Friday, July 30, 2010

Meet Dotdot.

Matagal ko ding hindi nakita si Dotdot. Buhay pa pala siya. Sa unang taon ng aking college life, ipinakilala ko sa madlang pipol at mga kaklase si Dotdot. Overwhelming ang response ng tao sa aking mahal na kaibigan at talagang tinanggap nila si Dotdot ng buong puso setting aside lahat ng kakulangan at kadepektohan niya sa katawan. Ang dami pa rin talagang mababait na tao sa mundo. Sa itsura palang ni Dot, hindi mo na maikakaila na kaiba siya sa nakakarami. Hindi siya naging mapalad na maging katulad natin. Bilugan ang mukha na parang manas, mas malaki ang right ear sa left, mas malaki at healthy ang right arm niya kumpara sa left, deformed ang kipay area niya at mas mahaba ang kaliwang binti niya sa kanan. Sino ang makakaisip na may makakatanggap ng ganyang pagkatao? I mean, let me rephrase it. Sino ang makakaisip na may makakatanggap ng ganyang pagka... stuffed toy?




Strike a pose Dot. More natural,
you look stiff.
Yowsters, meet Dotdot. Kahit naman marami siyang deformities, she looks cool pa din naman di ba? Si Dotdot I. Sinundot (yes, may surname) ay isang produkto ng pagbili at pahulog ng limang pisong token sa Worlds of Fun. Tamang sipat, tamang angulo, pindot meron na kaming Dotdot. Originally, ang nakakuha at may-ari kay Dot ay ang aking sissy pero dahil bata pa siya para kumuha ng responsibilidad ipinaubaya na muna niya sa akin ang buhay ng orphan na nilalang. Sissy ko din ang nagpangalan ng Dotdot, theory ko lang na ang pangalan ay inspired ng kantang Sundot ng Aegis. Eew. Bakit alam ko yun?


Minahal nga ng madlang pipol sa klasrum ang Dotdot ko. Pinagdodotdot nila ito at wala na ako nagawa. Wala na din ako nagawa nung sapilitan ay hingin at inenok akuin ng ibang tao ang responsibilidad ng pagaalaga kay Dot. At yun na nga, napasakamay na siya ni Bitoy (babae at may kakayahang magpasuso ang Bitoy). Apat na taon na namin kasama si Dotdot sa aming pagaaral, inspirasyon ang walang hiyang pandak na oso! Hindi araw araw kabonding namin siya, seasonal at daig ang multo kung magparamdam lang siya. At kanina nga, ang pagpaparamdam niya ay naganap na. Nakakatakot na si Dotdot ngayon, kahit na constant ang smile niya at hindi nagfe-fade away sa labi, natakot ako kung anu na siya ngayon. Look at what she had become.


Pamatay na moves ni Dotdot. War-freak. Manyak. Tsk.
Anung ginawa mo Bitoy at naging ganto si Dotdot? Pinalaki ko siya ng tama at maayos. Dotdot, don't fight with your playmates ha? Magagalit si Papa Jisus. Dotdot, always be good. Ang ganda-ganda talaga ng Dotdot ko. Swimming skills ang pinapaturo ko sa'yo pero anung ginawa mo? Brutal na siya ngayon. Pero fast learner ang Dotdot, in fairness, magaling na siya maglangoy. Inaabsorb lahat ng tubig sabay lubog. Bravo ang tawag dun. 


At the end of the day, namiss ko pala talaga si Dot. Ang dating amoy lumlom niyang scent ay naging amoy victoria's secret na. Huling taon na namin sa kolehiyo at kasama ka pa din namin Dotdot. Continue inspiring us Dotdot. Cheers for the friendship. Welcome back. Haha. Pak!


P.S.
Sa sobrang tuwa ni Best A (isang best na flat-chested, siraan na ng puri) nung makita niya ang pagpaparamdam ng pandak na oso, nalimot niya ang pangalan nito at napasigaw ng "Dodo". Mukha bang nipple yung mukha ni Dot at naging dodo? Wag kayo manghusga. Talagang big deal ang stuffed toy sa min.

12 comments:

  1. Kipay area talaga ang deformed tsk tsk kawawang Dotdot hindi na mabubuntis...

    ReplyDelete
  2. wahahaha si dotdot ang daming alam na tricks. napabayaan mo yata sya. yikes.

    peram ni dotdot. susundutin ko. HOWAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  3. yow!ang zgwa pag znzb mong "dotdot ko"...hahaha!green minded.pznxia n!!!o well pvginal repair mo nlng kipay nya...

    ReplyDelete
  4. tae naman!babae pala si dotdot?all this time i tot utot lalake sya!matatag sa tukso sa dot..nakaabot na ng 4th year ng hindi buntis!saludo ako!

    p.s. pag si kupalee lalake din, magwwalk out na ko!

    ReplyDelete
  5. @Glentot: Yun nga. Wala na siyang chance magsalinlahi. Tss.

    @Tong tong: May pagkamanyak dapat? Haha. Conservative si Dotdot. Di pa siya ready sa ganyan.

    @Ungaz: Ikaw talaga ang sama ng isip mo. Kinocorrupt mo yung utak ng mga inosenteng katulad ko... at ni Greta. Hahahahahaha.

    @Greta: Yeah. Ikaw ngang lalaki at pangalanang Dotdot ikatutuwa mo? Dudoy manapa. Haha. Tsaka yung pangalan mo before the operation, BOGART.

    ReplyDelete
  6. Sana nilagyan mo ng picture ang kipay ni dotdot bwahihihi

    ReplyDelete
  7. May lesson naman pala eh..

    Kahit maraming abnormalities at deformed ang kipay area maraming nagmamahal kay dotdot wahihihi..

    ReplyDelete
  8. @Jepoy: Aww.. Andito ka. Haha. Hindi ko maifocus eh, mahahalata yung deformities. Haha.

    @Poldo: Ta-mah! May anu ba sa kanya at talaga namang minamahal ng taumbayan. Artista?

    ReplyDelete
  9. over used si dotdot kaya deformed siya particularly ang kipay niya tsk tsk tsk...

    ReplyDelete
  10. @Poldo: Parang ampangit. Haha. Sinong gumalaw kay Dot? Sobrang pagmamahal na yun.

    ReplyDelete
  11. tama ba namang maging Dodo nalang? ;D Sadyang nakalimot. :>

    ReplyDelete
  12. May special participation pala ang cheeks ko dine! Amp

    ReplyDelete