Thursday, April 1, 2010

Heyfie Piyesta.

Kahapon, dinaos na ang fiesta ng minamahal kong nayon. Ayoko sanang ipost to sapagkat di ako nag-imbita ng kahit na sinong nilalang. Naisip ko naman, anu pa bang magagawa ng inyong bulyaw kung nakaraos naman na. Di din kasi kami naghanda ng marami at nakikichibog lang kami sa kamag-anak. Pero napadami din pala yung handa. At masuka suka na ako sa kakakain eh di pa maubos. Kahapon ko na lang naranasan ang mabusog ng ganun. Kain. Pahinga. Kain. Pahinga. Kain. Pahinga. Nun ko narealize na ang hirap pa lang maging patabaing baboy. Gluttony.
Okay. Fast Forward muna. SKIP.

Katulad ng ibang fiesta, may pagtatanghal na magaganap pag sumapit na ang gabi. Madaming plano ang kapitan dun sa solicitation letter na pinamudmod nya sa buong kaharian nya na kapag binalikan ng utusan mudmudero/mudmudera eh may kalakip ng pera (wink). Nakalagay dun may barangay night daw at Ms. Gay na labis na kinasabik ng aking kapatid (babae sya). Masarap daw manood ng mga baklang naguumisplit at bumubuga ng apoy. Kagabi na nga, nagpunta kami sa plaza. Nabalitaan na lang namin na hindi pala tuloy ang Ms. Gay. At lahat ng tao ay clueless sa magiging palabas sa plaza.

*Ngunit kamangha-mangha na kahit di natuloy ang Ms. Gay ay napuno ng lahing bampira ang plaza.

Umuwi muna kami at di pa naman nagsisimula. Iniisa isa pa lang ng lalaking naka-blue green sa stage ang mga tao sa aming barangay sa gantong format: buong pangalan + magkano ang nilakip sa solicitation letter. Nagkabukingan tuloy kung sino ang malupit na nagbigay ng bente at kung sino ang nagmagandang nagbigay ng isang daan. Bumalik kami ng late na para sure na simula na ng show. Sa kaswerte-swertihan naman namin, talaga namang umaatikabong akrobat pa ang aming naabutan. Dalawang lalaki at isang matandang babae ang bumubuo sa tag team nila ng pagsirko at pagbabali ng buto. Bumida at umeksena yung dalawang lalaki. Sige. Hala. Icha dito. Icha dun. Balibag. Nageenjoy naman ang mga tao at kapag nasasaktan na eh nagtatawanan. Sinamahan pa ng kabilib-bilib, kasindak-sindak, at kagila-gilalas na patawa power nung duo na lalaki. Sa 100 jokes nila, malugod na tinawanan ng tao yung lima. Si ateng babae na kalevel ni Madam Auring sa age bracket eh makislot kislot lang habang nagpapatawa DAW yung dalawa nyang kasama. Abot lang ang cha cha nya na off-beat pa. Napaisip tuloy kami kung yun lang ang gagawin nya dun. Di pala papatalo ang matanda dahil sa kanya ang huling eksena.

Ganire na nga ang ginawa nya.
Kumuha sya ng espada na isang 12-inch long at kalahati na ruler ang haba (tantya lang) at unti unti itong inilabas pasok sa lalamunan nya. Akala ata ni Ate ay yun ang kanyang kipay at nailagay nya dun ang kanyang obaryo kaya doon gumawa ng pampaligaya. Madalas na ako makakita ng ganung eksena sa TV pero di ko inaasahan na ganun pala kapangit panoorin yun. Haha. Matapos nya gawin ang buwis-buhat act nya, natapos ang kanilang performance.

Next. Pinakilala naman ang isang babaeng maganda sa malayo at maputi buong katawan. Pano ko nasabi? Dahil ang suot nya ay kulang ilabas na ang buo nyang kaluluwa. Umuurong na pekpek shorts + spaghetti strap na pangbata na pinilit nyang isuot. Presto! Ayan na sya. Kakanta pala sya. Akala ko eh magaanatomy and physiology sya sa madlang pipol.

Pampasigla ng lahat, kumanta sya ng party song:
"Can read my... Can read my... No he kench read my Poaker Pace. Shijasgatolabnobodi. (2x)"

Matapos ang madugong Poaker Pace, pampainlove naman daw si Uto ang kinanta:
"We were bowchang when I pursed sow you, I close my eyes and darchkness..."

Sa ginawa nyang yun, nakakuha sya ng masigabong.... WALKOUT! Nangalahati ang nakaupo sa sahig na mga tao.

Sumunod sa kanya ang pambihirang mahikero na sabi ng host ay from "Star City of Manila". Pawis na pawis sa mainit nyang tuxedo ang magician, todo effort sa pambata nyang magic, kaya sya ay nagantimpalaan ng patuloy na pagwalkout. Haha. Uminit lang ang eksena ng iperform nya ang pagputol kamay na magic sa isang bata na si Jimboy. Luma na din yun at nakakatamad ikwento dahil badtrip yung itsura nung magician. Parang yung lion sa Narnia. Ganun din kulay ng buhok. Tae.

Next ulit. Ang kapitapitagan na Crazy Duo. Sa pangalan pa lang, halatang siraulo nga ang lalabas. Magpapatawa daw. Ayun. Paksyet. Hinintay ko yung joke, di dumating. Eh matanda pa ata sa lolo ko yung lalaki na nagpapatawa, ngongo na nga sa kawalan ng ngipin. Green jokes pa. Kahit ako babae eh di ako maseseduce sa ginagawa nya. Amoy lupa na si Tatay di pa pagpahingahin. Binabatuk-batukan pa. Tinanggal pa yung sumbrero nung matanda, nakitang mahamog eh. Matapos nila magpatawa. Natapos ang show.

Yun na yun? Di nga? Ang dami nakuha sa solicitation at pati bayad ng perya sa kapitan, yun lang ang resulta. Yamung kinuha na lang si Dagul at pinagpasa-pasahan ng buong mundo baka natuwa pa ko. Nun ko narealized ko ang ilang mga bagay bagay:
  • Aha! Kaya naman pala nakabagong braces ang SK Chairman. At ang dati nyang bitswalk na salum-paa ay napalitan ng Havaianas. Di na ako magtataka kung naka-Iphone na sya bukas.
  • Aha! Kaya naman pala ayus na at fully paid ang affiliation ng anak ni Kapitan. Nakaadvance payment pa daw sa graduation.
Like! para kay Kapitan at kay SK Chairman. Haha. Wala akong sinasabi. Basta ako... Pogi. ;)

No comments:

Post a Comment