Monday, November 29, 2010

Best Wishes.

Sabi nga ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na 'pag napaso ay maga ang dila. Hindi ko sure kung tama, ang sigurado lang eh kinuha ko yan sa luma kong post para may pang-intro ako. Nasa simbahan ako kanina at hindi para sa aking burol. Hindi totoo ang chismis ng mother of six na si Greta na ako'y nakahimlay na at nakikihuli na ng manok ni San Pedro. Kinuha kasi akong abay (secondary sponsor) ng aking pinsan sa kabilang nayon ng Balite para sa kanyang kasal. Close na close kami ni Ate Cecilia (bride) kaya di ako nagtataka na nandoon ako sa invitation at naging utusan para magkabit at magtanggal ng cord. Sa sobrang close namin, nagulat ako kanina na siya pala si Ate Cecilia at ang nickname pala niya ay Che-che. Nakakagulat..


Hindi ito ang unang beses na kinuha ako sa isang okasyon ng mga taga-Balite. Ang first time ay ang pag-ninong ko sa isang batang calbo na anak din ng isa ko pang pinsan. Naikwento ko na yun dito sa blog ko noon mula sa personal nilang pag-invite sa akin dito sa bahay at ang pagiging close din namin dalawa. Try mo basahin kasi walang nagbasa ata nun dati at umani siya ng betlog na comment. O di ba? Peymous.


Si Zetlog lang ang kasama ko kanina at nasa Manela ang Sanse. Pagdating ng simbahan, hindi pa simula at kami pa lang ang tao na aattend ng kasal. Sa bandang unahan ay may nagpi-pre-baptismal seminar dahil may bibinyagan bago ang kasal. Natapos na ang binyag at may ilan na din na dumadating. After ng binyag eh may lumapit kay Father na nakabarong na akala ko eh magpapabinyag din. Trip niya lang mag-outfit at nagsuot siya ng barong. Nagsalita ang Padre at sinimulan ang pagkukumpil (confirmation) na akala ko ay binyag. Pagkatapos nun, lumapit ang nakabarong sa wedding organizer na itago na lang natin sa pangalang Ate Jocelyn (dating Kuya Jose). Laking gulat ko na siya pala ang ikakasal at ang groom ng pinsan ko. Sa sobrang kahandaan niya, nun palang siya nakumpilan right before his wedding. Orayt di ba? Inayos na kami ni Ate Jocelyn at nagsimula ang entourage. Nagsimula na ang kasal.


May lakad si Father at nagmamadali kung magkasal. Nahikab lang ako, nasa pagsusuot na ng singsing. Nung ipinapasok na ng groom ang kanya sa pinsan kong babae, bakas ang saya sa kanyang mukha [hindi ito porno]. Natapos ang kanilang repeat after me salita at naisuot na ang singsing ng nagsalita ang Pari: "Kiss mo.". Kabod namang nagsinguso ang dalawa at naghalikan. Nagulat ang Pari at kitang-kita ko ang pagpigil niya sa halikan. Excited kasi si Kuya. "Yung singsing, singsing pa lang ang hahalikan. Sabik ka eh" banat ng Pari. Sugapa sa halik dapat? Nagtawanan tuloy ng solid ang mga tao ng simbahan. Nambabara na din si Father. Natapos ang kasal at nagkainan sa reception.


May weird na naman akong naisip sa simbahan nung ako'y nakaupo at yun ay ang aking kasal sa future. Lahat ng tao ay nangangarap ng isang magandang kasal mapababae man o lalaki. We all have our own concept of a dream wedding.  Noong bata pa me, ang gusto ko lang na kasal ay katulad ng napanood ko sa Saksi ---- underwater wedding. Mahilig kasi ako sa sisiran ng mga malalalim na ganyan lalo na kung may makikita kang perlas. Ang cool pa ng kasal kasi pati si Father eh nasa ilalim at kumukumpas lang para magkaintindihan. Okay na sa akin ang ganung klaseng kasal dahil hindi naman ako choosy. Hindi na kailangan ng magagarbong damit at preparasyon dahil maganda na ang ilalim ng dagat para ayusan pa. Sinukuan ko lang ang pangarap ko na kasal na yun noong naisip ko kung paano ang mangyayari sa You may now kiss the bride portion? Nahirapan ako bigla huminga at naisip na ikamamatay pa pala namin ng future wifey ko ang ganung setting magkahalikan lang. Kaya lubayan!


Ngayon, kapag nag-iimagine ako ng aking kasal, ang naiisip ko na lang ay normal na church wedding free from sea-weeds at kalansahan. A simple but memorable wedding na lang ang gusto ko na may pambihirang paglakad sa aisle. Yes, dapat kakaiba ang pagpasok ko, ng buong entourage at ng bride ko papuntang altar ng simbahan. Sa natural ko na ding paglilikot at pagkilos na parang kiti-kiti, noong napanood ko ang video na to, bigla akong naimpluwensyahan na ganito na din ang gusto kong kasal. Panoorin niyo:





Matagal ng kumalat ang video na yan sa facebook at pati ako eh napapaindak sa kinauupuan ko nung pinapanood ko. Kahit ano na ang mangyari sa ibang detalye ng kasal ko, basta dapat ang simula eh ganto. Sana lang eh pwede ang gantong kasal sa simbahan at magpapatugtog sila ng "Forever" ni Chris Brown doon. For sure, magiging memorable yun sa akin, sa future wifey at sa magiging bisita namin non. O di ba? 19 pa lang ako ang landiiii ko na at kasalan agad ang naiisp. Eh bakit ba?


Ikaw, anung pangarap mo sa kasal mo? Wow, may interaction. Pak!

Sunday, November 21, 2010

Dearest Ama,

Kamusta na kayo diyan? Recession pa din ba sa US to the A? Oo na, ikaw na ang may driver's license sa ibang bansa. Ikaw na din may green card! Pambihira ka naman oo, bigla ko kayong naaalala kapag nagagawi ako sa channel 2 at palabas ang FPJ Cinemas. Fanatiko ka kasi nun eh at tandang tanda ko pa nung sinama niyo kami ni Zetlog sa movie date niyo ni Maderdear ng Pakners! starring FPJ and Efren "Bata" Reyes. A family that watches FPJ film together stays forever. Namimiss na namin kayo ni Nanay. Arte much?


Look-alike ko daw siya. :|
Apat na taon na tayong hindi nagkikita, mukha na akong artistahin ngayon kaya pasensya ka na kung hindi ko na mapagbibigyan ang hiling mo na i-claim ko na magkamukha tayo. Maliligo ka na kasi araw-araw para makahabol ka sa akin ng konti. Konting ihip ng hangin lang kasi eh urong-betlog ka na at takot na agad sa tubig. Ihipan mo sa gabi, nakatalukbong ka na agad. Wag ganun, pano na lang ang iniingatan mong macho-gwapito image. Namimiss ka na din pala ng mga katong-its mo at kainuman. Wala na kasing gumigiling sa saliw ng musika ng Touch-by-touch kapag kinakanta dito sa baryo. Di na ako nagtataka kung bakit makislot din akong tulad mo.


Naalala mo ba nung birthday ng kaklase ko nung grade 3 me Paderdear? Nagpaalam akong pupunta ng bukid nun para makikain ng sopas at spaghetti at pumayag ka, May bilin ka lang na wag kami sa pilapil dadaan kasi araw ng mga ahas nun at sumagot ako ng may ngiting oo. Sa sobrang sarap ng sopas, nakalimot ang Yow at ng magkaayaan sa bukid eh sumama ako agad. Di naman pala totoo ang araw ng mga ahas. Panakot mo lang yun. Isang lasing na Tasyo naman kasi ang humabol sa amin sa pilapil at hindi ahas. Hanggang ngayon naguguluhan ako, siya ba yung ahas na sinasabi mo? May isyu ka kay Tasyo paderdear? Pambihira! Di ko makakalimutan ang tagpo na yun dahil sa kakamadali ng takbo sa pilapil dahil sa paghabol ni Tasyong ahas, nadulas ako ng solid sa putik at ginawang kamang malambot ang palayan. Parang ang tanga ko lang? Nakatakas kami nun kay Tasyo pero nakauwi akong nakataong-putik festival costume.


Ano? Naalala mo na ba? Eto pa kadugtong. Pagdating ko sa bahay, madilim na at laking tuwa ko na parang silhouette ni Lola ang natatanaw ko sa malayo sa ating terrace. Yes, nakaligtas sa pagalit mo. Paglapit ko sa pintuan, nalinawan na ako na ikaw pala yun at handang sumalubong sa akin. Kung makayuko ka naman kasi, daig mo pa may osteoporosis sa malayo. Nagulat ka sa itsura kong putikan at nagalit dahil halatang nagpunta kami sa pilapil. Hindi mo na ako pinagpaliwanag that time at inassess kung may kagat ako ng ahas o senyales ng pagkalason. Kabod mo na lang ako hinila papuntang kusina at initsa kay Nanay. Naks.. Answeet. :) Kill Bill na ang mga sumunod na eksena. Yung totoo? Nagalit ka ba o nagpoot sa pagtawid ko sa pilapil? Di ko sure kung galit ka that time dahil binabato mo na ako noon ng bote ng suka, toyo, paminta at bawang. Naputikan ako, hindi ako adobo! Nung naubusan ng ibabato, binuhat mo na yung electric fan at nagbantang ipangbabambo sa akin. May galit Kuyang? May galit? Bute napigilan ka ni Nanay, pinakalma ka at pinalayas sa kusina. Ang nanay naman nung wala ka na, sinikmuraan ako na parang suntok na walang bukas. Matapos ang buwis-buhay na stunts, tsaka niyo ako pinaligo. Nung nakita ako nagmumukmok, sinuhulan niyo ako nun ng singkwenta at pinabili ng halo-halo at flying saucer. Nakakatouch... I suggest, tigilan na ang panonood ng FPJ ha? Masyado na kayong nagiging action star. 


Di niyo man lang nakilala si Bebe, Ama. Naging kami at naghiwalay ng wala kayo. Isang fiesta dito sa atin dati, for the first time may pinakilala ako sa inyo noon. Pagkapakilala, nagwalk-out ka at pumasok sa loob ng bahay. Akala ko nagalit ka at nadisappoint, nun pala nanghaltak ka na naman ng taong kumakain at pinaharap sa amin. Ipinapakasal mo na kami sa bisita nating pari. Pwede naman Paderdear eh pero... atat dapat? Atat? Di ko tuloy maipagsabi na strict ang payrents ko. Isa ka pa kasing ipinangbubugaw ako ultimo sa tindera ng grocery ni Robot.


Namimiss ko na talaga kayo. Magpapasko na naman na wala kayo dito. Dinadasalan pa lang ang pagkain nung huling Pasko mo dito, nakanguya ka na agad at namamapak ng lechon. Nawalan pa ng bulaklak ang roses natin na tanim kasi napitas mo na pala agad at binigay mo kay Nanay nung Merry Christmas na. Kunwari sweet? Pfft. Kapayat mo, wala kang glucose sa katawan no. Basta pagipunan mo na ang paguwi mo dito at gagraduate na ako. Salamat sa tulong niyo ni Nanay sa akin. Ibabalik ko yun pag ako nagkatrabaho. Yung diploma ko? Yun na lang ang regalo ko sayo ha? Happy Birthday Ama. Yow loves you. :)


_________________________________________________________________________________________
Yung totoo? Madrama dapat ang post? Nakadraft na to kasi dati para sa bday ng tatay ko last November 1. (*Nakakabilib ka kapag umabot ka dito.*) Nakita ko na lang na hindi ko pala naishare. Kaya ngayon na lang. Parang nalate lang ng bahagya ang bati. Sorry naman. :) 

Sunday, November 14, 2010

Multi-awarded.

Usong uso ang mga blog awards ngayon na kinakalat at ipinapasa ng mga blogger. Ipasa mo ang award mo ang tema nito at parang yung nausong chain message noon sa text. Ang kinaiba lang, hindi kasama sa rule na kapag hindi mo pinasa ay mamamatay ang mahal mo sa buhay o kapag pinasa mo naman ay mahahalikan ka ngayong gabi. Meron din namang solid na award akong nabasa na hindi pwedeng ipasa sa iba via blutooth o kaya e text message kahit unli ka pa. Mahitik ang bigayan ng award ngayon sa blogosphere as a sign of appreciation ng award giving bodies (bloggers) sa mga tingin nila eh magilas na (kapwa) blogger. Minsan na din akong kunwaring na-appreciate at mapalad na napansin ng isang sikat na Jepoy kahit na ikinasira ng career niya ang pagbilang sa akin sa prestigious award shit niya. That's what you get biatch! Pero I am grateful pa rin sa malupit na acknowledgement na naibigay sa akin. Maraming salamat din sa award from Ate Leah at Kiko sa pagtanggap ng suhol at ibilang ako sa kanilang listahan ng peborits. :) Naipadala ko na ang bigas at mga kakanin sa address na binigay niyo. Thank you pf0eh! :)


Bukod sa mga nabanggit, madaming award na rin ang tinanggap ko dala ng aking sipag at tiyaga. Tulad na lang nung elementary pa me, nakuha ko ang 'Most Industrious' ribbon na kulay neon green dahil sa sipag ko sa pagtitinda ng barbecue, spaghetti, palabok, at mga pastilyas na paninda ni Ma'am. Wala rin kasing nakapantay nun sa aking gilas sa paglilinis ng banyo pati na rin sa voluntary na pagtitinda ko sa school canteen. At ako na nga ang nagwagi, ang sipag sipag ko. :) Akala ko estudyante ako, helper pala pinasok ko. Nakakahiya naman sa tuition fee.


Recently, nakatanggap ako ng mga bagong awards bukod sa mga nabanggit ko na sa first paragraph. Hindi naman sa pagmamalaki pero I think, well-deserved naman ni Yow ang mga natanggap na awards. Ako na! Oo, ako na nga! At eto na sila:

  1. BEST in HIATUS award - Hindi na ako nagtaka nung natanggap ko ang award na ito. Ako lang naman ang blogger na biglaang nawawala ng one to two weeks ng walang abiso sa 5 kaibigang nagbabasa ng blog ko (shet! i'm so pemous). Eh bakit ba kasi? Nanay? Magulang? Nagpapaalam dapat? Malapit lapit na mag-isang taon ang Its YOW time and I am proud to say na 3/4 ng buong taon na yun eh hindi ko inupdate ang blog ko. Busy busyhan din kasi at hindi maisingit sa schedule. Dinadaig ko ang OFW kung makapaghiatus at kung makaclaim na ako eh busy sa buhay. Pagbalik ko kanina eh nasabit sa good-looking face ko ang mga sapot dito sa bahay ko. Like there's so many sapot and agiw like euw then its so dirty na telega! Sorry naman. Thank you for this award. :)
  2. LIBOGLESS award - For the second time, hindi ako nabigla nung natanggap ko ang award na to. Wholesome ang blog ko tapos mabuting tao at malinis ang puso ng Yow na may-ari kaya walang naiisip na kamunduhan na literal. Nung nagets ko kung para san ang award, lalo ako natuwa dahil akong ako nga. Ako na! Para pala ito sa mga blogger na walang mai-blog dahil nawawala ang libog sa pagbablog. Ang sarap at ang saya magblog pero dumadating talaga sa point na bloggers fall out of libogness sa pagbablog. Sa katulad ko pang responsableng estudyante, (FINE!) medyo responsableng estudyante na madaming ginagawa at madaming iniisip, di ko na maisingit ang pag-iisip ng salitang itatype para mabasa ng limang tao. Sumasabay pa ang shitty problems na meron ang mga taong nadadarang at natutukso din eh wala na, nadepress na ako. Lalong nawala ang libog. Ang hirap pa naman magsulat ng may nararamdaman dahil nagrereflect sa sinusulat mo kahit ang saya ng sinasabi mo. "Nadapa si Juan at nangudngod sa ta* ng kalabaw na may bubog in it. Ahuhuhuhu." Nagrereflect nga di ba? Sorry naman. Pero THINKSYOWBEYRIMATS sa award. :)
  3. MAKA-JUAN award - Nagulat ako nung natanggap ko to, I was like WHAAAT?! Arte? Oo, kasi naman hindi ako makabayan, hindi nangingibabaw ang nationalism sa aking puso at isipan, at isa akong unregistered voter (sa lahat ng uri ng election :] rakenrol). Nung maliwanagan tungkol sa parangal, natuwa naman ako napansin ang katangi-tanging talent kong pagiging tamad. Naubusan kasi ako ng maintenance para sa sakit kong Katamaranism Syndrome. Per hour ang atake at fatal na nga ata ito kaya lagi na akong tinatamad. Sobrang hirap labanan ng katamaran lalo na sa katawang may kapaguran daba? Lagi akong pagod therefore lagi akong tinatamad mag-isip. Tapos depressed ka pa, tapos tigang ka pa. E di wala ng pag-asa ang buhay ko. Sorry naman. :)
Sa nagbigay ng award, maraming salamat at nagkapost tuloy ako ng panibago. Alam kong masusing pinag-aralan kung sino ang karapat-dapat at talagang napili akong manalo fairly. Sa aking five readers, pasensya na kung bihira magpost. Wag na lang kayong magsasawa na bumalik balik. Makapagnilay-nilay nga sa magagandang site dito sa web para magbalik ang libog ko sa lahat ng bagay. Sabi nila madami daw nakakagana dito eh, kasi ako wala talaga alam tungkol sa mga pampagana at pampalibog (sa blog) na yan. AS IN WALA. Thank you ulit sa anonymous blogger na nagbigay ng award. Ayaw pa niya magpakilala pero bibigyan ko kayo ng clue. Sa kanyang pangalan ang huling tatlong letra na makikita niyo at the end of this post. Pak na pak na pak siya! Thank you... :)


Monday, November 1, 2010

Halloween Special

Halloween at kung anu anung katatakutan ang hit na hit na usapan ngayon sa blogosphere at sa FB. Usong-uso. Napapanahon. Kaya makikisawsaw ang Yow sa pagkukwento ng sarili kong experience para pampasaya ng Halloween. :)
Hindi ako naniniwala na may multo at kung meron man gusto kong makakita. Hindi ako matatakutin at solid na nakikipagsabayan ako pagdating sa mga scary shits. Pero may kwento ako na hindi ko rin naman pinapaniwalaang kagagawan nga ng kung sinong espiritu, gusto ko lang i-share.

One night, sa dirty kitchen dito sa bahay, pinapabuksan sa akin ng sissyng ex-buntis ang mga de-lata at pinaghihiwa ng cheese na gagamitin niya para sa kanyang fruit salad. Handa namin yun para sa death anniversary ng Kuya ko kinabukasan. Kinuha ko ang can-opener at sinimulang paikutan isa-isa ang fruit cocktail, condensed milk at nestle cream. Oo, dapat sabihin ang recipe! Sa saliw ng musikang "Apple Bottom jeans, Boots with a fur" na nagmumula sa aking cellphone, umiindak kong ginagawa ang inutos sa akin. Maya-maya pa, lumabas si Kuya Toto (asawa ng sissyng ex-buntis) para kumuha ng tubig at saglit na nakiindak sa akin. Hindi ko namalayan, wala na pala siya dahil giliw-na giliw ang Yow sa pagbubukas ng de-lata. 

Magsisimula na akong maghiwa ng cheese kaya pinatay ko na ang music. Naupo ako at tinaguyod ng mala-anghel kong tinig ang musika na aking kailangan. Nasuya din naman ako sa angelic voice ko kaya tumigil din ako agad. Nung tahimik na ang paligid, biglang may tumunog na bagay at sure ako na isa itong electric fan. Dinig na dinig ko ang tunog ng pagpihit para bumukas ang fan at ang unti unting pagbilis ng ikot ng elisi nito. Huminto ako para pakinggan kung saang nanggagaling yung tunog at natunton na mula ito sa Mini Sala namin sa harap ng dirty kitchen. May sofa dun at may maliit na fan pangtanggap sa mga dadating na bisita. Paboritong tambayan ni Kuya Toto ang pwesto na yun kaya naman napaisip ako na baka dumirecho siya dun pagkakuha ng inumin. Biglang may nagregister na naman na panibagong tunog sa tenga ko at boses yun ni Kuya Toto, nasa banyo pala siya at kumakanta habang naliligo. Dun ko narealized "Pambihira, sinong nagbukas ng electric fan dun sa Mini Sala?" Dahan dahan na akong tumayo at sinilip kung may tao sa sala. SUPRISA! Walang tao. Lumapit ako sa fan at wala talagang tao. Nakalock din naman yung pinto papasok dun kaya walang makakapasok. Pinatay ko yung fan at bumalik sa paghihiwa ng cheese. Hanggang ngayon napapaisip pa din ako kung sino talaga nagbukas ng maliit na electric fan. Nilinlang kaya ako ng sarili ko at bigla kong pinihit ang malayong fan o may participation si Kuya na magdedeath anniversary that time? Ang cute magparamdam ng kuya ko kung ganun, kinabog ang puting paru-paro na dating uso.

May ano ba talaga tuwing alas-tres ng madaling araw? Pakisagot naman Madlang Pipol. Ewan ko kung anung relevance ng time na yan pero naranasan ko nang magising ng sunod-sunod na araw sa ganyang oras. Hindi lang basta basta gising, twice ako nagsleep walk sa eksantong 3 AM. Yes, madlang pipol, sleep walker ang Yow nung kanyang kabataan. Way back to my high school days, nung panahong andito pa sila Mamang at Papang, nung time na ang normal na gising ko para pumasok sa eskwela ay 5:30 AM, naganap ang pangyayari.

First Time. Hindi ko alam kung anung oras ako natulog nun at hindi ko na rin matandaan kung anung year ako pero tanda ko pa na ihing ihi ako that time. Sa kalagitnaan nga ng masarap na tulog, nananaginip ako na ihing ihi na ako. Kaya sa aking panaginip, tumayo ako para pumunta ng banyo. Hindi ko alam nun na tumayo nga pala ako sa aking kinahihigaan at dahan dahan naglakad. Sa panaginip ko, tinahak ko ang daan papunta sa pinto ng banyo para umihi pero ayaw nitong mabuksan kahit anung pilit ko. Maya-maya pa, bigla na lang akong nagising sa malakas na sampal ng Nanay ko at bumalik sa ulirat. Ang tanong agad ng Mamang sa Yow: "Eh bakit ba pilit mong binubuksan yung bintana? Anu bang gagawin mo?" Pagtingin ko nga sa aking harapan mula sa pagkakalingon sa aking ina ay nakaharap ako sa bintana at nakahawak ang aking kamay sa bukasan. Sumagot ako na iihi at agad dumiretso sa banyo. Buti na lang hindi ko pa nailalabas ang etet ko nun kung hindi, naihi na ako sa kwarto, nakita pa ng Nanay ko. Pambihira! Pagdaan ko ng sala matapos umihi tumingin ako sa orasan at eksaktong 3 AM ang oras. Pak!

Second Time. Ang sleep walk ko nung pangalawang beses ay parang love, sweeter the second time around. Mas madaming nangyari at mas madami akong kilos nitong pangalawang pagkakataon na nagsleep walk ako. Pagkagising bago pumasok, kasama na sa nakasanayan kong routine ang pagkain ng umagahan habang nanonood ng Unang Hirit sa aming sala with extended legs sa sofa. At ganire na nga ang aking sleep walk, hindi ko alam kung ano nangyari pero naabutan ako ng aking Mamang na nanonood ng TV habang may plato sa lap at may hawak na kutsara't tinidor, todo subo ng pagkain galing sa walang laman na plato. O di ba? Talent yun. Bute na lang at sensitibo ang senses ng aking Nanay sa kahit mahinang tunog o kaluskos kaya nagising siya sa ugong ng TV na wala namang palabas. Hindi naman ako makakapunta sa sala ng hindi naglalakad kaya sa malamang eh sleepwalking ang nangyari. Kumuha pa talaga ako ng eating utensils at sinaksak ang TV para todo eksena. Pambihira! Once again, ginising ako ng Ina sa pamamagitan ng malakas na sampal. Bute na lang disoriented ako at hindi ko masyado naramdaman ang dalawang sampal na binigay na niya sa akin. Pagbalik ko sa reality, tinanong ng Nanay ko kung bakit ako kumakain at nanonood ng TV. Galit pa kong sumagot na "Gagayak na ako, malelate ako oh!!" Sabi sa akin ng Mamang, tignan ko nga daw ang oras kung dapat na gumayak at pagtingala sa orasan... CHARAN: 3 AM.

Anung meron sa alas tres ng madaling araw?

Napahaba na ata ang kwento ko pero hindi pwedeng hindi ko maikwento ang PINAKAKAHINDIK-HINDIK sa lahat. Ang kakabog sa umandar na electric fan at ang dudurog sa kwento ko ng sleepwalk. Nangyari ang kahindik-hindik na eksena tanghaling-tapat last week lang. Kukuha ako ng tubig at nakita ko ang lola ko na hinuhuli ang maliliit na bagong panganak na kuting (pusa). Nagulantang ang mundo ko sa sumunod na eksena. Karga ng Lola ang pusa na parang bata habang hawak ang isa nitong paa sabay turo ng "Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos Espiritu Santo. Amen." Nahiya naman daw ako sa pusa. Nag-basic catechism ang Lola ko at tinuruan ng sign of the cross.... ang pusa! Pak na pak! Nakakashock. Happy Halloween Everyone!