Tuesday, June 29, 2010

As One

Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na 'pag napaso ay maga ang dila. Tama ba? Basta yun na yun. Yan ang pangaral ng mga oldies but goodies nating mga magulang, lolo, lola, tsong, tsang at mga long, white-haired rockstar na mga ermitanyo sa mga liblib na lugar tungkol sa pag-aasawa. Itama nyo na lang dahil bagong milenyo peop na ako kaya may sarili akong version. Ang bata ko pa para pag-usapan ang kasalan pero itira na to.

Maraming kinakasal ngayong mga panahon natin ng di inaasahan. At ang primary reason ng agaran, kabudan at nagkukumahog na pagpapakasal ay kadalasang di sinasadyang pagbubuntis lalu na sa kabataan. Mapupusok kasi ang mga bagets ngayon, nakita na ngang mainit yung bagay na yun, uusisain pa rin at makikipainit na rin. Kaya poof! it became coco crunch. At mauuwi na sa kasalan.

Ganyan ang istorya ng isa kong college bessy. May boyfriend. Nag-Baguio. Nalasing. Nacurious. Nagexplore. Poof! Coco Crunch. Ganun lang kabilis ang pangyayari. Ang Best Girlie may dala ng Best Baby e di happy. Medyo napatunayan ko lalo ang teorya ko dahil sa nangyari kay Best. Ang BAGUIO ay sizzling sisig point sa mga magsosyota. Haha. Madami na akong kilala na nagpunta lang ng Baguio, nilamig at nagpainit. Pook-honeymoon kasi yun di ba? Kaya kung hirap magkaanak, 'wag kay Sta. Clara ang punta, umakyat at sumamba kay San Baguio. Panigurado, lolobo ang tiyan mo. Kaya bebe, tara sa tagaytay? Pangit kaya sa Baguio. :)

Nung nakaraang linggo nga, ayy, di pala, nung nakaraang nakaraang linggo nga (halatang late post), nagpakasal na ang aming Best Conian. Syempre, imbayted kami, sakit sa kili-kili naman kung di kami naimbitahan di ba? Ayun. Sumugod ang lupon ng Best dun para makidiwang sa pagtatali sa aming kaibigan. Huli Ka! Natali ka na, kahigpit pa. Haha. Ang nakadali nakapagpaibig kay Best Conian ay si Jr na utudan ng haba ng pangalan. Kaya si Ms. Esmino naging Mrs. Ignacio na nga. Whoa! May friend na akong misis. Presenting mga Yowsters, Mr. and Mrs. Jr Ignacio. Congrasholeshon. Yo won wan melyon kas.

Taas noo ang lupon ng Best na pumunta dun bitbit ang regalo naming pangkabuhayan showcase. Dala rin naman ang kanya kanyang ticket at food stub para sa pagkain. Students Night? Haha. Suot ang magagarang damit (oo, magara na yan) makapal na mukha kami sumuong sa bahay ni Best Conian para makikain. Civil wedding lang kaya sa bahay lang ang ceremony. Sakto naman pagdating namin, nagsimula na... nagsimula na ang kainan. Sakto! Buong celebration, magkalayo ang newly wed, si Jr nasa piling ng kanyang mga katropa, si Best Conian naman nasa piling namin. Dun mo makikita ang pundasyon na kaligayahan ng kanilang pagsasama. Ramdam ko din ang expressive na si Jr at ang walang masidlang kaligayahan niya lalo na sa larawang ito. Panalo!


Masaya ang buong Best para sa aming kaibigan. Nakikita naman namin na masaya sya kaya happy na din kami. Ikaw ba naman magyellow di ka maging masaya di ba? Madami pinagdaanan ang Best Conian bago nakapagsuot ng yellow at nagself-proclaim na Happy and Contented. Thank you Bro at naayos na ang gusot at misunderstanding sa buhay niya. Dahil masaya ka Best, masaya din ang Bests para sayo. Congratulations and Best wishes. Humayo kayo at magpakarami. Ingatan mo Jr ang aming kaibigan. We love you Best. God Bless

Di biro ang pinasok ni Best Conian gaya ng di birong pagpapapasok niya kay Jr noon sa Baguio, naniniwala na talaga ako na mahirap mag-asawa. Mahirap magkaanak. Mahirap magkapamilya. Kaya yowsters, eka nga ni Binoy, ingat, magtrust ka muna! Ok?

Sa kabilang banda, ipagdasal naman natin si Best Gretta... siya ang susunod na alay. Haha.
(Find the difference. Tukuyin kung sino ang buntis)

Eto pa. Palong palo! eka nga. Dahil jan, kayo na ang susunod na dadaluhan.
(Hanapin ang secret message.)


Moments. Bests. Hinihintay ka na namin Best Sieg Seig Sij Baby Boy. (Dapat mahirap talaga iispell at bigkasin? Required na ganun Best?) O basta, maligaya na lang kami para sayo. Smile. :-)


Sa susunod, binyagan naman. Bye! Pak!


Teka pala. Bakit ba pinag-isang dibdib ang tawag? Anu to? Conjoined twins na si Best at Jr. Magkadugtong ng chest? Wondering...

Saturday, June 26, 2010

Jeepney Joyride II

May something talaga sa akin ang mga jeep kaya patuloy kong naikukwento dito sablog ko. Meron talaga eh. Alam mo yung lukso ng dugo? Dun ko na lang naisip na baka may lahi ako ng jeep. Ewan lang din. O well, dahil mabenta ang jeep sa akin, may part two ang adventure ni Yow sa kakatwang sasakyan.

Medyo mahitik ang mga eksena sa jeep na ikukwento ko. Maaksyon. Lapitin talaga ako ng mga aksyon. Para akong may quantum necklace na humihigop ng mga fight scenes papunta sa aking tabi. E kung iisipin eh kabait ko naman? (blog ko to, sorry na lang). Eto na nga...

Joyride no. 1
SETTING: Sakayan ng jeep sa mall.
SCENE: May babaeng nagtanong sa babae din na nakaupo sa left seat tabi ng pinto ng jeep. Nasan ako? Tapat lang nun.

Ate 1: Excuse me Miss, papunta ba 'tong palengke? (Magalang, taimtim, kalmado)
Ate 2: Bakit? Mukha ba akong kundoktor? Hindi mo ba mabasa sa harap na PALENGKE nakasulat? Pu*y*ta. (may panlilisik ng mata)
Yow: (umepal) Opo. Palengke po.

Masama na kaya magtanung kung saan patungo ang jeep ngayon? Maayos naman nagtanung si Ate 1. Paano nga mababasa yung nakasulat eh patalikod yung jeep? Si Ate 21 may attitude. Bakit kaya? Natate siguro siya that time o di kaya eh pumutok yung pimple na may nana. Pambihira. MILD.

Joyride no. 2
SETTING: Sa loob ng jeep, umaandar. Mabilis na umaandar. Walang kundoktor.
SCENE: Tahimik ang lahat sa pakikinig ng tugtog sa loob ng Jeep. Malakas. Party song. Ako? Umiindak ng nakaupo.

Girl: (malayo pa lang) Manong, sa kanto lang po.

Mabilis ang takbo ng jeep.
Di narinig.

Girl: Para po. Para! Para na diyan sa tabi. Para po.

Di humihinto ang jeep.

Girl: Para pooooo!
In chorus: (lahat ng sakay) Tabi na daw po. Tabi na daw. Para na. (huminto, finally)
Girl: Parang tatlong kanto lang yung nalagpas. Nag-jeep pa ako?! (pasigaw na bumababa)
Driver: *ngisi. :) (nang-inis pa pala eh)

Joyride no. 3
SETTING: On the road.
SCENE: Muntik na mabangga ang isang trike. Si Yow ay isang hamak na pasahero lamang,

Bumaba ang driver para sitahin ang lalaki sa trike. Paano niya sinita? Simple lang, binatukan niya ito at sinabihan ng gago. Papayag ba naman yung isa? Siya ring tulak nito sa driver namin. Kumprontasyon. Away. Gulo. Natense na ang mga estudyante (tulad ko) at nagtatrabaho (hindi tulad ko) na mahuhuli na sa oras ng kanilang pasok dahil sa away alas otso ng umaga, araw pa ni San Juan. Bumalik si Manong driver sa jeep at may kinuha. Peaceful siya kaya kumuha siya ng liyabe (ata) o isang malaki, mabigat na tubo at inambang ipanghahampas sa driver ng trike. E di umeksena sila sa daan. Tumakbo yung trike driver at nung makakita ng napakahabang kahoy, napaka, kinuha ito at pumorma parang may hawak na laser sword na ipangtitira sa baseball. Porma! Nagsisigaw na ang mga matatanda sa loob ng jeep na baba na daw kami lahat at magpasensya na lang daw yung driver namin. Chill lang ako nun at may nakapasak na gamit pamatay-malisya sa tenga ko --- earphone. E nung maaksyon na talaga, nakinood na din ako sa eksena, eepal sana ako ng gamutan dun kung sakaling may duguan. At kung di maagapan, sakto naman na nasa tapat ng sementeryo naganap ang pangyayari. 

San nga ba nauwi ang laban? E di flopped. Sayang yung binayad ko. Dumating yung asawa nung trike driver, taga dun pala. Kalakas ng loob ni Jeep driver sumugod sa di niya kabisera. Sayang! Haha. Pero nung papalayo kami, may pabaon na mura, paninirang-puri at makawarak-dignidad na mensahe ang trike driver sa aming driver. Ayaw paawat! Ako na sana bababa eh... para kumustahin siya eh. Kung di lang ako nagmamadali.

Yan ang mga eksena na pampelikula. Kung makapagtaray talaga ang tao, daig ang artista. Wala nga namang tao ang magpapa-agrabyado. Kaya kahit di naman alam kung tama o mali itinitira na aksyon eh, sugod pa din. Isa lamang paalala mula kay Yow:

Kapag pinairal ang init ng ulo, mauuwi sa basag ulo. Kaya chill lang at magpasak ng tugtog sa tenga.

Di ba? Pak! Bye.

Wednesday, June 23, 2010

'Til next time...

Kanina na nga ang flight ng Ate ko kasama ang dalawang anak niya pabalik ng Yues. Medyo emosyonal ang dearest Ate ko at nung tumawag sa kin eh Sharon Cuneta na naman ang eksena para lang sa pagbibitaw ng salitang "Mamimiss ko kayo!". Nakakamiss naman talaga kasi sila. Kahit na almost a month lang kami nagkasama-sama, bonding to da max naman ang tinira. Kaya kung todo ngiwi na si Ate sa kakatawa sa amin, sige pa rin. Kailangang pasiyahin ang Ate at pumoproseso siya ng malupit na pag-let go at pag-move on. Napakabait ni Ate, nagmana ako sa kanya ng kabaitan. O sige, para walang kumontra, yung gagaurit kong kabaitan. Yung kaonti.  Namana ko sa kanya. Happy now? :|


Ngayon lang siya umuwi after 5 years, yung huling uwi niya, kalungkutan pa ang eksena na naubutan niya. Kaya dapat this time masaya yung stay niya. Mamimiss ko siya ng sobra. Mamimiss ko din ang mga makablood-donation kong pakikipagusap sa mga anak niyang inglisero. Naalala ko pa nung sinundo namin sila sa NAIA, ako nakaabang nun sa barikadang bakal ng waiting area dun sa airport. Wala akong hawak na kung anung plaka na nagsasabing Ate, nandito kami, ang pamilya mo! Gamit ko lang ang kagaslawan ko, tumuntong ako sa bakal at nagkakaway nung makita sila. OA yun. Mukhang gagawin ko, pero dumisente naman ako that time. Nakagreen kasi eh. Kung nagpula sana ako, baka sakali, para mas eksena.


Lumapit na kami sa kanila pagkakita. Akapan. Halikan. Tawanan. Kumustahan. Buhatan. Tinapayan. Suntukan. Yan ang mga nangyari. Syempre, play safe muna ako at kay Ate muna ang focus. Para na rin sa sarili ko yun. Ngunit wala din ako nagawa at napadako pa rin ako sa pakikipagusap sa aking mga neffew. 


Yow: Hi! [Sabay ngiti ng kay sarap at kay linamnam]
Neffew 1: Hi.. :)
Neffew 2: Hello.. :D


Natapos ang usapan. Namagitan ang katahimikan sa aming paligid at sa buong buhay ko, natuto akong manahimik. Sa aking pagtahimik, tuloy pa din ang pagbulwak ng dugo palabas ng aking perfect nose. Dahil lang sa malupit na ---- Hi!. Di rin naman nagtagal, nakipagsabayan na ako sa pagenglish sa kanila. Tuloy tuloy na salita na yun kaakibat pa ng malupfit na Pinoy accent. Pak na! Dahil nga tumodo na ako sa pagtagisan ng ingles, naging constant na sa dila ko ang ganung lenggwahe. Kaya naman laking gulat ko nung naglalakad kami sa Greenhills, naguusap kami ng neffew 1 ko. Bigay-todo ako sa pagexplain ng thingy, todo lakas pa boses ko ng bigla kong napansin na nakatingin na sa kin lahat ng tao. Lahat ng dinaanan namin. Hindi ko alam kung ano ba napansin nila, yung kagwapuhan ko o pagkabarok ng accent ko? Hindi naman pala Kano, kung makapgenglish akala mo walang bukas ---- naisip ko na lang sa sarili ko.


Masarap kasama si Ate. Gaganahan kang magbantay ng bata, aliwin sila kasi may pakimkim agad na iaabot sayo para ika'y maging inspirado. Haha. Di tulad ng iba na nakasimangot pa at nakapalumbaba nung binilan yung kapatid ng cellphone. Wag ganun, di ba Ditse? Haha. Nasulit pa ang bakasyon dahil sa pag-uwi ni Ate. Kahit na naging nognognognognog na ako sa kakadaeb sa bits, atleast dumadaeb kami sa bits. Daeb? Haha. Nakarating pa ako kung saan saan kaya naging napakalaking blessing ng Ate sa amin. Hindi naman namin mararanasan ang ganung bagay kung hindi siya nablessed at naishare niya nga yun dito sa Pinas. Maraming salamat my dear sissy sa lahat ng good times and good memories. Salamat sa saglit na pagdalaw. Salamat sa lahat ng blessings. Mamimiss kita. Mamimiss ko mga anak mo. Mamimiss namin kayo. At sige na nga, mamimiss kong magenglish. Etong sa inyo: Pak! ♥ Pak! ♥ Pak! ♥ Pak! ♥ pagmamahal mula dito sa Pinas (sound effects sana yun eh). Thank you Lord sa lahat and til next time. 'Til next year. :D Magbaon ka ng mas madaming pera para masaya. Haha. God Bless. Have a seyp trif. Mwah.


From YOW With L.O.V.E. [Long Oblong Vecause Education] --- huh?!
                                                                                                                                                   


Happy FATHER's Day nga pala kay Amang Pogi.

Mahal na mahal ka namin Daddy. Wala ng hihigit pa sa aming Ama. Kami ay lubos na pinagpala dahil may Tatay kaming kagaya mo. And I am grateful na ikaw ang naging Itay ko. We love you. We miss you. Hope to see you soon. Mwah. :D God Bless.

Wala kayo sa tatay ko, may Driver's License na imported. Pak!

Thursday, June 17, 2010

From Yow, with Love.

HAPPY BIRTHDAY Nanay, Momzki, Mudra, Ermat!

Ngayong araw ay espesyal para sa aking pinakamamahal na Mother dear. Makiisa kayo sa akin sa pagbati para ang araw ng aking ina'y maging happy. Konting tiis na lang Ina at ako'y makakatapos na. Maghintay ka, bibilan kita ng mansyon at sabay-sabay tayong kakain dun ng Happy Haus Donut para nga naman ang ating bahay ay maging happy. Namimissed ka na namin Mommy. Ikaw ang number 1 na Nanay sa buong mundo (gaya din ng nanay ng iba). I labyuu so much. Mwah. :*

At dahil special ang birthday mo, kahit nagnuknukan ka ng layo, may alay akong video sayo. Yowsters, hindi ako ang hayop na yan ok? DI ako gagawa ng ganyang karumal dumal na krimen. Haha. I love you Nanay.

Nagmamahal,
YOW. :D

Humayo Kayo at Magpakarami.

Isang magandang libangan ang blogging especially kung passion mo ang pagsusulat. Sa pagsusulat lang ng kung anu-ano eh malilibang ka na, maari ring nakalilibang ka. This is also an effective way of expressing one's self. Mabango man yan o mabahong utot, sa blog pwede mong isabog yan, at maraming tao ang willing na lumanghap ng iyong pasabog. Kaya di na ako nagtataka kung bakit ang dami pumapasok sa mundo ng blogosperyo. Tignan mo nga't pati ako eh nakiisa, kahit pipityugin lang ako magsulat, at least nakakapagsulat. Yun naman yun eh.
Actually, isa itong welcome remarks sa dalawa kong kaibigan na nagtatag na rin ng sariling bahay-bakasyunan sa Blogosperyo Village. Kabod na lang silang nagdecide na magbablog din sila dahil na rin sa pansariling mga dahilan. Ipapakilala ko sila sa inyo.

Unahin natin si Ungaz. Nakatatandang kapatid siya ng espren Greta ko at member ng pesbuk fanpage na "Ikaw, Sila, Tayo, Ako, Mga Batang Ayaw Yumaman", paikliin natin ---- ISTAMBAY. Kahit na siya ay may madugo, mahirap at busy na buhay bilang taong bahay, naisingit na rin niya sa wakas ang blogging. Sa kanyang self-titled blog na ungaz, nilihim niya ang kanyang pangalan. Ayaw niyang malaman ng ibang tao na siya ay isang hermaphrodite, taong dalawa ang ari --- ayon kay Best Wiki P. Edia. Joke lang. Haha. Pamisteryosa si Teddy Ungaz. Kaya di ko sasabihin na ang pangalan niya ay Monna Darie. Wow. Pinagisipan ang pag-jumbled letters na yan. Bawal magalit, dahil galing na din sa blog mo: 
walang kaibikaibigan o kama-kamag-anak!Laglagan na...hahahaha!kaya LET'S GET IT OOOOOOOOONNNNNNNNNNNN.......
Si Bamba Fierce naman ang isa. Sa ngayon ay wala pang laman ang blog niya dahil under construction pa ito at inaayos pa ni Engr. Yow. Matapos ma-inspire sa pechay ni Baklang Maton, pumasok na din to sa Blogosperyo village at magtatayo ng Pinky Land. Bukas makalawa, baka magulat na lang ako, bessy na sila ni BM. The BM-BF Friendship. Haha. Cute. Mukha namang magkakasundo sila dahil marami silang pagkakatulad. Sa pagkamaton pa lang, di papadaig si Ditseng Bamba. Haha. I'll be waiting for your first post Bambert, I mean, Bamba. Haha.

Dumadami na nga ang friends ko na blogger. Tunay nga naman pala ang sinabi ni Bro. Humahayo na nga kami at nagpapakadami. Greta, tumira ka na din ng blog ulit. Haha. Sa aming tatlo, Good luck sa atin. Tatlo na tayong magbabasahan ng mga blog. Yey!

Til here. Bye. Pak!

First Day High

Kasabay ng aking pagbabalik sa pasikot ng mundo ng blogosperyo, may epal din na nagsusumiksik at nakikigaya ng trip ko na pagbabalik ---- balik eskwela na mga ate at kuya. Hindi na ako high school, maganda lang i-title kasi nakakahigh ang first day. Ayun oh? Nailusot ko yun. Naitawid ko yun. Pak!

Kanina nga ang first day of school namin. Extended kasi ang bakasyon namin ng isang araw kaya di kami nakiuso sa buong bansa na tuesday nagpasukan. Euw. Walang originality. Pasukan na naman nga, (so dapat paulit-ulit? e maske, wala ako masabi.) balik na naman kami sa pagkukumahog (ows?), pagsusunog-kilay (di rin!), pagsusumikap (weh?!) at pagpapakadalubhasa (payn!) sa loob ng paaralan. Medyo masakit pa sa puso ko na isipin na pasukan na kasi galing ako sa bakasyon-grande na kinaiinggitan ng lahat last summer. Saka ko na ikukwento yung sobrang dami naming pinuntahan, ash in shobrang demi telaga perro kahit tiring suuupper enjoy nomon. Pacute?! Potaness. Haha.

Ang aga ko gumising kaninang umaga para di ako malate sa 9 AM first period ko. Gusto ko simulan ang school year ng siksik, liglig at may umaapaw na energy para positibo datingan, umaasa na madala ko hanggang matapos ang school year. Edi ako na ngang energetic, todo gayak with smile on my face, big smile on my artistahing face. Ne? Nung ramdam ko na kuntodo porma na ako sa aking super fashionable white polo, black pants at black shoes na nakatingala, lumarga na ako papunta sa maghahatid sa akin na limo ng biglang...

Yow: Pahatid na ako sa kanto, hinihintay na ako nang early flight ko papuntang school.
Cuz: Di ka nga maihahatid Yow eh, pinanghakot ng palay yung limo.

Kahindik-hindik, kagila-gilalas at katumbling-tumbling ang pangyayaring ito. Handang handa na ako makipagkumustahan sa aking mga Bests eh tsaka may aberya. Kapag di ko pa naman naabutan yung flight ko I'll be late kaya takbo ako sa trike station para dun na lang sumakay. Ayoko man mag-commute pero kailangan. Pagdating ko dun, ako pa lang ang pasahero, wala pa yung co-passengers ko na matindi kong kailangan para di ko bayaran ng solid ang hayup na pamasaheng ginto. E di hintay... hintay... hintay. Hanggang sa naubos ang oras. 8:30 na ako naalis sa aming airport at umasa na lang ako na umabot pa ako.

Nung natatamaan na ng hangin ang aking mukha habang umaandar ang lumilipad na trike, bigla ko narealize na unang klase pa nga lang pala. Akala mo naman may hinhabol akong make or break exam na magtatakda kung gagraduate ba ako o hindi. OA Yow ah? Tsaka ko sinampal ang ate na katabi ko sa trike para magising ako sa katotohanan. Ayun, pinaglisikan nya ako ng mata. Pero at least, ako eh kumalma. Pak! At yun na nga, nakadating din ako sa aking mahal na eskwelahan. I'm back, DLSU! Di Lang School Un, catholic school kaya ako.

Pagdating sa room, andun na si Sir. Gamit ang aking Eh ano kung late? First day naman attitude, lakas loob kaming nagtuloy-tuloy sa loob. Di lang ako late, madami kami. Sa katunayan, si Sir lang tao sa loob ng room, nagsasalita mag-isa habang hinihintay kami. Joke lang. Haha. Puro orientation lang ang ginawa ng lahat ng prof namin, lahat sila nagbigay ng overview ng subject na ituturo nila. Buong araw naging busy kami sa pagkukwentuhan.. ahmm.. story-telling.. ahmm.. kwentuhan. Grabe. Tiring day ah! Imba. Pero yun naman talaga halos pinapasok ng mga estudyante sa unang araw ng pasukan. Ang makita ang mga kaibigan o grupo ng kaibigan, magkwentuhan at maglibot kasama pa din ang first day friends. At bukod dun, ang mahilab-hilab at mainit na baon --- suhol para magtiyaga, energy-source ng lahat ng nag-aaral.

Sa hampas na naman ng hangin sa aking mukha, this time sa ceiling fan nagmumula, bigla ko narealize na Sh*t! Forchir na pala kami. Ilang cart wheel, back flip, touch jump, back and front hand spring na lang pala eh tapos na kami, magboboard exam, magiging rehistrado, yayaman, magkakamansyon at magpa-franchise na ng jollibee. Ang bilis talaga ng panahon oo, Parang kailan lang, alaga ko'y musmos pa lang. Alaga? Ahmmmp.

Kahit pagod akong nakauwi sa bahay, masaya din naman ang naging pagod dahil masaya din naman ang first day ng balik-eskwela ko. Excited na ako sa second day.. ikalawang araw palang, nagannounce na agad na walang pasok. Perfect! Bakasyon na ulit. Haha. Pero si Yow ay estudyante mode na naman. I promise to take care of my studies as well as my blog, dapat walang mapapabayaan. Kahit bumagsak, basta may blog. Para sa apat na mambabasa. Tira to!

Okbye! I'mma see you guys next time.
Pak!

Tuesday, June 15, 2010

Hiyaaa!

Ang dami ko gusto ikwento pero di ko pa alam kung saan magsisimula. Kaya eto, susubukan ng inyong lingkod na magmovie review. Ngayon ko lang to gagawin mga yowsters. Yowsters? Fans club ito. Haha. Hi sa inyong tatlo.Ü

Ayoko sana tong gawin kasi isa na naman tong kakapalan ng mukha. Amp. Hindi naman ako madalas manood ng sine. Mas madalas ako mag'abang ng dvd ni kapitbahay, ni classmate at ni ate at kuya sa bangketa. Practical lang po OMB. Pag binayad ko kasi sa sinehan, ako lang makakanood. E pag dvd, maipapahiram, mahihiram, maiseshare sa lahat. Eeeehhh.. I'm so thoughtful. Ü

Pero eto na nga. Lets talk about the movie starring Jaden Smith and Jackie Chan --- The Karate Kid.

Isang buong pamilya kami nanood ng Karate Kid dahil gustong gusto ng Ate ko ang anak ni Will Smith na yan na kung makasplit eh patayo. Ang giliw ng Ate ko jan... parang proud Momma. Isang inspiring story ang Karate Kid. Si Dre Parker (Jaden Smith) ay isang black american (nahalata niyo? mahirap i-identify eh) na naglumipad at naglumipat sa China. Pagdating dun, nabugbog siya ng batang Jet Li. Kung makataga at makapanisod yung bata na yun, walang bukas. Kaya kawawa ang batang Dre. Bakit siya binugbog? Dahil kinausap niya yung bench girl na, of course, intsik na marunong magingles. "Yor so pani." wika yan ni bench girl, patunay na marunong siya magenglish. Marunong ok? Marunong!

Nung minsan nagumeport na gumanti ang Dre sa nangbugbog, sinabuyan niya ng euwee shit yung Jet Li group. E di ano napala niya? Hinabol siya ng mga kolokoy na nakakatalon ng mga bubong. Nung naabutan, bugbog sarado. Nakupot. Dahil ang motto nila Jet Li boy eh 'No Mercy', kaya tumba na ang Dre, gusto pa suntukin. Papasuntok na.. Ayan na.. Malapit na... Boogsh! Pinigil ni Mr. Han (Jackie Chan) ang kamay ni Jet Li boy. Pinagtanggol niya sa anim na bumubuo ng Jet Li group ang Dre. Tapos, FAST FORWARD, tinuruan niya ang Dre at sinali sa kung fu tournament. Kaya siya naging The Karate Kid. 

Pambihira ang naipahatid na message sa akin na mensahe ng pelikula na ito.
"Ang Pilay ay may K sumipa ng patumbling."
Yan ang moral ng story. Yan din ang nagpanalo sa Dre.
Maganda yung movie. Nakakatawa at times. Worth watching for naman.
Kaya pila na sa mga sinehan. Well, sa movie house ko pinanood to. Mayaman. :]


In fairness, aminin niyo. Ang pangit ko magmovie review. Haha. Para sa mas magandang review, try this one!
                                                                                                                                                         

Pero eto talaga ang eksena:

After the movie, gumamit ng comfort room ang aking mga kapatid. At ang istoryang ito ay naranasan ng aming bunsong sissy, si Siszet.

EKSENA: Siszet -- nakatayo sa pinto ng female comfort room. May lumapit na batang lalaki, nasa 9-11 years old ang itsura.

Batang Lalaki: Ate, pwede ba ako pumasok sa loob (CR ng babae)? May hinahanap po kasi akong babaeng sexy, maganda, maputi at mayaman eh.
Siszet: Ay. Di ko alam eh. [Sabay bumukas ang pinto at may lumabas na double-sized Momma.]
Batang Lalaki: Ay! Mama, anjan ka na pala. Ang tagal mo...

Orayt! Yan ang batang may mayaman, maganda, maputi at sexy na Mama. Turuan ba o Katotohanan? Kayo na ang humusga.

Bye. Pak!

Ang Pagbabalik.

"Pakapalan na ng mukha pero babalik ako sa pagbablog."
Yan ang nasabi ko habang nakaupo sa sasakyan at ngumunguya ng chichacorn galing sa Ilocos Norte. (Akala mo kung sinong sikat na blogger eh no? O well, namiss naman siguro ako ng 3 kong mambabasa. Pang-4 ako. Ooohh... Famous!) Nagbusy-busyhan ako kuno sa aking buhay sa nakalipas na buwan at nagpromise, as in nagswear, na gagamitin itong dahilan kaya di ako nakakapagblog.

Eto na nga. "Busy ako, di ako makapagblog."
Totoo nga kase. Hayaan nyo akong mag-reason out sa inyong tatlo lahat na aking mambabasa.

Nakihitch ako sa isang bus ng 5-star noong April 11, 2010. Papunta pa lang Maynila ang bus, sakay-sakay ang kulto ni Mang Narsing, para mag-affiliation sa pook-bulaluhan at sa tagisang utak center. Nakihitch na lang din naman ako, nakisali na din ako. Napalayo ako sa piling ng aking mahal na laptop kaya di ako makapagpost ng bagong entry. Bukod dun, busy ang buhay Maynila ng mga tubong nayon. Kailangang mag-aral, maglibot, magkwentuhan, maglibot, magbonding, maglibot, gumawa ng requirements at maglibot. See? I'm effin' busy. Ni hindi ko na maalagaan ang sarili ko sa sobrang subsob sa buhay nursing. Walang time for fun and pleasure. Wala talaga. As in!

Eto pa. Pauwi na ang Ate ko galing abrowd, isang nurse abrowder. Planado ang uwi niya at talagang may listahan pa ng lilibutin na mga lugar siyang pinadala sa amin. Dala pa niya ang bagong cellphone ko na handog ni Ermats at Erpats. Dumagdag pa sa pressure na ang aking Ate ay pinagpala ni Bro para maging galante, e di naloko na. Nakaramdam kami ng mahitik-hitik na excitement sa kanyang pagdating. Kaya ayun, naexcite na lang ako, hindi na ako nagblog. Kasarap maexcite, in fairness.

Huling alibi ko na ito. Hindi na kailangan ng kung anu-ano pang explanation. Wala ng sabi-sabi. Wala ng dahilan. Pwede na tong direkta sa punto. Yung tipong wala ng paligoy ligoy pa. Kapag sinabi ko palang, gets nyo na. "Tinatamad ako. :D"

Sa nangyaring mga kaganapan sa buhay ko, madami akong nasayang na oras sa piling ng aking blog. Kung sana nagpost ako, baka lima na kaming bumabasa nito ngayon. Sayang! Kaya patawad na aking fans at sorry blog. Naging pabaya akong blogger. :( Ang pangit tuloy ng Talaan (sa gilid) mo, walang para kay May. Sinubukan kong humabol pero nadapa ako. Kaya sorry na oh? Ang dami ko ng ideas na naisip na nawala na din sa drafts sa aking bright mind. Magiisip na lang ulit ako ng bago por ol opyu. Subaybayan nyo ang aking pagbabalik. Maexcite ka. Show me some excited face. C'mon. Aylabet.

P.S.
Mga friends, oo, kapatid kita o matalik na kaibigan, pero pwede magparamdam. In fairness talaga, pwede naman. Try mo naman ifollow at magcomment. Followers, comments, suggestions and violent reactions are sooooo welcome. Please? Nagmamakaawa mode. Ne? Haha. Sige na kasi.

Bye. Pak!