**************************************************
BEFORE:
- Mababang bakod: CHECK.
- Walang tao sa kalsada: CHECK.
- Walang rumorondang security guard: CHECK.
- Posture and Confidence: CHECK.
Orayt! We're ready. Nauna akong umakyat at tumawa ng tumawa nung nasa tuktok na ng bakod tsaka bumaba. May padaang sasakyan kaya kunwari pagpag damit sa gilid ng kalsada ang trip ko. Sumunod na si Zetlog na nakablusang nagkulang ng tela sa likod at nakaleggings. Umakyat siya at nag-take time din sa pagtawa sa tuktok ng bakod tsaka bumaba. Parang walang nangyari tsaka kami naglakad papuntang simbahan. Buti na lang at wala ang mga guardia at kung nakita kami ay malamang dalawa lang ang bagsak namin nun. Unang bagsak, sa Bgry. Hall ng BF Homes kausap namin si Kapitan Jeremy Marquez at nagpapaliwanag ng krimeng aming ginawa. Pangalawang bagsak, sa lupa at malamang nabaril na kaming magakapatid dahil napagkamalang akyat-bahay.
Pagdating sa simbahan, hinintay pala kami ni Father bago magsimula kaya pag-kaupo namin tsaka pa lang sila nag-entourage. Badtrip nga lang, ENGLISH yung misa. Hayysss...
**************************************************
DURING:
For the first time ulit, nagkaroon ng maliit na reunion ang aming pamilya last Christmas. Magkakasama kami ng natitira kong mga kamag-anak nag-celebrate ng Christmas sa Cambridge Village sa Rizal. Masaya pala ang ganun at ramdam na ramdam mo ang pasko dahil may kasama kang pamilya. Apat na taon na din kasi ang nakakalipas simula nung last na nag-pasko kami na kumpleto kaming pamilya kaya nung nag-sama-sama kami, somehow, napawi ang pangungulila sa magulang. Ang Pasko talaga sa Pinas eh ang pag-sasama-sama ng pamilya.
Enough with the drama. Ang saya talaga ng Pasko ngayong taon kahit na hindi masyadong masarap ang handa. Oo, maisingit lang ang pangungutya sa handa ng Auntie kong balik-bayan. Dahil nga 100 years na siyang nanirahan sa America, uwi-uwi niya dito sa Pinas ang mga paraan at masarap 'daw' na luto nila doon. Kung masarap ang tawag doon eh I need to see a doctor at may dysfunction na ata ang aking taste buds. Pero maliban sa pagkain, di mapapantayan ang joy na mayroon kami sa pagsalubong ng birthday ni Bro.
Happy Birthday Bro. Merry Christmas everyone. :)
Isa sa main event ng pasko ang gift giving at talaga namang lahat eh matutuwa kapag nakakatanggap ng regalo. Isa-isa ng pumwesto sa Christmas Tree ang aming mga Santa Claus at nagpamigay ng mga gift. Excited na akong makatanggap at ayan na nga, tinawag na ang pangalan ko at may tatanggapin na ako. Eto ang dalawa sa memorable gifts ko last Christmas:
FIRST GIFT:
Sa lahat ng hindi nakakaalam, Joshua ang tunay na pangalang ng inyong lingkod at Yow ang aking palayaw. Ngunit na confused ako sa tunay kong pangalan ng matanggap ang regalong ito (Right Image >>>>). Sino si Jushua? Sino ba talaga ako? Salamat Mamiee Neeeneee sa gift. Akala niyo po kayo lang wrong speliing?
SECOND GIFT:
Tama na sa wakas ang pangalan pero yung totoo?! Second choice lang ba ako sa regalong ito at may Dilbert na burado sa bandang taas ng pangalan ko? Sabihin mo Fr: Ate Ajig, di naman sasama ang loob ko.
Pambihira! Pero Thank You pa rin Kuya Patrick Ate Ajig.
Ikaw, how was your Christmas celebration?
**************************************************
AFTER:
After Christmas day, umulan ng biyaya at talaga namang ang yaman ko. Joke lang. Sapat lang pala dahil mas mayaman ako last year. Kaya anu pa bang gagawin sa pera kundi lustayin. Hindi pa kami nakakanood ng MMFF (Enteng Kabisote for sure!) dahil undecided ang sissy dahil ibabayad pa daw namin sa sinehan ang 3-month old kong pamangkin na wala namang kamalay-malay sa mangyayari. Kaya ngayon, nalilito pa kami kung itutuloy ba ang planong ilagay sa paper bag o ibalot ng gift wrap ang niece ng Yow. Namasyal kami at namili SILA kahapon sa Greenhills. Yun lang. Wala namang magandang nangyari bukod sa napagod ako sa pagbuhat ng pamangkin ko, may nakita akong restaurant na Le Ching Too (Leche ka rin!) ang pangalan at may nakita akong parang pamilyar na damit na katulad ng akin. Eto oh:
May ganyan din akong damit. Tuwing Friday ko lang isinusuot at ginagamit para makapasok sa school. Pero etong si Kuya eh ikinagulat ko ang paglilibot niya sa Greenhills ng naka-Friday shirt ng aming school. Lunes naman kahapon at pinanluwas niya ito ng Maynila mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Tumitingin pa nga siya sa akin dahil malamang mukha akong pamilyar sa kanya, peymous kaya ako, joke lang. At sa malamang, napansin niyang nagulat ako at nakafriday shirt siya.
Hanggang dito na muna ang kwento, see you na lang ulit after 2 weeks ng pag-hiatus. Paalam. :) Pak!