At di ako kabilang dun.
Dahil umiral ang pagiging responsable kong mamayan, di ako nagparehistro ng maaga. Nung linggo na lang papasara na ang registration, tsaka ako umeksena sa kumilek at sumubok makapagparehistro. Pagdating ko sa cityhall, akala ko ako na lang ang di pa nakakarehistro. Nagkakagulo ang madlang pipol sa pagpila makakuha lang ng form. Mula city hall, kapag pumila ako sa dulo, nasa jollibee na ako at crossing na ng highway. Dun na ako nahirapan sa pagdedesisyon. Jollibee yun eh! Kesa sa city hall. Pero napressure pa din ako sa banta ni ermats na kailangan ko magparehistro. Kaya naman bilang isang Über responsableng anak at mamamayan, kumain na lang ako sa Jabee. :D
Okay! Wala na sa topic. Ulet.
Sino ang Presidente mo? Yan ang tanong ni Chiz Escudero
Si Noynoy Aquino? The Momma's boy.
Siya ang nangunguna sa mga sarbey ngayon. Si kuyang na dala daw ng taumbayan kaya tumakbo. Dala ng apelyido niya ang appeal sa tao pati na rin ang di maikakailang nagawa ng ermats at erpats nya. Malaking factor pa na naging kapatid niya si Kris Aquino, lahat tuloy ng chismoso, chismosa, fanatic ng game show at higit sa lahat, avid viewer ng Kung Tayo'y Magkakalayo e malamang na Noynoy na.
Si Manny Villar? The Poor boy.
Si Villar na paborito si Annoying Orange sa youtube. Siya daw ang tunay na mahirap, ang tunay na malasakit at ang may kakayahan na gumawa ng sariling pangalan. Dati kaya siyang nagtrabaho sa NSO? Haha. Tagatype ng pangalan. Si Villar ang top commercial model ngayon kung magkakaron ng list. Kinabog si Sharon, Kris at Pacquiao. Pero siya nagpatunay na mayayaman ang mga squatters kahit mga taong kalye dahil... si Villar ang tunay na mahirap.
Si Erap Estrada? The Ex-President boy.
Makumbinsi kaya muli ang masa sa masigla at punung puno ng saya na mukha ni Erap sa kanyang commercial kapag sinasabi nya ang "May ginhawa"? Bukod sa hagod nyang buhok at makabagbag damdaming mababang tonong pagsasalita. anu pa kaya maipapakita ni Erap? Alam ko na... yung mabilis nyang suntok sa goons parang sa bff FPJ nya. Labet! Aasenso tayo.
Si Gibo Teodoro? The Smart boy.
Pambato ng administrasyon na binato na lang sa isang tabi. Parang hindi sya sinusuportahan naman. Talaga namang nagsasariling sikap sya na mangampanya para makahabol. Sayang. Bright child pa naman. Pambato pa kasi ni Gloria, nasira tuloy agad simula pa lang. Pero he deserves a round of applause kasi mangangampanya daw sya na di maninira sa kalaban nya. Rebulto for you! Kapag matalo, at least may rebulto. Ayieee...
Si Dick Gordon? The Power boy.
Pangalan pa lang, malaman na ng ibig sabihin. Haha. Siya daw ang transformer. Parang ayoko na ah? Bakal pala to. Baka lalu kalawangin ang Gobyerno at ang Pilipinas.
Si Eddie Villanueva? The Church boy.
Ayus! Try and try until you succeed ang drama ni brother. Kung tutuusin, karapatdapat sya kasi graduate ng Pol. Scie shit tapos maka-Bro pa. Kayang kaya nya pangunahan ang pagdarasal para sa ating bansa. Maganda yan! Sino nga ba ang kailangan ng ating bansa? Sagot: Eddie ako!
Si JC Delos Reyes at Nicanor Perlas? The Principle boys.
Mga matatapang na tao na sumubok ipaglaban ang kanilang paniniwala para daw maisaayos ang bansa. Parehas silang may sariling prinsipyo na alam nila sila lang makakapagpatupad. Eh ewan ko na lang parekoys. Pero unpredictable kung winner kayo ha? Haha. Mahirap magjude pero malay natin? Ayy. Pero imba yung asawa ni JC Delos Reyes. Dating modelo. Maganda. Like!
o
Ang nagiisang, nagsusumeksi at naguumeksenang babaeng presidentiable. Hindi daw sya sumasangayon na gumamit ng artista sa pagkampanya. Kaya naman nagkatampuhan sila ng
Ang magpapatakbo ng ating bansa ay nasa inyong mga kamay. INYO talaga. Kaya wag aksayahin ang boto. Pagisipan mabuti. Hindi ako nageendorse at di naman ako binayaran ng kahit sino. Sinubok ko lang na bigyan kayo ng overview ng mga kolokoy na tumatakbo. Pero kung ako tatanungin? Si..... Yow na lang iboto nyo. Hassle-free ang Pilipinas. Haha. Boto wisely and enjoy the automation!
No comments:
Post a Comment