Sunday, April 25, 2010

Halalan 2010

Ilang linggo na nga lang pala eh Eleksyon na. Kailangan na ng bagong set ng mga leader sa pag-awit ng Lupang Hinirang at panunumpa ng Panatang Makabayan. Saglit na panahon na nga lang ay magseshade na ng bilog na hugis itlog ang taumbayan.


At di ako kabilang dun.


Dahil umiral ang pagiging responsable kong mamayan, di ako nagparehistro ng maaga. Nung linggo na lang papasara na ang registration, tsaka ako umeksena sa kumilek at sumubok makapagparehistro. Pagdating ko sa cityhall, akala ko ako na lang ang di pa nakakarehistro. Nagkakagulo ang madlang pipol sa pagpila makakuha lang ng form. Mula city hall, kapag pumila ako sa dulo, nasa jollibee na ako at crossing na ng highway. Dun na ako nahirapan sa pagdedesisyon. Jollibee yun eh! Kesa sa city hall. Pero napressure pa din ako sa banta ni ermats na kailangan ko magparehistro. Kaya naman bilang isang Über responsableng anak at mamamayan, kumain na lang ako sa Jabee. :D

Saturday, April 24, 2010

BA.KI

San ka man nakatira sa ating bansa, makakaranas at makakaranas ka ng sobra sobrang kainitan, mataas na sikat ng araw at mahapding pagtama nito sa balat. Maalinsangan. Nakakapawis. Kaya hindi maiiwasan nating mga Pilipino na maging BAKI.


BAKI
- a term coined by joining the word BASA ( adj. wet) at KILI-KILI (n. underarm) ---- BAKI, Basang Kili-kili. 
- this is usually seen to individuals wearing top, mostly of gray color, with sleeves.

Yan ang Baki. Isang epidemya na walang pinipiling tao. Mayaman ka man o mahirap, mataba o mapayat, may maputing kili-kili o maitim, hindi ka exempted sa Baki. Sa masuring pag-aaral ng inyong lingkod, gumawa ako ng iba't-ibang lebel ng pagiging Baki. Narito at alamin kung saan ka napabilang, mapabibilang o napabibilangan.
  1. Mild - also known as "Cute Wetness" --- napabibilang dito ang mga pacute na baki, yung tipong parang nahihiyang lumabas kaya nakatumpok sa bandang gitna ng damit ang pagkabasa. Simple. Pwedeng itago. Iwas taas-kamay lang, di na halata.
  2. Moderate - maari rin tawaging "Galawgaw Wetness" --- ito ang pagkabasa na dulot kadalasan ng sobrang pagkilos o pagkagalawgaw sa katirikan ng araw. Di na lang gitnang parte ni kilikili ang apektado, buong kilikili na ang kinalatan nito. Sobrang pag-ipit ng kilikili ang dahilan ng pagkalat ng nasabing baki. Hirap na ang pagkilos kaya ang simpleng pag-unat ng kamay ay limitado na rin.
  3. Severe - matatawag ding "Flash Flood" --- nakasama dito ang mga pawis na nagkatawang tao. Ang wetness ay hindi na lang sa kilikili nakapwesto, nagextend na ito at umagos pababa ng dibdib o tiyan. Tila mo nadaanan ni Ondoy ang forestry nya sa kilikili at humantong sa gantong sitwasyon. Dilated ang sweat glands ng mga taong ito kaya naman tuloy tuloy ang pawis sa pagdaloy. Kadalasan, may kalakihan ang mga taong ganito at maari rin na ang simpleng pawis ay may kaagapay ng anggo na nanununtok at nanghihiwa ng ilong. Pagkahubad ng nabaki na damit, pigaan na lang at isampay. Okay na.
Ang baki ang resulta ng sobrang kainitan ngayon. Kung iisipin nga naman, El Niño ngayon, pero La Niña naman ang dinadanas ng ating mga kawawang kilikili. Ngunit anu't anu pa man, tanggapin natin ang katotohanan na tao tayo at normal na pagpawisan. Atin na lamang ipagmalaki ang pagiging baki dahil bakit ng hindi? Pinaghirapan at pinagpawisan mo yan. Uh yeah.

Tuesday, April 6, 2010

Mabuhay!

Bilang pag-gunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Bro. Sabay-sabay tayong lahat. MABUHAY!
__________________________________________________________
Happy Easter Bests! Nawa ay nagkaroon kayo ng makahulugang paggunita sa buong Holy Week. Nakakainip ang Holy Week pero napakahalaga ng pangyayaring ito sa lahat ng tao, lalu na sa fans club ni Bro --- tayong mga katoliko. Kaya kayo, tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan. Magpakabait na at magbagong buhay. Para di sayang ang paghihirap ni Bro sa pagtubos ng ating kasalanan. [Ang nagsasalita ay isang mabuting tao.]


Easter Sunday. Hindi naging normal ang araw ko na ito. Gumising ako ng napakaaga imbes na babangon ako ng mga alas-dos ng hapon. Depression. Wala akong nagawa sa paghuhumiyaw ng aking Sanse kaya napabangon na talaga ako. Ooo nga pala! Ako pala ang pinakamahalagang tao sa araw na ito. Mag-aanak ako sa binyag [again!] sa aking pinsan na di ko kilala. Paano nga ba ako kinuhang Ninong? Ganire.

Thursday, April 1, 2010

Heyfie Piyesta.

Kahapon, dinaos na ang fiesta ng minamahal kong nayon. Ayoko sanang ipost to sapagkat di ako nag-imbita ng kahit na sinong nilalang. Naisip ko naman, anu pa bang magagawa ng inyong bulyaw kung nakaraos naman na. Di din kasi kami naghanda ng marami at nakikichibog lang kami sa kamag-anak. Pero napadami din pala yung handa. At masuka suka na ako sa kakakain eh di pa maubos. Kahapon ko na lang naranasan ang mabusog ng ganun. Kain. Pahinga. Kain. Pahinga. Kain. Pahinga. Nun ko narealize na ang hirap pa lang maging patabaing baboy. Gluttony.