Sabi nga ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na 'pag napaso ay maga ang dila. Hindi ko sure kung tama, ang sigurado lang eh kinuha ko yan sa luma kong post para may pang-intro ako. Nasa simbahan ako kanina at hindi para sa aking burol. Hindi totoo ang chismis ng mother of six na si Greta na ako'y nakahimlay na at nakikihuli na ng manok ni San Pedro. Kinuha kasi akong abay (secondary sponsor) ng aking pinsan sa kabilang nayon ng Balite para sa kanyang kasal. Close na close kami ni Ate Cecilia (bride) kaya di ako nagtataka na nandoon ako sa invitation at naging utusan para magkabit at magtanggal ng cord. Sa sobrang close namin, nagulat ako kanina na siya pala si Ate Cecilia at ang nickname pala niya ay Che-che. Nakakagulat..
Hindi ito ang unang beses na kinuha ako sa isang okasyon ng mga taga-Balite. Ang first time ay ang pag-ninong ko sa isang batang calbo na anak din ng isa ko pang pinsan. Naikwento ko na yun dito sa blog ko noon mula sa personal nilang pag-invite sa akin dito sa bahay at ang pagiging close din namin dalawa. Try mo basahin kasi walang nagbasa ata nun dati at umani siya ng betlog na comment. O di ba? Peymous.
Si Zetlog lang ang kasama ko kanina at nasa Manela ang Sanse. Pagdating ng simbahan, hindi pa simula at kami pa lang ang tao na aattend ng kasal. Sa bandang unahan ay may nagpi-pre-baptismal seminar dahil may bibinyagan bago ang kasal. Natapos na ang binyag at may ilan na din na dumadating. After ng binyag eh may lumapit kay Father na nakabarong na akala ko eh magpapabinyag din. Trip niya lang mag-outfit at nagsuot siya ng barong. Nagsalita ang Padre at sinimulan ang pagkukumpil (confirmation) na akala ko ay binyag. Pagkatapos nun, lumapit ang nakabarong sa wedding organizer na itago na lang natin sa pangalang Ate Jocelyn (dating Kuya Jose). Laking gulat ko na siya pala ang ikakasal at ang groom ng pinsan ko. Sa sobrang kahandaan niya, nun palang siya nakumpilan right before his wedding. Orayt di ba? Inayos na kami ni Ate Jocelyn at nagsimula ang entourage. Nagsimula na ang kasal.
May lakad si Father at nagmamadali kung magkasal. Nahikab lang ako, nasa pagsusuot na ng singsing. Nung ipinapasok na ng groom ang kanya sa pinsan kong babae, bakas ang saya sa kanyang mukha [hindi ito porno]. Natapos ang kanilang repeat after me salita at naisuot na ang singsing ng nagsalita ang Pari: "Kiss mo.". Kabod namang nagsinguso ang dalawa at naghalikan. Nagulat ang Pari at kitang-kita ko ang pagpigil niya sa halikan. Excited kasi si Kuya. "Yung singsing, singsing pa lang ang hahalikan. Sabik ka eh" banat ng Pari. Sugapa sa halik dapat? Nagtawanan tuloy ng solid ang mga tao ng simbahan. Nambabara na din si Father. Natapos ang kasal at nagkainan sa reception.
May weird na naman akong naisip sa simbahan nung ako'y nakaupo at yun ay ang aking kasal sa future. Lahat ng tao ay nangangarap ng isang magandang kasal mapababae man o lalaki. We all have our own concept of a dream wedding. Noong bata pa me, ang gusto ko lang na kasal ay katulad ng napanood ko sa Saksi ---- underwater wedding. Mahilig kasi ako sa sisiran ng mga malalalim na ganyan lalo na kung may makikita kang perlas. Ang cool pa ng kasal kasi pati si Father eh nasa ilalim at kumukumpas lang para magkaintindihan. Okay na sa akin ang ganung klaseng kasal dahil hindi naman ako choosy. Hindi na kailangan ng magagarbong damit at preparasyon dahil maganda na ang ilalim ng dagat para ayusan pa. Sinukuan ko lang ang pangarap ko na kasal na yun noong naisip ko kung paano ang mangyayari sa You may now kiss the bride portion? Nahirapan ako bigla huminga at naisip na ikamamatay pa pala namin ng future wifey ko ang ganung setting magkahalikan lang. Kaya lubayan!
Ngayon, kapag nag-iimagine ako ng aking kasal, ang naiisip ko na lang ay normal na church wedding free from sea-weeds at kalansahan. A simple but memorable wedding na lang ang gusto ko na may pambihirang paglakad sa aisle. Yes, dapat kakaiba ang pagpasok ko, ng buong entourage at ng bride ko papuntang altar ng simbahan. Sa natural ko na ding paglilikot at pagkilos na parang kiti-kiti, noong napanood ko ang video na to, bigla akong naimpluwensyahan na ganito na din ang gusto kong kasal. Panoorin niyo:
Matagal ng kumalat ang video na yan sa facebook at pati ako eh napapaindak sa kinauupuan ko nung pinapanood ko. Kahit ano na ang mangyari sa ibang detalye ng kasal ko, basta dapat ang simula eh ganto. Sana lang eh pwede ang gantong kasal sa simbahan at magpapatugtog sila ng "Forever" ni Chris Brown doon. For sure, magiging memorable yun sa akin, sa future wifey at sa magiging bisita namin non. O di ba? 19 pa lang ako ang landiiii ko na at kasalan agad ang naiisp. Eh bakit ba?
Ikaw, anung pangarap mo sa kasal mo? Wow, may interaction. Pak!
la na akong pangarap kasi kasal na ako hehehe
ReplyDeleteTama nga naman si chinggoy! lol... ako? secret! para pwera usog...lol
ReplyDeleteAba!!!Gusto na mag-asawa?!Ganyan din yung ksal sa Glee...Para kakaiba ang kasal mo,pumasok ka ng simbahan ng nakakabaong!Tapos sa wedding vow "binuhay ako ng pagmmhal mo" taena sa pgkacheesy!at memorable na tunay!!!
ReplyDeleteako pngrap kong wedding yung may mapapakasalan akong TAO at dapat lalaking tunay...hahahaha!!!
hang dream wedding ko is yung nasa space ship!
ReplyDeletehuwaw hanggaling ng wedding (turo sa itaas na video)
best wishes yow ikakasal ka na.. next week. lol
ang simple ng pangarap mong kasal dati ha..walang hassle yun..wala talaga!
ReplyDeleteako pangarap ko ikasal ng naka tshirt lang, lahat pati mga abay at bisita..parang magmmall lang!
pero okay na ko, mas pinapangarap ko para kay ungas ung sinabi nya sa taas!!!!!!!!demet!!!!!!!
wala pa sa isip ko ang kasal kasal , bata pa ako. mag eenjoy muna. hehe
ReplyDeletedi sakin mahalaga kung gaano kasimple o kagrande ang kasal. basta gagawin yun sa taong pinakamamahal mo. sapat na yun.
ReplyDeleteweee... kung sa susunod na ikasal ako.. di naman sana mukhang dun sa video pero matagal pa yun pag yumaman na ako.. wahehehe
ReplyDeletePutah ka, ang aga aga mo mag-imagine ng kasal inunahan mo pa ako. At interactive na talaga dapat ang It's Yow Time (may branding talaga).
ReplyDeleteAng sagot ko eh ang wedding ko eh traditional pero ang music eh ako lahat ang pipili. Kung may sasalungat sa akin, kahit yung bride, hindi matutuloy ang kasal. Ang wedding march ko ay Sexy Back.
Ay wait, pang-honeymoon pala yun.
@Chinggoy: Siya nga naman. Haha. Sorry naman ho.
ReplyDelete@Xprosaic: Fine! Wala akong usog. Haha. Nuno? Pambihira!
@Ungaz: Haha. Yung mga ideas mo talaga? Patayan effect. Haha. Nagustuhan ko siya ah, pero parang mas bagay sayo? Pangarap ko din yan para sayo. Kasalukuyan ko na ngang pinagdadasal. Haha.
@Tong: Eh di sige. Magpalutang lutang kayo sa outer space. Haha. Ako eh walang pag-ibig. Magpapakasal ako sa sarili? Fvck it. Haha.
ReplyDelete@Greta: Suportado ko din si Ungaz dun. Haha. Amen. Para kuntodo outfit. Ang maganda eh naka-beach walk pa. Para may spirit ng beach wedding. Haha.
@Kikilabotz: Mas bata ako. Haha. Naisip ko lang yan dahil malandi ang isip ko. Sorry naman.
@Gillboard: Sorry naman. Haha. Di naman masamang mangarap eh. Kabod kasi pumasok sa isip ko. Pero totoo yung sinabi mo. Yun naman talaga an mahalaga. :)
ReplyDelete@Kikomaxx: Anu daw? Sa susunod na ikasal ka? Married ka na pala? Haha. Congratulations. :)
@Glentot: Haha. Natawa ako dun. Sorry naman kasi. Kabod nga pumapasok sa isip ko. Haha. E di mag-isip ka na din kasi. Parang gusto ko din yung sexy back. Haha. Ang halaga pala ng sexy back sayo ultimo mapapangasawa mo eh walang sinabi. Haha.
anong kapornohan to. loljke.
ReplyDeletebasta kapag ikakasal ka na, balitaan mo ako. bibigyan kita ng tongkat ali.
pirate theme ang dream wed ko. :D
ReplyDeletelahat ng imbitado sasakay dapat ng pirate ship.
@Balentong: Haha. Pambihira! Napakaconservative kaya nito. Haha. Alam ko kung para saan yon. Like! Sige sige. Haha.
ReplyDelete@Khanto: Maganda yun. Haha. One piece inspired. Magastos nga lang. At goodluck sa pagdadala ng pirate ship sa simbahan. Haha.
Dream wedding ko? Yung magpakasal sa super love ko...to someone who loves me thrice as much...tapos garden wedding...just like the first wedding ng humankind.
ReplyDeletenice post! landiiiii! bata ka pa..aral muna... (lola?)
God bless Yow!
@Yna: Nice post? Hmm. Nagskip read. Haha. Joke lang. Binasa mo naman yung tanong sa dulo. Haha. Naks.. Lahat naman tayo ang papakasalan lang eh yung elabs natin. Cute din ang kasal sa garden. Tsaka kayo magdamo. O di ba? Nakalinis ka pa. Haha. Di pa apo. Pangarap lang yan. Salamat. :)
ReplyDeleteWala pa akong planong magpasakal este pakasal pero naalala ko dahil sa video mo ang gusto ng kapatid ko nung ikakasal pa lang sya (kaso di nya nagawa kasi baka bawal) Gusto nyang ring bearer si Jollibee. Ang kulit siguro nun!
ReplyDeletesample, sample! hahaha.. gusto ko na rin sana magpakasal noon, kaso biglang nagbago ang pananaw ko sa buhay ng makita ko si Piolo sa personal, kinilig ako! Hahaha, joke!
ReplyDeleteBest wishes kay Ate Cecilia mo. Gusto ko ng beach wedding.
ReplyDelete@Klet Makulet: Haha. Eh rakenrol naman pala gusto ng kapatid mo eh. Haha. Dinaig ang pangarap ko, gusto may mascot. Haha. Cooooool...
ReplyDelete@iProvoked: Haha. Pambihira! Si piolo pa pala sumira sa kasalan. Eh sundan sa isla ng Noah yan. Haha. Baka unggoy na siya ngayon.
@Salbe: Salamat.. Maganda din yun. Tapos ang isasaboy sa newly wed eh buhangin pagkatpos ng kasal. Ang ganda.. Bulagan! Haha.
best wishes ikakasal na siya.. lol
ReplyDeletepero ang cute ng video, napasayaw ako bigla haha
kala ko ikaw ang papakasal.hahaha.fave ka nilang kunin kasi gusto nila ng magndang tanawin sa entourage. lol
ReplyDelete@YKMN: Pinaikli ang pangalan mo di ba? Haha. Ako din napapaindak. Kaya pangarap ko talaga yan. Haha. Sana lang matupad. :)
ReplyDelete@Pusang-kalye: Haha. Naman! Nung pag-abay ko nga ako lang hindi masyadong makutim. Nahiya ang uling sa mga kasama ko. Haha. Sorry naman. Nakapanglait tuloy. Huhu.