa pinto nung dumating kami at may mga nakapila na din sa taas. Palagay ko eh alas 4 ng umaga pa lang andun na yung mga yun, sila na yung nagbantay sa building. Nung makapasok kami at makaakyat, maappreciate mo yung pinagmamalaki nilang bagong DFA. Makapanginig laman yung aircon, maganda structure nung building at humahigh tech na din. Pagdating sa taas, another pila again pero this time upo-dasog-lipat method na. Yung letter na hawak pala namin eh kailangan pa ng approval ng bisor nila kaya yun ang pinila namin. Bandang 11:30 AM, itsyowtime na. Kami na ang sasalang sa check-up ng papeles.
Sissy na buntis: Good Morning po. Eto po yung endorsement letter namin.
Bisor: (check ng papeles) Sino ba si [insert name ng family friend]?
Sissy na buntis: Family friend po namin. (See? Family friend nga namin) Empleyado po ng DFA.
Bisor: Asan yung ID nya?
Yow: (Paepal lang sa dialogue nila) Ay! Nakangtooch.. (sa isip lang)
Sissy na buntis: Kailangan po ba yun? O sige po. Kuhain na lang namin. (Disappointed peys)
Parang 3 oras lang kami tumanga dun sa paghihintay, kailangan pala ng ID. Pambihira. Kaya hinanap na namin si family friend sa lumang DFA. Kumain muna kami at bumalik ng pasado ala una na. Pila na naman. After 2 hours, nakatulog na kami't lahat, di pala umuusad ang pila. Akala namin sinamantala na ng mga mahadera at swapang seatmates namin ang pagkakatulog namin. Di pala talaga dumadasog. Sorey seatmates. Bandang 4 na kami nagkatagpo ni Bisor. Pagkaupo namin dun, pipirma agad ang walang hiya. Di man lang tinignan kung andun na yung ID na hanap nya kanina. Anu yun? Aksaya effort? Kaya naman pinagduldulan namin ng turo yung xerox ng ID na hanap niya. Pipirma naman pala ng wala yun, hinanapan pa kami. Talent!
Bumilis ang proseso matapos kay Bisor. Siya lang naman talaga ang nagpatagal sa min. Kung pumirma na siya, di kami aabutin ng gabi. Nagbayad na kami tapos humingi ng number. Matagal na hintayan na naman. Parang 150 lang na tao hihintayin namin bago kami. Salamat na lang at madaming booth ang available para sa bagong e-passport. E-passport na nga ang bagong pasaporte nating mga pinoy. Si Glorya pa nagpasimula nun bago tumungtong si P-Noy. Nagiisip kami kung anu na kaya hitsura nung bagong teknolohiya na sinasabi ng sangkatauhan. Yung passport kaya eh parang ticket na lang sa LRT o MRT na medyo kumapal lang parang ATM na either i-swipe na lang sa machine o iinsert pasok ka na? Aba eh haytets na nga ang Pinas kung magkaganun. Nung nakatanaw na kami ng sample, eh nawala na yung iniimagine namin. Yun pa rin pala. Pero mas espesyal na. Bakit naging espesyal? Sa tulong ni Mr. Google natuklasan ko kung bakit? Eto oh.
Yan naman pala yun. Nung natawag nga kami, napagkamalan ko pang Poging Ate si Kuya. Kuya naman pala siya. Features niya lang talaga eh mukang tomboy at dagdag pa sa charisma nya na mukha siya gifted child na napagkalooban ng trabaho ng pangulo. Lahat otomatik na sa passport, pirma, pingerprint, at pati pagpicture. Nasayang lang tuloy yung dala naming picture na may asul na background, 70 din yun ah. Proyekto nga ni PGMA ang sistemang ito, though matagal ang proseso kahit na may letter ka pa galing sa family friend o magpaappointment sa internet, maganda din naman yung resulta. Kaya ang ex-president... isang proud lola. Ang ngiti oh:
Meanwhile, dahil sa matinding boredomnessment ng paghihintay, ang inyong abang lingkod ay nanguha ng ilang natatanging larawan. Inyong tunghayan.
Sabi ko sa inyo malamig di ba? Di na ata kinaya nila ate ang ginaw kaya naman humantong sila sa gantong eksena. nagkagalit pa at hindi nila nabitbit ang kumot na una pa nilang hinanda gabi pa lang bago pumunta. Alam?
Syempre, sa eksena ng hintayan, hindi pwedeng hindi magrerekalamo ang pinoy diyan. Opkors. Kaya nga naging pinoy eh, ginawa para magreklamo. Slight! Haha. Eto ay kuha ng isang matandang lalaki na labis na nagdamdam sa bagal ng sistema ng pagkuha ng pasaporte ngayon. Dapat daw ibalik na lang sa date. Nakatagpo siya ng bisig ng isang kakampi sa isa pang manong na naghihintay ng salita ni Bisor.
Sayang di ko napicturan, pero may eksena ng poot sa DFA. Haha. Yung guard kasi, pinapaalis lahat ng walang endorsement letter sa courtesy seat. May pinaalis siya na isang babae, maayos, magalang at kalmado niyang sinabing Ate, lumayas ka po. Please?
Sikyo: Paupuin po natin ang mga may endorsement letter, lahat po nga wala pakibakante na po ang upuan.
Ate: Hindi mo ko alipin para paalisin. (tinamaan siya, kaya nagtaas kilay ng pagtataray)
Sa huli, napagtanto ko na buong araw naming inaayos ang aming pasaporte. Buti na lang at isang puntahan na lang ang nangyari kung hindi eh baka mas mahaba pa ang maikwento ko sa inyo. Matagumpay naman ang nangyari. Thank you Bro at meron na kaming e-passport.
Til here. Bye. Pak!
naknang!jejemon z tatang...zabi nga ni bamba, "fierce!"hahahaha...Paimportante kayo a..my endorsement.hahaha
ReplyDelete