Saturday, December 11, 2010

Meet Zetlog.


Sixteen years ago, December 11, 1994, may bagong salta sa pamilya namin na umagaw ng trono ko sa mata ng aking mga magulang. Akala ni Mamang at Papang dati ako na ang bunso sa aming pamilya. Huling hirit na ako dahil may katandaan na sila parehas at mahihirapan na sa pagbubuntis ang aking ina. Ngunit, subalit, datapwat dala na rin ng ihip ng malamig na hangin dahil magpapasko noong panahon na yon, nag-painit ulit ang payrents ko at pak na pak na nakabuo for the 6th time (hobby lang, sorry naman). Nabuo at naging laman tiyan na nga ng aking nanay ang huling miyembro ng aming pamilya. Payn! Welcome Christine Lyzette Torres Villangca. Zetlog for short, ang babaeng "bekols".


Zetlog and Yow.
Menopausal baby ang aming bunso, ibig sabihin "latak". Pero kung iisipin, lahat ng menopausal baby ang nakakakuha ng pagpapala. Siya na ang bright! Siya na ang pinakacute nung baby (lang)! Siya na ang tumatalent! Hindi ko alam kung may kinalaman doon ang unti-unting pagkawala ng regla ni Nanay pero ganun na talaga, sa bunso napupunta ang lahat. Bigla tuloy ako napaisip, parang menopausal baby din ata ako? :)

Ako ang bunsong lalaki (Oo, Yow, paulit-ulit? Paulit-ulit?) at si Zetlog naman ang ultimate bunso at ang bunsong babae. At dahil dito NEVER kaming nagkasundo nung bata pa kami. Lagi ako napapagalitan ng Nanay dahil sinusuntok, sinisipa, tinutulak at inaaway ko si Zetlog nung bata pa us. Kahit sermon at palo ang kapalit nun, fulfilling pa din sa pakiramdam ang mapaiyak ko siya. O di ba? Tunay na ehemplo! Kapag magre-reminisce ako ng  aking childhood, puro away kay Zetlog ang naiisip ko. Perpek!

Nag-high school ako at si Zetlog ay nasa elementary. Panahon ito na napakadami kong barkada sa barangay at kami ang mga tambay sa bawat kanto tuwing umaga at barangay tanod naman sa gabi. Lagi akong laman ng kalsada noon, in short, palaboy. Inggit na inggit ang Zetlog nun dahil paymous ako at madaming friends. Kaya naman nagsusumiksik siya araw-araw at pinagpipilitan ang sarili sa amin.

Zetlog: Dikong, sama naman ako maglibot. Sige na? *insert makaawa face*
Yow: Wag ka nga! Bata ka pa. Dito ka lang sa bahay. Tsaka ka na sumama kapag teen ka na.

Yes naman. May requirement talaga ako noon para sumama siya sa amin. Makapagexcuse na lang. Ayoko talaga siya kasama noon dahil magsusumbong lang siya kay Nanay na kung saan saan ako nakakapunta. Isa pa, kunwari ulirang kapatid, ayakong makisali siya sa kagaguhan ng mga barkada ko nun kaya iniiwan ko siya sa bahay para magre-pack ng cocoa. Nawalan na lang ako ng ilulusot nung nag-thirteen na ang sissy. Buti na lang, nawalan na din ako ng friends nun kaya wala na kami makakasama.

Noong nagsimulang maging home boy na lang ang Yow at nawala na ang itchiness ng bungang-araw dahil sa kakalakad sa kalsada maghapon, puro si Zetlog na lang ang nakikita ko. Pinagbawalan na kasi ako maglibot ng Nanay ko dahil nalaman niyang nagnakaw nanguha kami ng mangga sa bukid ng kung sino mang farmer. At this point, I had no choice. Wala na ako friend kaya naman si Zetlog na ang naging sandigan ko at naging kaibigan. Nandoon pa rin ang bangayan namin dahil umaartii na siya, nagdadalaga kunwari pero mas naging close naman kami as in real tight! Naghahanap pa naman kasi ako ng kaibigan, nasa bahay lang pala matatagpuan.

Kakaibang trip? Yun kaming magkapatid. Magpapatugtog ng malakas sa bahay, sabay magsasayaw ng weird dance moves at showdown ito. Sayaw ng langaw, palaka, kangaroo, itik, o bayawak pa, naipangbato na namin sa showdown. Kapag nag-senti yung tugtog, upo naman sa sofa at magkakantahan. Babanatan niya ako ng falsetto niya at titirahan ko naman siya ng crescendo (kung anu man yun) sa awiting pinamagatang Nothings ganna chains my Love poryu. After ng tagisan ng talento, talk show kwentuhan naman gamit ang sarili naming language at english dictionary. For example, "Pring kling iskring. Sizzlinghot, you know what? I'm hungryful. I want some delicacy food of the spirit." Nagets mo? Bute ka pa. Bihira ang may makagets ng delicacy eh. Hindi ako magtataka kung bakit ang dami nagtitinginan sa amin kapag nag-uusap kami ng ganto sa publiko. What's wrongage with that? You Frik!

Sa lahat ng tao sa paligid ko, I never thought I would end up having my sister as one of my best friend. Nagsimula kaming magkagalit, sa huli kami din pala magkakasundo. I am so blessed to have a sister like Zetlog. Sobrang mainitin ulo ko lalo na kapag naghahanap ng nail cutter o kaya ay naglilinya ng balat ng egg para makabuo ng mosaic pero nandiyan si Izet na kahit halatang natatakot sa galit ko eh patatawanin ako para kumalma ang puso ko.

Recently, na-snatch ang wallet ni Zetlog with her whole allowance in it. Pagdating niya sa bahay, umiiyak siya at umakap sa akin. Pang-MMK ang eksena at nakavoice over na si Dear Ate Charo Santos-Concio. Nagulat ako at akala ko kung ano nangyari. Dikong lang siya ng Dikong kaya kinabahan ako. Akala ko may nangbastos sa kanya o anu man, kaya handa na akong sumugod sa pinanggalingan niya dala ang itak na pamana ng aming ninuno at ipagpapatayan ko siya maiganti lang. Maya-maya pa, nagkwento na siya at nakuha nga daw ang wallet niya. Na-overwhelm ako sa iyak niya at sa MMK moment kaya kinabahan ako at nung narealized ko na wala naman palang pangbabastos na naganap, ang tanging naisagot ko na lang ay "Ang tanga mo naman!" Hindi pala nakaktulong yung sinabi ko, kasi naman sissy, pinakaba mo me. Sorry naman.

That time, naisip ko na di ko kayang may mangyaring masama sa aking kapatid, sa aking sissy, sa aming bunso, sa aking best friend. O kahit naman sino sa aking pamilya, hindi ko kaya! Kaya from then on, nag-promise na ako na babawasan ko na ang magbitiw ng masakit na salita kapag nanakawan ang isang tao. "Tanga" na lang, para one word na lang. At syempre, babantayan ko na sila. Makapaghinto na ng pag-aaral maging body guard lang nila.

Ang dami ko na sinabi eh babati nga lang pala me. Happy Birthday Zetlog. You know your Dikong loves you so much so be safe. Make us proud. Thanks for everything. You're a blessing sissy. Nagmamahal, Diksy YOW. :)

39 comments:

  1. Hang sweat nman ni koya. Happy beerday ke zetlog!

    ReplyDelete
  2. Bigla tuloy ako napaisip, parang menopausal baby din ata ako? - natawa ako dito

    nainggit ako sa kung anuman ang meron kayong magkapatid. wala kasi ako nun.

    Happy Birthday Zetlog!!!

    ReplyDelete
  3. Grabe ka Diks. Kelangan emosyonal ako habang nagtatype? :'))SALAMAT NG SOBRA DIKS. Thank you for being my best friend and for being there all the time. I love you so much. :) :* Nakakaiyak naman tu oh.

    ReplyDelete
  4. wow very emotional nga ito...you make me proud for both of you..your both talented and intelligent...it comes from God not from anyone else...continue to grow in love...love you both..happy birthday sissy...

    ReplyDelete
  5. Awts! Hangswet naman! Masarap siguro ang merong kapatid. Only child kasi ako. Ilang taon na ba si Zetlog? Mukhang cute siya. LOL! Haberdey! :)

    ReplyDelete
  6. hala kaswit naman ni koya!!!

    happy birthday Zetlog :) wag ka na umiyak nag-uumapaw na kayamanan naman ang babalik sa pagkawala ng presyus wallet mo :)

    ReplyDelete
  7. ahahaha.. hangsweet lang o.. nyaks naman ang koya yow parang pinalatan ng kending maasim sa sobrang sweet... hahaha... Happy birthday kay zetlog.. nyaks o ang ganda kaya kuya huwag bantay salakay.. hahaha

    ReplyDelete
  8. Yun oh! ang sweet naman babati na lang pinahaba pa! lol... weh... dapat halikan mo rin si zetlog! para tipid sa bday geps! hahahahhahahha

    ReplyDelete
  9. Ok payn! aaminin ko nainggit ako sa inyo ni zetlog...

    Pangarap ko kasing magkakapatid ng babae. kaso di biniyayaan..

    Siguro kung nangyaring magkaroon ako ng kapatid na babae, Im pretty sure close na close kame hehehe.. (naishare lang)

    HAPPY BIRTHDAY Christine Lyzette!!

    ReplyDelete
  10. aww.. ang sweet.. tsk.. ako na talaga ang inggitera..

    hapi berday mam zetlogs! :)

    ReplyDelete
  11. sweet na sweet ang kuyta sa sweet sixteen ni bunso ah :]
    ang cute naman niya sir :]
    ka-age lang oh. haha
    la lang :]
    Happy Birthday sa kanya

    ReplyDelete
  12. bon anniversaire mademoiselle Zetlog!!

    quoi qu'il en soit, vous êtes très doux..

    cheers!

    ReplyDelete
  13. ahahahahaa.....ninakawan na nga sinabihan pang tanga...nagkamali lang ang tao e..ahahahaa..

    magtigil ka muna daw sa skul...para may pangbaon si sissy..

    happy bday zetlog..

    ReplyDelete
  14. sweet-sweet naman ng kuya yow ni zetlog. Happy bday sa kanya :D

    ReplyDelete
  15. sabi ko na berdei ni bestfriend sister mo eh.

    blessed birthday Zetlog.

    mapalad si sister mo may kuya yow siya.

    be blessed!

    ReplyDelete
  16. Nilalanggam naman to..pati dito umaabot sa keyboard ko ang langgam sa kaswitan mo sa kay Zetlog...
    Happey bertdei sa kanya...

    ReplyDelete
  17. ang sweet nyo namang magkapatid. . kailan ko kaya mahahanap ang ganyng kapatid nabibili bayan o pwedeng hiramin?hahaha

    ReplyDelete
  18. ang sweeeeeeeeeeeet! ganyan di kame ng akong sissy parehong pareho nyo ni zetlog, bunso din sya. Yun nga lang dalawa lang kameng mag kapati. Sorry naman late comment na.

    Alab this post!!!

    ReplyDelete
  19. Happy Birthday izet....Ambait naman ni Yow. Idol na kita...Pipigilan ko narin sarili kong maptay si greta.pero pustahan hindi natin mapipigil awayin ang kapatid.hahaha!!!

    ReplyDelete
  20. maemosyon!sige ikaw na ang ma-emote na dikong..

    Happy bday ulit izet!Blog nya to?

    at para sa comment ni sanse, o sige po, familia nyo na ang talented at bright.kayo na!(inggitera lang?) hahah

    ReplyDelete
  21. in short.. happy birthday zetlog.. ang bait ni kuya no?

    ReplyDelete
  22. ooh ang astig naman ng short na to hehe... happie bday zetlog :D

    ReplyDelete
  23. Happy Birthday Zetlog! I know your Dikong loves you so much so be safe. :D

    ReplyDelete
  24. tsuri naman at late na ang bati ko!!

    hapi bertdey Zetlog!!

    ang sweet naman ni Koya Yow! sana naging koya din kita....koya koya lika dito..laro tayo...nanay nanayan tatay tatayan...ahahahaha!!

    ReplyDelete
  25. Sana hindi na lang ako napadpad sa blog mo na ito. Ang sama ng ugali mo as a person, I hate you. Matapos akong mag-emo emo na wala akong kapatid eto ang igaganti mo? Mang-iinggit ka? Para akong na-in your face. Seryoso galit na galit at ngitngit na ngitngit ako ngayon... Huwag kang mapadpad sa Makati, ipapasagasa kita sa pedicab!

    Happy Birthday Zetlog!!! Sana nagkaroon din pala ako ng baby sister na kasingkulit mo hahaha

    ReplyDelete
  26. Salamat sa lahat ng naggreet! (Blog ko 'to?!) Haha. Kahit di ko ka-knowinggg. :D

    ReplyDelete
  27. Dikong pala ang tawag dyan sa nueva ecija, sa amin kasi sa bulacan DIKO lang, tapos SANGKO naman yung sumunod sa kanya!

    Naks, bidang bida ang kapatid mo dito ah,halatang halata eh, mas malaki yung picture mo kesa sa kanya!hahahah!

    Ingat

    ReplyDelete
  28. waaah, ang kulet muh, nakakaasar ka, pinapaiyak mo akuuu.. haha Ang sweet mong kuya, sana may kuya din ako, kaso wala eh, panganay ako, pero tulad nga ng sinabi mo, handa rin ako lumaban para sa ating inang bayan wag silang masasaktan. Ayuz! I lab you na! :}

    ReplyDelete
  29. Ang cute naman ng bunsoy nyo hehehe...ang swerte ni Zetlog may kuya siyang katulad mo...

    ReplyDelete
  30. belated happy bday kay zetlog. magkamukha kayo. pareho kayong artistahin.. ikaw na ang astig n kuya. give tnx kasi walang nangyaring masama ka zet.

    ReplyDelete
  31. mukang makulet 'tong utol mo na 'to. parang utol ko rin lang. dalawa lang kaming magkapatid at dahil dun, laging siya ang bunso at ako eh panganay. hindi ko naranasang magka-ate o kuya. pakshet lang.

    happy beerday na lang kay zetlog. ingatan mo 'yang utol mo na 'yan, yow. pag nahinog 'yan, nakikini-kinita kong maraming bubuyog ang aaligid. XD

    ReplyDelete
  32. bertdey si zetlog? pibertdey! mukhang may namumuong malisya.

    ReplyDelete
  33. ito lang masasabi ko---it all boils down to genes at maswerte kayo na nabigyan ku ng magagandang genes.hehehe

    ReplyDelete
  34. bossing..canned message to:

    PS; paki remove completely ng link ko sa bloroll mo. Then add a new one with the link:

    thegreatmaldito.wordpress.com

    expired na kasi ang domain ko and godaddy closed it completely.:(

    ReplyDelete
  35. natawan ko dun sa tanga na lang..hehe..kabait mo naman kapatid parekoy....at least nagbago ka na..nabawasan na yung pangaasara mo kay zetlog..

    ReplyDelete
  36. naks. bday ni zetlog. happy bday! hi na din.

    kung me kapatid lang me na girl napasaya ko rin sya like that.

    swerte nya to have kuya like yow

    ReplyDelete
  37. tataasan ko na bakod ko, baka expert ka na sa pag-aakyat ng bakod haha!
    at nangengealam ka ng luto ng iba...
    at nangengealam ka rin sa suot ng iba. hahaha!
    sikat ka raw e... nakakahiya raw makita mo naka-friday shirt sia haha!

    have a wonderful new year!

    ReplyDelete