Saturday, July 10, 2010

It's the thought that counts

Sabi nga ni Mudra, it's better to give than to receive. Paulit-ulit niya sa 'min pinapangaral yan at tinatatak sa kukote namin na elabs ni Bro kapag naging mapagbigay kami. And I'm proud to say, sa awa ng Diyos, naging kuripot, buraot ang inyong abang lingkod. Di nagkulang si Maderdir, naging mapagbigay naman ako eh, sa sarili ko nga lang. Opkors.


Di gaya ko, magkaiba kami ng mga kaibigan ko. Kung anung kinakuripot ko siya namang pagiging mapagbigay nila. May mga ilan-ilang bagay na binigay nila sa akin na tumatak talaga sa buhay ko. Unahin na natin ang di malilimutang birthday gift sa akin ni Momma Mia, Princess of Cheekyness. Siya ang aking kaibigan na nasobrahan sa taas ang cheek bones kaya naman namugalgal ang cheeks. Ang taas. Ang laki. Ang tumbok ng cheeks. Hindi na pala cheeks ang tawag, Cheeeeeeeeeksss! Hindi ang kanyang pisngi ang natanggap kong regalo, Buo pa naman at nominated pa rin para maging isang tourist spot ang mountain range niyang asset... and liabilities. Tama na ang makayurak pagkataong pagpapakilala, ang dapat lang naman talaga eh tungkol to sa regalo niya. Kay Momma Mia lang ako nakatanggap ng walang kapantay na heart-warming gift sa katauhan ng Sugo Peanut Crackers. Isang plastic ng Sugo greaseless hot and spicy peanuts. Hindi yung solo pack ha? Yung tinitingi sa tindahan. Bute na lang bumagay sa kin yung kaanghangan nung regalo, ang hot ko kasi. Yoooon!


Isa pang regalo ang natanggap ko galing naman sa buong barkadahan. Sa buong Bests galing, birthday ko rin nun. Isang regalo na bigay ng sampung katao. Ang dami nila. Nakakaexcite. Nakakaramdam ako ng bagong damit, o kaya wallet, o kaya pera, o kaya pantalon, o kaya PSP o dahil nagsama-sama sila ng pwersa, baka bagong celphone. Shet mama shet. Exciting. Nun pala recession ang kanilang mga bulsa kaya di na ako masyado umasa ng sobra. Pero best naman best, alam kong taghirap na ang buhay ngayon pero umabot pa sa ganung punto. Pati ba naman baso ng Chowking gawing pangregalo? Nakita ko naman yung effort no? Buwis-buhay nenok ng baso para may maipangregalo. Ayyoooss!


Recently, I received the most unforgettable gift of all. Galing pa rin sa kaibigan. Kay Greta. Di ko naman birthday, wala naman okasyon pero naghanda siya ng regalo. Nakakatouch di ba? Nadelay pa ang pagkakabigay niya ng dalawang araw pero worth it naman ang paghihintay. Napakahelpful nung binigay ni Best Greta sa buhay at talagang ako pa ang una niyang naisip na pagbigyan. Malaking tulong talaga tong sulit card na binigay mo para madiscount-an ang Viagra na mabibili nito. Nakakatouch. Pagkakita ko nung buong pack, Viagra ang nakalahad at sa loob ay makikita ang sulit card na pag ginamit ay discounted na ang Viagra mo. Teary-eyed kong tinanggap ang regalo pero wag niyo naman sana isipin na impotent na ako. Lumalaban pa to!


Yan lang yung ilan sa mga kakaibang natanggap kong regalo. Salamat sa mga pambihirang regalo mula sa inyo. Malayo pa ang birthday ko pero *ehem* size 12 paa, *ehem* penshoppe, *ehem* iPad kung gusto niyo ulit mag-abala, tatanggap ulit ako ng mga regalong pambihira sa ganda na pambihira ding kumukurot sa puso ko. Kahit anu pa yan, ang mahalaga e naalala niyo ako. Maraming Salamat. 


Salamat din sa pagkakaligaw, Glentot at Super Balentong. Dalawang idolo ko. Nakakahiya tong blog ko pero rakenrol. Orayt! Special mention. Haha. :)


Bye! Pak!

7 comments:

  1. ako yow wlng ktumbas na pera gift ko...luv and friendship!hahahaha...potaness sa pagkaEMO...yan ang regalo ng mga yagit.mwah

    ReplyDelete
  2. asan ung pichur?ninakaw ko pa yan sa ER para sayo..kaya lalo ka dapat ma-touch!

    ReplyDelete
  3. napadaan sir..sabi nga nila
    wag manghinayang kasi lahat naman may darating na kapalit. bigay lng ng bigay. ^_^

    ReplyDelete
  4. @Teddy - Yuck! Tumanggi sa regalo? Haha.
    @Greta - Natouch nga ako. Only your viagra, touches my *tut*. Salamat!
    @Kikilabotz - Siya nga naman. Kaya nga diga lang ng diga sa nagbibigay. Kaya sa lahat, ituring nito akong outreach program. Tumatanggap din po ako ng mga lutong bigas, sardinas at chichacorn. Salamat.

    ReplyDelete
  5. dahil kaya nagbigay ako ng viagra discount card makakatanggap din ako nun o solid na viagra?nakangtuch!pero kung mas masarap pa dun ahoo..tanggapin na lng sbay thank you bro!

    ReplyDelete
  6. Ahaha may special mention pang naganap!

    Mabuti ka nga nagamit mo yung mga regalo sayo.

    Si Khikhi niregaluhan ako ng mamahaling gel, isang malaking jar... nung panahong semi-kalbo ako.

    ReplyDelete
  7. @glentot: Haha. Opkors. Idolo eh. Over whelming kasi. Haha.
    Awe.. Haha. Iba talaga babanat si Khikhi, panalo! San mo dinala yung gel? May masamang alaala ako sa gel eh. Haha.

    ReplyDelete