Friday, July 30, 2010

Meet Dotdot.

Matagal ko ding hindi nakita si Dotdot. Buhay pa pala siya. Sa unang taon ng aking college life, ipinakilala ko sa madlang pipol at mga kaklase si Dotdot. Overwhelming ang response ng tao sa aking mahal na kaibigan at talagang tinanggap nila si Dotdot ng buong puso setting aside lahat ng kakulangan at kadepektohan niya sa katawan. Ang dami pa rin talagang mababait na tao sa mundo. Sa itsura palang ni Dot, hindi mo na maikakaila na kaiba siya sa nakakarami. Hindi siya naging mapalad na maging katulad natin. Bilugan ang mukha na parang manas, mas malaki ang right ear sa left, mas malaki at healthy ang right arm niya kumpara sa left, deformed ang kipay area niya at mas mahaba ang kaliwang binti niya sa kanan. Sino ang makakaisip na may makakatanggap ng ganyang pagkatao? I mean, let me rephrase it. Sino ang makakaisip na may makakatanggap ng ganyang pagka... stuffed toy?


Wednesday, July 28, 2010

Finally! Ü

I started blogging just months ago and I am grateful of gaining some support from all of you my avid readers. Yes naman, talagang nagpakafeeling sikat na ako. Haha. Umi-english. Wag ng kutsain kung may makitang mali. Sige na! Kayo na poreyner.


Ang init ngayon araw na ito. Hindi ko kinaya ang init ng microwave naming tahanan kaya bandang hapon, napagdesisyunan kong magpunta ng mall. Habang nakasakay sa glamorosong traysikel, naisip ko ang iba pang blogger na parte ng daily reads ko sa mundo ng blogosperyo. Natutuwa at may parteng naiinggit ako sa mga get together nila sa kalakhang Maynila. As much as I want to make epal sa get together nila o makisilip man lang sa nangyayari sa kanila, hindi ko magawa dahil loser na promdi ang inyong lingkod. Gusto ko tuloy maexperience na makakilala ng kapwa blogger.


Nakarating na ako sa mall, pumasok at naglakad lakad. Nadapa, gumulong at yun naman ay exagge. Loner ang Yow, madami lumilingon sa 'kin dahil may isang gwapo na naglalakad mag-isa, walang kasama. Ayoko naman humila at kumaladkad na lang ng isang lilingon sa 'kin. Natignan lang eh naging close na? Tuloy lang ang lakad, lingon-lingon hanggang sa mapunta ako sa Pambansang Book Store. Maya-maya pa...



Monday, July 26, 2010

Jejemonyo

Alam ko naman na napaglipasan na ng panahon ang mga jejemon, mahina na ang kalakaran sa takilya ng dating nag-hit na mga pausong nilalang na ito. Hindi ako jejebuster lalong hindi jejemon pero meron akong kwento na oh c'mon mamon. Yes, rhyming!


Matagal-tagal din kaming hindi nakapagkamustahan at naglambingan sa telepono ng aking mga magulang. Wala ata kaming pambili ng IDD card pero more of nakalimutan na lang namin may naghihintay pala ng flash report sa ibang nayon --- mas sosyal na nayon. Nakakapagchat naman kami minsan sa Pesbook ng mga kapatid namin na kasama nila kaya naman nagpaparegards na lang kami sa Mudra at Pudra namin. Pero kanina lang, nagobersis kol kami sa aming mahal na magulang sa Isteyts.


Ring. Ring. Ring then Hello. Excited na nagsusumigaw ng hello ang aking Ina. Ramdam ko sa tinig ng Nanay ang naguumisplit niyang saya at narinig niya ang boses ng pogi niyang anak. Puro tawa na lang ang Nanay ko habang kami ay naguusap. Comedy bar kaya ang tingin niya sa kanyang anak? Dapat eh nag-entrance fee na siya para kumita naman ako. Simula nung lumipad silang dalawa para magtago sa utang dun na manirahan, parang Best na lang ang pag-atake ko ng usap sa kanila. Mas naging close pa kami ngayong far na nga sila. Di ba? Imba. Nay, enough na. Inglisera ka na masyado. Ang Ama naman ang makausap. Ako na ang umayaw at di matatapos tawa nun.


Next. Ang tatay ko naman. Tinanong ako ng Ina kung gusto ko daw ba kausapin ang Ama bago niya ito ipasa. Sige, kausapin ko na nga. Makapagpanggap na lang na mag-ama kami. Joke ko lang naman yun. Ganyan kami magbiruan, takwilan.


Yow: Hello, Father dear.. Ü
Ama: Hellow pow. Musta me? Mwahahaha.
Yow: Teka, anu daw? Ngongo dapat?
Ama: Jejemon me. Musta me? Mwaahahaha
Yow: Hahaha. Anu bang musta me? Kinamusta yung sarili? Dapat 'muzstah pfowh?'
Ama: Musta pow? Jijemown na kami dito.
Yow: Ganyan ba jejemon kapag nag-abroad? Stop it Daddeee. Madami bang jejemon diyan?
Ama: Aba. Oo, madami ditong jijemonyo. Nakalipad na dito.
Yow: Ay. May Isteyts chapter ang jejemon. Kaya pala mwahahaha, tawang jejemonyo.


Tawa pa rin ako ng tawa pagkatapos namin magusap. Sumubok maging jejemon ang aking Daddy. Malaki ang boses nun, may puntong pinoy at slightly ngongo ang tunog kapag lumabas sa speaker ng telepono. Kaya akala ko eh bingas ang tatay ko at kung anu-ano ang sinasabi. Pero nililinaw ko, hindi jejemon ang Ama. Ngongo manapa. Sa kakulitan, sa tatay ko ako nagmana. Kapag nakilala niyo yun, bumabangka din sa patagisan ng joke at kwentuhan. Nakulitan na lang din siguro ang aking Nanay kaya naman nung nililigawan siya eh nagpatanan agad. Ang tawang walang bukas kay Mudra ko naman nakuha. Masarap tumawa at patawanin ang Nanay ko. Kung humagalpak e hagalpak talaga. Magugulatin din siya. Salamat na din kay Bro at di ko namana ang pagkamagugulatin ni Ina. Nagulat ka na nga, masashock ka pa sa kanya. 


Yow to Mudra: GULAT. Boogsh...
Mudra: Aypaykooo-paycoo-paykukang.


Anung salita yan? Ewan lang din pero madami pa siyang gulat words na ginagamit. Yan lang talaga yung often used. Malakas umutot ang Nanay ko. As in BLAAAACK ang kulay nito. Pero sa lahat ng utot, yun ang walang amoy. Never pa siyang nagkautot ng may amoy. Malinis bituka ni Ina? Ode sige. Ikaw na ang Mrs. Clean.


Nakakamiss din na magkaroon ng magulang. Ilang taon na din kaming magkakahiwalay pero konting inip na lang magkakasama-sama na tayo. At pag nakita ko kayo... hahagulgol ako magtatawanan tayo. Aymishu boat Mader en Pader. Aylabyu. Pak!

Tuesday, July 20, 2010

Training

Anu ba ang tawag sa way of riding a train? Hindi ba Training? Wala ako maisip na titulo kaya pagtyagaan na yan. Mailusot na lang. Usapang may riles kasi ang ikukwento ko.


Isa akong lagalag na bata. Mahilig akong pumunta at magliwaliw sa kung saan saan. Simpleng pagpapatunay ng teorya ko na isa akong malikot, pa-lisaw lisaw na ex-palaboy. Dati ko na ramdam yun eh, kaya iba sa pakiramdam ko kapag may nakikita akong basura. Joke lang. Euw. Noong nasa Kamaynilaan ang Yow, nagpatumbling tumbling ako sa bawat singit nito basta kaya kong mapuntahan. Bukod sa sulsol na kaibigan, mga taong nag-akay sa akin sa pagwawaldas ng pera at ang sariling udyok ng pangkaloobang Yow, may di malilimutan at di maikakailang tulong sa 'kin si Mi-mi-mi-mi-mister Mister MRT o ang kapatid nitong si LRT. Halos lahat ng byahe ko, di ko mapagtatagumpayan kung wala ang mga riles at tren na yan. Ang laki kasing advantage ng pampublikong sasakyan na ito. Walang traffic, walang pahinto-hinto at walang humpay sa bilis. Makakauwi ka on time kahit taeng tae ka na.


Kapag rush hour nga lang e rush talaga ang eksena sa station hanggang sa loob ng train. Tanda ko pa ng minsan akong abutin ng gabi papasakay na ko ng makita kong parang wala na akong puwang sa loob ng sasakyan. dahil magkahiwalay ang mga babae, ang kaumpugang siko mo ay mga lalaki. Mas madaming fans na lalaki ang MRT at LRT, kaya kapag ganung rush hour, kahit si Jackie Chan ka pa o si Chris Tucker ay wala kang mailulusot sa sikip na shit sa dami ng peop sa train. Dikit siko, dikit braso, halos mag-akap, halos mahalikan ka na, halos mahkapalit na kayo ng mukha ng katabi mo. Ganun katight. Masaya naman sana kung magkahalo yung babae at lalaki e kaya lang solid na kapwa mo may etet ang kadaupang palad mo dun. Malas mo pa kapag bading katabi dahil huhubaran ka na sa pagtingin, di ka pa uuwing hindi namolestya.


Di naman ako gumagawa ng eksena pero lapitin talaga ako ng eksena. Eksenang matatawig ding embarrassment. One time, galing ako kay Bebe, pabalik na ko sa dorm para habulin ang curfew dati nung affiliation. Oo, may curfew. KJ kapag catholic school. Nakashort ako at simpleng shirt, di naman kami nag-date. Sa bahay lang nila kami para mag-anu. Mag-bonding. Yes naman, kailangan banggitin kung ano damit ko dahil parte sila ng eksena. Pagsakay ko ng LRT, kaunti pa lang tao. Yes! Di siksikan pero di pa rin ako nakaupo. Kaya tumayo ako sa tabi ng pinto para may posteng kakapitan. may ilang babaeng naligaw sa sakayan ng mga lalaki, may lalaki, may bading. Bigla ko napansin, parang... parang papunta sa kin yung mata ng ilang babae at bading sa loob ng tren. Teka nga, may mali ba sa akin> Shet. Anu kaya? Tinunton ko kung saang parte sila nakatingin bago magbulungan. Pababa ang tingin nila kaya naman pasimple kong tinignan ang sarili ko sa bandang baba. Pak! Di nga sila mahumaling eh bukas ng malupit yung zipper ko. Underwear na malupit nakausli sa short ko. Umaygad pugad, bigla ako nahiya. Di nila pagpyestahan ang kamuwangan ko? Nagbright side na lang ako, nakita lang nila, di nakuha. Unti unti kong ibiniling ang aking body bag papunta sa harap. Bumaba ako ng taas noo sabay takbo. Bata?


Dahil naman kay MRT, nawalan ako ng cellphone. Eh syempre, probinsyano kaya medyo boplaks si Yow. Nakababa na ako sa Shaw. Nagelevator ako pababa dahil kapag nakita mo naman ang hagdan dun parang sila lang may karapatang maghagdan. Pagpasok sa elevator, may babaeng pumansin sa back pack ko.


Babae: Koya, yong bag mo bokas.
Yow: Ay. Salamat. (Sara ng bag, sabay labas na sa elevator.)


Bigla ko naiisipang magmusic habang naglalakad kaya kinuha ko sa bag ang phone. Nasan ang phone? Magic. Kinain ng bag. Di naman ako natense. Tinanggap ko na lang na tanga ako sabay nag-move on. Ipinangdidisplay ko pa naman ang tora-tora ko na phone para kahit maisnatch, ok lang. Sinauna na eh. Choosy na pala ang magnanakaw ngayon, dapat camera phone at bumublutut. Di kaya si Babae lang kumuha? Nagbintang pa. Moral lesson: Wag tatanga tanga parang si Yow.


Sa lahat ng naranasan ko sa tren, isa ang di ko makakalimutan. Akala ko kasi sa pelikula lang nagkakatotoo ang mga taong nuknukan ng bait at nagpapalaganap ng pagmamahal sa mundo. Eh hindi naman pala at natry ko nga. Isa ako sa sinabuyan ng pagmamahal. Kewl. May special participation ulit si Bebe. Pagkasakay sa MRT, may free seat pa kaya sumaldak agad kami. Baka munahan eh. Maya-maya, may nagsipasok na isang grupo na pinagsamang dalawang Amboy tsaka mga 8 Pinoy. Madudungis ang grupo at parang nagtanim sila ng palay sa dumi. Naghiwahiwalay sila ng pwesto, magkakalayo, panggap panggap pa sila na di magkakakilala. Weh?! Tapos biglang labas sila ng mga armas nila. Eksenang holdap ata ito? Payn. Holdap sa tren. Hawak yung mga patpat nila, at papel na armas, nagpaka-bulletin board sila sa sasakyan at nag-shout out ng "Free Hugs :)", "Hindi masamang ngumiti, SMILE Ü" at "Spread the L♥ve, Always :)". Ilan lang yan sa placards na hawak nila. Ayy. Eh mapagmahal sila Ate at Kuya. Yung kano, may hawak na tagalog, naiintindihan kaya nya yun?


Maya-maya pa ulit, nagkindatan ang sila, simbolo na simula na ng programa. Biglang nag-tok tok tok ang isang lalaki gamit ang bibig. Anu ba tawag dun? Gumawa siya ng beat. Isa-isa, sumasabay sila. May kumakatok na sa mga posteng bakal gamit pentel pen, yung mga kahoy pinupukpok na nila sa sahig tapos may sipol ng kasama, may snap yo fingah pa. In short, nakagawa sila ng tugtog. Nung maganda na yung beat, sumabay ng yung isang babae ng gitara sabay tirang We're just Ordinary People. We don't know which way to go. 'Cuz we're ordinary people, Maybe we should take it slow. Take it slow oh oh oh. Nakangtooch. Party pala sila Ate. Magpaparty sa loob ng tren. Eh di nakikindak na ako. Nastimulate na ang inner bulate ko sa katawan kaya nagkikilos kilos na ko dun. Makapal mukha ko eh, kung sila kaya di ba? Haha. Bad trip nga lang at party na eh, may pumapalakpak na kasabay ng beat biglang andar ng MRT. E di natwembang si Ate na nag-gigitara. Nakadikwatro pa kasi, nahinto tuloy. 


Akala ko titigil na sila, eh hayok sa pagpapalaganap ng kapositibuhan sa mundo, tuloy pa rin sila this time talk show ang drama. Tumayo si Ateng natwembang at may pinaupo na someone. Tumabi siya sa isang matabang kasamahan na babae at nagharutan, I mean, kwentuhan. Kwentuhan ng malakas. As in, sinadya para iparinig to every ol.


Mataba: Hey! How are you? (Kunwari, ngayon lang nagkita)
Twembang: I'm good. Very good. I am very happy today. (Ingles dapat usapan?)
Mataba: Good to hear that. What is your passion? (Biglang singit ng passion? Pangit ng segue ni Ate)
Twembang: Ahmm... May passion is singing. Iba kasi sa pakiramdam when you perform tapos maraming pumapalakpak sa'yo at marami ka napapasaya. You know?
Mataba: (Speechless. Naparinig na nila yung gusto nilang iparinig)


And that ends the Oprah show. Anu kaya nang advocacy nila at ginagawa nila yun? Maganda naman actually yung layunin nila at na-appreciate ko na parang ang sarap makisali. Mukha naman silang rich peop at kung todo iPhone sila halos lahat. May mga tao talaga na sadyang mababait at gustong maglibang na lang sa pagpapalaganap ng pagibig sa mundo. Di ba parang pangpelikula? Astig.


Nung matapos lahat, may lalaking tumatapat sa bawat nakaupo sa tren. May nakasulat sa damit niya na "Bakit ka masaya today?". Pinapasulat niya lahat ng matapatan and shit, malapit na siya sa amin. Anu kayang isusulat ko? Kinakabahan ako. Parang exam yung tanung. Pag nagkasubuan, ang isusulat ko sana eh "Masaya ako dahil katabi ko si Bebe". Cheesy dapat? Mailusot na lang. Buti na lang, bumaba na sila. Yes! Ligtas. Nakababa na sila, nagsara ang pinto biglang may isang lalaki at babae na nagtawanan. Napalingon ako. Kasama pala sila sa grupo, naiwan sila sa loob. Anu tawag dun? Haha. No comment. Pak!

Tuesday, July 13, 2010

Tuesday the 13th

Habang nagmumuni-muni ako sa nangyari sa buong araw, bigla kong narealized ang malas ko pala! Nakitulog ako sa kuta ng mga militanteng grupo na binubuo ni Greta at Ate Ungaz. Oo, kapag nag-aklas na ang lahat, dalawa nilang itataguyod ang grupo nila. At dahil di kami nagkaintindihan ng aking kapatid, nagalit siya sa akin at di ako nagpaalam na nakihimlay ako sa kuta ng militanteng grupo.


Una, nagalit ang sissy na buntis.


Nilitis na ako kanina. Noong nakaraang pokpok shift nga ay confiscated ang phone ni Yow. Dahil estudyante pa lang ako, wala akong laban sa pasikat, mapag-mataas at nangangarap maging chief nars (kaya sumusipsip) na babae sa hospital affiliate na pinagduduty-han ko. Di ko siya clinical instructor, tamang epal lang talaga ang papel niya sa buhay ng mga estudyante. Di pa kami nagsisimula at tumingin lang naman ako ng oras sa phone ko pero bakat-ugat-sa-noo at mala-dragon na bumubuga ng apoy niyang kinuha ang kawawang phone sa aking palad. Idinala niya agad sa bisor ang gamit ko sabay puri sa sarili. Ang galing ko talaga, nakahuli ako ng may cellphone. Sobrang galing ko talaga. Di ba Ma'am Bisor? Pangpromotion yung datingan ng beauty ko ngayon. Joke lang. Takot din ako. Haha. Best A, kung maligaw ka man dito, wag mo ako isusumbong. E di kanina na nga ay nasabon, nashampoo, nahiluran at nabuhusan na ako ng pagalit. Natanga na lang ako sa kinauupuan ko at natulala, ang hirap magconstruct ng isasagot lalo na kung makaubos dugong inglesera ang tumirada sayo. Dun ko naisip, kapag ingleserang galit ang kausap mo, matuto kang magpakumbaba. Ikaw din, sige, masasaktan ka ng husto.


Number 2, nabasbasan ng sermon dahil sa celpon.


Ang tagal ng pagtutuos na umabot ng isa't kalahating oras. Kaya naman kahit abot na ang hikab ko at bumabagsak na ang mata ko, tuloy pa din ang pakikipagkungfu ko sa walang hiyang antok. Nung sinabi ng mga nakatataas na mas matangkad pa ako Pwede ka nga umuwi, lumipad na agad ako at pakiramdam ko eh galit na sa kin ang mata at katawan ko sa kawalan ng pahinga, sobrang masakit na. Mahirap naman magkatampuhan kami at mahirap kaaway ang katawan at mata. Baka di na ko pabangunin o di na ko padilatin, kaya pinagbigyan ko na at nagpasya na akong umuwi. Pag-uwi ko sa bahay, ganire ang eksena:


Yow to Lola: La, bakit di ka magelectric fan. (Sabay bless, magalang)
Lola: Eh wala ngang kuryente kanina pang madaling araw, sumabog daw yung transformer jan sa kanto.
Yow: Anu? (Nagpantig ang tenga.) Anakangtooch naman, timing naman sa puyat ko hano? Fvck.


Believe me, di niyo gugustuhing matulog sa bahay namin kapag walang hangin na dulot ng fan o aircon. Semento siya all-over kaya parang oven kapag nasa loob. Taglamig na pala sa labas, di masyadong halata sa loob namin. Kung trip mo magwork out at magpapawis, umupo ka lang sa sala, goodbye fats na. Effortless.


Thirdie, walang kuryente! WALAAANG KURYENTEEEEE!


Nagbihis agad ako at dali daling kinuha yung tora-tora na phone para ipangtawag sa walang hiyang electric company. Gigil at may poot na Yow ang tumawag sa operator.


Yow: Hellow! Walang kuryente dito sa [insert name of barangay]. Kanina pa daw madaling araw.
Optr: Anung purok po ba yan at sino po nakapangalan sa billing address niyo?
Yow: Purok 5. Cesario Villangca. (Todo pronounce sa V)
Optr.: Ahh. B po ba as in Baboy yung Billangca?
Yow: Hindi. V as in victory. Villangca. (Napipikon, todo emphasize pa din sa V, tumalsik na laway)
Optr.: Anu po? (Di ata nadinig. Binge!) Baboy po?
Yow: V-I-L-L-A-N-G-C-A. Villangca. Cesario Villangca
Optr.: May C po ba Sir?
Yow: Ayy.. Pambihira naman kuya. Inispell out ko na. Ako na kaya magtype diyan? Meron. Ilagay mo lahat ng letra!


Kapag ganyan namang puyat ka na sasabayan ka pa ng below see level, eh mawawala ang bait mo sa sarili. Kuya, kung sinu ka man, pagpalain ka nawa ng Bro natin at tunawin mo ang ear wax mo tsaka ipangshine ng sahig. Nabanggit ka pa tuloy dito.


Ikaapat, pambihirang operator. Pambihira talaga. Pampambihira.


Di ko maisip kung talaga ba namang pagsubok lang ng ating Panginoon ang binigay niya sa akin kaya naman pilit kong kinalma ang aking sarili. Yow, ang pogi mo, kumalma ka. Hot ka na, tama na ang init ng ulo. Ikaw na magiging araw. Ayun. Kumalma na ang inyong lingkod. Humiga na ako sa kama at di ko namalayan na nakatulog na ako. 


Akala ko tapos na ang tuesday the 13th ko, may humabol pa. Hoy Basyang! Ang sarap ng tulog ko kanina eh, ginising mo ko sa lakas ng paliligo mo. Walang hiya! Kung maka-growl ka pa e kala mo ka rockstar. Duh! Basyang ka lang kaya. Umayus ka. Bye Pak! Bukas naman, wednesday the 14th.

Saturday, July 10, 2010

It's the thought that counts

Sabi nga ni Mudra, it's better to give than to receive. Paulit-ulit niya sa 'min pinapangaral yan at tinatatak sa kukote namin na elabs ni Bro kapag naging mapagbigay kami. And I'm proud to say, sa awa ng Diyos, naging kuripot, buraot ang inyong abang lingkod. Di nagkulang si Maderdir, naging mapagbigay naman ako eh, sa sarili ko nga lang. Opkors.


Di gaya ko, magkaiba kami ng mga kaibigan ko. Kung anung kinakuripot ko siya namang pagiging mapagbigay nila. May mga ilan-ilang bagay na binigay nila sa akin na tumatak talaga sa buhay ko. Unahin na natin ang di malilimutang birthday gift sa akin ni Momma Mia, Princess of Cheekyness. Siya ang aking kaibigan na nasobrahan sa taas ang cheek bones kaya naman namugalgal ang cheeks. Ang taas. Ang laki. Ang tumbok ng cheeks. Hindi na pala cheeks ang tawag, Cheeeeeeeeeksss! Hindi ang kanyang pisngi ang natanggap kong regalo, Buo pa naman at nominated pa rin para maging isang tourist spot ang mountain range niyang asset... and liabilities. Tama na ang makayurak pagkataong pagpapakilala, ang dapat lang naman talaga eh tungkol to sa regalo niya. Kay Momma Mia lang ako nakatanggap ng walang kapantay na heart-warming gift sa katauhan ng Sugo Peanut Crackers. Isang plastic ng Sugo greaseless hot and spicy peanuts. Hindi yung solo pack ha? Yung tinitingi sa tindahan. Bute na lang bumagay sa kin yung kaanghangan nung regalo, ang hot ko kasi. Yoooon!


Isa pang regalo ang natanggap ko galing naman sa buong barkadahan. Sa buong Bests galing, birthday ko rin nun. Isang regalo na bigay ng sampung katao. Ang dami nila. Nakakaexcite. Nakakaramdam ako ng bagong damit, o kaya wallet, o kaya pera, o kaya pantalon, o kaya PSP o dahil nagsama-sama sila ng pwersa, baka bagong celphone. Shet mama shet. Exciting. Nun pala recession ang kanilang mga bulsa kaya di na ako masyado umasa ng sobra. Pero best naman best, alam kong taghirap na ang buhay ngayon pero umabot pa sa ganung punto. Pati ba naman baso ng Chowking gawing pangregalo? Nakita ko naman yung effort no? Buwis-buhay nenok ng baso para may maipangregalo. Ayyoooss!


Recently, I received the most unforgettable gift of all. Galing pa rin sa kaibigan. Kay Greta. Di ko naman birthday, wala naman okasyon pero naghanda siya ng regalo. Nakakatouch di ba? Nadelay pa ang pagkakabigay niya ng dalawang araw pero worth it naman ang paghihintay. Napakahelpful nung binigay ni Best Greta sa buhay at talagang ako pa ang una niyang naisip na pagbigyan. Malaking tulong talaga tong sulit card na binigay mo para madiscount-an ang Viagra na mabibili nito. Nakakatouch. Pagkakita ko nung buong pack, Viagra ang nakalahad at sa loob ay makikita ang sulit card na pag ginamit ay discounted na ang Viagra mo. Teary-eyed kong tinanggap ang regalo pero wag niyo naman sana isipin na impotent na ako. Lumalaban pa to!


Yan lang yung ilan sa mga kakaibang natanggap kong regalo. Salamat sa mga pambihirang regalo mula sa inyo. Malayo pa ang birthday ko pero *ehem* size 12 paa, *ehem* penshoppe, *ehem* iPad kung gusto niyo ulit mag-abala, tatanggap ulit ako ng mga regalong pambihira sa ganda na pambihira ding kumukurot sa puso ko. Kahit anu pa yan, ang mahalaga e naalala niyo ako. Maraming Salamat. 


Salamat din sa pagkakaligaw, Glentot at Super Balentong. Dalawang idolo ko. Nakakahiya tong blog ko pero rakenrol. Orayt! Special mention. Haha. :)


Bye! Pak!

Sunday, July 4, 2010

Barber Shop

Makikiuso ako kay 2ngawzki sa usapang pagupitan. Ako naman sa barber shop.


Di gaya sa mga parlor na ang manggugupit eh bading na may lihim na nasa sayo o babae na kasing tanda ng nanay mo, bida sa barber shop ang mga barbero kasama ang kanilang mga kwento. Totoo pala na part ng job description ng mga barbero ang maging madaldal at makwento, lalu na yung mga oldies but goodies, panglibang na din sa ginugupitan ang purpose nito. Pero hindi naman ito tungkol sa mga kwentong barbero, dahil mas magaling sa kwentong ganyan si Idol Badoodles sa kanyang sariling barber shop.


Kanina nga pagkatapos ng misa, nagpagupit muna ako bago umuwi. Baka masita ako sa duty at muka akong pinatungan ng kumapal na bermuda. Pagdating sa barber shop, sakto, walang ginugupitan si Suki kaya salang agad ako sa proseso ng pagpapakagwapito. Habang ginugupitan, may dumating na 2 customer na gusto din kay Suki magpagupit. Kaya naghintay sila at umupo muna sa isang bakanteng upuan sa tabi namin. Dun ko na naramdaman na may mali sa pinaguusapan nilang dalawa.


Customer 1: Ayy.. Know ko siya.
Customer 2: Talaga teh? Paping yummy.
Customer 1: Nursing yan sa CIC. May syota yan.
Customer 2: Sayang naman, kamukha pa naman ni Ex.


Sa mga linya nilang nabitawan, parang naramdaman ko na agad na AKO ang pinaguusapan nila. Samahan mo pa ng tingin nila sa akin dun sa salamin na nakakapanlusaw talaga. Pambihira naman pala --- bading pala sila kuya. Nahiya naman daw ako sa kanila at ang lakas ng boses nilang naguusap tungkol sa taong katabi nila. Nakakapagtaka lang din na may alam sa buhay ko ang mga beking ito? Sinusubaybayan ako? Well.. Di na nakakapagtaka. Irresistible ako eh. (Blog ko to! Suyaan na lang)


Wala na akong naintindihan maliban dun sa usapan na naisambulat ko sa inyo. Nagtransform na kasi sila kahit di pa bilog ang buwan. Nag-gay lingo na sila ng malupit. Pero may binulong sa kin si Suki, kinikindatan daw ako sa salamin, buti na lang di ako nakatingin. Haha. Hindi ito ang perstaym na naging matinik ang looks ko sa mga chiksilog, madaming beses na nila akong hinubaran sa malagkit nilang mga tingin date pa. Pambihira! Pak!

Uy, High Tech.

Last last, last, last, last week, pumunta kami sa bagong DFA sa Parañaque para ipa-renew ang aming passport. Napaglumaan na kasi siya ng panahon, kulay green pa yung pabalat at talaga namang Grade 6 pa ko nung kinuha yun. Eh recent. Kaya naman ang Yow noon e dinaig ang totoy na si Santino. Nung nakita ko yung picture ko dun, biglang bumalik ang mga alaala ng paglalaro ko ng itkurikit, batukalan ng bato -- sapol sa ulo iyak, at ang payapang laro ng trash talk sa kapwa ko bata. Ang fun! Lagi akong panalo nun. Natural na akong bully mula pa pagkabata kaya naman.. Teka! Di pala yan kwento ko. Nacarried away ng emosyon. Sorey naman.

Maaga pa lang pumunta na kami dun para di daw matabunan ng tao. Daganan kaya ang pila sa DFA at kami eh matatabunan? Sabi ng buntis na sissy, bawal daw sa DFA ang nakatsinelas kahit havanasnas pa yang salum-paa mo. Nadali naman na naiwan ko shoes ko sa malayong baryo sa Cabanatuan, wala ako nagawa kundi manghiram ng  shoes sa aking bayaw. Polo shirt (para may collar), semi-skinny jeans at BLACK shoes. Formal na mukhang timang. Nakakahiya man pero kailangan tumuloy kaya naman rekta pa rin kami bitbit ang endorsement letter galing sa isang empleyado ng pinaglumaang DFA na nung araw na yun, family friend pala naman. Akalain mo. Haha. Joke lang. Salamat sister sa letter.

May ibang linya yung may dalang papeles na susi para mapabilis ang iyong proseso. Kaya naman itinuro kami ni Manong Sikyo sa courtesy lane. Pambihirang courtesy lane din naman akala ko eh mahigsi lang ang linya, eh malayo na sa pinto nung dumating kami at may mga nakapila na din sa taas. Palagay ko eh alas 4 ng umaga pa lang andun na yung mga yun, sila na yung nagbantay sa building. Nung makapasok kami at makaakyat, maappreciate mo yung pinagmamalaki nilang bagong DFA. Makapanginig laman yung aircon, maganda structure nung building at humahigh tech na din. Pagdating sa taas, another pila again pero this time upo-dasog-lipat method na. Yung letter na hawak pala namin eh kailangan pa ng approval ng bisor nila kaya yun ang pinila namin. Bandang 11:30 AM, itsyowtime na. Kami na ang sasalang sa check-up ng papeles.

Sissy na buntis: Good Morning po. Eto po yung endorsement letter namin.
Bisor: (check ng papeles) Sino ba si [insert name ng family friend]?
Sissy na buntis: Family friend po namin. (See? Family friend nga namin) Empleyado po ng DFA.
Bisor: Asan yung ID nya?
Yow: (Paepal lang sa dialogue nila) Ay! Nakangtooch.. (sa isip lang)
Sissy na buntis: Kailangan po ba yun? O sige po. Kuhain na lang namin. (Disappointed peys)

Parang 3 oras lang kami tumanga dun sa paghihintay, kailangan pala ng ID. Pambihira. Kaya hinanap na namin si family friend sa lumang DFA. Kumain muna kami at bumalik ng pasado ala una na. Pila na naman. After 2 hours, nakatulog na kami't lahat, di pala umuusad ang pila. Akala namin sinamantala na ng mga mahadera at swapang seatmates namin ang pagkakatulog namin. Di pala talaga dumadasog. Sorey seatmates. Bandang 4 na kami nagkatagpo ni Bisor. Pagkaupo namin dun, pipirma agad ang walang hiya. Di man lang tinignan kung andun na yung ID na hanap nya kanina. Anu yun? Aksaya effort? Kaya naman pinagduldulan namin ng turo yung xerox ng ID na hanap niya. Pipirma naman pala ng wala yun, hinanapan pa kami. Talent!

Bumilis ang proseso matapos kay Bisor. Siya lang naman talaga ang nagpatagal sa min. Kung pumirma na siya, di kami aabutin ng gabi. Nagbayad na kami tapos humingi ng number. Matagal na hintayan na naman. Parang 150 lang na tao hihintayin namin bago kami. Salamat na lang at madaming booth ang available para sa bagong e-passport. E-passport na nga ang bagong pasaporte nating mga pinoy. Si Glorya pa nagpasimula nun bago tumungtong si P-Noy. Nagiisip kami kung anu na kaya hitsura nung bagong teknolohiya na sinasabi ng sangkatauhan. Yung passport kaya eh parang ticket na lang sa LRT o MRT na medyo kumapal lang parang ATM na either i-swipe na lang sa machine o iinsert pasok ka na? Aba eh haytets na nga ang Pinas kung magkaganun. Nung nakatanaw na kami ng sample, eh nawala na yung iniimagine namin. Yun pa rin pala. Pero mas espesyal na. Bakit naging espesyal? Sa tulong ni Mr. Google natuklasan ko kung bakit? Eto oh.

Yan naman pala yun. Nung natawag nga kami, napagkamalan ko pang Poging Ate si Kuya. Kuya naman pala siya. Features niya lang talaga eh mukang tomboy at dagdag pa sa charisma nya na mukha siya gifted child na napagkalooban ng trabaho ng pangulo. Lahat otomatik na sa passport, pirma, pingerprint, at pati pagpicture. Nasayang lang tuloy yung dala naming picture na may asul na background, 70 din yun ah. Proyekto nga ni PGMA ang sistemang ito, though matagal ang proseso kahit na may letter ka pa galing sa family friend o magpaappointment sa internet, maganda din naman yung resulta. Kaya ang ex-president... isang proud lola. Ang ngiti oh:


Meanwhile, dahil sa matinding boredomnessment ng paghihintay, ang inyong abang lingkod ay nanguha ng ilang natatanging larawan. Inyong tunghayan.

Sabi ko sa inyo malamig di ba? Di na ata kinaya nila ate ang ginaw kaya naman humantong sila sa gantong eksena. nagkagalit pa at hindi nila nabitbit ang kumot na una pa nilang hinanda gabi pa lang bago pumunta. Alam?

Syempre, sa eksena ng hintayan, hindi pwedeng hindi magrerekalamo ang pinoy diyan. Opkors. Kaya nga naging pinoy eh, ginawa para magreklamo. Slight! Haha. Eto ay kuha ng isang matandang lalaki na labis na nagdamdam sa bagal ng sistema ng pagkuha ng pasaporte ngayon. Dapat daw ibalik na lang sa date. Nakatagpo siya ng bisig ng isang kakampi sa isa pang manong na naghihintay ng salita ni Bisor.


Sayang di ko napicturan, pero may eksena ng poot sa DFA. Haha. Yung guard kasi, pinapaalis lahat ng walang endorsement letter sa courtesy seat. May pinaalis siya na isang babae, maayos, magalang at kalmado niyang sinabing Ate, lumayas ka po. Please? 

Sikyo: Paupuin po natin ang mga may endorsement letter, lahat po nga wala pakibakante na po ang upuan.
Ate: Hindi mo ko alipin para paalisin. (tinamaan siya, kaya nagtaas kilay ng pagtataray)

Sa huli, napagtanto ko na buong araw naming inaayos ang aming pasaporte. Buti na lang at isang puntahan na lang ang nangyari kung hindi eh baka mas mahaba pa ang maikwento ko sa inyo. Matagumpay naman ang nangyari. Thank you Bro at meron na kaming e-passport.

Til here. Bye. Pak!